Chereads / My Clumsy Girl / Chapter 44 - Proposal

Chapter 44 - Proposal

Blessy's Pov

Lumipas ang isang buwan na nasa ospital ako at sa wakas pinayagan na ako na makauwi. Sobrang pagkabato ko na dito sa ospital. Madalang pa din akong puntahan ni Leo. Naiinis na nga ako dahil wala na syang panahon pa para sakin. Nagliligpit na sila Liam at Lucas ng gamit namin sa ospital. Dun ako magpapagaling sa bahay nila. Sabi ko nga sa bahay na lang ni mama kaso sabi kailangan ko pa daw na bantayan ni Lala.

"Ate tara na, pwede na tayong umuwi." sabi ni Liam.

"Ah ganun ba? Paano ang bill ko? Teka  magpapakuha muna ako ng pera." sabi ko.

"Ano ka ba naman Blessy, ospital namin to at isa pa papayag ba si kuya na pagbayarin ka? Hinding hindi." sabi ni Lucas.

"Eh kasi nakakahiya naman eh. Kayo na lahat gumastos." sabi ko.

"Ate, girlfriend ka ni kuya kaya pamilya ka na namin." sabi ni Liam.

"Tara na at nang makapagpahinga ka na sa bahay." pag aaya ni Lucas.

Ewan ko ba bakit sila lang ang sumundo sakin. Nagtatampo na ako kay Leo. Puro mga kapatid nya na lang ang umaasikaso sakin. Humanda sya sakin pagnagkita kami. Hindi ko sya papansinin.

Nakauwi na kami sa bahay nila at pinaakyat muna nila ako sa kwarto ko sa bahay nila. Nakakapagtaka kasi walang katao tao sa bahay nila. Nakatulog agad ako kasi medyo nahilo ako sa byahe namin.

Nagising na lang ako nang may humahaplos sa pisnge ko. Iminulat ko ang mata ko at nakita ko si Leo.

"Sorry kung hindi kita nasundo. Sobrang busy ko kasi at may importante akong ginawa. Biglaan din ang pagpunta ko sa ibang bansa." sabi nya.

Tinitigan ko lang sya at hindi nagsalita. Nagtatampo kasi ako dahil kahit sa tawag o txt hindi nya magawa.

"Galit ka ba my love? Sorry na." sabi nya. Hindi ulit ako nagsalita.

"Please naman Blessy kausapin mo naman ako." pagmamakaawa nya.

Napansin ko naman na parang pagod na pagod ang mukha nya. Ganun ba ka busy ito at parang wala itong tulog. Naawa naman ako. Baka nga may problema sa kompanya.

"Naiinis ako sayo. Kahit txt hindi mo magawa?" sabi ko.

"Sorry na talaga, hindi na mauulit love." sabi nya.

"Sige na nga. Pag inulit mo pa ito, hindi na talaga kita papansinin kahit kailan." sabi ko at tumango sya.

"Tara baba muna tayo. Nagugutom ka na ba? Gusto mo pumunta muna tayong garden?" tanong nya.

"Sige." sabi ko.

Dahan dahan nya akong inalalayan para bumaba kami at pumunta ng garden. Namangha ako sa nang pumasok kami ng garden at nakita ang ayos nito. Pinaupo nya ako sa bench, habang sya ay nakatayo sa harap ko. Dinampot nya ang gitara sa gilid at nagsimula itong tumugtog at kumata.

Two old friends meet again

Wearin' older faces

And talk about the places they've been

Two old sweethearts who fell apart

Somewhere long ago

How are they to know

Someday they'd meet again

And have a need for more than reminiscin'

Maybe this time

It'll be lovin' they'll find

Maybe now they can be more than just friends

She's back in his life

And it feels so right

Maybe this time, love won't end

It's the same old feeling back again

It's the one that they had way back when

They were too young to know when love is real

But somehow, some things never change

And even time hasn't cooled the flame

It's burnin' even brighter than it did before

It got another chance, and if they take it...

Maybe this time

It'll be lovin' they'll find

Maybe now they can be more than just friends

She's back in his life

And it feels so right

Maybe this time, love won't end

She's smilin' like she used to smile way back then

She's feelin' like she used to feel way back when

They tried, but somethin' kept them

Waiting for this magic moment

Maybe this time

It'll be lovin' they'll find

Maybe now they can be more than just friends

She's back in his life

And it feels so right

Maybe this time...

Maybe this time

Maybe this time love won't end

Pagkatapos nitong kumanta ay huminga ito ng malalim at saka lumuhod ito.

"Blessy simula nang una kitang makita ay naattract na ako sayo dahil sa pagiging clumsy mo. Akala ko ng una ay natutuwa lang akong pagmasdan ka. Pero bawat araw ay namamangha ako at lalong humahanga sayo dahil sa busilak mong puso. Pinaghiwalay tayo ng tadhana at duon nagsimulang gumuho ang mundo ko. Pero hindi pa din ako sumuko na hanapin ka. Ngayong natapos na nating ang problema ay gusto kong magsimula tayo ng bagong buhay magkasama." sabi nya.

Unti unting tumutulo ang luha ko. May kinuha sya sa bulsa ng kanyang pantalon at binuksan nya ito. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang singsing na may dyamante.

"Blessy, gusto kong makasama ka habang buhay. Gusto kong bumuo ng masayang pamilya. Mahal na mahal kita. Blessy, will you marry me?" tanong nya.

"Yes! Of course yes!" sigaw ko.

Isinuot nya ang singsing sa daliri ko at hinalikan ako ng buong pagmamahal. Magpapakipot pa ba ako? Saan ka pa makakahanap ng matino at mapagmahal na katulad ni Leo. Iilan na lang ang ganyan sa mundo. Natigil ang halikan namin dahil may mga nagpalakpakan at may sumigaw.

"Congrats! Kain na muna tayo!" sabi ni Chrys.

"Oo nga mamaya na kayo magkainan dalawa. Gutom na kami." sabi ni Vincent.

Nagtawanan naman ang lahat sa sinabi nila. Hindi ko napigilan ang umiyak ng makita ko ang pamilya ko na nasa Netherlands. Kumpleto sila dahil kasama ang mama ni Markus.

"Papa!" sabi ko. Lumapit naman sakin ang papa ko.

"Dont cry. I want you to be happy and i know that he can make you happy so i will give my blessing to both of you." sabi ni papa.

"Congratulations my dear." sabi ng mama ni Markus.

"Congrats sis." bati ni Markus.

Isa isa silang nagbigay ng mga pagbati sa amin ni Leo. Napansin ko na pati pamilya ni Chrys at Vincent ay nandun. Lumipat kami at pumunta sa likod bahay kung saan nakaset up ang mga tables at mga pagkain. Inalalayan ako na makaupo ni Leo kasama ang mga magulang ko at magulang ni Leo.

"When do you plan to hold a wedding?" tanong ng papa.

"As soon as possible Sir. We will have a wedding here first and then in Netherlands. Is that okay with you Sir?" tanong ni Leo.

"Is okay. Just dont forget to marry her in our country. Besides she's a daughter of a count." sabi ni papa.

Nag usap usap sila ng magulang ni Leo. Habang si Markus naman ay nakikipagkwentuhan kina Liam. Lumapit sakin si Leo at ipinatong ang ulo ko sa balikat nya.

"Thank you." sabi nito.

"Para saan?" tanong ko.

"Sa pagpayag sakin na magpakasal." sabi nya.

"Sigurado na naman ako na ikaw lang ang mamahalin ko eh so bakit pa kita papahirapan. Thank you din kasi hindi mo ako sinukuan." sabi ko.

"Mahal kita eh." sabi nya.

"Leo, magpapakasal kayo sa Netherlands?" tanong ni Chrys nang lumapit ito samin.

"Oo at hindi kayo imbitado." sabi ni Leo.

"Shit ka dude! Kala ko makapagbakasyon na kami sa Netherlands." sabi ni Vincent.

"Oo nga ipapakilala pa naman kami ni Markus sa mga friends nya duon. Badtrip ka talaga Leo." sabi ni Chrys. Binatukan naman ito ni Lucas.

"Naniniwala ka agad kay kuya. Para namang tototohanin nya na hindi kayo isama. Syempre isasama nya kayo kasi kailangan nya ng gwardiya sa labas hahaha." sabi ni Lucas. Napakamot na lang ng ulo ang dalawa. Nagtawanan naman ang mga tao.

"Sigurado ka ba Leo? Dodoble pa ang gastos natin para sa kasal. Pwede naman sakin na simpleng kasal lang eh." sabi ko.

"Sure ako. Aanhin ko ang kayamanan ko kung hindi ay ilaan ito sa mga mahal ko sa buhay. Isa pa pangako ko ito sa papa mo. Kailangan ko itong tuparin." sabi nya.

"Paano mo nga pala napapayag ang ama ko?" tanong ko.

"Simple lang, nagpunta ako ng Netherlands at hiningi ko ang kamay mo sa parents mo. Natagalan ako sa pagkukumbinsi pero atleast napapayag ko. Kaya hindi kita nabibisita sa ospital at nasundo kasi nasa Netherlands ako." sabi nya.

Tumulo naman luha ko. Hindi dapat ako nagalit ako sa kanya. Kaya pala mukha itong pagod dahil nanggaling pa ito sa bansa namin. Kaya naman sobra ko itong mahal ay dahil sa mga ginagawa nito. Saan ka pa makakahanap ng ganitong lalaki. Alam kong nahirapan itong kumbinsihin si papa dahil istrikto ito.

Napangiti naman ako nang makita ko na kumakain si Lala ng fried chicken at isinasawsaw sa bagoong. Ganyan ba talaga magbuntis? Sana magkaroon kaagad kami ng anak.