Leo's Pov
Natapos ang drama ng mga kaibigan ni daddy at ngayon nagbalik na sa normal ang programa ng kasal namin. Natapos na ang pagcucut ng cake at ang mga mensahe ng mga kaibigan at iba kong kapatid.
"May we call on the bride and the groom for a dance." sabi ni RM.
Nagpunta naman kami sa gitna ni Blessy para magsayaw. Habang nagsasayaw kami ay biglang lumapit si tito Namjoon.
"Huwag ka masyadong gumalaw Leo baka matusok kita. Hindi pa ako tapos sa nilalagay ko sa likod mo." sabi nya.
"Huh? Kailangan po ba yan?" tanong ko.
"Tradisyon yan na sinasabitan ng pera ang bagong kasal." paliwanag nya.
Pagtapos ni tito Namjoon ay isa isa namang nagsabit ang iba pang mga bisita. Napansin ko na puro tag iisang libo ang pera kay Blessy. Ako kaya magkano na hehehe. Maya maya ay lumapit sa akin sina tito Jimin, tito Jhope at tito V.
"Seryoso ka tagbebente ang isasabit mo kay Leo?" tanong ni tito Jhope.
"Eh ano naman, ikaw nga tag 50 pesos eh." sabi naman ni tito Jimin.
"Atleast mas mataas sayo hahaha." sabi naman ni tito Jhope.
"Alien!!!!" sigaw ni daddy.
"Ano ba Jk, bakit ka nag eeskandalo dyan." tanong ni tito V.
"Gusto mong magkasakit ang anak ko sa likod? Talaga bang barya isasabit mo?" tanong ni daddy kay tito V.
"Ilang alikansya binasag mo alien?" tanong ni tito Jin.
"Walang basagan ng trip. Inipon ko talaga yan para sa kasal ng panganay ko. Meron na nga din akong nakahanda para kay Vincent eh." sabi ni tito V.
Napailing na lang ako. Iba talaga mag isip si tito V. Ang masakit pa namana ito ni Vincent.
Natapos ang kanta at nakahinga na ako ng maluwag. Ang sakit ng likod ko. Si Blessy naman ay tawa lang ng tawa. Sa wakas matatanggal na ang mga barya sa likod ko.
"May we call on all the single ladies for the throwing of the bouquet." sabi ni RM.
Nagpunta naman lahat ng mga babaeng single sa gitna maliban kay Lala. Buti na lang at baka maipit pa ang tiyan nya. Inihagis ang bouquet at nasalo ito ni Lily.
"Ayun oh! Mababasag ko na yung mga alikansya ko para sa isa ko pang anak hahaha." sabi ni tito V.
Alam na kasi ng lahat na may something kina Vincent at Lily. Sumunod naman ay hinubad ko ang garter kay Blessy at inihagis ko ito sa mga binatang lalaki. Wala namang gustong sumalo kaya napunta ito kay Vincent. Sino ba naman ang gaganahang sumalo eh, kayo.kaya takutin ng mag amang alien hahaha.
"Next is the surprise presentation of the bride." napatingin naman ako kay Blessy at ngumiti naman ito.
Pumunta sya sa gitna at kinuha ang gitara. Ang galing nakawedding gown tapos may hawak na gitara. Nagsimula na itong tumugtog.
For all those times you stood by me
For all the truth that you made me see
For all the joy you brought to my life
For all the wrong that you made right
For every dream you made come true
For all the love I found in you
I'll be forever thankful baby
You're the one who held me up
Never let me fall
You're the one who saw me through through it all
You were my strength when I was weak
You were my voice when I couldn't speak
You were my eyes when I couldn't see
You saw the best there was in me
Lifted me up when I couldn't reach
You gave me faith coz you believed
Em everything I am
Because you loved me
You gave me wings and made me fly
You touched my hand I could touch the sky
I lost my faith, you gave it back to me
You said no star was out of reach
You stood by me and I stood tall
I had your love I had it all
I'm grateful for each day you gave me
Maybe I don't know that much
But I know this much is true
I was blessed because I was loved by you
You were my strength when I was weak
You were my voice when I couldn't speak
You were my eyes when I couldn't see
You saw the best there was in me
Lifted me up when I couldn't reach
You gave me faith coz you believed
I'm everything I am
Because you loved me
You were always there for me
The tender wind that carried me
A light in the dark shining your love into my life
You've been my inspiration
Through the lies you were the truth
My world is a better place because of you
You were my strength when I was weak
You were my voice when I couldn't speak
You were my eyes when I couldn't see
You saw the best there was in me
Lifted me up when I couldn't reach
You gave me faith coz you believed
I'm everything I am
Because you loved me
You were my strength when I was weak
You were my voice when I couldn't speak
You were my eyes when I couldn't see
You saw the best there was in me
Lifted me up when I couldn't reach
You gave me faith coz you believed
I'm everything I am
Because you loved me
I'm everything I am
Because you loved me
Napakaganda talaga ng boses ni Blessy. Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita.
"Sana nagustuhan mo love yung kanta ko. Im so thankful kasi dumating ka sa buhay ko. And im also thankful because you love me." sabi ni Blessy.
Di ko napigilan ang maluha. Maswerte din naman ako sa kanya kasi napakabuti nyang tao.
Natapos ang kasal at nagsimula nang magpaalam ang ibang mga guest. Ang iba naman ay mga nagsasayawan pa. Gusto ko na sanang umalis para masolo ko na si Blessy. Kaso pinigilan nya ako kasi gusto nya pa daw tapusin ang party.
Kinawayan kami ni daddy para pumunta sa table nila. Lumapit kami ni Blessy duon sa table nila mommy at ng mga tito ko.
"Bakit po?" tanong ni Blessy.
"Gusto ko lang ibigay itong regalo ko." sabi naman ni tito Suga at sabay abot ng envelope. Binuksan naman namin ito ni Blessy. Nagulat kami ni Blessy sa laman ng sobre.
"Ticket for 2 sa isang cruiseship for 1 month?" tanong ko.
"Sobra naman po ata ito. Nakakahiya pong tanggapin." sabi ni Blessy.
"Tanggapin nyo na yan. Kahit man lang sa inyo ay makabawi ako sa utang ko sa mommy at daddy ninyo." sabi ni tito Suga.
"Di ba sabi ko sa inyo wala kayong utang samin. Di ba mahal?" sabi ni daddy. Isa isa namang ibinigay sa amin ang iba pa nilang regalo.
"Sakin naman eh susi yan ng kotse. Alam kong marami na kayong kotse kaso wala akong maisip eh. Hahaha." sabi ni tito Jin.
"Sakin naman trip to Korea hehehe." sabi ni tito Namjoon.
"Sakin naman trip to Boracay." sabi ni tito Jhope.
"Kahit kelan ka ang kuripot mo, mga anak eto sakin. Susi yan ng binili kong resthouse malapit sa beach resort ko." sabi ni tito Jimin.
"Tito sobra naman po ito." sabi ko.
"Alam mong para na rin kitang anak. Kaya gusto kong bigyan kayo ng nararapat sa inyo. Huwag kang mag alala hindi pa ako naghihirap anak hehehe. Isa pa gaya ni Suga naisip kong sa inyo ako babawi dahil sa pagtulong ng magulang mo sakin." sabi ni tito Jimin.
"Isa pang banggit mo sa utang na yan sa amin ay sasapakin na kita. Sinabi nang wala kayong utang samin eh." sabi ni daddy.
"Hahaha buti na lang ako walang utang. Eto mga anak ang regalo ko. Susi yan ng bahay na binili ko sa Japan. Inilagay ko na din duon ang mga kayamanang tinatago ko hahaha." sabi ni tito V.
"Kayamanan? Baka mawala po iyon dun?" tanong ni Blessy.
"Huwag mong intindihin yun anak, malamang weird yang kayamanan nya. Hindi kayamanang ginto yun." sabi ni mommy.
"Hoy alien! Sinong may sabing waka kang utang? Ikaw lang ang may utang sakin." sabi ni daddy.
"Grabe ka naman hindi mo pa din makalimutan? Oo na sige na ipaggogrocery ko na kayo." sabi ni tito V.
"Dapat lang. Halos araw araw ka na nakain sa bahay simula ng naging asawa ko si Lisa." sabi ni daddy.
Ang weird talaga ng mga ito pati na si daddy. Wala daw utang pero kay tito V may utang daw ito hahaha. Para namang aabot ng daang libo ang kinakain ni tito V.
"Grabe ang mga regalo nila. Parang sobra naman ito." bulong sakin ni Blessy.
"Hayaan mo na. Natanaw kasi sila ng utang na loob kina mommy at daddy. Nung mga panahon kasi na yun, takbuhan nila sina mommy at daddy. Wala naman iyon sa parents ko pero syempre yung pride nila hahaha." sabi ko.
"Ang ganda naman pala ng samahan nila. Sana ganyan din tayo ng mga kaibigan natin."
"Tara na iwan na natin sila. Kanina pa ako nanggigigil sayo hehehe. Kanina pa kita gustong masolo." sabi ko. Namula naman ang pisngi nito.
"Ikaw talaga, nakakahiya!" sabi nya.