Blessy's Pov
Naging sobrang busy namin ni Leo ng mga nakaraang buwan. 3 buwan lang ang preparations ng kasal namin. Maayos na naman ang lahat kasi kumuha ng wedding coordinator si Leo. Nagulat nga ako ng imeet namin ang wedding coordinator kasi kaibigan pala namin ito. Si Vanna na anak ni tito V ang naging wedding coordinator namin.
Halos wala na akong inasikaso para sa kasal kasi nagawa na lahat ni Vanna. Ang ginawa ko na lang ay ang pumili ng mga gusto ko para sa kasal gaya ng cake, pagkain, wedding gown at venue.
Bukas na ang kasal namin at hapon ang napili kong oras ng kasal. Kakatapos ko lang magbihis dahil sabi nila Lala ay may bridal shower daw ako. Habang nagtatali ako ng aking buhok ay may kumatok sa kwarto ko.
"Pasok!" sigaw ko.
"Kailangan pa ba ng ganyang bridal shower? At sino naman ang nagpauso na hindi pwedeng magkita tayo bago ang kasal? Badtrip naman oh." sabi ni Leo habang papalapit sa kama ko at nahiga.
"Hahaha! Buti nga hindi pa kahapon tayo pinaghiwalay. At tsaka ilang oras lang yun. Bukas naman magkikita na tayo sa simbahan." sabi ko.
"Eh yang bridal shower nyo? Sino ba nag organize nyan. Baka naman may kapilyuhan kayong gawin." sabi nya.
"Si Vanna ang nag asikaso ng lahat. Ikaw, di ba may gatherings din kayo ng mga boys?" tanong ko.
"Ayoko nga sana kaso mapilit sina Chrys. Sumama na lang kaya ako sayo?" sabi nya.
"Subukan mo lang, baka gusto mo mabatukan. Last day nya na ng pagiging dalaga, tapos bubuntot ka pa. Kuya naman magtiis ka na lang kasi bukas na naman ang kasal nyo." sabi ni Lala na kakapasok lang.
"Anong ginagawa mo dito? Bigla bigla ka na lang papasok nat sisingit sa usapan naming." reklamo ni Leo.
"Nandito ako para sunduin na ang bride mo. Doon na kaming mga girls sa hotel mo mag oovernight. May mga pictorials din kami mamaya para sa video nyo at pictures ng kasal. kaya pwede ba huwag kang manggugulo sa amin." sabi pa ni Lala.
"Baka naman may kapilyuhan kayong gawin. Alalahanin nyo sa hotel ko kayo mag iistay kaya malalaman ko kung may ginagawa kayong kabulastugan." sabi ni Leo.
"Yeah, whatever." sagot ni Lala.
"Tara na Blessy baka mag inarte pa tong kakambal ko. Naghihintay na sila sa atin sa hotel." pag aaya ni Lala.
"Alis na kami Leo." paalam ko sa kanya.
Iniwan naming nakabusangot si Leo. Panay naman ang tawa ni Lala sa kotse dahil natutuwa syang asarin ang kakambal nya. Pinaglilihian nya yata ito kaya palagi nyang inaasar ito. Nakarating kami ng hotel at pumasok sa isang kwarto. Mukhang mahal ang pag iistay dito kasi napakalaki ng kwarto, Pagpasok naming nadatnan naming na nagkukwentuhan ang mga kaibigan namin.
"Bestie!" sigaw ni Brandon o Brandie, ang bakla kong kaibigan sa Baguio.
"Brandon! Buti at nakarating ka." sabi ko.
"Yuck ka talaga bestie, sinabi nang Brandie at nde na Brandon. Ginagawa mo akong lalaki nyan eh." sabi nya.
"Eh lalaki ka naman talaga ah." sagot ko.
"Ewan ko sau. Bahala ka na nga sa buhay mo." sabi nya.
Masaya ang bonding naming mga girls except kay Brandie hahaha half girl lang kasi sya. Binigyan nila ako ng mga regalo. Sinabihan nila ako na buksan na ito isa isa.
"Dalian mo na bestie buksan mo na yang unang regalo mo." sabi ni Brandie.
"Eto na po. Unang regalo ay galing kay Lily." sabi ko. Binuksan ko naman ito at ang regalo nya ay mga lotion at mga pabango.
"Sunod naman ay ang regalo ni Angel." sabi ko. Binuksan ko ang regalo nito at inilabas ko sa box ang couple shirt na may nakalagay na Mr. and Mrs. Niyakap ko si Angel at nagpasalamat. Nagustuhan ko ang couple shirt na ito.
"Next ko naming bubuksan ay ang gift ni Venice at Vanna." sabi ko at binuksan ko ang regalo nila. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong puro panty at bra. Bukod sa mamahalin ito dahil Victoria's Secret ang tatak nito ay masyado itong daring.
"Hahaha bestie, masuot mo kaya iyan?" pang aasar ni Brandie.
"Naku Blessy pag hindi mo isinuot yan ay magtatampo kami sayo." sabi ni Vanna.
"Hala! Kaya ko ba itong mga ito na suotin. Nakakahiya!" sabi ko.
"Mas gusto yan ni kuya Leo hahaha. Naku malamang mabubuntis ka agad hahaha." sabi ni Venice.
"Oh sya cge, ito naman ang buksan mo para mas lalong lumuwa ang mga mata mo hahaha." sabi ni Lala.
Binuksan ko ang regalo ni Lala at Brandie, parehas pang mga nighties. Lalo naman akong kinakabahan sa mga ginagawa ng mga ito. Tinatawanan lang nila ako kapag napapasigaw ako sa gulat dahil sa mga regalo nitong mga ito.Hindi naman nakapunta ang ate ni Chrys at ang iba kong kaibigan sa Baguio. Hahabol na lang daw ang mga ito bukas. Yung iba , nag iinuman ng wine at kami naman ni Lala ay juice lang. Maya maya ay biglang pumalakpak si Venice.
"Okay for our final event, ipasok na ang malaking regalo!" sigaw nya.
May pumasok na mga staff ng hotel at tulak tulak ang isang malaking box. Isinet up nila ito bago sila lumabas.
"Okay na! Patayin na ang ilaw!" sigaw naman ni Angel.
Pinatay nila ang ilaw at yung sa harapan lang naming ang medyo maliwanag. nakatuto ito sa tatlong lalaki na sumasayaw. Shocks! pagnalaman ni Leo na nagpapasok ng mga macho dancer ditto ay malamang magwawala ito.
"Ano ka ba Blessy! Araw mo kaya ngaun. Last day na ng pagiging single mo oh, kaya sulitin mo na." sabi ni Vanna.
"Sya nga naman bestie, minsan lang to oh! Ang daming abs! Pwedeng akin ang isa!" sigaw naman ni Brandie.
Napapatakip lang ako ng mga mata ko dahil sa hindi ko kinakaya kung paano ito gumiling. Panay naman ang sigaw ni Brandie dahil sa sinasayawan ito ng isang lalaki. Nagulat kami ng biglang marahas na binalibag ang pinto.
"Hala patay!" sigaw ni Lily.
"Sinabi ko na sa inyo na bawal ang kalokohan dito. Sige magsipuntahan na kayo sa kanikaniya nyong mga kwarto. Magsilabas na kayong tatlong mga lalaki o baka naman gusto nyo pang tapyasin ko ang mga abs nyo!"sigaw pa ni leo.
"Kambal naman eh, nag eenjoy pa kami. Hindi pa kami magsisitulog." pagmamaktol naman ni Lala.
"Baka nakakalimutan mong buntis ka na Lala at dinadala mo ang anak ko. Wala kang ibang pwedeng Makita at mahawakang katawan kundi ang katawan ko lang." sabi ni Zeus na kakapasok lang.
"Ikaw naman Angel, nalingat lang ako tapos ganyan na inaasta mo. Kaya pala nagalit ka kanina, galit galitan para makagawa ka ng masama." sabi ni Lucas.
"Wow ang popossessive naman ng mga boys nyo. Sana ako din may ganyan. Nakakainggit kayo." sabi ni Brandie.
"Ikaw naman Lily....." tinakpan naman ni Lily ang bibig ni Vincent para hindi na makapagsalita.
"Ano, magsasalita ka pa? Baka gusto mong kutusan kita!" banta ni Lily kay Vincent.
"Sabi ko nga hindi na ako magsasalita." sagot ni Vincent.
"Ikaw papa Chrys, gusto mo tayo na lang?" sabi ni Brandie.
"Bigwasan kaya kita." sabi ni Chrys.
Isa isa na silang nagsilabasan. Naiwan naman kami ni Leo sa kwarto ko.
"Si Markus dumating na. Kasama sya ngaun ni Liam." sabi ni Leo.
"Ah ganun ba. Hindi ka pa ba aalis? Di ba sabi nila bawal magkasama ang ikakasal bago ang araw ng kasal nila?" tanong ko.
"Wala akong paki. Naiinis ako sayo. Kaming mga boys ang babait namin, nag inuman lang kami tapos kayo may macho dancer dito. Ang bad mo." nakasimangot na sabi ni Leo.
"Ikaw naman, hindi ko naman alam na may ganun. Huwag ka nang magtampo. Sige dito ka na matulog sa tabi ko para hindi ka na magalit." sabi ko.
"Talaga? Sinabi mo yan ha. Halika na tulog na tayo. Dali tabihan mo na ako dito sa kama." sabi ni Leo.
"Talaga naman...." napapailing na sabi ko.
Bukas na ang kasal. Sa totoo lang kinakabahan ako pero kung ganito naman kami lagi ni Leo, siguradong hindi ako magsisisi.