Leo's Pov
Maaga kaming umuwi ng Manila. Kailangan kasi ako sa kompanya ko. Inuna ko munang ihatid sina Blessy at kasalukuyang nag aayos kami ng mga gamit nila. Dito na kasi sila titira sa bahay na ipinamana ng mama ni Blessy.
"Hindi ka pa ba aalis Leo? Hindi naman sa tinataboy kita. Di ba may kailangan ka pang gawin sa opisina mo?" tanong ni Blessy.
"Oo meron nga. Inaantay ko lang ang ibang agent na magbabantay sa inyo. Wag na wag kang aalis ng wala ako o di kaya si uncle Red." sabi ko.
"Dahil ba nanganganib pa kami? Huwag kang mag alala susundin ko lahat ng bilin mo." sabi nya.
Nikayap ko siya ng mahigpit. Natatakot akong iwan sya. Ayoko lang maulit na mawala sya dahil baka mabaliw na ako.
"Ano ka ba, baka may makakita satin dito na magkayakap." sabi nya.
"Eh ano namang masama, niyayakap lang naman kita ah." sabi ko. Nasa kwarto nya kasi kami.
"Leo nan..... Ay ano ba kayong dalawa maglock nga kayo ng pinto kung maglalabing labing kayo. Nakakainggit kayo noh." sabi ni tita Josie. Umalis si Blessy sa pagkakayakap ko at hinampas naman ako. Nakita kong namumula ang mga pisnge nya.
"Niyayakap ko lang po sya. Wala kaming gagawing masama hehehe. Bakit nyo po ako tinatawag?" tanong ko.
"Sabi ni Red nandyan na daw ang mga hinihintay mo." sabi ni tita Josie.
"Sige po bababa na po kami." sabi ko at saka umalis si tita Josie.
"Nakakahiya nakita pa tayong magkayakap ni tita. Halika na nga at baka hindi ka pa makaalis nyan." sabi nya.
"Tama ka. Ayoko nang umalis. Dito na lang tayo." paglalambing ko.
"Heh magtigil ka. Halika na baba na tayo." pag aaya nya.
Nagpaalam muna ako sa kanilang lahat bago umalis. Naiwan dun si uncle Red, agent Charcoal at agent Plum.
Nakarating ako sa headquarters at nadatnan ko na nakaupo sa sofa ng opisina ko sina Lucas at Chrys.
"Oh nasan si Vincent? Di kumpleto ang three musketeers. Hahaha." biro ko sa kanila.
"Sinamahan si Lily sa foundation." sabi ni Chrys.
"Anong update?" tanong ko.
"Pabago bago sila ng location. Hindi sila nagtatagal sa isang lugar. Hindi namin sila matrack gamit ang mga cctv. Hinaharangan kami at nagagawang burahin agad ang mga kopya." sabi ni Lucas.
"Mahihirapan nga tayo kung si Matt ang kasama nya. Magaling sa computer si Matt. Sayang lang ang skills nya at ginamit nya ito sa maling paraan." sabi ko.
"Ano nang susunod mong plano?" tanong ni Chrys.
"Bantayan maige ang bahay nila Blessy. Malamang gagawa sila ng paraan para makalapit kay Blessy." sabi ko. Tumango naman ang mga ito.
Nag usap usap pa kami tungkol sa mga mission nila na gagawin para sa buwan na ito. Habang busing busy ako sa pag aayos ng mga mission nv mga agent ko biglang tumunog ang cellphone ko.
"Hello?" tanong ko. Hindi ko kasi alam kung sino tumatawag. Basta ko na lang ito sinagot.
"Leo, may umaaligid sa bahay nila Blessy. Tingin ko ang target na yun. Hinabol nina agent Plum at ng ibang mga agent yung sasakyan. May nabaril sa isang agent. Dead on the spot ang isa at ang isa naman ay kritikal at nasa ospital na. Kakatawag lang ni agent Plum. Hindi ko maiwan sila Blessy dito." sabi ni uncle Red.
"Shit! May iba pa bang sugatan?" tanong ko.
"Wala na." sabi nya.
"Sige pupuntahan ko muna ang namatay bago ako tumuloy dyan." sabi ko sabay baba ng cellphone.
"Anong nangyari kuya?" tanong ni Lucas.
"May napatay na agent. Nabaril sya dahil sa ingkwentro kina Matt. May isa pang kritikal." sabi ko. Tumingin naman ako kay Chrys.
"Ayusin na ang kailangan sa libing. Bigyan ng bahay at lupa ang pamilya nya sa compound ng mga agent. At ihanda na rin ang cash para sa pamilya nya." utos ko kay Chrys.
"Cge alis na ako." paalam ni Chrys. Tapos lumingon naman ako kay Lucas.
"Lucas, i track mo ang cctv ng kotse ng umaligid sa bahay nila Blessy." utos ko sa kanya.
"Cge kuya, alis na rin ako." paalam ni Lucas.
Naiwan na ako mag isa. Nabawasan na naman kami ng agent. Tinawagan ko naman si agent Plum para tanungin ang lagay ng isa pang agent. Laking pasasalamat ko naman at stable na daw ito.
Umalis ako ng headquarters at dumiretso sa bahay nila Blessy. Nadatnan kong nag uusap sina uncle Red, Blessy at tita Josie. Natigil sila sa pag uusap ng nakita nila ako. Humalik ako sa pisnge ni Blessy at naupo sa tabi nito.
"May nasaktan ba sa inyo? Ang lolo at lola mo?" tanong ko.
"Tulog na sila sa taas. Wala namang nasaktan sa amin." sabi ni Blessy.
"Paano sila nakapasok sa village? Anong ginagawa ng guard?" tanong ko.
"Nabayaran ang guard. Tinanggal na ito sa trabaho. Nireport ko agad kasi sa kompanya." sabi ni uncle Red. Tumango naman ako.
"Sobra na talaga ang anak ko. Ayoko syang magkaganito. Feeling ko kasalanan ko at hindi ko sya napalaki ng maayos." naiiyak na sabi ni tita Josie.
"Tita Josie wala kang kasalanan. Nakita ko naman kung gaano mo kamahal ang anak mo. Kasalanan nyang lahat yun." sabi ni Blessy.
"Sya nga pala Blessy paano yung bar mo? Anong gagawin natin dun?" tanong ko.
"Balak ko ngang puntahan iyon ngayon kasi may kakausapin ako dun. Yun yung naabutan mo na pinag uusapan namin. Ang sabi ni uncle Red hintayin muna daw namin ikaw." sabi nya.
"Sige puntahan natin. Pakalmahin muna natin si tita Josie bago tayo umalis." sabi ko. Natawa naman si tita.
"Kalmado na ako. Tara na gusto kong makita ang bar." aya ni tita.
Umalis naman kami at pumuntang bar. Pagdating namin dun ay may pinuntahan kaming isang tao at kinausap ito ni Blessy. Ito pala ang isa sa manager duon. Nagsabi si Blessy na ipatawag lahat ng dating tauhan.
Pagkatapos namin itong kausapin ay pumasok na kami sa bar. Natuwa si tita Josie dahil sa maganda ang lugar na pagtatrabahuhan nito.
"Ang ganda Blessy. Kakayanin ko bang pamahalaan ito?" tanong nya.
"Kaya mo yan tita. Ikaw pa ba." sabi ni Blessy.
Nag usap ang dalawa tungkol sa mga gagawin nila at mga bibilihin. Nagulat na lang kami nang biglang may pumasok sa pinto.
"Well well well. Nandito din pala ang traydor kong baklang tatay." sabi ni Claire.
Nagulat kami sa pagsulpot nila. Nakita ko naman si Matt sa pinto at tinututukan ang agent na nakabantay sa amin.
"Maui tama na! Tama na parang awa mo na anak!" pagsusumamo ni tita.
"Tumigil ka! Hindi na ako ang Maui na nakilala nyo!" sagaw nito.
Tinutukan naman kami ng baril ni Claire. Mabilis naman akong kumilos at tinutukan ko din sya.
"Akala mo matatakot pa ako dyan Leo? Bakit Leo? Bakit hindi mo ako magawang mahalin? Bakit yang babae na yan pa!" sigaw nito.
"Hindi mo maisip kung bakit? Tignan mo ang ugali mo, tingin mo magkakagusto pa ako sayo?" sabi ko.
"Kaya ko naman magbago eh. Bakit hindi mo ako hayaang ipakita iyon." sabi ni Claire.
Umiling na lang ako. Sarado ang isip nito at kahit anong sabihin ko ay hindi ito makikinig. Bumaling naman ako ng tingin kay Matt.
"Bakit Matt? Ano ang pinakain sayo ng babaeng yan?" tanong ko.
"Malaki ang utang na loob ko sa kanya. Sinagip nya ang buhay ko." sabi nya.
"Kaya ba nagpapaalipin ka sa kanya? Sinagip nya nga ang buhay mo pero inilagay nya din sa gantong sitwasyon ang buhay mo." sabi ko.
"Ang dami nyong satsat! Ano sino ang uunahin ko? Ikaw Leo o si Blessy." tanong nya.
Natigil kami at napalingon ng makipag agawan ng baril ang agent na kanina hostage ni Matt. Naitutok naman ito sa amin. Inilagay ko sa likod ko si Blessy. Laking gulat namin ng pumutok ang baril na pinag aagawan nila.
"Blessy!" sigaw ko. Tinamaan ito sa tiyan. Itinulak nya ako at napahiga sa sahig.
"Blessy, wag mo akong iiwan. Dadalhin kita sa ospital." sabi ko habang naiyak.
Itinutok ko ang baril ko kay Matt at galit na galit ko itong binaril ng ilang beses. Natigil ako ng hampasin ako sa kamay ni Claire. Nabitawan ko ang baril at napunta ito sa paanan ni tita Josie. Pinulot nya ito at itinutok kay Claire.
"Anak tumigil ka na! Sumuko ka na!" sigaw nya.
"Ano babarilin mo ako? Kaya mo bang barilin ang anak mo?" sabi nito habang papalapit sa amin.
"Wag kang lalapit sa kanila. Babarilin talaga kita!" sigaw ni tita.
Nabaling ang atensyon ko kay Blessy at tinapalan ko ng damit ko ang tama ni Blessy. Diniinan ko ito para tumigil ang pagdurugo. Napalingon ako kay tita Josie dahil pumutok ang baril nito. Nakita ko itong umaagos ang luha. Napalingon naman ako sa kanan ko at nakita kong sapo sapo ni Claire ang kanyang tiyan. Tinamaan din ito sa tiyan. Dumating naman ang medic at ang ibang agent. Agad naming isinakay si Blessy sa ambulansya. Sa kabilang sasakyan naman si Claire. Narinig ko ang sinabi ni tita bago isarado ang pinto ng ambulansya.
"Patawad anak. Yan na lang ang paraan para matigil ka na. Mahal na mahal kita anak." sabi nito sa anak nya.