Blessy's Pov
Nagising ako sa ingay sa paligid ko. Unti unti kong iminulat ang mga mata ko. Napansin ko na nasa ospital pala ako, kaya pala masakit ang tiyan ko. Napansin ko nagtatalo ang kambal.
"Bakit hindi pa nga siya nagigising? Sabi mo okay ang operasyon. Bakit hindi pa sya nagkakamalay?" tanong ni Leo kay Lala.
"Ang kulit mo naman kambal eh. Nagpapahinga lang yang si Blessy, mag antay ka na lang, gigising din sya." naiiritang sabi ni Lala.
"Eh Lala, kasi..." naudlot na sabi ni Leo.
"Isa pang salita babatukan na kita. Ang kulit mo kambal. Umayos ka nga!" sita ni Lala.
Natahimik naman na si Leo sa sinabi ni Lala. Malamang kanina pa nagtatalo ang kambal dahil makikita mo kay Lala na sobrang naiirita na ito. Hinawakan ko ang likod ni Leo. Nakatalikod kasi ito sa tabi ko. Napalingon naman sya sa akin.
"Blessy! Gising ka na! May gusto ka ba? May masakit ba sayo? Tatawag ba ako ng doktor?" sunod sunod na tanong ni Leo.
"Huminahon ka nga kambal. Isang isa na lang at babatukan na talaga kita." sabi ni Lala. Tinignan naman ng masama ni Leo si Lala.
"Pahingi ng tubig." sabi ko. Uhaw na uhaw na kasi ako. Agad naman akong binigyan ni Leo.
Naalala ko na kung bakit ako nasa ospital ngayon. Wala akong pinagsisisihan dahil ginawa ko yun para sa taong mahal ko. Marami na syang sinakripisyo para sakin kaya nararapat lang na ako naman.
"Medyo malala ang tama mo sa tiyan kaya kailangan ka pang magtagal dito para sa iba pang mga test na gagawin sayo." sabi ni Lala at tumango lang ako.
"Gusto kong umupo." sabi ko. Aalalayan sana ako ni Leo ng batukan ito ni Lala.
"Ano ka ba naman. Hindi pa sya pwedeng umupo." sabi ni Lala.
"Eh ano gagawin ko?" tanong nya.
"Mag isip ka nga kambal. Iangat mo ang higaan nya ng kaunti. Isa pa babatukan ulit kita. Mabuti na lang pala at nandito ako, kundi malamang dumugo na ang tahi ni Blessy sa tiyan." sabi ni Lala.
"Asan nga pala sina tita Josie? At anong nangyari pagkatapos kong mabaril?" tanong ko.
"Patay na si Matt. Si Claire naman binaril ni tita Josie. Hindi naman napuruhan si Claire. Binabantayan ni tita Josie si Claire sa kwarto sa baba." kwento ni Leo.
"Naaawa talaga ako kay tita Josie. Mahal na mahal nya si Maui, lahat ginawa nya para sa kanya pero ganito pa ang ginanti ni Maui sa ama nya." sabi ko.
"Wag kang mag isip ng mag isip, ang alalahanin mo ay ang sarili mo muna. Magpagaling ka muna." sabi ni Lala.
"Tumawag nga pala ang papa mo. Hindi na daw sila makakapunta dahil may importante daw silang pagpupulong. Sinabi ko na sa kanila ang lahat ng nangyari. Sinabihan ko na din na wag na silang mag alala." sabi ni Leo.
"Salamat." sabi ko.
Lumipas ang ilang linggo na nasa ospital ako at walang araw na hindi ako nagkabisita. Nagsalit salitan ang mga magkakapatid sa pagbabantay sakin. Nakausap ko na sa phone ang pamilya ko at humingi sila ng sorry kasi nde sila makakabisita. Kasalukuyan akong pinapakain ni Liam. Siya ngayon ang bantay ko.
"Liam busog na ako. Pahingi na lang ng tubig." utos ko.
"Saglit lang ate." sabi nya.
"Tumawag nga pala si kuya Leo. Sabi baka hindi daw sya makapunta ngayong araw. May out of town meeting sya." sabi nya.
Nalungkot naman ako. Ilang araw na kasi si Leo na saglit lang nabisita. Lagi na lang itong may kausap sa cellphone.
"Wag kang malungkot, hindi ka pagpapalit ng kuya ko hahaha." sabi ni Liam.
"Anong pinagsasasabi mo?" tanong ko.
"Namimiss mo na si kuya tama ba ako? Sinasabi ko lang na hindi ka pagpapalit ng kuya ko kasi patay na patay yun sayo. Walang ibang naging girlfriend yun kahit nung time na nawawala ka." sabi nya.
"Hindi naman yun ang iniisip ko eh. Ngayong tapos na ang problema ko kina Maui at tita Mel, iniisip ko ang susunod kong mga gagawin." sabi ko.
"May naiisip ka na bang plano mo, ate?" tanong ni Liam.
"Naisip kong bukod sa pagpapatakbo ng bar eh gusto kong magtayo ng isang maliit na day care. Gusto kong may mapuntahan ang pera na minana ko sa mama ko." sabi ko.
"Pwede naman ate. Hayaan mo tutulong kami sa mga plano mo." sabi nya.
"Salamat. Ikaw Liam, kamusta ka?" tanong ko.
"Ano ka ba naman ate okay lang ako." sabi nya.
"Hindi yun. Kasi kanina parang ang lungkot ng mga mata mo. May nangyari ba?" tanong ko.
"Kasi....." nag aalangan pa si Liam.
"Kasi ano? Wag ka mag alala makikinig si ate." sabi ko.
"Kasi ate, naiinggit ako kay kuya." sabi nya.
"Bakit naman?" tanong ko.
"Si kuya kasi pinagpala. Matalino, mabait, maunawain at mapagmahal. Tapos nakatagpo pa ng katulad mo. Kung sana ako din ate makatagpo ng tunay na magmamahal sakin." sabi nya.
"Bakit naman? Magkasing ugali naman kayo ng kuya mo. Lahat ng katangian na sinabi mo meron ka. Bakit ka naiinggit." sabi ko.
"Kasi ate may nagugustuhan akong babae, kaso may mahal na syang iba. Naggirlfriend ako para kalimutan sya ang kaso wala eh sya pa din. Lagi na kaming nag aaway ng girlfriend ko dahil....." kwento nya.
"Alam ko na. Dahil sa hindi mo mabigay ang atensyon mo sa kanya ng buo. Dahil may mahal kang iba. Kung ako sayo Liam makipagbreak ka na sa girlfriend mo kasi sinasaktan mo lang sya. Pinapaasa mo na mahal mo sya. At dun naman sa babaeng gusto mo, kasal na ba? Kung hindi pa pwede pa din. Pero hindi ko sinasabing sirain mo ang relasyon nila. Obserbahan mo kung mahal nya talaga ay saka mo i let go. Im sure makakatagpo ka pa ng higit sa kanya. Bata ka pa Liam." payo ko sa kanya.
"Sige ate, susundin ko ang sinasabi mo." pagsang ayon nya.
Hinawakan ko ang pisnge ni Liam at hinaplos ito. Napangiti naman ito.
"Salamat ate, gumaang ang pakiramdam ko." sabi nya.
Habang nagkukwentuhan kami, nagulat kami ng biglang may marahas na pagbukas ang pinto.
"Liam!" sabi ng babae. Lumapit ito at biglang sinampal si Liam.
"Anong problema mo Krissy?" tanong ni Liam.
"Kaya ba hindi ka makapunta sa date natin, dahil sa babaeng yan! Lagi mo na lang akong nirereject kapag inaaya kita. Niloloko mo pala ako!" sigaw ng babae.
"Wag kang gumawa ng eksena dito! Walang magbabantay sa kanya. Importanteng bantayan ko sya. Mahirap bang intindihin yon?" tanong ni Liam.
"Kung mas mahalaga sya eh mabuti pang magbreak na tayo!" sabi nung babae.
"Mabuti pa nga. Ang kitid kasi ng utak mo." sabi ni Liam.
"Ano? Mas pinipili mo sya!" sigaw pa nung babae.
"Oo! Dahil makitid ang utak mo. Hindi mo man lang inalam kung sino sya." sabi ni Liam.
"Bakit sino ba sya?" tanong nito.
"Hi! Ako si Blessy, girlfriend ako ng kuya Leo ni Liam. Pasensya na kung dahil sakin hindi natuloy ang date nyo." pagpapaumanhin ko.
"Girlfriend ng kuya nya?" tanong ng babae at tumango ako.
"Liam, im sorry." sabi nito.
"Krissy, hindi ko na matagalan ang mga mood swings mo. Daig mo pa ang mga buntis. Ayoko na! Maghiwalay na lang tayo ng tuluyan." sabi ni Liam.
Lumuhod naman ang babae at nagmakaawa. Hinila naman ni Liam ang babae palabas. Siguro para makapag usap ng maayos. Mukhang toxic ang relasyon nila.
Napaisip ako sa sinabi ni Liam. How lucky i am kasi may Leo ako sa buhay ko. Hindi ako nakatagpo ng siraulong boyfriend. Habang hinihintay ko si Liam pumasok ng kwarto, ay naglaro na lang ako ng cellphone ko. Medyo nakakabato na rin dito. Ilang linggo na rin ako na nandito at ayaw pa din ako palabasin. Maya maya ay pumasok na si Liam.
"Sorry ate pati ikaw nadamay sa problema ko." sabi nya.
"Mukha ngang hindi na maganda ang relasyon mo. Parang obsess na sayo ang babaeng yun. Tama lang na hanggat maaga ay makipagbreak ka na." sabi ko at tumango sya.
"Alam mo naalala ko nuon na lagi mo akong niyayaya na makipaglaro. Ngayon binatang binata ka na hahaha." sabi ko.
"Ate naman eh." angal nya.