Blessy's Pov
Sobrang busy nila Leo. Laging kausap nito ang mga Senior Agents na mga parents nila. Sa ngayon kasama ko si Lala, agent Fushia at agent Charcoal papunta ng foundation. Ang sabi may problema daw dun kaya nagpresinta ako na sumama kay Lala. Naisipan ko lang syang samahan dahil buntis ito. Sinabi sakin ni Lala lahat lahat. Pati na rin ang tungkol kay Zeus na ama ng batang dinadala nya. May importanteng lakad daw ito kaya hindi sya masasamahan.
"Ano kayang nangyari? Kinakabahan ako." sabi ni Lala.
"Huminahon ka nga. Hindi makakabuti sayo yang sobrang pag aalala mo. Alam mong buntis ka. Baka mapahamak naman ang anak mo." sabi ko.
"Tama ka Blessy. Minsan talaga nakakalimot ako na buntis pala ako." sabi nya.
Makikita mo sa mukha ni Lala na nag aalala ito. Kahit naman ako nag aalala din pero kailangang may isa sa amin ang kalmado. Nakarating kami sa foundation at sinalubong kami ni Sister Micah.
"Sister ano pong problema?" tanong ni Lala.
"Tara muna sa opisina ko at nang makapag usap tayo ng maayos." sabi ni sister Micah.
Pumasok kami ng opisina nya at naupo sa sofa. Binigyan naman kami ni teacher Abby ng tinapay at juice.
"Ganito kasi yun, merong bagong tauhan na ipinasok si Delfin, isa sa matagal na nating tagapangalaga dito. Sa una mabait at magalang ang taong yun. Makalipas ang isang linggo ay nawala ito pati na rin si Delfin. Kanina lang namin napansin na nawawalan tayo ng mga gamit sa foundation pati na rin ang pera na nakalaan para sa 3 buwan na gastusin. Matagal na akong tiwala sa mga nandito kaya hindi ko pinapansin ang mg ito." kwento samin ni sister Micah.
"Bukod sa pera po meron pa po bang nawawala?" tanong ko.
"Mga gamit at gamot sa clinic at mga computer sa computer room." sagot ni sister Micah.
"Wag kayong mag alala sa mga gamit at pera mapapalitan po natin yun. Ang importante ligtas po kayong lahat. Yung tungkol kay Delfin, sasabihan ko po si kuya Leo." sabi ni Lala.
Nagtagal kami ng kaunti sa foundation kasi pinakakalma namin si sister dahil sinisisi nya ang sarili nya.
"Sister naglagay na ako sa bank account ng foundation ng pera para sa 3 buwan na gastusin. Tapos yung mga supplies sa clinic ay ipapadala ko na lang po. Yung mga computer ay sasabihan ko si Lucas." sabi ni Lala. Galing ng technology ngayun ano, konting kalikot sa cp at makakapagpadala ka na ng pera.
"Maraming salamat sa inyo." sabi ni sister.
"Pagdumating si Delfin sabihan nyo agad si Charcoal." sabi ni Lala. Maiiwan si agent Charcoal para may magbantay pansamantala sa foundation. Hindi kasi sapat ang guwardiya lang.
"Mauna na po kami sister." paalam ko.
"Hatid ko na kayo." sabi ni sister.
Naglalakad kami papunta sa sasakyan na malapit sa gate nang biglang may humarang sa amin na nakamotor at tinutukan ng baril si Lala. Mabilis na gumalaw ang katawan ko at hinarangan ko si Lala. Magkayakap kami ni Lala ng pumutok ang baril. Nagtaka kami ng hindi ako tinamaan. Humarap ako at nanlaki ang mata ko. Si sister Micah naliligo sa sariling dugo. Agad naman itong nilapitan ni Lala na umiiyak.
"Blessy hawakan mo ito ng madiin para tumigil ang pagdudugo huhuhu. Sister konting tiis lang kukuha pang ako ng mga gamot at gamit." sabi ni Lala. Naiiyak na din ako kasi namumutla na si sister. Tumakbo si Lala papunta ng clinic.
Naglapitan naman ang mga tauhan at ang ibang mga bata. Nag iiyakan na ang lahat dahil sa nangyari kay sister. Lumapit sila agent Fushia at agent Charcoal galing sa paghabol sa nakamotor na bumaril sa amin.
"Nasan si Lala? Hindi namin naabutan ang bumaril sa inyo." sabi nya.
"Nasa clinic. Tumawag kayo ng ambulansya at tawagan nyo na rin sila Leo at magulang nya." utos ko sa kanila.
Dumating si Lala at nilapatan nya si sister Micah.
"Kulang ang mga gamit at gamot. Hindi ko sya maooperahan dito." sabi ni Lala.
"Tumawag na kami ng ambulansya maya maya darating na yun." sabi ko.
Panay iyakan ng mga nandun pati na rin kami ni Lala. Maya maya dumating ang ambulansya at isinakay si sister Micah. Sumakay na lang sin kami sa ambulansya at pinasunod na lang ang kotse ni Lala.
Nakarating agad kami sa ospital at nag aabang dun ang mama ni Chrys na si tita Rose. Ipinasok agad si sister sa operating room at pumasok din si Lala.
Nag intay ako kasama nila agent Fushia at agent Charcoal sa labas ng O.R. Hindi ko mapigilan ang mga luha ko. Sinagip kami ni sister Micah. Walang tigil ang pagdarasal ko sa Diyos para sa kaligtasan nya.
Nakatulala lang ako sa pinto ng operating room. Nagulat na lang ako ng may tumapik sakin.
"Ano bang nangyari?" tanong ni mommy Lisa. Hindi ko napigilan na humagulgol at yumakap kay mommy lisa.
"Papauwi na po kami ng maybiglang tumutok ng baril kay Lala. Niyakap ko po si Lala para sana ako ang tamaan kaso nagulat po kami ng humarang si sister Micah. Sya po ang tinamaan ng bala. Sinagip nya po kami ni Lala huhuhu" kwento ko.
"Tahan na." sabi ni mommy Lisa.
"Bakit po kailangan nya kaming sagipin? Dahil samin nangyari po sa kanya yan. Hindi dapat sya ang mababaril." sabi ko.
"Kung ako ang nasa posisyon ni sister Micah ganun din ang gagawin ko. Hindi tunay na ina si sister pero may puso sya na katulad sa mga ina. Mabuti ang kalooban nya." sabi ni mommy Lisa.
Lahat kami nag aantay na lumabas si Lala para sa balita kay sister Micah. Nandun ang buong pamilya nila pero wala si Leo.
"Kung si kuya Leo ang hinahanap mo maya maya pa ang dating nya. Nagpunta kasi sya ng Baguio." sabi ni Lucas.
"Anong ginagawa nya sa Baguio?" tanong ko.
"Si kuya na lang ang magsasabi sayo." sabi nya.
Tahimik lang kaming nag iintay. Nang bumukas ang pinto lumabas si Lala. Tumitig sya samin at biglang humagulgol.
"Wala na sya. Wala na si sister Micah, Blessy huhuhu." iyak na sabi ni Lala.
Nawalan ako ng lakas at napaupo sa sahig. Inalalayan naman ako ni Lucas. Lahat kami naiyak sa balita ni Lala. Lumapit si Lala sakin at yumakap.
"Iniligtas nya tayo Blessy. Siguro kung hindi sya humarang baka.....huhuhu." iyak ni Lala.
Inalalayan ako ni Lucas na makaupo. Ganun din ang ginawa ni Liam inalalayan nya makaupo si Lala. Si daddy Jk may kausap sa phone habang si mommy Lisa umiiyak habang nakayakap kay daddy Jk. Si Lily naman ay umiiyak din sa tabi ng parents nya.
Napakalungkot ng pangyayaring ito. Maya maya ay dumating si Leo. Agad na yumakap sa akin. Halata mo na tumakbo ito dahil hinihingal ito. Hinalikan ako sa noo ni Leo.
"Salamat kay sister Micah at niligtas kayo ni Lala. Hindi ko alam ang gagawin kung kayo ang nabaril." sabi ni Leo. Mukhang nabalitaan na nya ito habang nasa biyahe.
Hindi ako makapagsalita. Naubusan yata ako ng lakas dahil sa kakaiyak. Itinuring ko din syang ina nung madalas akong nagpupunta sa foundation bago ko makilala sina Leo.
Bakit kailangang mangyari ito. Bakit lahat ng malalapit sakin napapahamak. Feeling ko dahil sakin ang lahat ng nangyayaring masama. Paano na ang foundation. Paano nila tatanggapin ang pagkawala ng ina inahan nila.
Sa sobrang pagod ko kakaiyak unti nang bumigat ang mga mata ko. Nakatulog na pala ako sa bisig ni Leo.