Leo's Pov
Hindi ko ininda ang tama sa braso ko. Pinuntahan ko agad si Blessy. Tapos inakay ko para makapagtago.
"Cover Markus!" sabi ko sa mga agent. Tinawagan ko si Vincent.
"Vincent, track the location of the sniper. Asap!" sabi ko.
"Anong nangyari sayo? Kailangan ba ng back up." sabi ni Vincent.
"Oo papuntahin mo ang team b dito. Asap. Pinapaulanan kami ng bala." sabi ko.
"Gotcha! Nasa isang van sya na kulay itim. Sa may malapit sa entrance ng parking mo." sabi ni Vincent. Tapoa kinabit ko ang earpiece ko.
"Nakakabit na ang earpiece ko. I guide mo ako lalapitan ko." sabi ko kay Vincent.
"Agent Fushia! Bantayan mo si Blessy at Agent Mocha bantayan mo si Markus. Agent Navy at Agent Plum sumunod kayo sakin." sabi ko.
Tinawagan ko din ang guars para isara ang gate ng parking lot. Naisara naman agad yun. Lagot ka sakin, wala ka nang kawala. Naghiwa hiwalay kami ng daan papunta sa sniper. Ako sa kanan at yung dalawang agent sa kaliwa.
Dahan dahan kaming kumilos at nagtago. Malapit sa van. Binaril ko ang mga gulong ng sasakyan. Pinutukan ng dalawang agent ang driver seats ng van. Dahan dahan kaming lumapit. Binuksan ko ang driver seats at biglang may bumaril sa amin. Agad kong pinukpok ng baril ang kamay ng may hawak ng baril at nabitawan nito ang hawak na baril. Hinila ni agent Navy si Noah. Kahit nakamask ito alam kong si Noah ito. Agad naman itong pinadapa at tinalian ang kamay at paa.
"Cleared!" sigaw ni agent Navy at lumapit samin sila Blessy.
Dumating ang team b at ang medic ng agency. Dinala na ng medic si agent Plum at agent Navy na parehong may tama.
"Boss dalhin na din namin kayo sa ospital." sabi ng medic.
"Mamaya na unahin nyo muna yung dalawa." sabi ko at tumango ito.
Dadalhin na sana ng team b si Noah ng pigilan ito ni Blessy na umiiyak. Tinanggal nya ang mask ni Noah.
"Why Noah?" sabi ni Blessy.
"Revenge.... For my.... Wife." hirap na sabi ni Noah.
Dinala na ito ng team b sa headquarters para mainterrogate. Hawak hawak ko ang braso ko na may tama ng bala. Sumakay kami ng sasakyan at nagpahatid ako sa Golden Agency.
"Ako na ang maghahawak." sabi ni Blessy.
"Diinan mo ang paghawak sa sugat ko para matigil ang pagdurugo." sabi ko kay Blessy.
Tahimik lang buong byahe sila Markus at Blessy. Sina agent Mocha ay nakikipag usap sa headquarters at si agent Fushia ang nagdadrive. Nakarating agad kami sa ospital at dinala nila ako sa E.R.
"Sorry Leo." narinig kong sabi ni Blessy bago ako mawalan ng malay.
Nagising ako sa ingay ng mga kapatid ko. Mukhang may pinagagalitan. Idinilat ko ang mata ko at tumingin sa paligid. Umupo muna ako at inalalayan ako ni Lucas.
"Gising ka na pala kuya. Pasensya na kung naistorbo ka sa ingay." sabi ni Lucas.
"Ano bang nangyayari?" tanong ko sa kanila.
"Kuya!" sabay na sigaw ni Liam at Lily.
"Anak kamusta pakiramdam mo?" tanong ni Mommy.
"Okay lang po ako Mommy. Bakit ba ang ingay nyong dalawa?" tanong ko sa dalawa kong kapatid.
"Si Liam kasi kuya tinawagan si ate Lala. Sinabi pa na nabaril ka. Ayun nagmamadaling umuwi. Alam mo naman yun pagdating sayo laging nanginginig pagganitong sitwasyon." sumbong ni Lily.
"Mag isa ba si Lala?" tanong ko.
"Hindi daw kuya may kasama naman daw." sabi ni Liam.
"Asan nga pala si Blessy?" tanong ko.
"Kasama lang si Markus at Daddy mo. Nasa cafeteria lang. Pinakain lang at pinapakalma lang ng Daddy mo kasi kanina nya pa sya nag iiiyak at sinisisi ang sarili nya sa nangyari sayo." sabi ni Mommy.
"Hindi nya naman kasalanan eh." sabi ko.
"Alam namin anak." sabi ni Mommy.
Maya maya lang at biglang pumasok ng pinto si Lala. Maige naman at safe syang nakarating ng ospital.
"Kambal! Huhuhu!" umiiyak na lumapit si Lala sakin.
"Tumigil ka na nga pumapangit ka oh." sabi ko.
"Tse! Kambal naman eh bakit naman kasi sinalo mo yung bala.?Kainis ka pinag alala mo ako!" sabi nya.
"Wag ka na mag alala. Ayos lang ako. Kalma ka na okay." sabi ko sa kambal ko.
Ganyan naman kami ni Lala. Pag may nasasaktang isa nagpapanic agad. Nakakaramdam kami ng pagkanerbiyos kapag may nangyayari sa aming dalawa. Nun ngang nahimatay si Lala nung nasa school kami dahil sa sobrang pagod, naalala ko na matinding kaba ang nagyari sakin. Hindi ko sya mabuhat at hindi ako makapagdrive dahil nanginginig ang mga kamay ko. Mabuti na lang nandun ang mga kaibigan ko.
Ilang minuto din na nag emote ng nag emote si Lala hanggang sa pumasok ng kwarto si Daddy, Markus at Blessy.
"Leo, okay ka na ba? Huhuhu! Sorry talaga nadamay ka pa." sabi ni Blessy.
"Ano ka ba naman. Sinabi ko na naman sayo diba na lahat gagawin ko para sayo." sabi ko.
"Okay ka na kuya?" tanong ni Daddy.
"Opo." sagot ko naman.
"Paano, uwi na kami sa bahay. Bawal mapagod si Mommy nyo. Pagaling ka anak." sabi ni Daddy. Humalik si Mommy sakin.
"Alis na din kami kuya. Sama na kami ni Liam kay Daddy at Mommy." sabi ni Lily. Tumango ako at umalis na sila.
"Ikaw Lala di ka pa ba sasabay kina Mommy?" tanong ko sa kanya.
"Dito lang ako para may kasama si Blessy ng pagbabantay sayo." sabi ni Lala.
"Lucas. Samahan mo si Markus sa hotel nya. Tapos iuwi mo na rin sya sa bahay natin. Mas safe sya dun. Alam mo na bang kapatid sya ni Blessy?" tanong ko kay Lucas.
"Oo kuya. Pinakilala na sya sa amin ni Blessy. Matutuwa si Liam nito pag sa bahay si Markus. Naging close agad sila eh." sabi ni Lucas.
Umalis na si Lucas at Markus. Si Lala naman pinuntahan ang doktor na gumamot sa akin. Kami na lang ni Blessy ang natira.
"Halika dito Blessy, tabi ka sakin." sabi ko. Tumabi naman ito sakin at hinawakan ko ang kamay nya.
"Kanina ka pa tahimik. Anong nasa isip mo love?" tanong ko.
"Iniisip ko lang yung sinabi ni Noah. Alam ko kasi wala syang asawa. Anong kasalanan ko sa kanila? Isa pa bakit magagawa sakin ni Tita Mel yung mga bagay na yun?" tanong nya.
"Kahit ako love, hindi ko din alam. Hayaan mo papaimbestigahan ko sila ng mabuti. Nasa headquarters na si Noah. Malamang tinatanong na yun." sabi ko.
"Alam mo naisip ko lang. Sino ang nagdala sakin sa Baguio para itago ako dun? Naguguluhan ako." sabi nya.
"Hayaan mo uunti untiin natin yan. Uunahin natin si Noah pagtapos si Tita Mel mo. Saka na natin yan alamin yung sa Baguio." sabi ko.
"Hindi ko alam kung bakit nangyayari sa akin to. Masama ba ako?" sabi ni Blessy habang naiyak. Niyakap ko sya at alam kong nahihirapan syang tanggapin na mga pinagkakatiwalaan nya ang gumagawa sa kanya nito. Nang tumahan na ito ay inilayo ko sya ng konti at hinawakan ang pisnge.
"Tandaan mo Blessy, mabuti kang tao. Pagsubok lang to at kakayanin natin to. Hindi ka bibigyan ng Diyos ng pagsubok na hindi mo kaya." sabi ko. Tumango ito at ngumiti.
"Salamat at nandyan ka palagi sakin. Kaya lalong nahuhulog ang loob ko sayo eh." sabi pa nya. Nang dahil sa sinabi nya hindi ko napigilan na halikan sya.
"Ay! Porn! Ano ba wag kayong gumawa ng kalaswaan dito sa ospital ko. Bawal ang mahalay dito!" sigaw ni Lala. Kainis tong kambal ko panira naman. Natigil tuloy ang paghalik ko kay Blessy.
"Tumigil ka nga! Ang ingay mo." sabi ko kay Lala. Nagtakip naman ng mukha si Blessy gamit ang kamay nya.
"Hahaha! Namumula si Blessy. Wag ka nang mahiya natural lang yang kiss sa magboyfriend." sabi ni Lala.
"Speaking of boyfriend. Kelan ka ba aamin sakin tungkol dyan. Alam ko Lala ang nangyayari sayo. Lahat ng pinaggagagawa mo. Hinihintay lang kitang magsabi sakin." sabi ko. Matagal ko nang alam ang tungkol sa boyfriend nya.
"Sorry. Hindi ko naman gustong maglihim sayo. Kaya lang kasi malungkot ka kasi ng dahil sa pagkawala ni Blessy. Hindi na mauulit pangako." malungkot na sabi ni Lala.
Nagsimula nang magkwento si Lala. Nagalit ako nang sabihin nya sakin na niloko sya ng lalaki. Mabuti naman at hindi tanga ang kakambal ko para balikan nya ito. Paglabas ko makakatikim ang lalaking yun sakin. Tingnan lang natin kung hanggang saan ang tapang ng lalaking yun. Nagalit ako dahil sa lalaking yun ay nakagawa ang kakambal ko ng pagkakamali.
"Anong plano mo. Ililihim mo ba yan kay Mommy at Daddy?" tanong ko.
"Sasabihin ko din pag uwi natin. Gusto ko nandun kayo lahat." sabi ni Lala.
"Maige naman. Hindi maganda ang ginawa mo. Tanggapin mo kung magagalit sayo ang mga magulang natin. Sana sinabi mo samin." sabi ko.
"Alam ko kuya at handa ako pagnagalit sila Daddy. Hindi ko na uulitin pang maglihim sa inyo." sabi nya.
"Nagbunga ba?" tanong ko. Tapos umiyak si Lala. Tahimik lang na nakikinig si Blessy sa amin.
Wala na akong magagawa. Manggalaiti man ako eh nangyari na yon. Alam ko namang matino ang kapatid ko at di nya sinasadya yun. Dahil kung hindi ito matino eh di sana nuon pa sa boyfriend nya ito ginawa. Bilang nakatatandang kapatid nya, kailangan kong unawaing maigi ang kapatid ko. Mas mahirap kapag nagrebelde ito.