Leo's Pov
Nakita ko naman ang ginawa ni Noah kay Kirby. Nagagalit ako pero ikinalma ko ang sarili ko kasi naging kaibigan ko sila. Nakakainis na itong si Claire ayaw tumigil.
Nagpatuloy kami ng kwentuhan. Di naman sila masasama eh. Kaya pinalagpas ko na. Nakikipagbiruan na din si Blessy sa mga kaibigan ko maliban kay Claire na naggagalaiti.
Maya maya lumapit si tita Mel samin. May problema sya. Hindi dumating ang singer nila. Tatayo sana ako para magprisinta kaso inunahan ako ni Blessy tumayo. Tinapik nya lang ang balikat ko.
"Ako na." sabi ni Blessy at ngumiti. Umalis ito kasama si tita Mel at Noah.
"Pare seryoso ka? Maharlika ang girlfriend mo?" tanong ni Matt. Tumango ako bilang sagot sa tanong nya.
"Puta muntik ka na dun Kirby." sabi ni Zian.
"Nakita ko lahat. Hindi akong magagalit sa inyo dahil pinatawad na kayo ni Blessy. Wag nyo na lang uulitin dahil ako na ang makakalaban nyo." sabi ko sa kanila.
"Pero Leo." sabi ni Claire.
"Tumigil ka na Claire. Isa na lang. Wag mo akong galitin. Hanggat naiisip ko pa na kaibigan kita pwede ba wag mong ubusin ang pasensya ko. Manahimik ka na dyan!" sigaw ko kay Claire. Tumahimik naman ito.
Maya maya umilaw ang maliit na stage ng bar at duon umupo si Blessy na may hawak na gitara.
"Pasensya na kung wala po ang singer nyo may emergency lang. Pagtyagaan nyo na po ako." sabi ni Blessy at ngumiti ito.
"Pare nakanta ang syota mo?" tanong ni Zian. Tumango lang ako. Naalala ko ang boses nya nuong High school kami. Ganun pa din kaya ngayon?
"Ahm I'll do it my way. Dati po nagtatrabaho ako dito at gaya ng dati magrerequest kayo sakin. Dati may donations ang request pero ngaun its free." sabi ni Blessy. Nagtawanan naman ang mga tao sa bar.
"Natatandaan na kita madalas ako dito." sabi nung matandang lalaki.
"Mr. Rey! I see, nandito ka pa din? Ayaw mo talagang iwan ang bar na ito. Tumanda na kayo dito ah." natatawang sabi ni Blessy.
"Good to see you again Blessy. Gaya pa din ng dati ang request ko." sabi ni Mr. Rey na tawa ng tawa.
Kinuha ni Blessy ang electric guitar at nagsimula na itong tumugtog. Kakantahin nya ang Sweet Child O' Mine ng Guns N Roses. Nagpalakpakan naman ang mga tao.
"Pare ang galing tumugtog ng electric guitar ng syota mo. Talo pa ako." sabi ni Kirby.
She's got a smile it seems to me
Reminds me of childhood memories
Where everything
Was as fresh as the bright blue sky
Now and then when I see her face
She takes me away to that special place
And if I'd stare too long
I'd probably break down and cry
"Pare ang ganda ng boses." sabi ni Matt.
Natapos ang unang kanta. Masayang nagpalakpakan ang mga tao sa bar. Tumayo naman si Kirby at nagrequest.
"Blessy pakikanta naman ang Grenade ni Bruno Mars." sabi nya at tumango si Blessy.
I'd catch a grenade for ya (yeah yeah)
Throw my head on a blade for ya (yeah yeah)
I'd jump in front of a train for ya (yeah yeah)
You know I'd do anything for ya (yeah yeah)
Oh whoa oh
I would go through all this pain
Take a bullet straight through my brain
Yes I would die for you baby
But you won't do the same
No no no no
Nang dumating sa chorus si Blessy sumabay kumanta ang mga kaibigan ko. Nag eenjoy kaming lahat. Madaming kinanta si Blessy kasi madaming nagrequest.
"Ok for the last song gusto kong tawagin si Leo para sabayan akong kumanta. This last song is for you my love." sabi ni Blessy na ikinangiti ko.
"Tangna pare kinikilig ka no. Ang sweet ng syota mo. May kapatid ba yan?" sabi ni Zian.
"Nag iisa lang yan. Asa ka pa!" sabi ko sa kanya bago pumunta sa tabi ni Blessy. Kakantahin namin ang Thank God I Found You ni Mariah Carey ft. 98 degrees.
I would give up everything
Before I'd separate myself from you
After so much suffering
I finally found unvarnished truth
I was all by myself for the longest time
So cold inside
And the hurt from the heartache would not subside
I felt like dying
Until you saved my life
Thank God I found you (Yeah yeah)
I was lost without you (I was lost)
My every wish and every dream
Somehow became reality
When you brought the sunlight
Completed my whole life
I'm overwhelmed with gratitude
'Cause baby I'm so thankful I found you
Buong kanta tinignan ko lang si Blessy na para bang kami lang ang tao. Walang sawa kong kakantahin to para sa kanya kasi bagay na bagay ito sa kanya. She completed my whole life. Nagpalakpakan ang lahat ng matapos kaming kumanta.
Bumaba kami ng stage na hawak kamay at nakangiti. Bumalik kami sa table namin.
"Shit! Hindi ako makapaniwala. Ang swerte mo Leo. Blessy may kapatid ka ba? Baka pwede mo akong pakilala." sabi ni Zian.
"Ang ganda ng boses mo." sabi ni Matt.
"Sorry talaga at thank you sa pagkanta mo request ko." sabi ni Kirby.
"Oh paano next time na lang ulit. Nice meeting you Blessy" paalam ni Matt.
Nagsialisan na sila maliban kay Claire. Ano na naman ba gusto ng babae na to.
"Leo pwede ka bang makausap?" sabi ni Claire.
"Tama na Claire pwede ba?" sabi ko. Nagkamali ba ako ng pakikipaglapit dito noon? Kung alam ko lang na ganito ito hindi ko na sana kinaibigan.
"Its okay Leo. Ihatid mo na siya sa labas. Hintayin na lang kita dito." sabi ni Blessy.
Lumabas kami ng bar ni Claire. Ayoko sanang lumabas pero si Blessy ang nagsabi.
"Leo bakit hindi na lang ako?" umiiyak sabi ni Claire.
"Ilang beses ko ba sasabihin sayo na hindi kita gusto. Dapat pala hindi na ako nakipagkaibigan sayo. Claire kung noon nga bata pa kami minahal ko na sya at hangang sa magkahiwalay kami mahal ko pa din sya. Saksi ka nung ilang taon kong dinamdam ang pagkawala nya. Sa tingin mo mapapalitan mo si Blessy sa puso ko?" sabi ko kay Claire.
Umiyak ng umiyak si Claire. Sabihin nyo na namasama ako pero hindi ko aaluhin si Claire dahil baka mamisinterpret nya lang ang gagawin ko. Baka umasa pa sya.
Pumasok ako sa loob at nadatnan ko na nag uusap usap sila Noah at Blessy. Agad namang umalis si Noah ng dumating ako.
"Anong pinag uusapan nyo?" tanong ko.
"Kailangan ni Noah makauwi ng palasyo at nang makakuha ng mga ebidensya. Pero paano?" sabi ni Blessy.
"Dyan ako makakatulong sayo.Siguro eto na ang pagkakataon para kilalanin mo ako. Di ba may opisina ako na hindi mo pa napupuntahan? Yun ang Rainbow Agency. Ako ang CEO nun at ipinasa sakin ang pagiging boss ni Mommy. Agency yun ng mga secret agent at kasali dun ang parents ko. Actually si Mommy ang boss dati." sabi ko.
"Talaga si Mommy Lisa?" tanong nya.
"Oo. Dating gumagawa si Mommy ng mission at kinatatakutan sya ng mga agents. Naisip ko lang, tanungin kaya natin si Mommy baka makatulong sya sa mga connection nya." sabi ko.
"Lahat ba kayo agent?" tanong nya.
"Hindi kami lang ni Lucas pati na rin ang mga kaibigan kong lalaki.
"Wow ang galing." sabi nya.
"Tara uwi muna tayo at kausapin natin ang parents ko para malaman ang gagawin natin." sabi ko.