Chereads / ROYALEIGH ACRES ACADEMY / Chapter 7 - RAA : Que Sera, Sera!

Chapter 7 - RAA : Que Sera, Sera!

Whoah! Guess what? Pagkatapos ng nangyari sa akin last week sa hallway na muntikan na akong madulas dahil sa bumabahang dugo sa sahig ay hindi na ako pumasok pa hanggang matapos ang buong weekdays. Plano ko na ngang tumigil na sa pag-aaral, eh. Ikaw ba naman ang ang makakita ng ganung scenario.

Oo nga't paborito kong panoorin ang mga mystery/thriller/suspense movies at iyon din ang mga genre na gusto ko sa mga books pero iba pala talaga yung pakiramdam kapag sa totoong buhay mo na siya mararanasan.

Nagmukmok lang ako buong weekend sa kwarto ko sa dorm. Wala akong ibang ginawa kundi kumain, matulog at basahin ang student handbook. Biruin mo yun, natapos ko lang ng tatlong araw ang malanobela sa kapal ang student handbook namin. Ang ganda niyang basahin, perfect fit para sa isang mystery/thriller na genre na nobela. Ang masaklap lang hindi isang book novel ang binasa ko kundi ang handbook na siyang magiging guide para sa aming mga estudyante dito sa aming paaralan.

Sobrang dami kong nalaman. Based on the handbook, this school is indeed peculiar. Napagisip-isip ko tuloy na tumigil at maghanap ng ibang school. Iyong paaralang hindi ako mapapahamak. Pero naisip ko din na sayang yung oportunidad na ini-offer sa akin ni Mrs. Ruiz. I'm sure mahihirapan akong paaralin at suportahan ang sarili ko kung titigil ako. Sa ibang banda naman, parang hindi pa sapat sa akin ang mga nakalathala sa handbook. Parang may kulang, at tila ba may isang boses sa loob-loob ng isip ko na may gusto pa akong malaman at tuklasin. Kung hindi ko nababanggit, noong unang araw na nakatapak ako sa lugar na ito nakaramdam ako na parang may nadagdag sa pagkatao ko. Pakiramdam ko na ang lugar na ito ang kukumpleto sa aking pagkatao na noon ko pa hindi mauunawaan at maiintindihan.

Speaking of Mrs. Ruiz, nagtext siya sa akin na gusto niyang makikipag-usap sa akin kung may bakante na siyang oras to explain everything. At may kailangan daw akong malaman. Mas lalo tuloy lumalim ang pagdududa ko sa pagkatao niya. At iyon ang gusto kong linawin once makakausap ko na siya.

Sa loob ng mga araw na hindi ako pumasok, napag-isip isip ko na itutuloy ang pag-aaral dito. Nasimulan ko na ito, titingnan ko nalang kung hanggang saan ang makakaya ko.

'Bahala Na!'

Kaya heto ulit ako ngayon, its Monday morning. Maaga akong pumasok at dumiretso agad ako dito sa classroom namin.

Konti pa lang ang mga kaklase kong nandito. As usual, dito ako umupo sa inuupuan ko noong first day. Magiging seatmate ko si Stefan kung hindi siya lumipat ng upuan. Malalaman ko iyan pagdating niya at kung dito sa katabi ko siya uupo.

Speaking of Stefan, marami akong nabasa tungkol sa club niya doon sa handbook. And those informations blew my mind pati na din yung tungkol sa iba pang club and other organizations sa school na ito. In summary after reading the handbook, may isang conclusion lang ang nabuo sa isipan ko.

'Don't trust anyone.'

Napatigil na ang pag-iisip ko nang mapansin na may pumasok sa room. Nakauniporme ito ng pang-guro pero sa pagkakaalala ko hindi siya ang guro namin for the first subject today. Kasunod naman niyang pumasok si Stefan na dumiretso sa upuang katabi ko. Tiningnan niya ako pero binawi din agad. Naparoll eyes nalang ako. Hindi ko pa nakakalimutan ang mga sinabi niyang pangmamaliit sa akin. Nararamdaman ko pa din ang pagka-inis sa kanya hanggang ngayon.

"Good morning, Class Corfe - B! Please settle down!"

Isang matigas at buo na boses ang dumadagundong sa buong paligid. Kaagad naman nagsibalikan sa kanya-kanyang mga upuan ang mga kaklase kong wala sa kanilang mga upuan. Hindi ko pala napansin na halos nandito na kaming lahat o hindi kaya'y baka nga kumpleto na talaga kami.

Takot din pala ang mga kaklase ko sa mga guro kahit ganito tong school na ito. Well, don't trust anyone nga 'di ba? Kasali na doon ang mga guro at lahat ng indibidwal dito sa school. Walang pinipili lahat kasi lahat gustong makasurvive.

"I am Mr. Dennis Tan. I will be your Physical Education teacher for the whole school year around this scheduled time, generally this is your first subject every day."

Pag-aanunsyo nito na nakatayo sa harap namin. Matikas ang anyo nito, matangkad at mamasel na tila ba alaga sa gym ang katawan. Mukhang bata pa din parang nasa 30's pa lamang.

"Excuse me, Sir?"

Nagraise ng kanang kamay ang babaeng nakaupo sa frontrow bandang kaliwang column kaya nalipat sa kanya ang buong atensyon ng klase.

"Yes, Ms.?"

"I'm Clariz Madrigal, sir. I just want to ask why there is a change of subject for the first period. Natatandaan ko kasing English Lit ang first subject namin from the very first day."

"It has been changed for all sections in Senior High. All Corfe and Lancaster Students' first subject is PE in order to implement the Morning Fitness Activity."

Diretso nitong pagkakasabi.

"Any other questions?"

"Sir, bakit mga Senior High students lang? What about the Junior High Students?"

Tanong din ng isa kong kaklaseng lalaki na nakaupo sa bandang likuran ng kaliwang column.

"It's not easy to adjust the schedules of the Junior high Students. Also, they're on great numbers and it will be very crowded in the soccer field. It will be very hard for us teachers to monitor. They will have their separate fitness activity."

"Questions?" Ang pahabol ni Mr. Tan.

Wala nang umimik pang iba pero napapansin kong nagbubulungan iyong iba at ang iba nama'y nagtitinginan na tila ba nag-uusap gamit ang mga mata. Pakiramdam ko tuloy may kakaiba na namang mangyayari. Ano naman? Mas okay ngang ganito ang first subject namin para madisiplina kaming mag-exercise araw-araw.

"Kung wala ng mga tanong, prepare and change yourselves with your PE uniforms. I expect every one of you by 8:15 Am, dapat nandun na kayong lahat sa soccer field. There will be a punishment for those who will be late. "

Pagtapos itong sabihin ni Mr. Tan ay isa-isang nagsitayuan ang lahat para magtungo sa locker upang makapagbihis. Pati ako ay nakipagkarera sa paglabas ng classroom para hindi malate. It's already 8:10 in the morning. May limang minuto nalang kaming natitira sa oras na binigay sa amin ng aming PE instructor.