Chereads / ROYALEIGH ACRES ACADEMY / Chapter 8 - RAA : The Morning Fitness Activity

Chapter 8 - RAA : The Morning Fitness Activity

Whoah!

Grabe sobrang nakakahingal ang pagtatakbong ginawa ko para makarating dito sa soccer field. Mabuti nalang hindi ako nalate. Saktong 8:13 ako dumating. Marami ng estudyante ang nasa paligid. Ang buong akala ko section lang namin ang nandito pero pagdating ko mukhang lahat ng sections ng Senior High from all sections of CORFE and LANCASTER ay nandito.

Nakihalo nalang ako sa umpukan ng section namin. Nakita ko na nasa malapit lang nakapuwesto si Mr. Tan. Nakaupo siya sa bench habang nakikipag-usap sa isa pang guro na hindi ko pa kilala.

At exactly 8:15, narinig kong may nagwhistle. Nakita kong galing iyon sa isang guro.

"Listen students, please settle down! Form two lines per section. Each section should have one line for the boys and one line for the girls. In 5 seconds, assemble!"

Halos mabingi ako sa lakas ng tunog na dulot ng announcement. Trumpet kasi ang ginamit ng isang guro sa pag-announce para siguradong marinig ng lahat ang sasabihin nito. Nagkakagulo naman ang bawat isa. Parang mga kindergarten pupils lang ang peg, simpleng pagform lang ng pila sobrang gulo pa. Hindi nalang ako nakigulo at diretso na pumwesto sa hulihan. Hindi ko inaasahang doon din pumwesto si Stefan sa hulihan ng pila ng mga lalaki. Ginawaran ko siya ng matutulis na tingin.

Napakunot-noo naman ang gago. Parang nakalimutan na niya ang pananapak sa aking pagkatao noong nakaraang araw. Akala mo talaga inosente. Kaya tinaasan ko siya ng kilay at inirapan. Napailing naman siya na tila ba walang ideya kung bakit ko siya ginaganito.

"Good morning, CORFE and LANCASTER's Students! Bear with me! This will be your first subject every day except during distressed days. Please be reminded that for the next days, you'll proceed on this area and note that there will be sanctions for those who will be late."

Kakatapos lamang ng pagkakasabi nito nang may tatlong estudyante ang humahangos na dumating. Napatingin ang lahat sa tatlo pati na din ang apat na guro na nasa may pinakaharap ng lahat ng mga estudyante.

Pakiramdam ko ako ang kinakabahan para sa tatlo. Siguradong may punishment silang matatanggap dahil 5 minutes late na sila.

"W-we are sorry Mr. Corpuz, we're late."

Ang nauutal at hinihingal pang sabi ng isang estudyante sa tinatawag niyang Mr. Corpuz. Siya yung gurong nagsasalita ngayon-ngayon lang.

"You three, come here in front!" Maawtoridad na utos ni Mr. Corpuz.

Agad namang pumunta sa harapan ang tatlo na pareparehong nakayuko. Lumapit naman ang dalawa pang guro na may dalang tigtatalo walang laman na bote ng cobra energy drink. Hindi ko alam kung saan niya iyon galing kasi wala naman akong nakitang umiinom nun kanina. They give it to the three students evenly. So, bale tigdadalawa ang bawat isa sa kanila. Nagtataka naman ang mga mukha ng tatlo nang tanggapin ang mga bote.

"Since you three are late, noticed the bottles that's in your possession now. You have to break the bottles into small pieces in front of you."

Ito ang sabi ni Mr. Corpuz sa tatlo nang nakangiti pa. Kaagad namang binitawan ng tatlo ang mga bote. Nilaglag nila ito sa semento at pinagtatadyakan para magkapirapiraso.

"Stop!"

Sigaw ni Mr. Corpuz nang mapansing nagiging maliliit na bubog na ang mga botelya. Tumigil namang ang tatlo sa kanilang ginagawa.

"Fold your pants until above your knee."

Ginawa naman ito ng tatlo. Nakatitig lang kaming lahat sa harapan. Lahat hinhintay ang susunod na mangyayari.

"Ngayon, dahil late kayo dumating lumuhod kayo sa mga bubog na yan for the whole period. Don't get up until I said so! Is that clear?"

"Y-yes, Sir!"

Sabay-sabay na sabi ng tatlo. Kahit halatang labag sa kalooban nila pero pinili nalang nilang lumuhod. Hindi ko alam kung bakit hindi sila pumalag o nag-explain man lamang. Pero naisip ko din na mukhang wala ding maitutulong kung ginawa nila iyon. Based sa handbook, second chances don't mean anything on this school. I think alam ng tatlo ito kaya ginawa nalang nila ang punishment.

Ramdam ko ang sakit nang lumapat ang kanilang mga tuhod sa bubog. Hindi maipinta ang kanilang mga mukha dahil sa pagtiis ng sakit at hapding nadarama habang isa-isang tumutusok sa kanilang mga tuhod ang mga matutulis na bubog. Kahit medyo may kalayuan ako sa kanila pero kita ko kung paano namula ang paligid ng kanilang niluluhudan dahil sa dugong unti-unting umaagos mula sa kanilang mga tuhod. Napahagulhol naman ang nag-iisang babae sa tatlo.

Napapalunok naman ako nang marinig iyon. Alam kong sobra yung sakit na tinitiis nila kahit hindi ako yung nasa lugar nila ngayon. Hindi ko yata sila kayang pagmasdan kaya iniba ko ng direksyon ang aking paningin. Nagulat ako nang magtama ang mga mata namin ni Stefan. Nakatitig siya sa akin. Hindi ko alam kung gaano na siya katagal nakatingin.

'What the heck!'

Tila ba nagrigodon ang aking dibdib. Bigla bumilis ang tibok ng aking puso sa hindi ko malamang dahilan. Hindi naman nakakatakot ang mga tingin niya pero may kakaiba pa din. Parang may gustong iparating ang mga maiitim niyang mga mata. Hindi man lang niya binawi ang tingin niya kahit na alam na niyang nahuli ko siya. Napapalunok nalang ako. Timang yata tong lalaki na to, wagas makatitig sobrang intense. Napanguso naman ako. Hindi ko kasi maiintindihan ang pagtitig niya pero bigla siyang napakunot-noo.

"Group yourselves into two in ten seconds!"

Bigla akong nagulat nang marinig ko ang boses ni Mr. Corpuz na umalingawngaw dahil sa trumpet. Bigla-bigla namang nagkagulo ang paligid. Nasira ang mga pila. Nagkakatulakan, nagkakabanggaan, at nagkakahilahan ang bawat-isa. May naririnig pa akong hiyawan. Hindi ko naiintindihan ang mga nangyayari. Tila nakakahilo ang kaguluhang nagaganap sa paligid.

Pilit ko namang iniiwas ang sarili ko sa mga babangga sa akin. Teka lang bakit ganito kagulo? Hindi ba dapat sasabihin muna ay ' The boat is sinking then yung group yourselves into blah, blah, blah'. Kulang yung sinabi ni sir, eh. Nakakaloka!

Hindi ba igugrupo lang ang bawat isa sa dalawa? Bakit parang nahihirapan ang bawat isang pumili ng kapareha?

May napapansin akong hinila ng isang lalaki ang isang babae pero naagaw ito ng isang lalaki kaya nagkakasuntukan ang dalawa. Kaya ayun pilit naman silang pinatigil ng babaeng pinag-agawan at nang tumigil na sila ay naghanap ng ibang kapareha ang babae.

Meron ding isang babae na pilit hinihila sa isang ang isang lalaki pero may ibang babae namang humihila sa kabilang braso nito. Kalaunan ay nagkakasabunutan ang dalawang babae at pilit naman itong pinaghiwalay ng lalaki. May pinagtalunan pa silang tatlo at ilang segundo pa ay pinili ng isang lalaki ang isa. Naiwan namang maluhaluha ang isa.

Meron din akong nakikitang tatlong babae na tila magkakaibigan. Halata sa mga mukha nila na naguguluhan ang bawat isa kung sino ang pipiliin hanggang sa nagkakasampalan sila. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero ayoko ng malaman kasi nahihirapan din ako sa nangyayari ngayon. Puro iwas nalang ako para hindi nila mabangga at matulak kasi may nakikita akong nadaganan at natapakan dahil aksidenteng natulak ng iba.

Pero sa pag-iiwas na ginawa ko ay hindi ko naiwasan ang likod ng isang lalaki na itinulak pa ng isang lalaki. Akala ko hahalik na ako sa lupa pero may mga bisig na sumalo sa akin at payakap niya akong iniwas sa isa pang grupo na nag-aagawan ng magiging kapareha.

Bigla akong nagulat nang marinig ang isang putok ng baril. Nararamdaman kong tumigil ang pagkakagulo ng lahat. Halos hindi ko na marinig ang tibok ng aking puso sa sobrang kaba. Napansin kong nakayakap pa din sa akin ang mga bisig ng isang lalaki kaya napapiglas ako. Naramdaman naman nito iyon kaya tuluyan niya akong binitawan. Tumingin ako sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang masilayan ang mukha ni Stefan na nakatitig sa akin.

"Are you alright?"

Tanong nito na may himig pag-aalala ang boses. Tama ba ang narinig ko?

Did he really care?

At bakit ganito nalang kabilis ang tibok ng puso ko?