"Ano?"
Napakunotnoo kong tanong sa kanya. Gusto ko lang linawin kung may tinanong o sinabi nga siya sa akin.
"Ayos ka lang ba?"
Tama nga ang narinig ko. Kanina English nga lang, ngayon naman tagalog pero pareho lang ng kahulugan. Medyo natouch naman ako. Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Parang nawala na iyong pagkainis ko sa kanya. Maybe because he saved a while ago. Sige na nga, patawarin na natin.
"Yeah, I'm okay. Thanks, by the way."
Nginitian ko siya ng matamis na ngiti na parang malapit ko siyang kaibigan pero sinalubong niya lang ito ng nakakunot niyang mga noo.
"Wag ka kasing tatanga-tanga."
Boom! Parang sumabog na bulkan ang dugo sa aking utak. Ano guys, babanatan ko na ba 'to? Akala ko ba concern to sa akin? Ngayon bakit nang-iinsulto na naman siya? Binabawi ko na iyong kapatawaran na binigay ko kanina. Nanumbalik ulit sa ang aking pagkainis sa kanya at ngayon ay napunan pa.
"Wow! Sorry naman, ha? Sorry kung tanga ako. Soorryyy kung ganito pala kagulo pumili ng kapareha ang mga kaklase at kaschoolmates natin!"
Napailing lang siya sa mga sinabi ko. Pakiramdam ko namumula na ako sa galit hindi dahil mestiza ako. Gusto ko na din siyang sugurin, sabunutan, at pagtatadyakan ngayon mailabas ko lang ang lahat ng sama ng loob ko sa kanya. Pero biglang umalingawngaw na naman ang boses ni Mr. Corpuz kaya nawala ang atensyon ko sa kanya.
"Now if you have already your pair, listen carefully. Your pair will be your partner until school year ends unless you'll drop this subject or you'll be dead."
What? Tumingin ako sa paligid ko. Nakapaligid sa akin ang lahat katabi ng kanikanilang partners. Napatingin naman ako sa katabi ko. Ibig sabihin ba na si Stefan ang magiging partner ko?
"Ikaw ba ang magiging partner ko?"
Paninigurado kong tanong sa katabi. Tumingin naman ito sa paligid namin bago ako sinagot.
"Unfortunately, Yes. Obviously, hindi na ako nakapili ng partner dahil sa katangahan mo."
Napapabuntunghininga pa ito na parang pinapakita sa akin na isang malaking pagkakamali ang pagsagip niya sa akin. Ay! Sising-sisi si Kowyah? Ang sarap talaga nitong batukan. Kaimbyerna!
"And now for our first fitness activity, you must stay with your partner. Make sure you'll stick together."
Pagpapatuloy ni Mr. Corpuz ang pagsasalita kaya isinantabi ko muna ang pagkainis sa lalaking nasa aking tabi.
"Our first fitness activity will be using one rule. The Vitruvian Rule. The theory is based on the Vitruvian Man theory by Leonardo Da Vinci. This rule will be used throughout the school year. The Vitruvian rule is a rule of proportionality in which each of you will be given a 50% rate in your total grade. Since the passing grade is 75%, that's why you have been paired in order to have a total of 100%. At the end of the year, your grade will depend upon the total of the rate that each of you will get to be added with your partner's rate. If, one of you have a total of 10% and your partner will get 60% then both of you will have a final grade rate of 70% which is unfortunately an F. You'll need 75% to pass this subject so better work together. "
Napakunot lalo ang aking noo sa mga naririnig. Eh kasi naman, si Stefan ang magiging partner ko hanggang sa matapos ang taon. Nakikinikinita ko na babagsak ako sa asignaturang ito. Ngayon pa nga lang hindi na kami magkakaintindihan, paano na lang sa mga susunod pang mga araw? Ang hirap pa namang pakisamahan ang nilalang na ito.
'Hay, bahala na nga.'
Ibinalik ko nalang ang atensyon kay Mr. Corpuz.
"Now the activity for today is called "Arm and Leg Tag Msytery Act. The activity goes like this: First procedure is, syempre itali ng magpartner ang magkabilang braso at paa ng isat-isa in order for you to act as one and to get along together. Pangalawa ay kailangan niyong tanggalin ang mga sapatos niyo. Pangatlo ay kailangan niyong marating ang object na tinabunan ng itim na tela 20 meters from the starting line. Bibigyan namin kayo ng isang bugtong at hahanapin nyo ang sagot sa object na nasa ilalim ng itim na tela. In 25 minutes, kailangan niyong makabalik dito sa area namin para sabihin ang sagot. Whoever gets the correct answer will get 10 points each, and for those who cannot answer will be deducted 10 points each. Are we clear?"
Napuno ng bulung-bulungan ang buong paligid. Ako nama'y nalilito kung bakit ganito yung fitness activity namin. Napasulyap ako sa itimna tela na tinutukoy ni Mr. Corpuz at napasulyap ako sa katabi ko pero wala man lang itong reaksyon sa magaganap.
"Listen everyone! The riddle goes like this: "From our edges, side to side, the things that made us whole, the words are not the answer. The thing that made us a fool!"."
Inulit pa ng isang beses ni Mr. Corpuz ang bugtong na hindi ko maintindihan at ngayon ko lang narinig sa buong buhay ko.
May mga tali na dinidistribute na hindi ko alam kung saan galing basta inabot nalang sa amin. Wala kaming nagawa kundi tanggapin ang mga iyon.
"The game starts now!"