Kaybilis ng oras. Hindi ko na namamalayan na matatapos agad ang araw na ito. Kakatapos lamang ng last subject namin sa hapon. Uwian na agad. Pagkatapos pala ng PE class namin kanina ay halos sampu nalang kami na pumasok pa sa mga sumunod na klase.
Nalaman kong nagpunta sila sa clinic dahil karamihan sa mga kaklase ko ang nasugatan sa mga bubog. Si Stefan naman ay biglang nawala at hindi pumasok buong-araw. Narealize ko kanina na may tinatago palang analytical skills ang mokong na iyon. Akala ko puro pang-iinsulto nalang ang alam gawin nun.
"Psssttttt."
'Huh?Sino iyon?'
Napalingon ako nang marinig ko ang isang sutsot. Yikes! Nanindig bigla ang balahibo ko nang wala akong ibang taong nakikita sa paligid. Shocks, may multo ba dito?
Napalinga-linga nalang ako. Wala kasi masyadong tao ang part ng daan na ito papunta sa dormitoryo ko. Sakto naman na ako lang ang yata ang pauwi ngayon. Hindi ko alam kung bakit wala akong nakikitang kasabay ko. Madalas naman may nakikita akong estudyante or guro na naglalakad pauwi pag ganitong oras noong mga nakaraang araw ko dito.
"Psssttt.."
Ayan na naman. Napalingon ulit ako pero wala talaga akong nakita. Sino kaya iyon? May nuno sa punso yata dito.
"Tabi-tabi po. Makikiraan lang."
Pinagpapatuloy ko ang aking paglalakad. Dahan-dahan at palinga-linga sa paligid.
"Hi Ms. Beautiful!"
Nagulat nalang ako nang may isang estudyanteng nakaunipormeng katulad ng Royaleigh Acres Academy ang humarang sa daraanan. /*Author:Hindi ko na po idedescribe ang itsura ng uniform nila. Kayo na po bahalang mag-imagine kung anung gusto niyong uniform ng Royaleigh Acres Academy. Gandahan niyo po ang pag-imagine,ha.*Hihihi/
Nakangisi pa ito na tila isang asong bangag. Namumula din ang mga mata nito na tila kakatapos lang maghithit ng masamang hangin. Napahigpit nalang ang hawak ko sa sling ng aking bag. Kinakabahan ako pero hindi ko iyon pinapahalata.
"Anung kailangan mo?"
Napangisi ito na hinagod pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
'Manyak!' ang sabi ng utak ko na pero hindi ko iyon sinabi at baka kung anu pang gawin sa akin.
"Ano ang kailangan ko? Ikaw! Kailangan ka namin.Hahaha."
May biglang sumulpot na dalawa pang lalaki at pinalibutan nila ako. Mukhang katulad din ang mga ito ng nasa harap ko na tila ba nakalunok ng pinagbabawal na bato. Napalunok nalang ako ng sunod-sunod. Mukhang ako nga ang target nilang pagtripan.
Inihakbang ko ang aking mga paa upang ipagpatuloy ang paglalakad at umiwas kung saan nakaharang ang lalaking nasa harap ko. Biglang sinunggaban ng isang lalaki ang kaliwang braso ko kaya napatigil ako sa paghakbang.
"Hep,hep,hep. Saan ka pupunta? Sinabing kailangan ka namin, eh! "
"Bitiwan niyo ako!"
Halos mangiyak-ngiyak kong pagpupumiglas lalo nang naramdaman kong inamoy-amoy ako ng isa pang lalaki.
"Wag ka ngang magulo, Miss. Dadalhin ka naman namin sa langit, ah. Hahaha."
"Bitiwan niyo ako, maawa kayo sa akin!"
Isa-isa ng nagsisibagsakan ang mga luha ko sa kaba at takot sa kung anuman ang gagawin nila sa aking pambababoy.
"Huwag kang mag-alala, Miss saglit lang to. "
Lalong nanindig ang balahibo ko sa malademonyong pagkakasabi ng isang lalaki na mistulang natatakam base sa pagkakatingin niya sa akin na para bang hinainan ng masarap na putahe.
"Please, maawa kayo. Lumayo kayo sa akin."
Pagmamakaawa ko sa kanila. Pilit namang hinila ng isang lalaki ang aking pang-itaas na uniform para hubaran ako. Pero pinilit kong makalayo kaya yung isang pinakaitaas na butones lang ang natanggal.
"Ang kulit mo, Miss! Huwag ka sabing mag-----. Ahhhhhhhhhh!!!!!!!!!"
Napatigil ang dalawang lalaki sa pagpupumilit na hubaran ako nang biglang sumigaw ang isang lalaki. Nagulat ako kaya naitulak ko ang isang humahawak ng braso ko at tuluyan akong nakawala. Napaupo nalang ako sa lupa sa lakas ng impact ng pagkakatulak ko.
Nang ibaling ko ang aking tingin sa lalaking sumigaw ay napatutop nalang ako sa aking bibig. Nakatarak sa tagiliran nito ang isang kutsilyo. Sumisirit ang namumulang dugo na pilit nitong tinatakpan gamit ang kamay.
"Hah?! Ikaw?!"
Halos sabay-sabay na sabi ng dalawa pang lalaki na parehong nagulat. Nakatingin sila sa lalaking bagong dating na walang iba kundi si Stefan.
Walang emosyon ang mukha nito habang papalapit sa tatlong lalaki pero kitang-kita sa mga mata nito ang nag-aapoy na galit. Napaatras naman ang dalawang lalaki nang makalapit na ito sa kanila.Nilapitan ni Stefan ang lalaking nasugatan na ngayon ay takot na takot na nakatingin kay Stefan.
"A-alpha. P-patawarin mo kami. H-hindi na po ito mauulit."
Nagmamakaawang sabi ng lalaking may sugat. Ang dalawang lalaki naman ay tila hindi alam ang gagawin. Tila ba nanginginig sila sa takot kaya hindi nila kayang tumakbo. Kung tutuusin, walang kasamang iba si Stefan pero parang ang tatlong ito ay nagmumukhang mga walang kalaban-laban sa lalaki.
Lumapit pang lalo si Stefan sa lalaking may sugat. Dahan-dahang hinugot ng lalaki ang nakatarak na kutsilyo sa tagiliran nito kaya umagos lalo ang mapupulang dugo na pilit pa ding pinipigilan ng nasugatan na ngayon ay sumisigaw sa sakit ng paraan ng paghugot ni Stefan.
Napatingin naman si Stefan sa dalawa pang lalaking nakatingin na ngayon ay nanginginig na sa takot.
"Alpha, patawad! Hindi na po mauulit!"
Sabay na lumuhod ang dalawang lalaki sa harap ni Stefan na hanggang ngayon ay hindi pa din umiimik. Nakatitig lang ito sa dalawang lalaki habang hawak-hawak ang kutsilyong naliligo ng dugo. Sumenyas si Stefan sa dalawa ng senyas na hindi ko naintindihan pero nakuha iyon ng dalawa at inilahad sa harapan ng lalaki ang mga palad ng mga ito.
Napapikit nalang ako sa ginawa ni Stefan kasabay ng pagsigaw ng dalawa. Sunod-sunod ba namang pinaghihiwa nito ang kanilang mga kamay. Hanggang sa sobrang dami na ng dugong umaagos sa mga kamay ng mga ito ay saka lamang tumigil ang lalaki at sinenyasan ang tatlo na umalis na.
Agad namang tumayo ang dalawa na mangiyak-ngiyak pa dahil sa mga hiwa sa mga palad ng mga ito. Pinagtulungan din nilang binangon ang kasamang nasugatan sa tagiliran at agad na lumayo sa lugar na kinaroroonan namin.
Nang makalayo na ang tatlo ay saka lamang siya nilapitan ng lalaki. Inabot nito ang isang kamay sa kanya para alalayan siyang makatayo. Hindi naman niya iyon tinanggihan.
"Ayos ka lang?"
"S-salamat."
Maikli niyang sabi nang makatayo na siya.Napabuntunghininga naman ang lalaki at umiling lamang habang nililibot ang paningin sa paligid na tila may hinahanap. Napalinga nalang din ako pero wala naman na akong nakitang ibang tao.
" Wala ka bang napansing ibang tao kanina dito?"
Tanong nito sa akin nang masiguradong kami nalang dalawa ang tao sa lugar na iyon. Napatango naman ako.
"Wala naman maliban dun sa tatlo."
Nagtataka kong sagot sa kanya. Napatango naman siya at napatingin sa kutsilyo na hanggang ngayon ay hawak-hawak pa din niya.
"Paano ka napunta sa lugar na to?"
Nakukuryusong tanong niya.
"Napadaan lang."
Maikli nitong sabi kasama ng isang tinging nanunuri. Napataas naman ang kilay ko. Binawi niya ang kanyang tingin sa akin at nagsimulang maglakad papunta sa direksyon ng dorm ko.
"Tara, ihahatid na kita. Ang tanga mo pa naman baka kung saan ka pa mapunta."
Napangiti nalang ako. Hindi ko alam kung bakit hindi na ako naiinis sa pagtawag niya sa akin ng tanga. Siguro dahil niligtas niya ako ngayon. Kaya napasunod nalang din ako sa kanya.
"Bakit Alpha ang tawag ng mga lalaki sayo? Kilala mo ba ang mga iyon?"
Hindi niya ako sinagot bagkus tumitig lang siya sa akin. Hays, napapansin kong napapadalas na ang pagtitig niya sa akin ng ganyan. Pakiramdam ko tuloy minamanyak niya ako. Yikes!
"Bakit may dala-dala kang kutsilyo at paano mo natamaan sa tagiliran yung lalaki kanina?"
Pagpapatuloy kong tanong sa kanya. Napatigil naman ito sa paglalakad at humarap sa akin kaya napatigil din ako.
"Hindi ako ang umasinta o sumaksak sa tagiliran ng lalaking iyon at mas lalong hindi sa akin itong kutsilyo."
Sabi nito na sabay itinapon ang kutsilyo sa malayo. Naguguluhan naman ang mukha nito habang sinusundan ng tanaw ang inihagis na kutsilyo.
"Kung hindi sayo iyong kutsilyo, kanino?"
Napapaisip kong tanong sa kanya pero isang iling lang ang nakuha kong sagot mula sa kaharap.