Chereads / ROYALEIGH ACRES ACADEMY / Chapter 10 - RAA : The Riddle's Answer

Chapter 10 - RAA : The Riddle's Answer

"The game starts now!"

Biglang sigaw ni Mr. Tan hudyat ng pagsisimula ng activity naming. Nagkakagulo ang lahat. Kanya-kanyang talian ng mga braso at paa. Lahat nagmamadali sa paghubad ng sapatos. Mistulang nasa carnival ang soccer field sa sobrang ingay.

Humarap naman ako kay Stefan na ngayon ay nagtatanggal ng kanyang mga sapatos. Kaya yumuko nalang din ako para luwagan ang sintas ng sapatos ko at nang matanggal ko na din yung akin.

Pagkatapos naming tanggalin ang mga sapatos naming ay inihanda na namin ang mga tali para itali sa isat-isa.

"Are you a left-handed or a right-handed?"

Biglang tanong nito habang nakatingin sa tali.

"I'm a left-handed."

"Good. Ang kanang paa at braso mo ang itatali ko sa kaliwang paa at braso ko."

Hindi pa man ako nakapaghanda sa talian pero hinila na niya ang paa ko para maitabi sap aa niya at itinali ito. Ganoon din ang ginawa niya sa mga braso namin.

"Now listen to me, humarap ka sa akin at kumapit ka sa mga braso ko. Kapag sinabi kong hakbang, sabay-sabay nating ihahakbang ang mga paa nating walang tali patungo sa object na natabunan ng tela. Huwag kang hahakbang kung hindi ko sinasabi. Tingnan mo ang daan natin papunta sa itim na tela, may mga kumikinang at sa tingin ko'y may mga bubog sa dadaanan natin."

Napatingin naman ako sa tinutukoy niya. Tama nga siya may mga kumikinang na parang diyamante dahil sa tama ng sikat ng araw. Nag-aalala naman ang mga tingin kong napatingin sa kanya. Ang hirap pa naman ng posisyon naming at sobrang awkward. Parang sasayaw kami ng Tango.

"Ready?"

Napatango naman ako at hinigpitan ang pagkapit sa mga braso niya. Siya naman ay kumapit sa beywang ko. Eyyyyyy... Naiilang ako kasi sobrang lapit namin sa isa't-isa pero wala naman akong ibang choice kundi gawin ang instruction niya kasi wala naman akong naisip na suggestion kung paano naming gagawin ito. At kung magbrainstorming pa kami dito baka abutan pa kami ng walang hanggan dito. Pero walang forever, charot!

"Now, Step forward!"

At sabay kaming humakbang pasulong sa direksyon ng itim na tela. Napatingin ako sa paligid naming dahil hindi ko yata kayang tumingin sa mukha niya. Hindi naman siya panget tingnan pero kasi parang natataranta ako lalo. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Kaya pinapakinggan ko nalang ang pagcommand niya.

Napatingin ako sa kaliwa nang may sumigaw. Nakita kong nakatapak ng bubog ang isang babae. Kitang kita ng mga mata ko kung paano nalaslas ang paa nito at umagos ang namumulang dugo. Kaya napahinto silang magpares. At sunod-sunod na sigaw pa ang mga naririnig ko sa paligid. Mukhang marami na ang nakatapak sa mga matutulis na bubog.

"Concentrate, Ms. Casamere! Huwag na huwag kang tumingin sa iba! Itutok mo sa akin ang mga mata mo, sa akin lang! "

Napakislot naman ako nang hinapit pa lalo ni Stefan ang beywang ko at inilapit pa sa katawan niya. Parang magkayakap na tuloy kami sa sobrang lapit naming sa isa't-isa.

Napatitig nalang ako sa mga mata't mukha niya. Siya nama'y nakatingin din sa akin. Pero binawi din niya ito at ibinalik sa dadaanan naming ang paningin at pinagpatuloy ang pagcommand ng "Forward".

Ang pagmando niya ay tila ba'y isang musika at kaming dalawa ay sumasayaw sa musikang iyon. Hindi ko alam pero, pero parang nagslow motion ang paligid. Hindi ko alam kung bakit hindi ko maalis-alis ang tingin sa mukha niya.

Ewan ko ba pero napangiti nalang ako ng mapait.

"Hey!"

Napakurap ako bigla sa sinabi niya. Hindi ko namalayan na nandito na kami sa harap ng itim na tela na nakapatong sa hindi ko alam kung anung object. Kami pala ang nauna. Mukhang magaling umiwas si Stefan sa mga bubog kasi pansin ko sa iba nasa kalagitnaan pa lang sila. Ang iba nama'y napahinto na dahil nakatapak sa mga matutulis na bubog.

Hinawi naman ni Stefan ang itim na tela. Namilog ang aking mga mata nang sumalubong sa akin ang isang katawan ng isang lalaking naliligo sa dugo, nakahubad at puno ng hiwa ang katawan. Pakiramdam ko maduduwal ako sa nakita ko pero niyakap ako ni Stefan at ipinwesto ang ulo ko sa may dibdib niya para hindi ko tuluyang mapagmasdan ang katawan ng lalaki.

"Let's get out of here, please."

Nanginginig ang boses ko habang nagsusunurang tumulo ang aking mga luha. Nakasubsob pa din ako sa dibdib ni Stefan. Sobra na ito! Mga takas yata sa mental ang mga mentors ng paaralan na ito.

"Shhhh.....Stop crying! It's just a dead person. Let's finish this activity para makaalis na tayo dito, okay?"

"Paano? I can't even stare on that thing for long."

Napapahikbi pa din ako dahil kahit nakapikit na ako ay tila nakatatak na sa isipan ko ang kalunos-lunos na itsura ng lalaki. Nakadilat pa ito at nakanganga.

"No need to stare. Ipikit mol ang ang mga mata mo. Magcommand pa din ako sa paghakbang para makita ko yung mga clues para masagutan natin ang bugtong. Kapit ka lang sa akin, akong bahala sayo."

Stefan's word sounds so reassuring. Kaya ginawa ko nalang ang sinabi niya. Nakapikit ako habang nagcommand siya. Hindi ko alam kung anung ginagawa niya basta parang may mga segundong humihinto kami at may pinupulot siya sa paligid.

Hanggang sa pakiramdam ko tuloy-tuloy na ang pagkakasabi niya ng "forward". At ilang segundo pa'y bigla siyang tumigil.

"Okay, let's stop. Malayo na tayo sa object."

Napadilat naman ako. Oo nga malayo na kami. Nakabalik na din pala kami dito sa starting line.

"Paano yung bugtong?"

Iwinawagayway niya sa harap ko ang mga strip of papers. Siguro ito yung nakuha niya dun sa bangkay.

"Anu namang gagawin natin diyan?"

Maang kong tanong. Pakiramdam ko nawawalan na ako ng enerhiyang mag-isip ng matino. Lumipad na yata sa kung saan ang utak ko nang makita ko ang bangkay.

"Probably these are clues. At ito lang din ang nakita ko doon na pwedeng makatulong sa atin sa paglutas ng bugtong. Nakuha ko to sa bawat side ng bangkay. Naisip ko kasi na baka andito yung sagot since nabanggit naman sa riddle ang 'side to side and edges' na words. Hopefully, may makuha tayo ditong clue."

'Patingin nga."

Inabot naman niya sa akin ang mga strip of words. Nilapag naming ito sa lupa. At may isang pangungusap kaming nabuo mula doon. Ang pangungusap ay "You deserve to die cheater."

Napakunot ang aking noo. Nagkatinginan kami ni Stefan. Anung clue naman ang makukuha namin dito?

"May isa pa pala akong nakuha dun. Nakapatong ito sa kanang dibdib ng bangkay."

Inabot sa akin ni Stefan ang isang papel na kasinlaki ng short bond paper. Tiningnan ko iyon at binasa ang nakasulat.

"Marriage contract?"

Naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Natatandaan mo ba ang buong bugtong?"

Napatango naman ako.

"Recite it."

"From our edges, side to side, the things that made us whole, the words are not the answer. The thing that made us a fool!"

Dahan-dahan kong bigkas sa bugtong. Mataman namang nakikinig sa akin si Stefan na parang iniisip ng mabuti kung ano ang posibleng sagot gamit ang mga nakuha naming clues. Pati ako ay napapaisip din.

Pero bigla kaming nakarinig ng whistle.

"Time is up! Tell us your answer, now."

Umaalingawngaw ang boses ni Mr. Tan sa paligid. Napatigil naman ang lahat. Napatingin ako kay Stefan.

"Marriage."

Mahina kong sabi sa kanya.

Napakunot naman ang kanyang noo.

"Probably."

Matipid naman niyang sagot.

"Who would like to answer first?"

Bumalik naman ang atensyon namin kay Mr. Tan. Magtataas na sana ako ng kamay pero pinigilan ako ni Stefan. Pinandilatan ko siya pero tinitigan niya lang ako ng isang tinging nagbabanta.

"Yes, Ms. Margaux Castro from Corfe-A?"

Napatingin ako sa babaeng tinutukoy ni Mr. Tan. Si Margaux, siya iyong club member ni Stefan na humila sa akin papunta sa clubroom nila noong distressed day. Ang partner niya ay iyong lalaking may creepy at malademonyong ngiti na nameet ko sa classroom naming noong distressed day din.

"Our answer is marriage." Nakangiting sagot ni Margaux.

"Any other answer?"

May nagraise ng kamay ang isang lalaking tila pinaghalong dilaw at pula ang kulay ng buhok. Nagmumukha tuloy siyang naglalakad na apoy.

"Our answer is Vitruvian Man, sir."

"Any other answer?"

Marami pang nagraise ng sagot ng kung ano-ano nalang. Pero mukhang hindi nabanggit ang sagot kasi halatang hindi satisfied ang mukha ng apat na guro na nasa harap.

"One last pair to raise their answer?"

"Yes, Mr. Leland from Corfe-B?"

Napatingin ako kay Stefan. Hindi ko napansin na nagraise pala siya ng kanyang kamay.

"The answer is love."

Diretso niyang sabi na ikinatawa ng mga estudyante. Nagtataka naman akong nakatitig sa kanya.

"Explain."

Napatingin kami kay Mr. Corpuz. Napapangiti nalang ako. Sa lahat ng sagot, sa sagot lang ni Stefan may pahabol ng pagpapa-explain. Malaki yung chance na tama ang sagot niya. At nacurious din ako kung ano ang magiging explanation ni Stefan. Hindi man lang niya sinabi sa akin kanina na may naisip pala siyang sagot.

"The riddle is: "From our edges, side to side, the things that made us whole, the words are not the answer. The thing that made us a fool!" May nakita kaming strip of words na nasa sides ng bangkay which we formed into "You deserve to die cheater." Obviously, that dead guy is a cheater and is a married man since may marriage contract din kaming nakita. The marriage contract made them whole with his wife. Whole means being a couple. Pero sabi pa nga sa bugtong na 'the words are not the answer.' So ibig saihin wala sa mga salitang nakita namin ang sagot. Sa line na 'the thing that made us a fool' doon ko naisip ang love. Kasi sa pagkakaalam ko maraming namamatay nang dahil sa pag-ibig. Maraming nagagago at nagpapakagago sa pag-ibig."

Mahabang paliwanag ni Stefan na matamang pinakinggan ng lahat. Napatango-tango naman ang apat na guro.

"Ten points will be added to you and to your partner, Mr. Leland. The rest will be deducted ten points each. Class dismiss!"

Ito ang sabi ni Mr. Corpuz kasabay ng pagring ng bell para sa susunod na asignatura. Isang malaki at malawak na ngiti ang binigay ko kay Stefan. Tumingin lang siya sa akin pero kakaiba ang mga tingin niya ngayon keysa sa dati.

Iyong tinging parang ngumingiti. Huh? May ganun ba?

Ay basta kakaiba yung tingin niya!