"Pag-igihan mong mabuti ang pag-eensayo, Leklek! Kailangan magiging malakas ka pa! Kailangan mong matutunan ang lahat ng itinuturo sa iyo ng Master mo! Kailangan mong maging manhid! At lalong kailangan mong maipaghigante ang pagkamatay ng anak ko!"
Magkasabay na tumutulo ang dugo, pawis at mga luha sa mukha niya dulot ng paghagupit ng latigo na tumatama sa iba't-ibang parte ng kanyang katawan. Hindi alintana iyon ng babaeng nag-aapoy sa galit ang mga mata habang patuloy pa din na hinahagupit ang isang inosenteng batang babae na walang ibang magawa kundi ang humikbi at tanggapin ang bawat pagdantay ng latigo sa katawan.
"That's enough, Magda! Isa lang siyang bata! Pasasaan ba't matutunan din niya ng tama ang mga itinuturo ko!"
Ang pag-awat ng isang lalaking may matikas na katawan nang maabutang halos pinapatay na ng babae ang bata. Napatigil naman ang babae sa ginagawang pananakit.
"She deserves it! Dapat siya nalang ang namatay! Dapat siya nalang ang nawala!"
"Stop it! Kahit ano pang gawin mo hindi mo na maibabalik pa ang buhay ng mag-ama mo. Ang mabuti pa bumalik ka sa impyernong paaralan na iyon at magmanman nang makakuha tayo ng impormasyon tungkol sa pagkamatay ng pamangkin ko."
Maawtoridad na sabi ng lalaki. Napatigil naman ang babae at pinukulan ng masasamang titig ang batang babae na hanggang ngayon ay humihikbi pa din bago tuluyang umalis. Dinaluhan naman agad ng lalaki ang bata. Inabutan ito ng isang panyong puti para ipampahid nito sa mukha.
"Tahan na, huwag ka ng umiyak. Hayaan mo isang araw makakalaya ka din sa impyernong ito."
Pag-alo ng lalaki habang hinapuhap nito ang ulo ng bata na walang patid ang pagtulo ng mga luha pero lalo lang itong napahagulhol.
Nagising si Stefan dahil sa sunod-sunod na paghikbi ng dalagang nakahiga sa kama na puno ng mga band-aid ang mga braso at mukha. Nataranta siya nang mapagtantong tila binabangungot ang dalaga. Agad niya itong dinaluhan at mahinang niyugyog ang balikat upang ito'y gisingin.
"Reine, wake up! Hey, wake up!"
Napatigil naman ito sa paghikbi at dahan-dahang minulat ang mga mata. Napangiwi pa ito nang maramdaman ang mahahapding mga paso nito sa katawan.
"N-nasaan ako? A-anong nangyari?"
Tarantang sabi ni Alexis Reine nang mapagtantong hindi pamilyar ang lugar na kinaroroonan niya. Sumalubong sa kanyang paningin ang mapuputing pintura ng pader sa paligid at ang nag-aalalang mukha ni Stefan na nakadungaw sa kanya.
"You're here in the school clinic. How are you feeling?"
Ngayon lang tuloy niya napansin na sobrang lapit pala ng mukha nito sa mukha niya. Ngayon lang din niya napansing nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Hindi tuloy niya mapigilang mapangiti.
Napakunotnoo naman ito sa inasta niya at bumalik sa pagkakaupo sa upuan na nasa gilid ng kama malapit sa kanya.
"Why are you smiling?"
Nakapoker face na ulit ito na nakatitig sa kanya nang mapansin na nakangiti siya. Bumalik na naman ulit ang mga malalamig nitong tingin.
"You seemed so concerned, Stefan."
"I am not concerned, Ms. Alexis Reine Casamere. Ayoko lang na may nalalagay sa disgrasya ang mga tauhan ko."
Napakunotnoo siya sa sinabi nito at tumingin ng diretso sa mukha nito ng nagtataka.
"Tauhan?"
"Yes, you're a member of the Raven Eye Royale Club."
"Since when?"
"Since I laid my eyes on you."
Mahina nitong sabi na iniwas pa ang paningin sa kanya.
"Huh?"
"Ang sabi ko pinasok ka ni Mrs. Ruiz sa club ko since you are her scholar."
"Ahhh, ganoon?" Napatango na saad ni Alexis Reine.
"Exactly, that's why you're already mine."
"Huh?"
"Tssss! Slow. I said, that's why you already belong to my club."
"Ahhhh! Akala ko tinatamaan ka na sa akin, eh."
Matamis ang mga ngiti ni Alexis Reine na nakatitig sa lalaki na halos hindi makatingin sa kanya ng diretso.
"Silly! In your dreams, Ms. Casamere. Tama na itong nonsense nating pag-uusap. Magpahinga ka nalang muna dito at huwag kang umalis sa lugar na ito hangga't hindi ko sinasabi. Is that clear?"
Maawtoridad nitong sabi sabay tayo. Walang kalingon lingon na tinungo nito ang pintuan at tuluyang lumabas. Napabuntunghininga naman si Reine nang tuluyang nawala sa paningin niya ang lalaki. Napapikit nalang siya nang maramdaman ulit ang paghapdi ng mga paso niya. Mabuti nalang at matibay ang immunity niya sa mga lason kaya hindi masyadong tumalab sa kanya ang epekto ng kemikal na dahilan ng pagsabog. Kung nagkataon na mahina ang katawan niya laban sa mga kemikal, siguradong hindi na siya humihinga ngayon.
Napapiksi siya nang maramdaman ang pagvibrate ng isang bagay sa bulsa ng palda. Pinasok niya ang kamay sa bulsa niya at inilabas ang kanyang cellular phone. Isang message ang ngayon lang niya natanggap galing sa isang nagngangalang Ma'am Magda base sa nakaregister sa cellphone niya.
'Send to me your reports.'
Iyon ang nabasa niyang mensahe. Nakatitig lang siya ng mga ilang sandali nang maramdamang may pumihit sa seradura ng pinto. Mabilis na binalik niya sa bulsa ang cellular phone.
"Oh, namimiss mo na ako agad?"
Nakangiting sabi niya. Akala niya si Stefan ang pumasok pero ibang mukha ang sumalubong sa kanyang paningin. Napatitig nalang siya sa bagong dating na lalaki. Nakasuot ito ng puting laboratory gown, makapal na eyeglasses, at blangko ang mukha. Dumiretso ito sa kinaroroonan niya kaya napapalunok nalang siya. Sigurado siyang hindi nurse o doctor ang lalaki kasi base sa itsura nito, kasing-edad lang ito ni Stefan. Isang estudyante lang din sa paaralan nila.
"How are you, Alexis?"
Prenteng umupo ito sa upuan na malapit sa kanya na siyang inuupuan din ni Stefan kanina lang.
"I-I'm fine, thanks."
Nauutal na sagot niya sa kaharap. May idea na siya kung sino ang lalaking nasa harap niya ngayon pero hindi pa din niya maiwasang kabahan dahil ngayon lang niya ito nakakaharap mula nang pumasok siya sa paaralan na ito. Hindi man niya kilala ng personal ang lider ng Sovereign Mind Royale Club, pero base sa description nito na nabasa niya mula sa student handbook na "The Deadly Handsome Nerd", pasok na pasok ang description ng lalaking kaharap niya ngayon ang titulong iyon.
"How did you survive from the explosion?"
Matalim ang mga titig nitong tanong sa kanya. Napakapit nalang siya sa gilid ng kama para pakalmahin ang sarili.
"H-hindi ko alam. N-nagising nalang ako na nandito na ako sa clinic."
"Bakit nasa loob ka ng Chemistry laboratory sa mga oras na iyon? As far as I know, walang scheduled class ang chemistry Lab that time?"
Pagtatanong nito na tila isang pulis na iniinterogate siya.
"May isang teacher lang ang nag-utos sa akin na maghatid ng microscope na ginamit namin sa Biology class namin kahapon. Pagkapasok ko bigla nalang sumalubong sa aking paningin ang duguan na lalaki na nakabulagta sa sahig ng lab. Nagpapanic na ako at hihingi na sana ng tulong ng biglang sumabog ang chemistry lab. Hindi ko na naaalala ang sumunod pang nangyari. Heto nga at nagising nalang ako dito sa clinic."
Maikling pagkukwento niya sa kaharap na halos maiyak nang maalala ang nangyaring explosion na muntikan na niyang ikamatay.
"Is that so, Ms. Casamere? Then, how do you managed to stay alive?"
"What are you doing in here Scott?"
Nagulat silang dalawa ni Icicle nang biglang pumasok si Stefan at diretsong naglakad ito sa kinaroroonan ng kausap niyang lalaki. Tumayo ang lalaki sa pagkakaupo nang mapagtanto kung sino ang pumasok. Humakbang sana ito palabas pero mabilis na nahagip ni Stefan ang isang braso nito upang pigilan ito sa pag-alis.
"Huwag kang bastos, Icicle! Tinatanong kita kaya sagutin mo ang tanong ko!"
Matigas ang bawat salitang sabi ni Stefan sa lalaki na ngayon ay matalim din na tumitig sa kanya. Inayos nito ng posisyon ang salamin nito at hinawi ang mga kamay ni Stefan na mahigpit na nakahawak sa braso nito.
"Relax, Alpha! Kinakamusta ko lang si Alexis. I heard isa siyang baguhan sa school. Pinarating ko na din ng personal ang pagwelcome ko sa kanya dito sa ating paaralan."
Napasmirk na napasulyap kay Reine si Icicle. Napatingin din si Stefan kay Reine nang mapansin na napatingin dito ang lalaki.
"Let him go, Stefan. Totoo ang sinabi niya."
Napangiti nalang si Icicle nang marinig ang sinabi ni Reine. Inayos muna nito ang laboratory gown bago tuluyang tinungo ang pintuan at naglaho sa paningin nila. Nakakunotnoong sinundan ni Stefan ng tingin ang papalayong lalaki bago binalikan ng atensyon ang nakahigang babae.
"Did he hurt you?"
"As what I've said, kinakamusta niya lang ako."
"Is that all?"
Hindi pa din kumbinsido si Stefan sa sinabi ni Reine.
"Umamin ka na kasing nag-aalala ka sa akin."
"You're really insane, lady."
Napacross arms nalang si Stefan at tinapunan ng masasamang tingin ang babae.
"Baka ang mga titig mo ang makakatunaw kay Alexis Reine at hindi ang isang kemikal."
Sabay silang napalingon sa nagsalita. Nakita nilang pumasok sa kwarto si Aikee, ang SSC president nakabuntot naman dito si Jairus, ang presidente ng Devil Smile.
"Aikee, huwag ka ng mainggit. Araw-araw naman kitang tinititigan, ah."
Sabad ni Jairus na as usual ay nakingiti pa din na parang isang asong ulol. Napairap naman si Aikee sa lalaki.
"Why are you following me, Tyler? Go back to your den and stop pestering me around."
Naiinis na itinaboy ng SSC president ang lalaking buong araw yatang nakabuntot sa kanya.
"Bakit andito kayo?"
Malamig na salubong ni Stefan sa mga ito.
"Gusto ko lang kumustahin at tingnan ang lagay ni Ms. Casamere," sagot ni Aikee sa tanong ng Alpha.
"How about you, Tyler? Bakit ka nandito?"
Matulis ang mga titig na ipinukol ni Stefan kay Jairus. Tila ba tumataas ang tension sa paligid nang mabaling ang atensyon ni Stefan sa lalaki lalo na't hindi pa din magkasundo ang dalawang president ng magkaibang club.
Hindi pinansin ni Jairus ang tanong ni Stefan at lalo pang nilapitan si Alexis na nakatingin lang sa tatlong makapangyarihang estudyante ng paaralan.
"Hi there, Ms. Alexis Reine Casamere. Nice to see you again. How are you?"
Nakatitig ang lalaki kay Reine na ginawaran pa ng isang malademonyong ngiti ang babae. Nag-aalangan namang ngumiti ang babae lalo na't tila nakakapanindigbalahibo ang mga ngiti nito.
"Hi, Jairus. N-nice to see you too. I-I'm fine, thanks."
"Nagkita na kayo dati?"
Sabad naman ni Stefan na mas lalong nag-iba ang timpla ng mukha. Mapapansing hindi nito nagustuhan ang narinig na magkakilala ang dalawa.
"Yeah, we met in our classroom before."
Nagtataka ang mukhang napatingin si Stefan kay Jairus. Hindi nila kaklase ang lalaki at magkaiba sila ng classroom.
"Nakitambay lang ako."
Napailing na sagot ni Jairus.
"Sa classroom pa talaga namin? Wala ka bang classroom?"
"Wait! Itigil niyo na muna itong pagbabangayan niyo, okay?"
Awat ni Aikee ng mapansin na nagsisimula na namang nagkakainitan ang dalawang lalaki. Pumagitna pa siya sa dalawa para masiguradong titigil ang mga ito.
"Nandito ako to talk privately with Ms. Casamere. I'm not here to witness to whatever stupid feud you have with each other, guys! So please, kung gusto niyong mag-away at magpatayan, lumabas kayo at humanap ng lugar kung saan walang madadamay."
Napaatras naman ang dalawang nang mapansing wala na sa mood si Aikee. Tahimik na tumalikod at lumabas si Jairus. Napataas naman ang kilay ni Aikee nang hindi pa kumikilos si Stefan. Napabuntunghininga nalang ang lalaki.
"I'll be outside. Just call my name when you need me."
Bilin muna nito kay Reine bago tuluyang lumabas at sinarado ang pintuan. Nakahinga naman ng maluwag si Aikee nang sa wakas ay naging tahimik na din ang paligid.
"Those stupid men are really getting into my nerves."
Komento pa ng babae bago umupo sa upuan na malapit sa kama na hinihigaan ni Reine. Napangiti naman si Reine sa katapangan ng babae.
"Mabuti at nakakaya mong labanan ang mga lalaking iyon. Hindi ka natatakot."
Buong paghangang sabi ni Reine.
"I have no choice or else kawawa ang mga kapwa nating estudyante na walang kalaban-laban. I am their Supreme Student President. It's my duty to protect them from those dangerous men."
"You're too brave."
"Anyway, how are you?"
Pag-iiba ni Aikee sa usapan.
"Medyo okay na ako. Humahapdi nalang ng kaunti yung mga paso ko sa katawan."
"As part of the investigation that we conducted on the incident that happened, I hope you don't mind if I'll ask you a few questions. After all, biktima ka din dito at muntikan ka pang mamatay dahil sa explosion."
Pilit na ngumiti si Reine sa sinabi ni Aikee.
"S-sure."
//Authors: Hi guys? Let me know who's reading? Comment below and if you like the story don't forget to rate and gives us votes. Thank you so much.
Love lots from Rhuruh and Torie