Chapter 38 - She's Back

MJ's POV

"It's been 10 months since you leave me here all alone, Love. Till now, I still can't believe that you're gone but the love and all the memories of us together will be forever in my heart. I love you and I miss you so much!" I said as I light the candle. I'm in the cemetery right now. They decided to cremate him since he was already fully burned.

I heaved a heavy sigh before I leave his tomb.

It's been 10 months since that incident happened, and already 6 months since the last time na nagpakita ako sa banda. Yes, pagkatapos na pagkatapos ko lang magkuha ng board exam, hindi na ako nagpakita sa banda. It's just that, parang hindi pa ako ready na makita ulit sila.

I seldom stayed at home, most of the time, pumupunta ako sa malalayong lugar, gaya nung naglabas ng resulta ang PRC, at sa awa ng diyos eh nakapasa ako at sila Carla and Ben kahit na lutang na lutang ako before and during the exam eh nasa albay ako nun nagbabakasyon kasama sila Carla at Ben.. Mom and Dad refused to go with us since may pinagkakaabalahan sila kaya kami na lang tatlo.

Kasalukuyan kaming nasa Tagaytay at nagbabakasyon.

"Bakla sabi ni Kevin, go ka daw doon sa kanila." Carla said.

"Para saan naman yan bakla?" takang tanong ni Ben sakanya.

"Hmm, ang sabi ang dami na raw request ng mga tao na kumanta ulit si MJ since nangyari kasi yung insidenteng iyon, hindi na nagpakita ang bakla." paliwanag ni Carla kay Ben. Napatango naman si Ben sa narinig niya.

"So ano na plano mo bakla? I mean you can't live like this. Hiding and escaping. Hindi ka makakapag-move on dyan." I get her point. Yes, it's true. Damn true. I sighed.

"Let's just enjoy the rest our days here bago tayo bumalik ng manila.." I saw them smile at tumango.

Ginawa naming meaningful ang stay namin sa Tagaytay bago bumalik ng Manila.

After 4 days, napagdesisyunan ko na bumalik na ng manila. Habang nagdadrive ako, hindi ko mapigilang hindi isipin ang nangyari noon. I mean, sa loob ng 10 buwan, mahigit isang buwan akong umiiyak palihim man o sa harap nila.. Pero isang araw nagising ako na wala nang nararamdaman. It feels I've become numb because of so much pain to bear. There were also incident when I tempted to commit suicide, luckily, Carla arrived and convinced me that I shouldn't do that. Natatandaan ko pa dati na habang hawak-hawak ko ang kutsilyo at itinutok ito sa wrist ko, umiiyak siya habang sinasabi saakin na bitawan ko yung kutsilyo.

For 10 months, I never entertained suitors neither talked to strangers kasi yan ang mga nagpapaalala sa mga nagawa niya saakin dati.

Pagkatapos ng libing ni Louie, umalis agad ako. Nagpakalayo-layo. Walang tigil ang tawag, pagmessage saakin nila Carla at Ben pati na rin sila Mama. It's just that, I can't let them see me, na hindi ko kaya yung sakit, ang sakit tignan na nililibing yung taong mahal mo, Sa harap mo mismo.

And now, after 10 months, magpapakita na rin ako sa kanila. Yes, I have made up my mind.

After 15 minutes, we arrived at the university. Hanggang ngayon daw kasi gusto ng president ng university na doon parin ang headquarters ng banda. They bring pride and honour daw kasi kaya ganoon.

Hindi ko pinaalam sa banda na babalik na ako.. Habang naglalakad ako papasok sa university, hindi ko mapigilang hindi alalahanin yung mga memories dito sa university.. I sighed and smiled bitterly.

"Bakla ayos ka lang? Kanina ka pang walang imik." Tanong ni Ben. Tumango lang ako sa kanya at nagpatuloy na sa paglalakad.. Papalapit na kami sa Music room at mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko. Nadaanan namin yung open field malapit sa gym, muli kong inalala yung panahong sinurpresa ako ni Louie dito. Kinantahan niya ako sa harap ng mga tao, yun yung naguguluhan siya sa kanyang nararamdaman..

At ngayon ay nandito na kami sa harap ng music room.

"Oh best? Hindi ka pa ba papasok?" Tanong ni Carla.

"Tss.. If I know gusto mo lang makita si Kevin!" Sabi naman ni Ben.. Inirapan naman siya ni Carla.

Huminga muna ako ng malalim bago binuksan yung pinto ng music room. Sabay-sabay tumingin saakin sila Kevin, Marco, Angelo at Vince. At pare-pareho ang naging expression nila.

Gulat.

"It's good to be back." sabi ko sa kanila habang minamasda ang buong lugar. Walang pinagbago.

"Babalik ka na ba talaga sa banda?" Tanong ni Marco. Umiling naman ako..

"No. Pumunta ako dito para gawin ang isang bagay na matagal ko ng gustong gawin." Sabi ko.

"Ano naman yun?" Vince asked.

"To perform my last song...." I said.

Nagtinginan silang apat, at halatang nagulat sila Ben at Carla sa likod ko dahil narinig ko ang boses ni Ben na parang nagulat rin.

"What do you mean by performing your last song, MJ?" Kevin asked while looking at me with his confused look.

"Since ako na lang ang natirang band vocalist ng banda, please allow me to choose the song na kakantahin ko sa event na pupuntahin natin after nito, you can choose or select your new band vocalist, kasi hindi na muna ako babalik sa banda for a while. " Seryosong sabi ko sa kanila.

"But, the event will be 2 weeks from now and may song na kami na ipeperform nung akala naming hindi ka na magpapakita. Kakayanin ba natin ang 2 weeks preparation?" Angelo asked them.

"Are you sure sa decision mo MJ? Na aalis ka na sa banda after mo magperform?" Malungkot na tanong ni Marco.

"Yes..very sure. But don't worry, babalik naman ako eh, pero matatagalan pa bago yun mangyari. For now, gusto kong kantahin yung huling awit ko na idi-dedicate ko sa kanya." I said.

Umupo ako sa piano at plinay to, tinignan ko yung guitar ni Louie at hinawakan ito at ngumiti ng mapakla at tumingin sa kawalan.

"Ever since, Louie exerted his effort for me. He always do the favour kahit hindi ko naman yung pinagawa sa kanya. He patiently courted me, waited me for 5 months at wala siyang ibang ginawa kung hindi ang mahalin ako not even a single second. Kaya please let me do this. Kahit ito lang." I begged them.

I heard them sighed.

"Okay. If that's your wish, then let's do it." Marco said while smiling at me.

"Thank you." Sabi ko sa kanila at pilit na ngumiti.

I'm sorry if I need to do this, Love.

You were the person who taught me to sing again, and now you're gone, dapat lang rin siguro na ihinto ko na muna to nang pansamantala.

Because of you, I've become part of this band, and I think it's the right thing to do, ang umalis muna ako dito sa banda. Mahirap man, pero alam ko kakayanin ko to.. Babalik ako, pero matatagalan siguro bago yun mangyari.

It's about time...

Yes, Time can only tell when and how.

Because right now, I only know one thing...

I'm dying because of so much pain and sadness.