MJ's POV
A week passed after nung insidenteng yun saamin ni Luke. And right now, naghahanda ako para sa practice para sa huling performance ko na gaganapin 4 days from now.
Pagkarating ko sa music room, agad akong nagensayo. Mostly, yung sa highest part ng kanta since hindi ko masyadong nahi-hit yung notes doon. Di nagtagal dumating na sina Kevin.
"Uy, Kanina ka pa?" Tanong saakin ni Kevin.
"Hindi naman. Bago-bago lang" Sabi ko.
"Sabihan mo kami if ready ka nang makisabay saamin ah?" Sabi naman ni Marco. Tumango lang ako sa kanila at pinagpatuloy na ang pagkanta.
Nung medyo okay na, sinabihan ko na yung banda na ready na ako.
"Ready?" Tanong ni Vince saakin.
"Yes." I simply said and that's the cue, the song then starts to play....
Marami pang changes ang nangyari at adjustments, pero so far napolished na rin man namin. After nun, we decided to end the session na at umuwi.
Pagkarating ko sa bahay, dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig nadatnan ko namang naghahanda ng merienda sila Ate Linda. Wala pa sila mama dito kasi nasa work pa ang mga yun and hindi pa man din ako nagugutom.
"Ate Linda, if gusto niyo pong magmerienda, magmerienda na po kayo." Sabi ko kay Ate Linda.
"Ikaw po ma'am?" Alok ni Ate Linda saakin.
"Hindi na Ate. Akyat na po ako sa taas. Magmerienda na po kayo." Sabi ko.
"Sige po ma'am. Salamat po." Sabi ni Ate Linda. Ako naman ay umakyat na sa taas.
Pagpasok ko ng kwarto ko, ay agad akong naligo't nagbihis ng pambahay. Pagkatapos ay humiga ako sa kama ko at binuksan ang social media accounts ko. Nagscroll ako ng mga posts sa IG nang biglang nagpop ang isang email..
Out of curiousity, inopen ko ito.
'For MJ, my love.' Yan ang nabasa ko sa pangalan ng file. Tinignan ko naman kung kanino galing, pero 'Unknown6' ang sender's name.
Inopen ko ito at may dalawang folder ang nandoon.
May isang letter at isang recorder/voice recorder.
Nanginginig ang mga kamay ko nung clinick ko yung letter.
At parang tumigil ang ikot ng mundo ko sa nabasa ko.
'My Love,
Siguro ay nagtataka ka kung bakit may ganito na naman akong paandar, ano? Malamang sasabihin mo, 'Ano ba naman tong si Louie! Hindi na nagsawa sa mga pasurpresa niya saakin' Pero alam ko namang kinikilig ka kahit hindi mo sabihin yan saakin. Kunwari ka pa ngang galit minsan habang magkausap tayo sa telepono pero halata naman sa boses mo na pinipigilan mo lang na huwag kiligin.'
Bawat salitang binabasa ko doon, parang tinutusok yung puso ko at naguumpisa naring magtubig ang mga mata ko. Tinuloy ko ang pagbasa sa liham na pinadala saakin,
'My love, tanda ko pa noong una kitang makita doon sa may garden sa university.. Dadaan lang dapat ako doon nung marinig kitang kumanta, at dahil sa pagkanta mo, napatigil mo ako sa paglalakad at tinignan kita. From there, alam ko na may mabigat kang pinagdadaanan. Umalis na rin ako pagkatapos kasi inaasikaso ko pa yung pagshift ko ng course pero hindi ka na natanggal sa isipan ko that time. Iniisip ko pa nga kung anong course mo at hinihiling ko na sana naman, kahit isang subject lang ay maging kaklase kita. At ayun na nga, God granted my wish. Nagulat ako nung pagpasok ko sa room andoon ka rin kaya sobrang saya ko but you looked at me without any emotions at all. Kaya nacurious ako ng sobra kung bakit ka ganoon. '
I paused awhile to wipe my tears na kanina pa palang tumutulo atsaka pinagpatuloy.
'Noong pinapakanta tayo ni Prof. Magbanua ng kahit anong gusto nating kanta, doon ay naisip ko kung kakanta ka ba or hindi, pero nagexpect ako na kakanta ka, at yun na nga ang nangyari. Kumanta ka pero bakas sa boses mo yung sobrang lungkot, that you're longing for someone from your past, tinitignan lang kita, I'm trying to read what's on your mind back then, and then you looked at me too, but same expression, blank and cold stare. Kinonvince ka rin ni Prof. Magbanua na sumali sa banda ko, iniisip ko na okay ka, na pwede ka sa banda ko, My Love. Pero nung sinabi mo na ayaw mo, nalungkot ako kaya gumawa ako ng paraan para mapasali ka sa banda and thanks to Carla dahil napapayag kitang sumali sa banda ko.'
Habang binabasa ko yung letter, bigla ko namang natandaan yung panahon na pinakanta niya ako ng kantang 'Shallow' sa harap ng mga nagaudition.. at tinanong niya ako kung payag ba akong maging parte ng banda niya kaya napapayag niya ako ng wala sa oras. Napangiti ako ng mapakla sa ala-alang iyon.
'Nakaplanado ang lahat nang iyon, My Love. Kunwari audition yun pero sinigurado namin na dadaan ka doon, at sakto nung dumaan ka eh last audition na yun ng isang estudyante at kumanta ako doon ng kantang 'Shallow' at niyaya kita sa harap kasama ko. Noong kumanta ka, alam ko na sa lahat ng nag-audition doon, ikaw at ikaw lang ang kukunin ko. Hanggang sa naging parte ka na nga ng banda ko, at dahan-dahan ay pumasok ako sa mundo mong madilim at malungkot. From there pinangako ko na ililigtas kita sa mundong iyon, kaya I did everything para mailigtas ka, nalaman ko rin yung rason kung bakit ka nagkaganyan, and I've become more determined to save you mula sa mundong yun. At finally nagawa ko. Nagawa kong iligtas ka sa mundong yun. '
'Isang araw nagising ako na ikaw na agad yung hinahanap ko, at ikaw na ang tinitibok ng puso ko, kaya naglakas loob ako na aminin ito sayo to the point na nagselos ako kay Ben. At pumayag ka na ligawan kita. I've courted you for almost 5 months, hindi ko ininda yung katagalan bago mo ako sagutin kasi you're worth waiting for. And finally, after 5 months, sinagot mo na ako. Sobrang saya ko noong mga panahon na yun My Love. It's priceless, hindi kayang bilhin yun ng pera.'
'Hanggang sa isang araw, kailangan kong umalis papuntang Canada. At first ayaw talaga kitang iwan, kasi hindi ko kayang mahiwalay sayo, pero ang inisip ko na lang na I'm doing this for our future. Kaya kahit masakit saakin, umalis parin ako. Masakit kasi hindi tayo sabay na aakyat sa stage nong graduation, pero hindi ko yun inisip.
My Love ngayon na 2 days na lang ay 1st Anniversary na natin, may surpresa ulit ako sayo. '
Kinakabahan man ay pinagpatuloy ko yung pagbabasa ko doon.
'I'm flying back to the Philippines para asikasuhin yung papeles para sa business ni Papa dito pero may iba ang rason kung bat ako uuwi dyan. Alam mo kung ano yun, My Love? Magpopropose na ako sayo! Saktong pagdating ko dyan sa pinas sa araw ng anniversary natin! Ang romantic ko diba? Hahahaha! Hindi ako babalik dito sa Canada hanggat hindi kita napapa-oo sa proposal ko. I can't wait to spend the rest of my life with you, My Love. Sige na My Love. Malelate na ako sa Flight ko dyan. Magdadrive pa ako papuntang airport. I can't wait to see you.
I love you, My Love!
PS: Alam kong may nakita kang voice recording sa isang folder dito sa file, please play it My Love. I love you!'
Nanginginig click ko yung voice recording na sinasabi niya, at literal na napatigil ako sa kantang naririnig ko.
It's the song, 'Beautiful in My Eyes' ni Joshua Kadison pero siya yung kumakanta.
Napayakap ako sa mga tuhod ko, nanginginig ang buong katawan at parang nanuyot ang lalamunan ko, biglang nagsink in lahat saakin, ang lahat ng nabasa ko, pati na rin yung naririnig ko, and the next thing I knew is that,
I'm crying. Hagulgol. Napaupo ako sa sahig at hinawakan ang dibdib ko, ang sakit. Ang sakit-sakit. Hindi ko kaya yung sakit. Bakit, bakit nangyayari ang lahat ng ito? Bakit?!
Magpopropose sana siya, kung hindi nangyari ang lahat nang ito! Bakit, tadhana?! Bakit?!!!
"LOUIE!!!!!" Hagulgol ko.
"PLEASE BUMALIK KA NA SAAKIN! PLEASE!" Sigaw ko. Biglang pumasok si Carla at Ben.
"Bakla! Anong nangyayari sayo!" Sabi ni Ben sabay yakap saakin
"M-magpo-propose siya saakin on the day of our 1st anniversary, nang nangyari yung aksidente. Uuwi siya para magpropose sana saakin. Best, uuwi sana siya kung hindi siya namatay!!!" Biglang hagulgol ko sa kanila. Niyakap lang nila ako ng mahigpit.
"Sige lang bes, ilabas mo lang yan. Nandito lang kami na handang makinig. Promise di ka namin iiwan." Sabi ni Carla saakin. Mas lalo naman akong umiyak.
Umiyak lang ako ng umiyak doon, akala ko hindi ako ulit iiyak pa, pero hindi pala. Walang lugar ang sakit na nararamdaman ko ngayon, hindi ko mawari kung gaano to kasakit.
Basta ang alam ko lang,
Halos ikamatay ko yung sakit.