Chereads / Untuned Melody: Make Her Heart Beat Again / Chapter 44 - Calm Before The Storm (Special Chapter)

Chapter 44 - Calm Before The Storm (Special Chapter)

Louie's POV

"Anak, sure ka na bang gagawin mo to?" Tanong ni Papa saakin.

"Opo pa. I'm sure. Very sure." I said to him..

"Well, if that's your decision, we're here to support you. " Mama said while smiling at me.

Ngumiti ako sa kanila. How thankful I am to have them as my parents. Very supportive, caring and loving. Pagkatapos kong isulat yung message ko para kay MJ at nirecord ko na rin yung version ko ng 'Beautiful In My Eyes', ay dumiretso na ako sa kotse ko.

Habang nagmamaneho ako, tinawagan ko si MJ. Wala siyang kaide-ideya na papunta na akong airport.

Hindi ko maiwasang hindi tumawa kasi sa totoo lang, halata namang kinikilig siya dahil sa boses niya, at minsan hindi siya makasagot agad, halata mong pinipigilan lang yung kilig.

"I Love You" Sabi ko sa kanya.

"I Love You too.." Literal na napangiti ako dahil sa sagot niya. Tsaka ko binabaan. Bibigyan ko siya ng moment para tumili doon hahahaha.

Masaya ako na nagdadrive, nang biglang may mangyaring hindi ko inaasahan.

Nawalan ng break ang minamaneho kong kotse at nahulog ito sa cliff.

Mabilis ang pangyayari.

Hindi ko alam kung makakaligtas pa ba ako dito sa kotse o hindi.

Basta isa lang alam ko.

Mahal ko si MJ. Mahal na mahal.

At kahit anong mangyari,

Babalik at babalik ako MJ.

Pangako yan.

Pinangako ko sayo na hinding-hindi kita iiwan kahit kailan, kaya tutuparin ko yun.

Babalik ako para tuparin yung mga pinangako ko sayo.

Pangakong iibigin kita habangbuhay....

Pangakong hindi kita iiwan kahit kailan...

At pangakong babalikan kita ano at sino mang hahadlang...

Hintayin mo ko, MJ.

Wait for me, My Love..

Latest chapters

Related Books

Popular novel hashtag