Chapter 39 - Playground

MJ's POV

Saturday morning. I tried to make myself busy, pero hindi umeepekto. Naglinis na ako ng bahay, nagtanim sa garden, naglaba na ng mga damit, but still, nalulungkot pa rin ako.

"Urgh, this won't work!" I growled. Bumangon ako at naligo at nagbihis. Nakashorts below the knee paired with white shirt at nakastep in lang ako. Sinuklay ko lang ang buhok ko, at kinuha ang cellphone, wallet at susi ng kotse ko at bumaba na.

"Anak, saan ka pupunta?" Tanong ni Mama saakin.

"Sa labas lang ma." Sabi ko. Tumango lang si Mama at sumakay na ako ss kotse ko. Pinaandar ko ito at nagdrive na.

Minutes after driving, huminto ako sa isang Jollibee malapit sa university. Pumasok ako at umorder, pagkakuha ko doon sa order ko ay naghanap ako ng bakanteng mesa't upuan, may nakita naman akong tig-dalawang tao kaya umupo na ako doon.

Habang kumakain ako, hindi ko maiwasang hindi isipin ang mga memories namin sa Jollibee.

"Love, say 'ahh'" Sabay subo saakin ng Fries.

Umiling ako at pinagpatuloy yung pagkain ko.

"Love, tumingin ka naman dito oh" Sabi niya saakin sabay tingin sa kanya

"Ano ba ----" Napatigil ako sa pagtatanong sana, paano ba naman, bigla niyang isinubo saakin ang spaghetti..

"Yan! Yum Yum Yum!" Sabi niya at ngumiti saakin tsaka tinuloy ang pagkain niya. Naiwan naman ako na ngumingiti habang nginunguya yung spag sa bibig ko.

Napabuntong hininga ako dahil tanging sa alaala ko na lamang maibabalik ang lahat.

Pagkatapos kong kumain ay tumayo na ako at sumakay na ulit sa kotse.. Pinaandar ko na ulit to at nagdrive na hindi ko alam kung saan ako pupunta.

After minutes of driving, napagtanto ko kung nasaan ako. Playground. Itinabi ko ang kotse ko sa isang tabi malapit sa playground at bumaba na.

Tumingin ako sa paligid, maraming bata ang naglalaro dito. Umupo ako sa may swing at tinignan ang mga bata na masayang naglalaro kasama ang ibang bata.

Walang iniisip na problema, walang ibang sakit na iniinda kung hindi ang sugat at sakit mula sa pagkakadapa..

If only I could go back to the time when I was a child, ginawa ko na.

If only I could go back to the time when everything's okay, siguro matagal ko nang ginawa.

Napatingala ako at napapikit dahil sa matinding kalungkutang nararamdaman ko. Pero hindi pa man din ako nakakatagal sa pagpikit, bigla akong napadilat dahil may biglang nagsalita sa likod ko.

"Ang ganda ng kalangitan pero minsan mapapapikit ka na lang sa sobrang kalungkutan ano?" Napadilat naman ako at tinignan kung sinong stranger tong bigla-bigla na lang nagsasalita.

I looked at him with my usual stare. Emotionless.

I didn't dare to answer neither talk to him.

"Mapapanis laway mo niyan, sige ka." He tried to joke around but sadly, hindi umepekto saakin.

"Okay, okay! Kinakausap kita kasi you seems so problematic or should I say, lonely. Ayaw ko kasing makakita ng taong malungkot kaya kino-comfort ko kahit hindi ko kilala. May nakilala kasi ako dati nung bata pa ako, malungkot siya at umiiyak kaya ayun, kinomfort ko siya." Napatingin naman ako bigla sa kanya. Nakuha niya ang atensyon ko sa huli niyang sinabi.

"Huh?" I pretended clueless.. Oh Gosh!

"Sa wakas nagsalita ka na rin! Ganito kasi yun, dito mismo sa playground na to, siguro 15-16 years ago na siguro mula nung una kong makita yung batang babae na yun dito na umiiyak dahil nawala yung doll niya kaya ayun kinantahan ko siya at thankfully, tumigil naman siya sa pagiyak!" Tuwang-tuwa na sabi niya, pero ako nanatili lamang blangko ang expression ko.

"At parang natatandaan ko pa yung pangalan ng Doll niya. Hmm. Parang ----" I cut him off by continuing what he supposed to say.

"Lily." I said while looking at him seriously. Ang kanina'y nakangiti't tumatawang estranghero, ay napalitan ng pagkagulat.

"H-how d-id ----" I cut him off again

"How did I know?! Simply because I was that little girl you'd met here crying because she lost her favourite doll named Lily. Also, I was that little girl na kinantahan mo rito kasi hindi mo alam kung paano mo siya i-comfort. I was also that little girl who's scared to sing her favourite song because she's not confident. And I was that little girl you taught on how to sing. You were the first person aside from my parents ang naniwala na kaya kong kumanta." I paused. He's still in the state of shock.

"And you asked for my name, and you supposed to tell me your name that time but you were being called by your mother but you promised one thing to that little girl, alam mo kung ano yun?" Napalunok siya sa tanong ko. Halata sa boses ko ang galit at sakit.

"You promised to come back! That little girl waited for you! Naghintay ako sayo! Pero ano?! You didn't come back! Hindi mo tinupad yung pangako mo doon sa batang babae, hindi mo tinupad yung pangako mo saakin!!" I cried in pain. Ang dating gulat na gulat na expression niya, napalitan yun ng awa at konsensya.

"I-i'm sorry..." He said.

"SORRY?!! YOU THINK THAT'S ENOUGH?!! ALL THROUGHOUT MY LIFE, I LIVED IN SO MUCH SADNESS! YOU PROMISED, BUT YOU DIDN'T COME! I LIVED MISERABLY!" I screamed at the top of my lungs, sabay palo sa kanya. Hinawakan niya yung mga kamay ko at biglang niyakap, nagpumiglas naman ako per masyado siyang malakas kaya hindi ako nakawala sa yakap niya

"Someone came in my life to save me, I was being saved by him, he proved to me that there's still hope in life, that I should continue the life, and the person prove to me that I deserved to be loved by someone more than anything that you can do. I feel in love with that person, we've become as one, but something tragically happened!" I cried but this time, with so much pain, and sadness. I never thought na iiyak pa ako ulit, akala ko naubos na nung mahigit isang buwan akong umiyak

"I lost him. He leave me here alone like what you did to me 15 years ago! Why'd he leave me here?! Why'd you left back then?! Why is it everyone leaves me?!! Why??!!!!!" I shouted at him. Instead of answering me, he hugged me but this time isang mahigpit na yakap.

"I'm sorry. I'm really really sorry that I caused you pain back then, I'm so sorry na nararamdaman mo ang mga bagay na ito ngayon. Please, forgive me..." Maamong sabi niya. Umiyak lang ako ng umiyak, hanggang sa bigla kong naramdaman na parang nanghihina ang katawan ko, nawalan ng lakas yung mga kamay ko kaya napatigil ako sa pagpupumiglas mula sa yakap niya, nanginginig ang mga tuhod, at parang nabibigatan ang ulo ko.

"Are you alright?" Nag-aalalang tanong niya saakin. Napabitaw ako sa kanyang yakap, hindi ko na siya makita kasi blurred na yung vision ko sa paligid, parang nahihilo ako na hindi ko maintindihan and na-a-out of balance ako

"MJ..." He called my name. I can feel that he's smiling at me even though it's not clear.. Hahawakan ko sana yung mga kamay niya kaso it's too late.

"MJ!!!" Rinig kong tawag saakin ng lalaking to sa harap ko before everything turned into black.