MJ's POV
Saturday morning. This is supposed to be my free time like waking up a bit late but here I am, nagbibihis dahil tinawagan ako ni Carla kagabi at nagpapasama saakin. Hindi man lang sinabi kung saan. Babaeng yun talaga!
*Ring Ring*
"Hello?" Sagot ko.
"Best! Hintayin mo lang ako dyan, sabay na us papunta doon. Bye!" Well, what can I do? Binabaan niya na ako eh. Much better kung hihintayin ko na lang ang babaeng yun.
Minutes passed at dumating na rin ang babae. Nagbeso muna siya kila mom and dad at nagpaalam na kami sa kanila.
"Where are we going ba?" I asked her.
"Basta sumama ka na lang best. Hindi naman kita ililigaw nuh! Sa ganda kong to? Naah!" I rolled my eyes at her.
"Whatever. Bilisan lang natin kasi sa totoo lang ang init. " Sabi ko.
"Bat ba kasi tayo naglalakad lang Carla? Pwede naman nating gamitin yung kotse ko di ba?"
"Sayang ang gas best. Ang lapit-lapit na kaya natin nuh!" She said. Parang familiar tong daan na dinadaanan namin.
Oh please, don't tell me doon kami pupunta? Few steps pa bago makumpirma yung hinala ko at tama nga ako.
"What are we doing here?" I asked her.
"To play?" She said sounding as if it was a joke. A silly joke. But I remained soulless at her. I heard her sigh.
"Fine, gusto lang kitang tulungan best. And ito lang yung nakikita kong paraan para maibalik kita sa dati. " I looked at her but this time in dismay.
"I don't need any help, Carla. Stop this nonsense and let's go home." I said coldy.
Tumalikod na ako at nagsimula nang maglakad paalis sa playground. Yes, sa playground. Same playground where I left my old self 14 years ago. Pero napatigil ako sa nakita ko. I mean, sa taong nakita ko.
"MJ, we are here to help you sabihin mo man o hindi, alam ko kailangan mo ng tulong namin." I stared at him in disbelief and then I stared Carla, was it all planned?
"So this was all planned by you, uh? You don't know me neither know anything, Mr. Mendez. So please don't intrude my personal life and dictate on what am I supposed to do and mind your own business." Aalis na sana ako ng hawakan niya ako sa braso, tinignan ko siya ng seryoso.
"Let go of me." It's not a favour, but a command.
"No. I won't let you go." He said.
"I said let go of me." But he didn't let me go.
"Look, gusto ka lang naming tulungan. Nag-aalala na yung bestfriend at yung mga magulang mo sayo, pero bakit ba ang tigas-tigas mo ah? Hindi porket hindi ka lang binalikan ng taong yun sa past mo eh pwede mo nang ganituhin ang mga taong nakapaligid sayo, hindi ganoon yun MJ. Sa buhay natin may dumadating, may umaalis. May mga bagay na pag umaalis, bumabalik pero may mga bagay din ang hindi na bumabalik at hindi na natin pwede pang maibalik. You shouldn't let yourself be imprisoned because of your past, instead accept it, let go and move on. Ganyan ang buhay, MJ. " He said. Aaminin ko, natamaan ako sa mga sinabi niya. I shouldn't let myself na makulong sa past ko. Instead na magmove on ako, mas ginusto ko ang makulong sa sarili kong kalungkutan.
"Instead of mourning na hindi na siya bumalik, why not be thankful kasi for once may dumating sa buhay mo para pasayahin ka kahit sa maikling panahon? " I remained speechless. Bawat salitang bumibitaw sa bibig niya, tusok na tusok sa puso ko.
"Maraming tao ang gusto kang tulungan, at handa kang maisalba mula sa kalungkutan pero anong ginawa mo? Itinaboy mo sila, MJ, you ignored their efforts to help you. " Sabi pa niya ulit. Binitawan niya na ako at pinaharap sakanya. Nanatiling seryoso yung tingin ko sakanya kahit sa loob-loob ko, eh nanlalambot na yung puso ko. Sapul na sapul yung mga bawat salitang sinasabi niya saakin.
"Sinayang mo yung mahabang panahon na sana ay masaya ka, at pinili mong makulong sa sobrang kalungkutan at pighati yang puso mo, minsan ba inisip mo kung gaano kasakit ang makita ka na nagkakaganyan ng mga taong mahal ka? Yung pamilya mo at kahit yung bestfriend mo na walang ibang ginawa kung hindi ang intindihin ka at tulungan ka na makabangon ulit mula sa nakaraan mo ha MJ?" Gosh. Tinignan ko naman si Carla na bakas sa mga mata niya na nalulungkot siya. Am I being so hard?
"Give yourself the freedom and the life you truly deserved, MJ, instead of living in that kind of life where loneliness, and darkness filled in your world. " Tumingin ako sakanya. Diretso sa kanyang mga mata, bat ba ang daming alam nito? Pero tikom pa rin yung bibig ko. Kasi the moment I speak, I know something warm will fall from my eyes.
Nagulat ako at tumingin siya saakin. Straight to my eyes, seryoso at may halong pakiusap sa kanyang mga mata, at sinabing;
"Accept it and let go, MJ. Please.
Just let go of yourself."
Crop!