MJ's POV
Monday morning feels unusual for me kasi nasanay ako dati na walang kabuhay-buhay at walang kakulay-kulay yung buhay ko pero iba na ngayon. I was determined to wake up every single day to make things right and to clear up every messes I made for the last past 14 years.
The same routine gaya ng ginagawa ko pag pupunta ng school. Ligo, bihis, apply ng konting kaartehan sa mukha, batiin sila mama at papa, kain ng breakfast at magpaalam kila mama't papa.
Pagdating ko sa school, mukhang nagtataka yung mga estudyante dahil kung dati emotionless ako, ngayon naman may kulay na. I mean, may emotions na.
"Good morning kuya guard!" Bati ko kay Kuya Guard. Nagugulat man akong tinignan, pero nagawa niya paring batiin ako ng magandang umaga.
Humanities pala ang 1st subject ko ngayon, kaya dumiretso na agad ako sa room namin. Pagkadating ko, kakadating lang din ng Prof namin na si Prof. Espinosa.
"Good morning Prof. Sorry I'm late" Halata sa mukha niya ang pagkagulat ganoon din ang mga kaklase ko. Pero tumango lang si Prof at umupo na ako sa upuan ko katabi si Carla.
"Alam mo, di parin ako sanay na ganyan ka ngayon, mas nasanay kasi ako dati na wala kang kabuhay-buhay na parang malamig na bangkay ka always dito, pero ngayon aba! Blooming na blooming ka babaita!" Sabi ni Carla.
"New life, new beginnings best! Shhh ka na. Maguumpisa na yung klase natin." Sabi ko na lang sakanya. Napatingin naman ako sa bandang kanan ko at nakita kong nakatingin saakin si Louie.
"Good morning" He mouthed at me. Ngumiti ako sakanya at nag-good morning rin at umayos na ng upo at nakinig na kay Prof.
After 1 hour, dumiretso kami ni Carla sa cafeteria since may vacant kami na 2 oras basta MWF. Usually kasi, 7:30-8:30 yung klase namin at 10:30 pa ulit yung klase namin kaya heto, tambay muna sa cafeteria dahil ang bruha hindi nagbreakfast.
Bumili na lang din ang ng Chocolate cake tsaka ng milkshake habang kumakain si Carla.
"Nga pala best, may gusto ba sayo si Louie?" Literal na nabulunan ako sa tanong ni Carla. Bunganga talaga ng babaeng to kahit kailan!
"Ano ka ba naman Carla! Matuto ka namang mamili ng magandang timing pag magtatanong ka ng mga ganyang tanong, at wala nuh! Kabandmates or friends lang kami, yun lang yun!" Pagdipensa ko sakanya.
"Hmm, the way I see it, parang may something fishy sya eh. Baka ikaw walang gusto sakanya, pero siya ba?" Sabi niya. Hmm, wala naman atang gusto saakin si Louie noh?
"Alam mo Carla, kumain ka na lang kaya at pwede bang tigil-tigilan mo na yang kakalagay mo nang mga malisya na yan! Kaya ka nasasaktan eh, konting ano lang ng tao sayo, lalagyan mo na agad ng malisya!" Sabi ko, inirapan niya naman ako kaya napatawa ako ng konti sa ginawa niya.
Ipinagpatuloy ko yung pagkain ko ng chocolate cake, nang bigla na namang may interruption na naganap.
"May I disturb you and your precious cake for a while?" Literal na napatingin ako sa kumausap saakin. Tumigil din sa pagkain niya si Carla at alam na alam ko nang istilo ng babaeng to, maghahanap na naman ng malisya!
"Yes?" sagot ko na lang.
"Hmm, may gagawin ka ba after ng class natin mamaya?" Nahihiyang tanong niya saakin. Napaisip naman ako, hanggang 2:30 lang yung klase namin mamaya, at wala ding meetings or practice yung banda ngayon, kaya wala naman siguro ano?
"Parang wala naman ata. Bakit?" Though alam ko na kung anong kasunod na sasabihin niya, still nagtanong pa ako. Tss
"Can I ask you to go out with me later?" Seryosong sabi niya. Tinignan ko naman si Carla at tinignan niya lang ako ng 'You go girl!' Babaeng to talaga!
"A date with you?" Stupid me! What kind of question was that MJ?!
"Perhaps?" Natatawang sagot niya.
"Hmm, sure why not. " Sabi ko na nagpangiti sakanya.
"Okay, then see you later sa class natin. Enjoy your food, Ms. Band Vocalist. Bye" Sabi niya at ngumiti saakin. Hmm. Sweet? Probably yes or not. Gulo.
"Hmm, so?" Napatingin naman ako kay Carla na ngayon ay nakangiti na nang may malisya
"Diba tama ako? May tama na yung lalaking yun sayo! Ang taray mo babae ka!" Sabi niya saakin na na dahilan para mapaisip ako.
Yung lalaking yun, si Louie Mendez, na band vocalist ng isang sikat na banda dito sa university, may gusto saakin?
"Nagiilusyon ka na naman ba, Carla? Malabong magustuhan ako nun! Band vocalist yun ng sikat na banda dito sa school natin, tapos sasabihin mong may gusto yun saakin?!" Hindi makapaniwalang sagot ko sakanya.
Umiling naman si Carla, at sumagot saakin.
"You know what best, you shouldn't degrade yourself, instead, earn the confidence you deserved. Nakalimutan mo na bang siya ang tumulong sayo na maglet go na mula sa nakaraan mo? At baka nakakalimutan mong band vocalist ka rin ng banda niya?" She's right... but.. Tssk!
"And you should try na magentertain ng mga suitors or guys best, normal lang yun sa isang babae, ano ka ba!" Sabi niya pa ulit.
"Kaya go lang ng go!" Pagchi-cheer niya pa saakin.
Hayss, what to do pag umamin nga saakin si Louie na gusto niya ako? Hayys, ang gulo!