MJ's POV
After class nga, dinala ako ni Louie sa mall. As in habang lumalakad kami, walang hawakan ng kamay o akbay man lang ang nangyari.
Okay lang naman saakin na ganito kasi sabi ko nga kay Carla, hindi ko pinapangunahan yung tao.
Ayaw ko na in the end, nagmumukha akong desperada or assumera. Yung babaeng yun lang talaga ang ganoon kaya laging nasasaktan. Marupok masyado hahaha.
"Meryenda muna tayo?" Tanong niya saakin. Hmm. Medyo naguguton na man din kaya sige.
"Okay." I simply answered.
Pumasok kami sa Greenwich at umorder siya ng 16" na Hawaiian Supreme, chicken lollipops at lasagna na rin.
"Uhm." Sabi niya habang hinihintay namin yung mga inorder niya. This feels so Awkward.
"Gosh, how can I say this? This is too gay!" I heard him mumbled.
"Are you okay? You looked tense." Sabi ko na lang.
He was about to say something nang dumating na yung mga inorder niya kaya napabuntong hininga na lang siya.
"Nevermind, let's eat." He said while he's shaking his head.
Kumain na lang kami ng tahimik..Yeah, tahimik and he really looks awkward hindi ko alam kung bakit.
"Louie, ayos ka lang ba talaga?" Tanong ko ulit dito. Napaubo naman siya sa biglaang tanong ko kaya pinainom ko siya ng tubig.
"*cough* salamat *cough*" Sabi niya habang hinihimas ko ang kanyang likod.
"Ano, yes I'm okay. May iniisip lang ako." Sabi niya at ngumiti saakin.
"Hmm, louie you said you've been in a band for almost 5 years right? Anong nakita mo sa pagbabanda kaya ka tumagal ng 5 taon?" Tanong ko just to kill the tension and the awkwardness saamin dalawa.
Napaisip naman siya at muli siyang sumubo bago sumagot saakin.
"Siguro dahil passion ko ang pagkanta? Kasi hindi ka naman tatagal sa isang bagay kung hindi mo to mahal or gusto eh. Noong bata pa lang ako pinangarap ko na talaga na maging parte ng isang banda kaya noong nabuo ang banda at kaibigan ko na si Marco that time, at niyaya niya ako na maging parte ng banda nila, hindi na ako nag-isip pa at um-oo na agad ako." Mahabang sagot niya. Tumatango lang ako at sumubo ulit..
"Ikaw naman ang tatanungin ko.." Napatingin naman ako sakanya..
"Bakit ayaw mong sumali sa banda ko noong una? I mean, maraming students, well mostly mga babae, ang nagkakandarapa na mapasali sila sa banda ko. Pero ikaw? Inignore mo lang ito nung una, so bakit?" Tanong niya saakin.
Napaisip naman ako dahil sa tanong niya.
"Siguro dahil ayaw ko nang kumanta kasi hindi naman talaga ako magaling eh. It's just that someone believes in me na magaling ako, kaya siguro naging malaking epekto yun saakin kaya ayaw ko nang kumanta." Sabi ko, nakita ko naman siya na napangiti sa sinabi ko.
"And dahil sa ginawa namin ni Carla kaya ka ulit napakanta, right?" He said while smiling from ear to ear. Napairap naman ako dahil sa sinabi niya.
"Joke lang ito naman. Oh kumain na lang ulit tayo" Sabi niya.
Pagkatapos naming kumain, dinala niya ako sa isang store na maraming stuffed toys.
Pumasok ako at nagtingin-tingin. Habang siya andoon sa stall ng mga toys. Malamang ibibili niya ng laruan yung kapatid niya.
Wait, did I say kapatid niya? May kapatid nga ba si Louie?
May napansin ako na Pink Stuffed Toy dito. Cute siya kasi may headphones siya na suot at may damit rin.
"Gusto mo ba? I will buy it for you."
"Ah hindi, tinignan ko lang yung stuffed toy since siya lang ang naiiba. Hmm, may nabili ka na ba?"
"Ahh, oo. Eto oh, para sa pamangkin ko. " Ahh, so wala pala siyang kapatid?
"Akala mo para sa kapatid ko no? Hindi, para sa pamangkin ko ito." Napatango na lang ako sa sinabi niya at isinauli yung stuffed toy.
"Saan na tayo pupunta?" Tanong ko
"Ikaw? Gusto mo manood tayo ng movie?" Hmm. Pumayag ako since gusto ko na rin talaga manood ng movie.
Romance yung genre ng movie na pinanood namin. Pansin ko lang na halos lahat ng nasa loob ng sinehan ay couple, mangilan-ngilan lang pala kaming single dito.
Pagkatapos ng movie ay, napagpasyahan namin na umuwi na. Hinatid niya ako hanggang sa gate ng bahay namin. At first ayaw ko na sana kaso mapilit siya eh kaya wala na akong nagawa.
"Sige na, salamat sa araw na to, Louie." Sabi ko saka ngumiti sakanya.
"Sure, salamat rin. Paano, dito na ako ah?" Sabi niya. Tumango naman ako at nagbabye na sakanya.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng kwarto ko, may kakaiba akong naramdaman. May something sa puso ko na hindi ko maexplain. Ang lakas ng tibok nito, tipong nahihirapan akong huminga.
May sakit na ba ako?