Chereads / Untuned Melody: Make Her Heart Beat Again / Chapter 16 - His Confession

Chapter 16 - His Confession

Louie's POV

Sh.t! Bakit ba hindi ko maamin-amin sakanya na mahal ko siya? Na gusto ko siyang ligawan? Bakit ba umiiral na naman ang pagiging torpe ko?

"Alam mo pre, kung mahal mo talaga siya, makakaisip ka ng paraan para malaman niya yun." Sabi saakin ni Marco..

"Hindi ko naman kasi alam dito sa kaibigan natin eh. Gwapo naman sana pero hindi ko alam kung bat natotorpe to eh!" Isa pa tong si Kevin. Mauupakan ko na talaga to!

Tinignan ko naman siya ng masama, lokong to!

"Joke lang pre, ikaw naman hindi na mabiro. Ang sinasabi ko lang pre, mag-isip ka ng paraan para malaman niya na mahal mo siya. Hindi pwedeng ganito ka na lang lagi saamin pre, aba mahirap na baka magkagusto ka pa saakin---" Hindi ko na siya pinatapos magsalita pa'no, binatukan ko eh! Ang ingay-ingay!

"Aray! Masakit yun ah! Naalog yung brain cells ko!" Reklamo niya.

"Meron ka pala nun?" Natawa naman ako sa sinabi ni Angelo.

"Pero seryoso pre. Anong gagawin mo ngayon? May strategy ka na bang naisip para masabi mo sakanya?" actually meron na, pero hindi ko alam kung magsucceed ba ako sa paraang to or hindi.

URGGHH! Bahala na si Batman!

Kinabukasan, pagkadating ko sa room, nakita kong tumatawa si MJ kasama si Carla tsaka may kasama silang lalaki na di ko alam kung anong pangalan.

"HAHAHAHA. Nakakatawa talaga yung pangyayaring yun kay Carla na hanggang ngayon di ko parin lubos maisip na mangyayari yun sakanya! HAHAHA" Tawa niya pa ulit. Hays, bakit ba ang hirap umamin sa isang tao na mahal mo siya?

Umupo na ako sa upuan ko, at tanaw na tanaw ko kung paano tumawa si MJ pero nainis ako nang bigla siyang hawakan sa braso ng lalaking yun.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko pero nilapitan ko yung lalaki na yun at itinulak siya dahilan para ma-out of balance siya at natumba.

"OMG! BEN ARE YOU OKAY?!" Sigaw ni Carla.

"WHAT WERE YOU THINKING AH! ANO BANG PROBLEMA MO LOUIE AT BIGLA-BIGLA KA NA LANG NANUNULAK!" Sigaw saakin ni MJ. Wow, she's yelling at me because of this low class dude uh?

"Hinahawakan ka na niya sa braso pero wala lang sayo? Ano? Gustong-gusto mo naman na hinahawakan ka sa braso ganoon?" Medyo may pagka-sarcastic yung pagkasabi ko niyan. Tumaas naman yung kilay niya saakin

"Ano naman sayo kung hinawakan niya ako sa braso ah? Braso ko naman to at it isn't yours naman! Kaya pwede ba, magtino ka naman!" Sabi niya tsaka inalalayan yung Ben na yun!

"You say sorry to him. NOW." Madiin na sabi niya. Pero hindi ako nagsorry sakanya. Why should I? Nababastos na siya pero ako pa ang may kasalanan ngayon?

"Why would I? I won't say sorry to thay jerk." Chill na sabi ko saka umupo na. Inirapan niya lang ako at tinulungang tumayo yung tinulak ko kanina.. Tsss.

"Are you okay? Pagpasensyahan mo na ang mokong na yun ah? Time of the month niya siguro ngayon eh." Sabi niya sabay hawak doon sa lalaking yun.

Nag-init naman ang ulo ko kaya nilapitan ko sila at hinila yung kamay ni MJ. Kainis eh!

"Aray ano ba! Bitawan mo nga yung kamay ko! Aray!" Sigaw niya saakin. Binitawan ko naman yung kamay niya tsaka hinarap siya. Nasa harapan kami ng tao dito, sa gitna pa! Parang may shooting lang ng isang movie ang nagaganap dito ngayon. Tss.

"WHAT IS YOUR PROBLEM HA?!! ANO BANG PROBLEMA MO AT NAGKAKAGANYAN KA! UNA, SINUNTOK MO YUNG KAKLASE NATIN, AT NGAYON NAMAN, BASTA-BASTA KA NA LANG NANGHIHILA NG KAMAY! ADIK KA BA HA?!!" Sigaw niya saakin pati mga tao nagulat ata kasi tumahimik silang lahat at tumigil sa kanilang mga ginagawa. Tss.

"And now you don't speak. Look, Mr. Mendez kung may problema ka sa bahay ninyo or sa personal na buhay mo, huwag kang mangdamay dito! Kainis to!" Tsaka niya ako tinalikuran at babalik na sana doon kila Carla nung bigla akong nagsalita or should I say, sumigaw. Tsk!

"MAHAL KITA!" Kahit hindi siya humarap saakin alam ko na nagulat siya kasi napatigil siya nang sumigaw ako. Kahit ako ma'y nagulat din pero andito na to eh! Kaya paninindigan ko na lang yung nasimulan ko.

"Haven't you heard it? I said I love you, MJ. I love you! I don't know when did it start, but one thing's for sure, everytime I see you, my heart beats so fast, and everytime I don't see you, my day isn't complete. " Sabi ko. Tinignan niya naman ako ng seryoso. Anak ng ---! Seriously?! Napa-amin ako nang wala sa oras dahil sa siraulong lalaki na yun tapos ngayon, titignan niya lang ako?

"Believe it or not, but I have fallen for you, MJ. Will you accept my love for you or not?" I asked her. 'Sigurado ka bang handa kang marinig kung ano man ang isasagot niya sa tanong mo, Louie?' My conscience asked me so I shut him up.

"MJ?" I once called her. Pa'no tulala na siguro to eh.

Napabuntong hininga siya at lumapit saakin. Lumakas naman bigla yung puso ko, corni!

"You know what? You're the first person who confessed his feelings for me knowing na ang daming estudyante na nakikinig. And I salute you for that kasi bilang na lang ang mga lalaking handa kang ipagsigawan sa harap ng mga tao kung gaano ka niya kamahal." Sabi niya na nagpangiti saakin.

"But ikaw rin ang kauna-unahang tao na nakilala ko na kailangan munang manakit ng ibang tao para umamin ka sa tunay mong nararamdaman. " Kinabahan naman ako sa sunod niyang sasabihin.. Paano na lang pag nireject niya ako? Edi mapapahiya ako ng sobra knowing may mga estudyante dito! Bobo mo talaga, Louie!

"And going back to your question, ano sa tingin mo ang isasagot ko doon?" Napalunok naman ako dahil seryosong-seryoso siyang nakatingin saakin. Pinagpapawisan pa ako nang sobra-sobra!

"How can I not love you where in fact you're so adorable and has an alluring personality, uh Mr. Mendez?" she said while smiling.

Napatulala naman ako sa sinabi niya. Hindi agad nagsink in sa utak ko yung sinabi niya. Bumalik lang ako sa katinuan ko nang marinig ko ang mga hiyawan ng mga kaklase namin dito sa classroom.

"So that means,... Tayo na?" paglilinaw ko sakanya. Umiling naman siya saakin

"Ano ka, sinuswerte? Mangligaw ka muna oy! Tsaka magsorry ka muna kay Ben!" Sabat ni Carla saamin.

"Carla's right, Louie. Hindi mabuting gawain yung bigla-bigla ka nalang nanunulak nang ibang tao." Tumango naman ako at lumapit kay Ben.

"Uhm, about what happened earlier, I'm so sorry. Please forgive me." Sabi ko at nag bow down pa.

"Ayy, ano ka ba! Okay lang yun noh! Ang tarush ninyo kanina ah! Parang may libreng movie ditey sa room! Taray!" Sabi niya at pumalakpak pa. Napangiwi naman ako. So, he's a ---

"Getsning ko yang iniisip mo, hindi ba halata? Duuh as if naman papatusin ko yang si MJ noh! And may jowa ako na mas gwapo pa sayo noh!!" Napangisi na lang ako sa inasta ko kanina.

Like seriously, uh Louie Mendez? You're going this too low because of your ego? Gosh man!