Chereads / SKYLAR / Chapter 17 - THE BESTFRIEND

Chapter 17 - THE BESTFRIEND

"GOOD MORNING!" masiglang bati ni Skylar kay Webster pagkasakay nito sa sasakyan. Magmula nang sagutin siya nito dalawang linggo nang nakararaan ay hatid-sundo na niya ito. He wants to do everything for her. Gusto niyang bumawi at tapatan ang pagmamahal ni Skylar.

Everytime he remembers the day she declared how much she loves him, his heart felt warm. Tinatanong tuloy niya ang sarili kung anong klaseng kabutihan ang ginawa noong past life dahil ang swerte niya ngayon.

Hindi birong mahalin ng isang Skylar Wright dahil hindi ito basta babae. Skylar has everything. Beautiful face, body, intelligence and fortune. But behind all those things, she possessed a kind heart and a wonderful soul that made him love her even more.

Kaya iingatan ni Webster si Skylar. Magpapakasipag pa siya para sa kanilang dalawa. Kung pinakita nito sa buong mundo kung gaano siya nito kamahal ay patutunayan naman niya habang nabubuhay na hindi ito nagkamali sa kanya.

Alam na ng daddy ni Skylar ang tungkol sa kanila. He was happy and congratulated them. Dahil doon ay mas lalong pinagigihan ni Webster ang trabaho. He wanted him to show that he deserved Skylar.

"Good morning. Kumain ka na?" nakangiti niyang tanong at pinausad na ang sasakyan.

"Yes. Ikaw?" nakangiti nitong sagot.

"Tapos na rin." aniya.

Napatango si Skylar. "Tama 'yan."

Nagkangitian sila. Hinawakan ni Webster ang kamay ni Skylar at hinalikan. Ah, he felt high. It felt surreal too. Parang kailan lang, patanaw-tanaw lang siya rito. She was like a dream became true.

Magaan ang loob ni Webster na nagmaneho hanggang dumating sa CSRI. Hinatid na muna niya si Skylar sa department nito bago pumasok. Pagupo niya ay tumawag siya agad sa isang flower shop para padalhan ng isang bungkos na tulips ang girlfriend.

"Are you okay now? Puwede na ba tayong pumunta sa testing area?" malamig na tanong ni Dr. Theodore Cha-os nang ibaba ni Webster ang telepono.

Ngumiti siya. "Sure. Let's go."

Napailing-iling ito at naunang lumabas. Mahinang natawa si Webster. Sa loob nang department na iyon, si Theodore ang pinakamalapit sa kanya. Pareho kasi silang geek. Madalas pa niyang marinig ang mga kasamahan na same birds daw sila at they flocked together.

But both of them didn't mind that. Wala silang oras para magdamdam. Instead, they put their focus on their project Titanium. Ito ang ka-team niya para buuin iyon. Siya ang physicist at ito naman ang mechatronics engineer. Mechatronics engineering is the combination of mechanical, electronics, computer and controlling engineering. Theodore deals with the design, construction, operation, as well as computer systems of Titanium. Bukod dito ay mga kasama rin silang computer experts para mabuo iyon.

Sampung taon na rin si Theodore sa CSRI. Agad silang nagkasundo nito dahil pareho sila ng hilig. Tahimik na tao ito at laging nagiisip nang malalim.

"Mainit yata ang ulo mo," tanong niya. Magmula nang dumating sila ni Skylar buhat sa Davao ay napansin na niyang unti-unti nitong pagbabago. Hindi siya masyadong kinikibo. Noong makita rin nito ang bago niyang get up ay parang hindi nito nagustuhan. Wala naman itong sinabi pero base sa pag-iling nito ay parang ganoon na rin ang sinasabi. Gayunman, hindi na lang binigyang meaning iyon ni Webster. Naisip niyang hindi lang ito sanay.

Napabuga ito ng hangin at umiling. "Huwag mo nang alamin ang iniisip ko. Let's just focus on Titanium. Naiayos ko na ang power supply niya kaya puwede nating sindihan." anito at nilapitan ang hindi pa tapos na product. Para lang iyon titanium casket pero sa loob ay naroon ng board, wires, programs and connections.

Lumapit na rin si Webster at sinimulang busisiin ang Titanium. Humarap siya sa monitor at sumenyas kay Theodore na sindihan na ang machine. Nang tumalima ito ay pinanood niya ang sa monitor ang takbo ng program. He didn't even dare to blink.

"Everything okay?"

Napatuwid siya nang upo nang marinig ang boses ni Stephen. Agad niya itong hinarap at pinakita ang ginagawa. "Everything is fine, sir. Okay naman ang takbo ng program. Mamaya ay pakakabitan ko na ito ng laser para masubok sa mga lab rats kung effective siya."

"Good!" natutuwang saad nito at inakbayan siya.

Tipid na ngumiti si Webster. "Marami pa ho itong pagdadaanan."

"I know you can do it. I am proud of you," nakangiti nitong saad.

Napaigtad sila nang may bumagsak na tools. Napalingon sila at nakitang pinupulot na iyon ni Theodore. Mukhang nasagi nito.

"Malaki ang parte ni Theodore sa project, sir. He handles the construction of the machine." aniya.

"I know," nakangiti nitong sagot at nilapitan si Theodore. Kinamayan din nito. "Good job, Dr. Cha-os."

Tumango lang ito at yumuko na. Humarap ulit si Stephen kay Webster. "I'll go now. Sa greenhouse naman ako pupunta to do some rounds." anito at umalis na.

Nang tuluyan na silang maiwanan ni Theodore ay nagtrabaho na ulit sila. Doon nila ibinuhos ang oras hanggang sa magtanghalian.

"Let's have some lunch." aya ni Webster.

"No thanks." malamig nitong sagot saka tumalikod. Nagpaka-busy ito sa inaayos na mga wires.

Napabuntong hininga na lang si Webster. Hindi na niya ito kinulit. Minabuti niyang lumabas na at nakita si Skylar na naglalakad papalapit. She smiled. Ah, that smile brightens up his day. Agad niyang nalimutan ang nabubuong animosity sa kanila ni Theodore.