Chapter 25 - Chapter 22

"Out na ako!" anunsiyo ni Miles nang matapos ang duty niya nang araw na iyon. "I will see you tomorrow!" May klase siya sa culinary art school at maya maya lang ay dadating na ang coaster na maghahatid sa kanya sa Tagaytay. Three times a week ang klase niya. Wala siyang problema dahil binibigyan siya ng konsiderasyon dahil nga nag-aaral pa siya. Ilang buwan na lang at sasalang na siya.

"Dalhan mo kami ng luto mo, ha?" anang si Jhunnica. Naglilihi ito at nahihilig sa kung anu-anong pagkain. Napag-iinitan pa nito ang kakaibang desserts.

Lumabas ng private office nito si Gino. "Miles, sandali!"

"Bakit, Sir?" tanong niya. Mula nang mag-usap sila, pinapansin na ulit siya nito. Kaya naman lagi silang inuulan ng tuksuhin kapag nag-uusap sila ni Gino.

"Lumapit ka dito," nakangiting utos nito.

"Bakit hindi na lang ninyo sabihin?" Wala customer noon dahil katatapos lang ng lunch. Kaya pwede silang mag-usap nang sila-sila lang ang nakakarinig.

Humalukipkip ito. An unnerving stance telling her that he was the boss. "Basta! Gusto ko lumapit ka."

Kumunot ang noo niya. "Sir, aalis na ako, eh!" Kadalasan naman kasi ay wala naman itong importanteng sasabihin. Gusto lang siyang inisin. "Bukas na lang."

"Naku! Insubordination iyan!" kantiyaw ng mga kasamahan niya.

"Bibigyan kita ng memo kapag hindi ka lumapit sa kanya," banta pa ni Jhunnica na naging hobby na ang kantiyawan sila ni Gino.

Direkta niya itong tiningnan sa mata paglapit. "Bakit, Sir?"

Ginagap nito ang kamay niya. "Will you take care for me?"

"Ha?" usal niya. Parang di pa nga pumasok sa utak niya ang sinabi nito.

"I said would you take care for me."

Napipilan siya at di makasagot dito. Ano naman ang sasabihin ko?

"Uy! Ang sweet naman! Baka langgamin!" tukso ni Quincy. Maging ang iba pang tao sa paligid nila ay kinikilig.

Mabilis niyang binawi ang kamay. "Ang corny mo! Yuck!"

Ayaw niyang aminin dito na natutuwa siya sa gesture nito. Kasi lalaki na naman ang ulo nito at kakantiyawan siyang in love dito. Mapipikon lang siya. At sa huli, baka mapaamin nga siya nitong in love siya dito kahit hindi pa masyado.

Tumalim ang mata nito at hinila ang kamay niya. Bahagyang lumapit ang katawan niya dito at inilapit pa ang mukha sa kanya. "Anong corny, huh? Corny ba na mag-alala ako para sa iyo."

Pilit naman niyang inilalayo ang ulo dito. "Kahit naman hindi mo sabihin sa akin, aalagaan ko talaga ang sarili ko."

Inilapit pa rin nito ang mukha sa kanya. "Sagutin mo muna nang maayos ang sinabi ko kanina. Will you take care for me?"

Nanuyo ang lalamunan niya. Ang lapit-lapit na ng mukha nito. Parang isang hibla na lang ay magdidikit na ang labi nila. "Yeah, I will. Always."

"Good," sabi nito. Pero di pa rin inilalayo ang mukha sa kanya at nakatitig pa rin. Kahit ang kamay niya ay di pa nito binibitiwan. Parang matutunaw na siya!

Anong gagawin ko? He can't be serious! Di niya ako hahalikan sa harap ng maraming tao. At hindi rin ako magpapahalik sa kanya nang ganito!

"S-Sir, male-late na ako. At baka iwan pa ako ng service."

Saka lang siya nito binitiwan at lumayo nang bahagya. Malapad ang ngiti nito. "Sige. Magkita na lang tayo bukas."

Nakahinga siya nang maluwag pero nanlalambot ang tuhod niya. At dahil nanunukso rin ang ngiti ng mga kasamahan niya ay di siya makatingin nang diretso.

"Sayang! Konti na lang iyon!"sabi ni Quincy nang sundan siya sa locker room.

"Anong sayang? Baka bumula ang bibig ko kapag hinalikan niya ako."

Hinampas nito ang balikat niya. "Kunyari ka pa. If I know, nabitin ka."

"Heh! Hindi kita pasasalubungan ng cherry flan!" banta niya.

"Walang ganyanan! Pumasok ka na nga!" pagtataboy nito.

Habang naghihintay sa service ay di niya maiwasang mangiti. Doon na lang niya hinayaan ang sarili na kiligin. Kapag nag-iisa na lang siya.

Pasakay na siya ng service nang tawagin ulit siya ni Gino. "Miles, sandali!"

Nang lumingon siya ay nasa kalahati na ito ng patio papunta sa kalsada. "Bakit, Sir?" tanong niya. Mukhang importante dahil hinabol pa siya nito.

"Pabaon ko para ma-inspire ka!" At nag-flying kiss ito.

Tumawa siya at iiling-iling pagsakay ng service. Hanggang pag-alis nito ay di nito tinigilan ang pagpapa-cute sa kanya. Pag-upo niya ay nilingon pa niya ang restaurant. Nakatayo pa rin ito sa patio at kumaway nang makita siyang lumingon.

Sumandal siya at pumikit. "Kung alam ko lang na seryoso ka at di mo ako pinaglalaruan, tuluyan na siguro akong mai-in love sa iyo, Gino."