Chapter 23 - Gino Santayana Chapter 20

Nagulat siya nang malaman na wala palang ka-date si Gino. Akala kasi niya ay isa sa mga babae doon ang ka-partner nito. Nang iikot niya ang paningin ay siyam lang ang nasa table. Si Gino ang walang kapareha.

"Sino naman ang may sabi na wala akong ka-date?" wika ni Gino.

"At nasaan naman ang ka-date mo?" tanong ng isa pang babae.

"Siya ang ka-date ko. Si Miles," anito at nilingon siya. Nagkataon na kalalapag lang niya ng drinks ni Gino kaya nasa tabi niya ito.

"What? That waitress is your date?" mapanlait na sabi ng Jennelyn. "I can't believe it, Gino! Madami namang babae diyan. Why her?"

"I can't imagine a waitress wearing our attire. She can't afford it," wika naman ni Ryza, dating teen star. "The waitress uniform looks better on her."

"Oh, please!" usal ni Jennelyn at sinapo ang noo. "Please don't bring her to the circuit. I would surely faint." Sumang-ayon ang iba pang babae. They gave her a mocking glance then laughed.

"Excuse me," aniya at umalis sa table bago pa niya mahampas ng tray ang mga babaeng iyon. Nakasunod sa kanya ang tingin ng nakapaligid sa table nila Gino, tiyak na narinig din ng mga ito. "Ma'am, pwede pong five minutes break?" sabi niya ay Jhunnica nang makarating sa counter.

Di na niya hinintay pa ang sagot nito at tuloy-tuloy siya sa locker room. Idinikit niya ang ulo sa malamig na locker para kalmahin ang sarili. "Bitches!"

Bumukas ang pinto ng locker room. "Miles…"

Hinarap niya si Gino. "Ano bang pumasok sa utak mo? Bakit sinabi mo sa kanila na ako ang ka-date mo?"

"Ano ngayon kung sinabi ko iyon? Ikaw talaga ang gusto kong maka-date."

"Sana hindi mo na lang sinabi. Tingnan mo, pinagtatawanan ka na ngayon. The whole riding club knows that you prefer to have a waitress for your date."

"Wala akong pakialam kung pagtawanan nila ako."

"Ang tigas kasi ng ulo mo," paninisi niya dito. "Ibinalik ko na ang damit sa iyo. Sinabi ko nang humanap ka ng ibang date na bagay sa iyo.

"You are pretty, Miles. And you are a nice person. Magkasundo rin tayo sa maraming bagay. At kung kasama kita, hindi ako malulungkot."

She looked at him with sad eyes. "I won't fit in. I can't wear nice clothes. Sila na ang nagsabi na ito lang ang bagay sa akin. Hindi ko rin sila kayang pakisamahan dahil simpleng tao lang naman ako. Mapapahiya ka lang sa kanila."

"Bakit naman ako mapapahiya? Dahil service crew ka dito at nakita ka nilang nakasuot ng uniform? I am proud of you, Miles. Kahit ano pa ang suot mo pagharap sa kanila, ipagmamalaki pa rin kita."

"But I am not like them--"

Pinigilan ng daliri nito ang labi niya. "You don't have to be like them. I like you for what you are. Kung pagtawanan man nila ako dahil ikaw ang gusto ko, wala akong pakialam. You know what the sad thing is? Iniisip mo na kasing babaw din ako ng iba sa tagal na kasama mo ako dito," anito at lumabas ng locker room.

Sumandal siya sa locker habang nakatitig sa pintong nilabasan ni Gino. Did she judge him hastily? Sa sobrang pagprotekta ba niya sa sarili ay nasaktan niya ito? Hindi nga ba niya kilala ang totoong Gino?