Chapter 20 - Gino Santayana Chapter 17

Tumayo si Gino sa likuran ng upuan niya. "Two months akong nawala. Kaya naman na-depress ka at na-miss mo ako. Kaya naisipan mong sundan ako dito."

Tumayo rin siya at hinarap ito. "Masyado ka namang guwapo para baguhin ko ang buhay ko para lang sa iyo, Sir Gino. Ganoon ba ako kabaliw sa iyo?"

Nagkibit-balikat ito. "Iyon kasi ang sabi ng mga kasamahan mo."

"What?" bulalas niya.

"Dumalaw ako sa DOME kahapon. Sabi ng manager mo, naging matamlay ka mula nang di mo ako nakita. Nawalan ka na ng ganang magtrabaho. Kaya naisipan mong lumipat dito."

Ang walang hiya! At ipinagtanong pa pala siya. Akala ba niya ay di na siya nito guguluhin. "Iyon mismo ang dahilan ko kaya ako lumipat dito. Para makalayo sa tulad mong makulit. Hindi kita nami-miss. Tatlong beses ko ngang inayawan na makipag-date sa iyo, hindi ba?"

"Oo nga pala. Ayaw mo akong makita," malungkot nitong sabi. "Ibig sabihin gusto mo nang mag-quit sa trabaho ngayon?"

"Hindi ko gagawin iyon. I like it here, kahit nandito ka pa."

"Kahit pa ako ang boss mo? Hindi ka ba natatakot na tuluyang ma-in love sa akin. Araw-araw mo akong makikita. Sige ka, ikaw din."

"Hindi kaya ikaw ang natatakot na makita ako? Araw-araw mong makikita ang babaeng sumira sa record mo dahil tinanggihan kita."

Humalakhak ito. "Of course not. Tuwang-tuwa nga ako dahil nandito ka. Sasaya na naman ang boring kong buhay dahil sa iyo."

Naningkit ang mata niya. "Chef Gino, hindi personal clown mo ang job description ko. I am here as a service crew. So please maging professional tayo sa isa't isa. I will respect you as my boss and I will work diligently. Walang problema."

Gusto niyang maging pormal sila sa isa't isa. Ayaw na niyang makipag-flirt na naman ito sa kanya. Mapapalapit lang ang loob niya dito. At sa dami ng babae na lagi nitong isasama sa riding club, di na siya nito basta-basta maaakit. Sino ba naman siya kumpara sa mga sosyal at magagandang babae na kakilala nito?

Tumango-tango ito at bumalik sa kinauupuan. "You said so."

"Pwede na po ba akong umuwi, Sir?"

"Teka!" May binuksan itong paper bag at inilabas ang muffler. Lumapit ito sa kanya at inayos ang muffler sa leeg niya. "Malamig sa labas dahil elevated dito."

"Thank you." Lahat ay pinasalubungan nito kahit na si Quincy ay mayroon. "Akala ko ba iyong champagne na ang pasalubong mo sa amin ni Quincy?"

"Nope. Pang-welcome ko iyon sa mga bagong empleyado ng Rider's Verandah. I bought this muffler for you. Gusto ko sanang isuot mo ito kung sakaling yayain kitang mag-date dito. Malamig kasi dito. I was about to ask you out again."

She didn't expect that. Akala niya ay wala na itong pakialam sa kanya. "Bakit kukulitin mo na naman ako? Nagsawa ka na ba sa mga babae sa France?"

"Maraming nagyaya sa akin. Sabi ko may naiwan ako sa Manila at siya lang ang gusto kong maka-date. Now, I am glad that you are here with me."

"I didn't come here to have a date with you. I came here to work. I will see you tomorrow, Chef Gino." She must be more careful now. Kung di niya ilalayo ang sarili kay Gino, tuluyan nang mahuhulog ang puso niya dito.