Shanaia Aira's Point of View
SINAMAHAN ko si Neiel at Andrei pabalik sa kanilang hotel room. Nasa itaas na palapag sila mula dun sa kung saan kami ni Gelo.
Sa totoo lang kinakabahan ako pag humarap na kami kay tito Anton. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanila ni tita Liana kung bakit may pasa sa pisngi si Andrei at Neiel. Kainis naman kasi si Gelo kung magselos, init agad ng ulo. Masyadong possessive.
Nagulat pa si tita Liana nang pagbuksan kami ng pinto.
" Hoy kayong dalawa saan na naman kayo galing? Aira? Aira ikaw ba yan? Bakit—anong ginagawa mo dito? Bakit kasama mo yang dalawang sutil na yan?"
" Ah eh tita good evening po." saka ako nagmano sa kanya. "nagkataon po na nagbabakasyon din kami dito at nakita po ako ng dalawang yan."
" Ah kasama mo ba ang mommy at daddy mo? Nasaan sila? dito rin ba kayo sa hotel naka-check in?" sunod-sunod na tanong ni tita Liana.
" Opo tita, sa ibaba lang po nito kami naka-check in pero hindi po sila mommy ang kasama ko kundi yung fiance ko. " sagot ko.
" Fiance? ah oo nga, nabanggit nga ng kuya Andrew mo nung minsang magkita sila ng tito Anton mo sa munisipyo pero hindi sinabi kung kanino ka na-engaged. Nasaan siya, bakit hindi mo sinama dito para makilala naman namin ng tito Anton mo? "
" Ah eh bukas na lang po siguro tita— "
" Oy ano nangyari dyan sa pisngi nyo? pasa ba yan? Papa, papa itong dalawang ito nakipag-away pa yata. " natatarantang tinawag ni tita Liana si tito Anton, hindi ko na nga natuloy yung sinasabi ko kasi ininspekyon nya na yung pisngi nung dalawa.
" Ma wala lang po yan! "reklamo ni Andrei sa ina.
" Mama Lian malayo po sa bituka yan! " sabi naman ni Neiel.
" Anong wala? eh nagpasa yang mukha nyo! Anong ginawa ng dalawang to Aira bakit may ganito tong mga to? " ako naman ang hinarap ni tita. Napalunok ako, hindi ko alam kung ano sasabihin ko. Hindi pa man nila nakikilala si Gelo, bad shot na siya.
" Kasi po tita——"
" Anong nangyayari dito? O Aira bakit nandito ka? Bakasyon ka rin? " dumating si tito Anton kaya na-udlot na naman yung sinasabi ko.
" Opo tito Anton." sagot ko tapos nagmano ako sa kanya.
" Anong nangyari sa dalawang ito, bakit may pasa sa mukha? Nakipag-away ba kayo? " tanong ni tito Anton.
" Yun nga po tito, kasi nga—" sasagot na ako pero sumingit naman si Andrei. Ano ba naman yan? Hindi na ako nakapag-paliwanag.
" Kasi nga papa nakita namin si ate Aira papasok dun sa bar, hinabol namin ni Neiel eh pasara yung pinto, hindi namin napansin kaya sapul kami pareho sa mukha. Di ba Nei?" nagkatinginan kami ni Neiel.
" Ah opo papa Anton ganon nga po. hehe." segunda pa ni Neiel na medyo napapakamot pa ng ulo. Palihim ko silang pinandilatan dahil sa pagdadahilan nila.
" Hay nako kayong dalawa talaga. Lagyan nyo ng yelo yan para mawala ang pasa at hindi mangitim. Sayang ang mga gwapo nyong mukha pinang-sasapul nyo lang sa pinto." sabi ni tito Anton sa dalawa. Lihim kaming natatawang tatlo sa sinabi ni tito. Nagpaalam si Neiel at Andrei na kukuha ng yelo para sa pasa nila, sinamantala ko yon para sundan sila.
" Oy kayong dalawa, bakit hindi nyo ako hinayaang sabihin kay tito Anton ang totoo? Bakit kayo nagsinungaling ha?" pabulong kong tanong, baka kasi marinig kami nila tito Anton.
" Ate, alam naman namin na kaya nagawa ni kuya Gelo yun eh dahil nagseselos sya. Nakita namin na mahal ka talaga nya. Kaya hindi ko sinabi kay papa yung totoo kasi ayaw namin syang ma-bad shot sa kanila. Kita mo nga gusto na syang ma-meet ni mama." katwiran ni Andrei at sinegundahan naman ni Neiel ng pagtango.
" Aw, come here, kayong dalawa. " untag ko sa kanila. Nang makalapit sila ay niyakap kong pareho.
" Pinapaiyak nyo si ate. Hindi lang pala kayo malaki lang, matured na rin kayong mag-isip. Pero mali pa rin yung nagsinungaling kayo ha?" tumango naman sila pareho.
Ako na ang nag-presintang magyelo sa mga pasa nila sa mukha. Pagkatapos nagpaalam na ako kila tito Anton at nangakong babalik na lang kinabukasan para ipakilala si Gelo sa kanila.
Pagdating ko sa room namin ay naroon na si Gelo, nakahiga sa kama. Nang makita nya ako ay bigla syang bumangon.
" Baby?" tawag nya pero hindi ko siya pinansin. Dumiretso ako sa banyo at naligo. Sinadya kong tagalan sa banyo dahil hindi ko alam kung paano ko sya haharapin. Naiinis pa rin kasi ako sa kanya. Napaka-seloso nya.
Paglabas ko ng bathroom ay naroon pa rin sya sa kama at matiyagang naghihintay sa paglabas ko. Hindi ako kumikibo. Kumuha ako ng damit sa closet na naroon at nag-umpisang magbihis. Hindi ko alintana kung naroon man siya sa paligid at pinanonood akong magbihis.
Bahala syang maglaway dyan!
" Baby?" pagtawag nya. Hindi ko sya pansin.
" Baby sorry na." wala akong pake.
" Shanaia Aira!" napipikon ng tawag nya. Binuo na pangalan ko eh.
" O bakit Ariel Angelo?" panggagagad ko, akala naman nya takot ako sa kanya.
" Sorry na kasi." sa mahinahon at mababang tinig.
" Sorry? Matapos mo akong layasan kanina tapos natiis mo pa ako na kumain ng mag-isa gayong nandoon ka lang pala sa bar kasayaw yung Keithlin na yon. Sorry din ba dun sa ginawa mo dun sa mga pinsan ko?" naiinis kong tanong. Kahit naaawa ako sa itsura nya ngayon na akala mo pinagkaitan ng tadhana, hindi ako papatinag. Asar ako sa kanya. Period.
Lumapit na sya sa akin. Tapos bigla na lang akong nagulat ng lumuhod sya sa harapan ko.
" Baby I'm sorry. I'm terribly sorry for what I have done earlier lalo na sa mga pinsan mo. Oo tama ka nagselos lang ako kaya ko nagawa yon. Alam mo naman na ayokong may ibang lalaki na umaaligid sayo. Sorry kung possessive ako, mahal na mahal kasi kita, gusto ko akin ka lang. Umalis ako kanina kasi natakot din ako, ayaw ko lang aminin sayo na naapektuhan din ako dun sa sinabi nung lola. Natatakot din ako katulad mo pero ayokong ipahalata sayo kasi saan ka pa kukuha ng lakas ng loob na magpatuloy kung pati ako na kakapitan mo ay takot din? Takot ako baby, mas na-trigger yung takot ko nung mga what ifs mo kanina. Pakiramdam ko hindi ako makahinga kaya umalis ako. Naisip ko, what if nga hindi sumablay yung premonition ni lola? Paano ako baby? Ikaw yung kumukumpleto sa akin, kaya kung mawawala ka, hindi lang ako madudurog, mawawasak ako baby. " medyo gumagaralgal na ang boses nya kasi umiiyak na sya habang nagsasalita. Akala ko nagagalit ako pero yung ganitong hindi sya nahihiyang maglabas ng emosyon nya sa harap ko, sino ba naman ako para hindi sya patawarin?
Hinila ko sya patayo. Nung magkaharap na kami ay niyakap ko sya ng mahigpit. Hindi ko napansin kanina na umiiyak din pala ako. Walang kumikibo sa aming dalawa. Nanatili lang kami na magkayakap. Hinayaan lang naming humupa ang emosyon na nararamdaman namin.
" Baby I'm so sorry. Nahihiya ako dun sa mga pinsan mo. Samahan mo ako sa kanila, hihingi ako ng tawad sa nagawa ko." turan nya matapos ang ilang minutong paghupa ng emosyon.
I heaved a sigh then I nodded. " Pinagtakpan ka nga nila kay tito Anton. Kaya wala silang alam ni tita Liana sa nangyari. Gusto nga ni tita Liana na ipakilala kita sa kanila. Nabanggit pala ni kuya Andrew na engaged na ako, and they are dying to meet you. Bukas pupunta tayo sa taas, dun sila naka-check in. "
" Sure baby. Galit ka pa ba sa akin? "
" Hindi naman ako pwedeng magalit sayo ng matagal alam mo yun. Nahihirapan din naman ako pag magkagalit tayo. Basta bhi wag ka na lang masyadong magselos, nawawala ka sa hulog kung minsan eh. Kung nasa Pilipinas lang tayo, malamang headline ka na bukas."
" Okay baby. I will try my best not to get jealous. Takot lang kasi akong mawala ka sa akin. "
" Possessive! " natawa lang sya sa sinabi ko.
" Ang perfect kasi ng fiancee ko eh! "
" Ewan sayo! Muntik ka ng walang ka jack en poy ngayong gabi dahil dyan sa kalokohan mo. "
" Huy baby, hindi pupwede yun! Tara na nga ng makarami! "
" Hayun dyan ka magaling bhi! "
Then we turn the lights off. Landian mode muna.
Sa isang relasyon hindi normal kung hindi kayo magkakaroon ng hindi pagkakaunawaan. Paminsan-minsan kailangan ito para mas lalo kayong tumibay. Sa kaso namin ni Gelo, nagkakaroon din kami ng misunderstandings pero madali rin namin itong naaayos dahil marunong kaming tumanggap ng pagkakamali namin.
Maaaring pareho kaming may takot ngayon dahil sa premonition nung lola, mangyari man o hindi, si Lord lang ang nakakaalam. Basta gagawin namin ang lahat para harapin ito at hindi namin hahayaang masira kami ng takot na ito.
Love bears all things, endures all things.