Chereads / The Actor that I Hate to Love / Chapter 23 - College Student

Chapter 23 - College Student

Shanaia Aira's Point of View

SUMMER has ended.Tomorrow pasukan na uli sa school.College na pala ako katulad ni Gelo.Panibagong buhay at kapaligiran na naman.Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin dito but definitely mas challenging ito than high school.Mas kailangang mag-aral ng husto o sa ibang salita, magsunog ng kilay dahil dito nakasalalay ang magiging kinabukasan ko.Kahit mayaman ang pamilya ko, kailangan ko pa rin na magsikap dahil iba pa rin naman yung may natapos, may sandata ka sa pagtayo mo sa sarili mong mga paa.

Naiayos ko na ang mga kailangan ko para sa pagpasok bukas.Kahit naman naging busy ako kay Dindin nitong nakaraang buwan, nagawa ko pa rin namang makapag-enroll at makabili ng mga kailangan ko sa school.Sabay kami ni Gelo na nag-enroll, dun na rin ako sa university na pinapasukan nya para magkasama kami.Kumuha ako ng kursong Psychology dahil gusto kong ituloy ito sa Medicine. Pangarap kong maging doktor na lihis sa larangang kinabibilangan ng pamilya ko, samantalang nasa pangatlong taon naman si Gelo sa kurso nyang Architecture.

Dumating sila ate Shane from their shooting in Vigan,Ilocos two days ago.Napansin ko ng kunin nila si Dindin sa bahay, parang hindi sila maayos ni kuya Gerald.May kakaiba sa mga ikinikilos nila.Napansin din nila mommy yun pero hindi na lang muna sila kumibo.Ayoko rin namang magtanong.Inisip ko na lang na baka pagod lang sila sa byahe kaya ganon.Pero kung meron man silang problema, I hope maayos nila kaagad for the sake of their daughter.

Naputol ang pag-iisip ko ng mag ring ang phone ko.Nung tignan ko ay pangalan at gwapong mukha ng boyfriend ko ang nasa screen kaya pinindot ko kaagad ang answer button.

" Hello baby boy, what's up!" pabebe kong tugon.Narinig kong natawa sya sa kabilang linya.

" Ikaw talaga baby nakakawala ka ng pagod." sagot nya.

" At saan ka naman po napagod aber?" tanong ko.

" Kanina pa kasi ako tumatakbo."

" Huh! Gabi na tumatakbo ka pa? Aba eh mapapagod ka nga,ang alinsangan pa naman."

" Haha..napagod ako kasi kanina pa ako tumatakbo dyan sa isip mo."

" Ah ganon, pumi-pick up kana naman pala.Assumero ka bhi, paano pala kung hindi ikaw ang tumatakbo sa isip ko ngayon?" sinubukan kong magbiro,tignan ko kung hindi to uusok sa selos.

" Ganon? Sino ba ang iniisip mo bukod sa akin ha? Ang unfair mo naman,ako walang segundo na hindi kita naiisip tapos ikaw hindi pala ako ang iniisip mo." o kitam sabi sa inyo maglilitanya na ito.Sobrang seloso nya po sa totoo lang pero kahit ganon mas lalo ko syang minahal.

" Haha..ayan kana naman bhi umandar na naman yang pagiging seloso mo.Syempre ikaw lang din yung naiisip ko kahit kagabi lang tayo huling nagkita.Hindi ka lang tumatakbo sa isip ko, nagwo-work out ka pa!" I heard him chuckle on the other line.Oh this handsome creature, he always makes my heart flutter.

" Tsk.baby kahit kailan talaga ikaw ang kahinaan ko.By the way, are you ready for tomorrow?" pag-iiba na nya ng topic.

" Opo,naayos ko na lahat ng kailangan." sagot ko.

" Good.Sige pahinga ka na maaga kita susunduin bukas para sa freshman's orientation.I love you baby.Goodnight."

" I love you too bhi.Goodnight." sagot ko at pinindot ko na ang end button.Gusto palagi nya na ako ang mauunang magpatay ng phone.

Kinabukasan...6:30am pa lang nasa dining table na ako at sumabay kila mommy na mag breakfast.Nakaalis na si kuya dahil kapag lunes kailangan maaga sila sa munisipyo.

" Anak, ready ka na ba sa pagpasok mo sa university? Baka may kailangan ka pa sabihin mo lang." bungad ni daddy sa akin pagkatapos kong humalik sa kanila ni mommy.

" Wala na po dad,okay na po lahat.Kasama ko naman po si Gelo hindi ako nun pababayaan."

" I know,hindi naman ako nag-aalala sayo when Gelo is around.Alam kong iniingatan ka nya."

" Naku dad wag mong ipaparinig sa kanya yan,I'm sure abot tenga na naman ang ngisi nun."

" Baby totoo naman na mahal na mahal ka ni Gelo pero payo lang anak wag masyadong papadala sa sobrang pagmamahalan nyo ha baka hindi kayo makatapos." singit ni mommy.

" Mom may pangarap po kami ni Gelo.Huwag po kayong mag-alala,conservative po sya at hindi kami lumalampas sa limitations namin.Ayaw nya po sirain yung tiwala nyo sa kanya."

" Alam ko hindi ganun kapusok si Gelo, mas sayo pa nga ako nag-aalala dahil napaka pilya mong bata ka."

" Mom! Grabe kayo sa akin.Mabait na po ako ngayon.hehe."

Bigla kaming napalingon ng may  magsalita sa may entrada ng pinto.

" Good morning everybody!" oh its him wearing white v neck shirt and maong pants with matching Adidas Stan Smith shoes.Gosh! paano ko ba nabingwit ang gwapong ito.Simple lang ang suot nya pero parang gusto ko ng mag swoon sa kanya kahit kaharap ang parents ko.

" Oh Gelo come here sumabay ka na sa aming mag-breakfast.Ang aga mo naman yata?" turan ni dad.

" May freshman orientation po kasi sila baby bago mag umpisa ang class kaya kailangan maaga po kami tito." sagot nya habang umuupo sa tabi ko at ipinagtimpla ko naman sya ng coffee.

" Ah ganon ba.Anong oras ba ang unang class mo?" tanong muli ni dad.

" Pareho po kami ni baby ng schedule 9 am to 3 pm po.Pinili ko po talaga yung schedule na yun para po magkasabay kami sa pagpasok at pag-uwi."

" Alam mo anak, nagpapasalamat kami at nakikita namin kung gaano mo kamahal at iniingatan itong bunso namin.Pero Gelo pagpasensyahan mo na kung pilya yan, kapag ganon sya ikaw na ang umiwas, nag-aalala kasi ang tita Elize mo na baka hindi kayo makatapos." turan ni daddy kay Gelo.

" Dad!" biglang protesta ko.Dyahe naman kasi parang ako pa ang lumalabas na mapusok.Pilya lang ako noh.

" Haha.joke lang baby." sabi ni dad at nang tignan ko si Gelo ang laki ng ngisi ng damuho.

" Huwag po kayong mag-alala tito,tita,promise ko po sa inyo na makakatapos po kami ni baby.At hindi po uubra sa akin ang pagka-pilya nya, suplado po ako sa personal." naku talaga naman parang sya pa ang lugi kung sakali ah.

" Hay dalian na natin mag breakfast mukhang pinagtutulungan nyo na ako eh.Grabe kayo sa akin." nakalabi ko pang turan.

" Haha..pikon na sya oh.Joke lang baby." sambit nya sabay kuha ng kamay ko at pinagsalikop nya ang mga kamay namin na parang wala sa harap namin ang mga magulang ko.

" O hayan mom ha,hindi ako ang nag-umpisang manlandi, siya yan tignan mo po." sabi ko kay mommy sabay taas ng kamay namin ni Gelo na magkahawak.

" Hay nako kayo talagang dalawa.Magmadali na kayo para hindi kayo ma-late sa school,unang araw pa naman." untag ni mommy sa amin.

Medyo matagal ang naging byahe namin ni Gelo papuntang school, first day of school kaya traffic.Nagkwe-kwentuhan kami para hindi mainip sa traffic, magkahawak ang kamay namin habang nag-uusap.Ganon naman kami palagi ni Gelo, sanay na sya na mag-drive na nakahawak ang kanang kamay nya sa kaliwang kamay ko.Mas kumportable daw sya pag ganon.

After 40 minutes nakarating din kami sa school.Inalalayan ako ni Gelo sa pagbaba ng sasakyan at dinala ang mga gamit ko.Buti na lang maaga kaming umalis ng bahay kaya kahit traffic hindi pa ako late sa freshman orientation.

Naglalakad na kami ni Gelo papunta dun sa paggaganapan ng orientation, nakahawak ako sa braso nya kasi hindi nya ako maakbayan dahil madami syang dala.May namataan kaming lalaki na tumatawag sa kanya at tumatakbo palapit sa amin.

" Musta bro? Sino yang magandang binibining kasama mo? Pakilala mo naman ako." bungad nya agad ng makalapit sa amin.Well, cute sya pero mukhang totoy.Nakasalamin sya at may braces pa.Parang male version ko. Mukhang nerd.

" Okay lang bro.Siya ang bestfriend ko, si Aira, Shanaia Aira Gallardo freshman sya sa Psychology. Baby sya naman ang pinaka genius kong blockmate, si Shawn Aeious Mortel." kinamayan nya ako at ngumiti lang ako ng tipid sa kanya. Bestfriend ang pakilala ni Gelo sa akin dahil nasa labas kami.

" Pleased to meet you Aira. Gallardo ka ba? Are you related to Shane Gallardo,yung magaling na actress na asawa ni Gerald Coronel?" tanong nya na madalas ding itanong ng iba kapag sinasabi ko ang apelyido ko.

" Ate ko sya." tipid kong sagot.

" So pareho pala kayo nitong si Gelo na artista ang kapamilya?" namamanghang tanong nya.

" Oo bro pero hindi siya masyadong kumportable dahil alam naman natin ang buhay sa showbiz.Sige mauna na kami may orientation pa ang mga freshman sasamahan ko lang sya." paalam ni Gelo sa classmate nya na vowels ang second name.Ang unique naman magpangalan ng parents nya baka may kapatid din yun na Abcde naman.Napangiti ako sa naisip ko.

" Sige bro,blockmate pa rin ba tayo? Pang 9 am to 3 pm ang schedule na kinuha ko.Ikaw ba?"

" Oo bro blockmate pa rin tayo,pareho sched natin.Sige kita na lang tayo mamaya."

" Okay bro, nice meeting you Aira."

" Nice meeting you too vowels." sabi ko ng nakangiti.

" Vowels? Ohh hahaha,nahulaan mo pala spelling ng pangalan ko?" natawa pa sya ng bahagya.

" Hindi nabasa ko dyan sa ID mo." sagot ko sabay turo sa ID nya na naka-pin sa bulsa ng polo nya.

" I see.Sige library lang ako maaga pa naman." kumaway sya at tumalikod na.Kami naman ni Gelo ay dumiretso na sa freshman orientation ko.

Nung malapit na kami sa gymnasium kung saan gaganapin ang orientation, isang grupo ng mga girls ang nagkakatuwaan ang nasalubong namin.Nakilala kong si Keithlin yung isa na agad umangkla kay Gelo nung magkalapit na kami.Gosh nakita ng ang daming bitbit ni Gelo sa isang kamay sumabit pa sya.Nakakapit kasi ako sa kabila.

" Hi! Angelo na-miss kita.Saan ka nagpunta nung bakasyon?" pabebe pa ang hitad sarap pektusan sa ngala-ngala.

" Wala sa bahay lang kami ni Aira buong summer." tipid na sagot ni Gelo.

" Oh hi Aira, andyan ka pala.Dito na rin ba mag-aaral ang bestfriend mo Gelo?"sabay baling nya kay Gelo.Hindi na rin nya pansin yung mga kasama nya.

" Yeah, please excuse us baka ma-late sya sa orientation."

" Ok kita na lang tayo mamaya,sabay tayong mag-lunch ha? Bye Aira, welcome ka dito." maarteng turan nya sabay talikod kasama nung mga girls.

" Keithlin!" tawag ni Gelo.

" Yes,Gelo?" maarteng turan na pa-beautiful eyes pa.

" Si Aira ang kasabay kong mag-lunch.And she's not just a bestfriend ,she's special to me. So don't mess with her."