Shanaia Aira's Point of View
LUMIPAS pa ang mga araw at tulad ng nakagawian na namin ni Gelo, pinag-uusapan na namin ang tungkol sa birthday namin.Mga 3 weeks pa naman bago yun pero dahil sabay kami lagi kung mag-celebrate, malayo pa lang pinaghahandaan na namin.Isang araw lang ang pagitan ng birthday namin kaya dun sa pagitang araw na yun dun kami nagse-celebrate.
" Bhi gusto ko dinner with our family na lang,next year na lang tayo mag-invite ng marami dahil debut na natin pareho yun.Ikaw what do you want ba?"
" Kung ano yung gusto mo baby, okay na sa akin yun."
" Ay nakakainis ka naman wag namang puro ako ang susundin natin syempre may sarili ka rin namang balak dahil birthday mo rin yun." nakalabi ko pang turan.
" O sige ganito na lang, dinner with the family yung araw na nakapagitan sa birthday natin then kinabukasan nun birthday ko naman, mag-celebrate tayo yung tayo lang dalawa.Mag-date tayo. Okay na ba yun sayo?" may pilyong ngisi pa ang damuho.
" Hay sana hindi na lang pala ako nag-suggest.Saan naman tayo magse-celebrate na tayong dalawa lang aber?" tanong ko.
" Gusto mo bang mag EK tayo? Two hours drive lang naman yun from here." suggest nya.
" EK? Uy gusto ko yan.Sige paalam tayo kay dad." excited ko ng turan.
" Oh kitam excited ka na samantalang kanina parang ayaw mo pa yung date na sinabi ko.Bakit ano ba sa akala mo yung sinasabi kong date?"
" Wala lang baka yayain mo na naman akong manood ng sine eh yung last time kasi na nanood tayo wala akong naintindihan.Wala ka kasing ginawa kundi halikan ako.Nakakawala ka ng concentration!"
" Haha..sorry na! First date kasi natin yun as a couple kaya medyo na-excite ako.Next time sige hahayaan na lang kitang manood tutal pwede naman kitang halikan kahit sa kotse lang.Tulad ngayon." akmang hahalikan nya ako ng pigilan ko sya.
" Hep!hep! Teka lang para-paraan ka rin eh noh!
Ngumisi sya ng nakakaloko.
" O bakit tatanggalin ko lang naman itong seatbelt mo ah!" palusot nya pa.
" Naku Ariel Angelo kumita na yang style mo.Kung ilang beses mo ng tinanggal yung seatbelt ko yun din yung dalas na nakawan mo ako ng halik."
" Grabe ka sa akin baby.Parang ako lang ang nag-eenjoy dito ah." medyo pinalungkot pa ang boses nya pati ang mukha nya.
Arte talaga ng gwapong to. Artista nga talaga.
Kaya naman kinabig ko na sya at ibinigay yung hilig nya.Medyo nagulat pa ang loko pero tumugon din naman agad at naramdaman ko pang ngumiti sya.Ngiting tagumpay.
Pinutol ko rin naman agad yung kiss, pang-lambing lang kumbaga.
" What now? Ang drama mo rin eh!" singhal ko sa kanya.
" Effective naman di ba?" nginitian pa ako ng nakakaloko.
" Sira! Halika na nga." untag ko sa kanya.
" Tapos na di ba? Gusto mo pa ba?" pilyong tanong nya.Naguluhan naman ako.
" Huh?"
" Sabi mo kasi halikan na.Ikaw naman baby hindi mo pa kasi nilubos kanina, hayan bitin ka tuloy." nang maunawaan ko ay bigla ko syang hinampas sa braso.
Aw ang tigas ng braso nya.
" Aray naman sinumpong kana naman ng pagiging amazona mo."
" Ewan! Puro ka kalokohan.Tara na nga lang."
Pumasok na kami ng bahay at nagulat na lang kami ng madatnan sila ate Shane at Dindin sa living room at may dalang maleta.
" Ate what happened?" bungad ko napatingin silang mag-ina sa amin at tumakbo naman agad si Dindin palapit kay Gelo.
" Dito muna kami ni Dindin bunso,nilayasan namin ang kuya Gerald mo.Hinihintay ko lang sila dad."
" W-what? Why?"
" Hayun nag-away na naman kami at umalis na lang sya para siguro hindi na lumala pa, kaso hanggang ngayon wala pa din sya hindi pa umuuwi.Tinawagan ko ang mommy nya tapos nalaman ko na hinatid daw sya ng mga barkada nya dun dahil lasing na lasing.Umalis kami ni Dindin sa bahay, bahala syang maghanap pag dumating sya dun."
I heaved a sigh.." Ate kung ano man ang hindi nyo pinagkasunduan ni kuya Gerald sana pag-usapan nyo ng maayos.If anything bad happens in your marriage, Dindin will be the one to suffer.Kung hindi mo mamasamain pwede ko bang malaman kung ano ang dahilan ng pag-aaway nyo?"
Nakakunot ang noo nyang tumingin sa akin.
" Alam mo baby, I am four years older than you pero kung magsalita ka para kang si mommy. Pero sis natutuwa ako na ganyan ka mag-isip, nagiging mature ka na.Yung problema namin ni Gerald kung tutuusin hindi naman ganon kabigat, ayaw ko lang mag give in.It's just a matter of pride and understanding."
" What do you mean ate?" tanong ko,napatingin na rin si Gelo sa amin na kasalukuyang nakikipaglaro kay Dindin.
Ate Shane heaved a deep sigh.
" Nung nag-shooting kami sa Ilocos, yung ninong namin na producer nung movie, niyaya si Gerald to run into politics, since dream naman nya yun tinanggap nya yung offer without even asking me.Nagalit ako kasi ayoko syang pumasok sa pulitika dahil na rin sa experience ko kay daddy at kuya, na bihirang mabuo ang pamilya natin dahil sa trabaho nila.Hindi naman sa totally pinipigilan ko sya, pwede naman pero wag lang ngayon dahil maliit pa si Dindin.Kaya hayun nung umuwi kami galing Ilocos hindi kami nag-uusap hanggat hindi nya binawi yung sinabi nya kay ninong."
" Ah kaya pala napansin namin nila mommy na parang hindi nga kayo okay nun,inisip lang namin na baka pagod lang kayo sa byahe.So bakit naman naglayas kayo ngayon kung binawi naman pala ni kuya yung ino-offer ng ninong nyo?"
" Yun yung sinabi nya kaya kinausap ko na sya pero kahapon nalaman ko sa PA nya na nag-file na pala sya ng Certificate of Candidacy noong isang linggo pa.Imagine that? Last week pa yon but he didn't even bother to tell me.Nag-away kami dahil dun kasi hindi nya ako isinasama sa desisyon nya.Ang sabi nya kaya hindi nya sinabi kasi magagalit ako.Kung talagang dream nya yon, may magagawa ba ako? Pwede naman nya akong pakiusapan wag lang ganito na binalewala nya ako at ginawang parang tanga.Kung hindi pa sinabi ng PA nya hindi ko pa malalaman."
" Ate ayusin nyo yan, tutal andyan na yan suportahan mo na lang.Kung yun ang dream ni kuya, let him reach for it.Mahal mo eh.Kung ano yung makakapag-pasaya sa kanya, ibigay mo.Love is give and take, what comes around, goes around."
" Gelo ano ba pinakain mo dito kay baby at naging ganito na to?"
nilingon nya si Gelo na busy sa pagbuo ng Lego ni Dindin.
" Simple lang besty, that crazy little thing called love.And her happiness is more important than my own."
" Oh eh di kayo na ang in love!" asar ni ate.
" Alam mo ate, siguro nga bata pa kami ni Gelo para mag-seryoso, pero wala naman mawawala kung ngayon pa lang iingatan na namin kung ano ang meron kami.At isa pa suportado namin ang isat-isa sa mga bagay na gusto naming gawin."
" Tama ka baby, siguro yun ang wala kami ni Gerald masyado kaming nagpadalos-dalos.Dapat siguro mas kinilala pa namin ng husto ang isat-isa.Siguro susuportahan ko na lang sya sa gusto nya para maging maayos kami dahil si Dindin ang apektado pag ganito kami.Nakakahiya naman sa inyong dalawa, ako yung ate pero parang mas alam nyo pa yung gagawin kesa sa akin."
" Ate lahat naman tayo may kahinaan, masyado ka lang sigurong natakot na baka mawalan din ng time si kuya sa inyo.You know politics and movies, pag pinagsabay yun mahirap talaga.If you are willing to accept what kuya Gerald wants, make sure that your heart and mind are ready for the changes."
" Yes baby I'll give in because I love Gerald so much."
" And I love you so much babes and Dindin too." sambit ng kadarating lang na si kuya Gerald, lumapit sya agad kay ate Shane at niyakap ito ng mahigpit.
" Dada sorry kung umalis kami ni Dindin,kasi naman ikaw eh hindi mo sinabi agad sa akin at sa iba ko pa nalaman." umiiyak na si ate habang nakayakap kay kuya Gerald.
" Ssshhh...I'm sorry too.Kinabahan ako nung umuwi ako sa atin and found out na lumayas kayo.God I wanted to slap my own face, ayoko kayong mawala ni Dindin.Iuurong ko na lang yung candidacy ko, to hell with my dream,mas importante kayo sa akin."
" No dada, reach for your dream.I'll support you.Hindi na kita aawayin.Nakakahiya din kay ninong." turan ni ate Shane na may malawak na ngiti sa labi.
" Really? Why a sudden change of heart?" hindi makapaniwala si kuya Gerald sa sinabi ni ate
" Because of this two young lovers.Kailangan pasalamatan mo sila dahil na-enlighten ako sa mga sinabi nila." nilingon kami ni kuya Gerald at ngumiti ng malapad.
" Thanks guys! Nakakahiya naman sa inyo, mas bata kayo sa amin pero kayo pa ang nahingan namin ng advice."
" Wala yun kuya.Gusto lang namin ni Gelo na maging masaya kayo ni ate pati na rin si Dindin."
" Okay wag kayong mag-alala kung sakaling palarin ako sa politics hindi ko pababayaan ang pamilya ko.Maglalaan ako ng time para sa kanila." muli naman syang lumingon kay ate Shane at nagtanong. " O paano babes uuwi na ba tayo o dito muna tayo?"
" Dito muna tayo matulog dada kaya lang itago mo muna itong maleta namin ni Dindin sa kotse mo baka makita pa nila dad mapagalitan pa ako." mungkahi ni ate Shane at agad namang dinampot ni kuya Gerald yung maleta para dalhin na sa kotse nila.
Pagkabalik ni kuya Gerald ay nagpaalam silang mag-anak na aakyat muna para magpahinga sa room ni ate Shane.
Naiwan kami ni Gelo sa living room na natutuwang pinagmasdan ang mag-asawang nagkasundo na.
" Bhi sa totoo lang medyo kinabahan na ako kanina na baka maghiwalay sila kung hindi nila maaayos agad yung problema nila."
" Buti na lang baby nakinig si besty sa atin kung hindi baka dun na nga ang punta nila.Alam mo naman yang ate mo pag umayaw na, ayaw na talaga."
" Oo nga ganun nga sya, pero mahal nya talaga si kuya Gerald kaya medyo tinitimbang nya rin yung pangyayari at isa pa naisip din nya yung anak nila."
" Masaya ako baby na kahit paano nakatulong tayo sa kanila."
" Ako rin bhi, sana when the time comes at napunta tayo sa ganoong sitwasyon makaya din nating ayusin agad."
" Oo naman baby, pangako!"