Chereads / The Actor that I Hate to Love / Chapter 29 - You Complete Me

Chapter 29 - You Complete Me

Shanaia Aira's Point of View

3 YEARS AFTER....

No trial greater than human endurance has overcome you.God is faithful and will not let you be tempted beyond your strength.He will give you, together with the temptation,the strength to escape and to resist.

1 Corinthians 10:13

Marahan kong isinara ang Bible na binasa ko at ibinalik sa drawer ko.Isa ito sa mga verse na pinanghawakan ko nung panahong puno ng kapighatian ang pamilya namin.Naaalala ko pa nung yayain kami ni Aeious, yung blockmate ni Gelo, na umattend sa Bible study nila dun sa church nila. Medyo nag-aalangan pa kami ni Gelo nung una dahil pareho kaming Catholic pero dahil tanging ang Diyos lang ang kinakapitan namin nun, sumama kami kay Aeious.Nung mapakinggan na namin yung pastor nila parang may humaplos sa puso ko na hindi ko mawari at ganon din ang naramdaman ni Gelo.Simula nun sumasama na kaming madalas kay Aeious.

I surrender everything to the Lord.Everything.And from that moment yung mga alalahanin ko sa pamilya ko ay naging magaan.At yun nga,itong verse na ito ang naging sandigan ko kapag nakakaramdam ako ng panghihina.

God is really good.He's so amazing.Imagine at my age nakayanan ko yung obligasyon na iniwan sa akin ni ate Shane at pati na rin ang lahat ng nangyayari sa bahay after she left three years ago.

Since ate Shane left for a movie contract in the US, ako na ang nag-alaga kay Dindin.Mula  sa paggising nya sa umaga,pagpasok sa school at pagtulog sa gabi,ako ang personal na nag-aasikaso sa kanya.

Naging mabigat na dalahin din ng pamilya si kuya Andrew.Ilang taon siyang nalulong sa alak.Walang araw na hindi sya umuwi ng lasing.Madalas nag-aaway sila ni dad dahil pati ang posisyon nya sa pulitika ay napabayaan na nya.Lagi syang laman ng balita at ang masaklap napagbintangan pa syang ginagamit ang pondo ng munisipyo sa mga pag-iinom nya at pambababae.

Dinamdam ni mommy ang mga nangyayari sa pamilya namin kaya nagkasakit sya at naratay ng ilang buwan sa hospital.At sa mga panahong nasa ospital sya, ako ang nagbabantay sa kanya kapag wala si dad,salitan kami ni Gelo kapag umuuwi ako para naman asikasuhin si Dindin.Ang mahirap pa kapag nasa bahay na si kuya Andrew ako pa rin ang nag-aasikaso sa kanya dahil sa sobrang kalasingan nya at di na kaya ang sarili nya.

Lahat ng yun tiniis ko,minsan naisip ko nakakapagod na.

Good thing Gelo is there,he never leave me at lagi na lang nyang inuunawa ang sitwasyon.He's really a breath of fresh air.

Pero sa lahat ng nangyari,nandyan ang Lord para ipaalala sa akin na nandyan lang Siya at kahit kailan hindi Niya ako iniwan.Lahat tayo dumadaan sa pagsubok, at hindi Nya tayo bibigyan ng pagsubok ng higit sa ating makakaya.Sometimes it takes a painful experience to make us changed.I must say that trials changed me.

And now for more than three years na wala si ate Shane,natutunan ko na rin kung paanong maging isang ina kay Dindin.At sa loob ng mga panahong ito naging mas malapit ako sa Diyos na pinagkukunan ko ng lakas sa araw-araw.

Unti-unti na rin Nyang sinasagot ang mga prayers ko.Medyo nakaka-move on na kami sa mga pangyayari sa nakaraan.Sa ngayon nasa States sila mommy, six months sila dun dahil nagpapagamot sya at the same time pumayag na rin si kuya na dun magpa-rehab dahil naging alcoholic sya.Magkakasama sila dun nila ate Shane who's doing well in movies.Sa kabila ng failures nya sa marriage nya naging matagumpay naman sya sa career nya sa ibang bansa..Hindi nga lang sya nakakauwi pa pero madalas naman syang tumawag o mag Skype sa amin.

Kahit naiwan sa akin ang responsibilidad dito sa Pilipinas habang wala sila, carry lang dahil may Gelo ako na laging nakaagapay at umuunawa.

God is really good..

" Mommy baby we're here!" narinig ko si Dindin na tumatawag mula sa labas.Hindi ko man lang narinig ang ugong ng sasakyan dahil sa pagbabalik tanaw ko.

" How's the PTA meeting sweetie?"

" Naku baby ako ang napiling president dyan sa PTA nila,tatanggi sana ako kaso ayaw pumayag ng mga parents na hindi gwapo ang president nila." singit ni Gelo na naka-akbay na agad sa akin at hinalikan ako sa may sentido.

" Sus ayan na naman po sya,biglang humangin ah." nilingon ko sya at pinisil sa ilong.

Natawa lang sya ng malakas at niyakap pa akong lalo.

" Na-miss kita baby,sobrang nainip nga ako dun sa meeting dahil wala ka.Next time kailangan kasama kana."

" Sorry naman bhi kailangan kasi matapos ko na yung thesis ko,malapit na yung deadline.Sige sa susunod na meeting sasama na ako."

" Promise po yan mommy baby ha?" turan ni Dindin.

" Oo naman sweetie si mommy baby na ang pupunta next time,may trabaho si daddy bhi eh." tugon ko kay Dindin.May pasok nga dapat si Gelo kaya lang nag half day sya dahil pinakiusapan kong dumalo sa meeting sa school nila Dindin.

Naka-graduate na si Gelo 2 years ago pa at ngayon nga one year na syang nagwo-work sa Architectural firm nung kumpare ng daddy nya. Yung usapan nila ng pamilya nya na magbabalik showbiz sya pagka-graduate niya ay hindi niya pa natutupad.Nakiusap siya na magta-trabaho muna para magamit niya yung kursong tinapos nya at isa pa hindi rin nya ako maiwan dahil sa responsibilities na naiwan sa akin ng pamilya ko. Naunawaan naman ng pamilya nya kaya heto kasama pa rin namin siya ni Dindin. Ako naman ay graduating na at may thesis ngang tinatapos kaya hindi ako ang nakadalo sa meeting ng school ni Dindin.Next year ay tutuloy na ako sa Med School.

" It's okay baby,sasama pa rin ako sayo sa susunod na meeting.President nga di ba?"

" Oo na nga lang po." at hinila ko na silang dalawa papunta sa dining room para pakainin ng niluto kong spaghetti na paborito nilang pareho.

Nangingiti ako habang pinagmamasdan ko silang dalawa na kumakain.Magkasundo sila sa halos lahat ng bagay.Masyado na nga yatang na-spoiled si Dindin kay Gelo, lahat ng magustuhan nito ay binibili ni Gelo.Madalas ko syang pagalitan sa ganun pero tinatawanan lang nya ako, katwiran nya may trabaho naman daw sya.

Mas tumibay pa ang relasyon namin sa paglipas ng panahon.Naging matured kaming pareho dahil magkasama naming hinarap ang mga problema at pagpapalaki kay Dindin.Sa limang taon naming relasyon,hindi ko kinakitaan si Gelo ng panghihinawa bagkus mas lalo ko pang naramdaman yung pagmamahal at pagpapahalaga nya sa akin.

" Baby can I ask you a favor?" sambit ni Gelo sa pagitan ng pagsubo ng spaghetti.

" What is it baby boy?" pabebe kong tanong.

" Pwede ba kitang yayain  mag-date ngayong weekends? Ang tagal na kasi nung huli tayong lumabas,one year na at nung anniversary pa natin yun.Gusto ko mag-relax ka naman muna."

" Bhi sorry ha? Sa sobrang busy ko hindi ko na napapansin na wala na pala tayong panahon na tayong dalawa lang.I mean masyado na akong na-focus sa studies ko at sa mga obligations ko dito.Madalas nga tayong magkasama pero wala tayong moment na katulad noon na tayo lang talaga."

" Baby that's not what I meant.Masaya ako na kahit ganito tayo araw-araw.What I mean is, I want you to relax, yung walang iniintinding kahit ano even for just a day. Just you and me.Actually it's not a usual date na ini-imagine mo pero dahil tayo lang dalawa parang ganon na rin.I'll take you to a place kung saan mare-relax ka, nakahiga ka lang maghapon.One day lang baby para mawala yang stress mo."

" Hala Mr.Montero parang ang halay naman nyang offer mo!" bulalas ko.

" Ha? Anong mahalay dun?" naguguluhang tanong nya.

" Sabi mo kasi nakahiga lang ako tapos, may just you and me kapang nalalaman dyan."

" Hey! Ang berde mo baby.Hindi yung iniisip mo ang ibig kong sabihin.Bakit ready ka na ba kung yun nga?" nakangising tanong nya.

" Tse! Hindi pa noh! Eh ano ba kasi yang sinasabi mong pupuntahan natin?"

" Basta surprise yun.Just be ready on Saturday, iwan muna natin si baby Dindin kay yaya.Okay ba yun sweetie?" baling nya sa katabing si Dindin na busy sa paglantak ng spaghetti.

" Opo daddy bhi.Basta yung promise mo po sa akin na pasalubong ha?"

" Alright.Basta behave ka lang."

" Okay po." at nag-appear pa ang dalawang makulit.

Nung makatulog na si Dindin after ng dinner namin ay nagpaalam na rin si Gelo na uuwi na.Maaga raw sya sa office bukas dahil may client silang ime-meet.

" O paano kita na lang tayo bukas, ako na lang ang susundo kay Dindin sa school, don't bother to drive her home masyado ka ng pagod." turan nya habang yakap nya ako,hinatid ko sya sa garahe na lagi ko namang ginagawa pag aalis na sya.

" Okay po alam ko naman na hindi mo ako papayagan magmaneho kasama si Dindin simula nung muntik na kaming madisgrasya." ayon ko,ayaw nya talaga akong mag-drive simula nung muntik na kaming sumalpok ni Dindin sa isang poste, may dumaan kasing puppy na iniwasan ko kaya medyo gumewang ang kotse ko at muntik sumalpok sa poste buti na lang nakapag-preno agad ako at naka seatbelt si Dindin.

" Good.Kung pwede nga lang na ihatid na rin kita sa school para hindi kana mag-drive kaya lang lihis ang sched mo sa pasok ko."

" Okay nako bhi don't worry maingat na akong mag-drive.Sige na gabi na.Ingat ka,tawagan mo ako kapag nasa bahay ka na."

" Yes po baby ko." he cupped my face and kiss me passionately.Ito ang isang  bagay na hindi nakakalimutan ni Gelo, ang baliwin ako ng mga halik nya.

Tumigil sya ng medyo mainit na ang tagpo.Pinagdikit nya ang mga noo namin at tinitigan lang ako ng mga mata nyang mapungay.

" I love you baby...maybe you are not the most important person in my life but...." pinigil ko sya, nabigla ako sa sinabi nya, mahal nya ako pero hindi ako ang pinaka importante sa buhay nya..ouch ha! Pero baka kasi ang mommy nya yun syempre.

" Of course ang mommy mo syempre ang pinaka importante sayo, tama ba ako?" pinilit kong ngumiti hindi ako dapat makipag-kumpitensya sa mommy nya.

" Yeah your right, she's the most important person to me, hindi pa kasi ako tapos sa sinasabi ko, but you.....you are my life."

Hala sya oh! Gusto kong maihi sa kilig.

" Hmn..bhi naman eh masyado mo naman ako pinapakilig nyan."

He just chuckled and gave me a peck on my lips.

" Thank you bhi ha? Hindi mo ako sinukuan.Hindi ka umalis sa tabi ko nung mga panahong feeling ko hindi ko na kaya.You are always there, until now inuunawa mo pa rin ako.Salamat bhi, you are really a blessing to me."

" Baby you are my life and no matter how painful and stressful the situation is, mas pipiliin ko pa rin sa tabi mo dahil walang rason para sukuan ko ang mismong buhay ko at ang nag-iisang dahilan kung bakit ako  humihinga.Mahal kita at ikaw ang kumukumpleto sa akin."