Shanaia Aira's Point of View
HINIHINGAL si Gelo na yumakap sa akin.Niyakap ko rin sya ng mahigpit.Nasa ganoong posisyon kami ng ilang minuto ng magsalita syang muli.
" Mag homerun na tayo baby!" na may pilyong ngiti pa sa labi.
Kinabahan naman ako.Seryoso ba sya?
Nanlalaki ang mga mata ko ng tumingin sa kanya.
" Hahaha..no I'm just kidding.Tama na yung ganito.Gusto ko rin naman na pareho tayong pure pag nagpakasal tayo, nakakahiya kay Lord." seryoso pero naka- ngiting turan nya.
" Grabe ka bhi kinabahan ako dun ah!" tila nabunutan ng tinik na sambit ko.
" Hahaha..you're so cute baby when you're blushing."
" Ikaw naman kase kung ano-ano sinasabi mo, may homerun ka pa na nalalaman dyan.Ito ngang ginawa natin kinabahan na ako,ano pa kaya kung mas higit pa dun."
" Baby I think that is normal dahil may relasyon naman tayo. Ang mali ay yung mag-indulge tayo sa pre marital sex. Hanggat maari yun ang iwasan nating mangyari, hindi tayo dapat lumampas sa limitations natin.I think pleasuring each other is not that bad.We are just young adults with raging hormones."
Hindi ako kumibo sa sinabi nya.Siguro nga dapat naming bantayan ang mga sarili namin kapag medyo mainit na ang sitwasyon.Ngayong nasimulan at naranasan na namin ang isang bagay na bago sa amin, na pareho namin nagustuhan, imposible ng hindi kami matuksong umulit.
" Alright bhi, promise yan ha? Hanggang ganito lang tayo."
" Yeah promise..Papasok ka pa sa Med school di ba? Gusto kong matupad mo muna yung pangarap mo bago tayo lumagay sa tahimik."
" Haha...hindi ka naman nagpo-propose nyan?"
" Not yet pero alam kong ikaw na yun baby.Pagkatapos mo sa Med school dun ako magpo-propose sayo ng pormal and besides mag-iipon pa ako para sa future nating dalawa."
Kinilig naman daw ako sa sinabi nya.May plano na pala syang ganito,ang saya lang na malaman.
" I'm so happy to hear that from you bhi.Tara let's sleep na." untag ko sa kanya.I kissed him on the cheek.
" Hmm...another round baby?" panlalandi na naman nya na namumungay pa ang mata.
Natawa ako ng malakas.Who can resist this handsome guy? In fact, masarap naman talaga yung natuklasan naming bago.
And ooopss we did it again and again and again.
Actually hindi naman sya nakaka-addict, inabot lang naman kami ng madaling araw..
Ang harot namin ano po? Kids wag gayahin, it's for adults only.
____________________
Months later.....
" Baby are you ready?" tanong ni Gelo sa akin.
I nodded and smiled at him.
Ngayon ang first day ko sa Med school.Nagpresinta sya na ihahatid nya ako dahil medyo malapit lang yung school ko sa firm na pinapasukan nya.
" Opo kanina pa nga kita hinihintay.Pwede naman kasi na ako na lang tutal kaya ko naman mag-drive, mamaya nyan ma-late ka pa sa office mo."
" Hindi nga sabi eh, ang kulit mo naman.Ayaw kitang nagda-drive ng nag-iisa.Hindi ako male-late, hindi ako napapagod at lalong hindi abala sa akin.Basta huwag ng kumontra at hindi rin ako papayag."
" Oo na nga oh,eto na sasakay na po tatang." medyo nayayamot na nagmartsa na ako papunta sa sasakyan.Kasi naman parang si daddy sya.
Napangiti sya ng malapad sa inasta ko.
" You are so stubborn sometimes." nakangiti nyang turan nung nakaupo na kami sa loob ng kotse nya.Ginulo pa nya ang buhok ko bago ako hinalikan ng mabilis sa labi.
" Tse! Para-paraan ka.Nakakainis ka rin, ang tagal kong inayos ang buhok ko tapos guguluhin mo lang." nakasimangot pa ako na tumingin sa kanya.
" Hahaha..haay baby alam na alam mo talaga kung paano ako pasasayahin."
" Ewan! Binobola mo na naman ako bhi. Palagi ka kayang masaya kahit may problema ka noh!" totoo yon,minsan nakakahawa na ang ganung attitude nya.Good vibes lang lagi sya at positive ang pananaw nya sa lahat ng bagay.
" Yeah, it's because I have a very beautiful girlfriend beside me.She's amazing, she's bubbly, she's my happy pill, she's a breath of fresh air and she's my life." tumingin sya sa akin ng nakangisi sabay kindat.
Jusme ang gwapong to kung bumanat parang gusto kong maihi sa kilig.
" Naku! Ariel Angelo tigilan mo nga ako.Limang taon mo na akong girlfriend para ka pa ring nanliligaw dyan.Tantanan mo ako at kanina pa ako kinikilig sayo dito noh!"
" Hahaha..baby talaga.Atleast kahit five years na tayo kinikilig ka pa rin.Yun naman ang goal ko eh, ang pakiligin ka kahit na hanggang maging kulubot na balat natin."
" Oo na bhi naniniwala na ako." sabi ko na nakangiti na sa kanya.
Nagtatawanan lang kami hanggang sa makarating ako sa bagong school na papasukan ko.
" O paano,God bless you on your first day.Susunduin kita mamaya then we'll go to my new place."
" Sure bhi.Excited na nga akong makita yang bago mong titirahan.Sigurado ka ba talaga na kaya mo ng bumukod kila tita?"
" Siguro naman baby makakayanan ko.It's about time na humiwalay na sa kanila para masanay na ako.Ngayong okay na si mommy at yung step father ko mas magandang bigyan ko sila ng space para makapag-umpisa sila ng maayos.Magkakailangan lang kami kung nasa iisang bubong kami.At isa pa wala na rin naman si ate sa bahay,bumukod na rin sila ni kuya Ronnel kaya naisipan ko na lumipat na dun sa condo na regalo sa akin ni dad, tapos na yun kaya pwede na mag-move in."
Mataman lang akong nakikinig sa kanya.Tama rin naman ang naging desisyon nya, kailangan na nga nyang matutunan kung paano mamuhay ng hiwalay sa mommy nya.May trabaho na sya at kaya na nyang suportahan ang sarili nya.May asawa na si ate Arienne, nagpakasal ito sa childhood sweetheart nya last year at ngayon nga ay bumukod na rin ito ng tirahan dahil tapos na yung bahay na pinagawa nila.Kaya naisipan na rin siguro ni Gelo na bumukod dahil gusto nya na mabuo yung pangalawang pamilya ng mommy nya ng sila lang.Madalas na lang nya siguro itong dadalawin.Knowing Gelo,hindi rin ito nakakatiis na hindi makita ang mommy nya at ang dalawang nakababatang kapatid na babae.
" Sige na bhi baka ma-late ka na.You take care ha?" humalik pa ako ng mabilis sa labi nya bago bumaba ng kotse.
" Okay baby.Don't skip lunch.Kilala kita kapag busy ka. I love you."
I just smiled and mouthed i love you
at him and went out of the car.He knew me so well.
Nang matapos ang klase ko, kasabay ko na si Venice at Charlotte na lumabas ng room at pumunta ng parking lot.Dito rin sila nag-enroll dahil ang motto naming tatlo ay walang iwanan.
Pagdating ng parking lot ay nandun na si Kevin at Clyde para sunduin ang dalawa.Bilib din ako sa tatag ng relasyon ng mga kaibigan naming ito ni Gelo.Kung gaano kami katagal ni Gelo ay ganoon din sila at ang pagkakaibigan namin ay tried and tested na rin.
Hindi nila ako iniwan hanggat hindi dumadating si Gelo.Kaya naman nung dumating ito ay nagkwentuhan muna sila saglit bago napagpasyahang umuwi na.
Ilang minuto lang ang lumipas ng huminto ang sasakyan namin sa parking lot ng isang mataas at magarang condominium sa may Ortigas.
Tinanguan lang si Gelo ng mga guard na nakabantay sa lobby.Mukhang kilala na agad sya gayung last week lang sya naglipat at nag-ayos ng mga gamit nya.Sumasama nga ako pero tumanggi sya dahil gusto nyang i-surprise ako sa magiging itsura ng lugar nya kapag natapos na nyang ayusin.
Sumakay kami ng elevator at pinindot nya ang number 14 sa button.May mga ilan kaming nakasabay at mukhang college student lang na kagaya ko yung iba. Medyo kinikilig pa nga habang nakatingin kay Gelo. Halatang nakilala sya dahil sa mga movie at commercials na nagawa nya noon. May isang naglakas loob pa nga na magpakuha ng picture with Gelo na pinaunlakan naman nya.
Pagdating sa floor ng unit ni Gelo ay naglakad lang kami ng konti bago kami huminto sa harap ng pinto nya.Pinindot nya ang password number na 1210 sa pinto para kami makapasok..
hala birthday pala namin yung password nya.
Napa wow ako ng tumambad sa akin ang loob ng unit nya.
Magaling si Gelo magdisenyo ng mga gusali at bahay dahil Arkitekto sya pero sa nakikita ko ngayon sa ayos ng unit nya, magaling din sya sa interior design.
Pero napansin ko na kulay beige at brown ang karaniwang kulay na makikita sa unit. Kadalasan kapag lalaki ang nakatira, it's either blue or black ang kulay na pinipili.Ang sa kanya ay pare-pareho ang makikita mong kulay,mula sa living room,kitchen hanggang sa kwarto, beige and brown lang.At ang mga furniture at appliances, simple at pasok sa panlasa ko.
" Ano sa tingin mo baby?" pukaw ni Gelo sa akin.
" Ang ganda bhi, sobra! Kung titingnan nga parang hindi lalaki ang titira dahil sa ayos at sa kulay ng paligid."
" Really? Nagustuhan mo?"
I nodded.
" Inayos ko talaga ng ganyan yan para magustuhan mo."
Napatingin ako sa kanya ng tinging nagtatanong.
Ngumiti sya sa akin bago nagsalita.
" Because this place is not only mine baby, it's ours."
What?!