Chereads / The Actor that I Hate to Love / Chapter 37 - Everything I Do, I Do it For You

Chapter 37 - Everything I Do, I Do it For You

Shanaia Aira's Point of View

NAGULAT ako ng paglabas ko ng school ay nandun si Gelo sa may parking lot at naghihintay sa akin.  Nakasandal sya sa kotse nya at nakapamulsa ang mga kamay nya sa pants na suot.

Wow ang gwapo naman!

Lumapit agad sya sa akin at kinuha ang mga books na dala ko. Kinabig nya ako palapit sa kanya and kiss my temple.

" You surprised me. Why are you here? Wala ka bang work ngayon?" tanong ko habang inaalalayan nya ako papasok ng kotse nya.

" Galing na ako sa office, I filed an indefinite leave dahil sa susunod na mga araw magiging busy na ako sa promotion nung movie. Alam ko coding ka ngayon kaya dinaanan na kita. Hindi ako komportable na mag-taxi ka or Uber, masyadong delikado. And I wanna spend the day with you habang hindi pa ako busy. Any questions baby?"

Natawa naman ako sa sunod-sunod na sagot nya. Nang makaupo na ako sa passengers seat umikot naman sya para pumwesto na sa drivers seat. Nang akmang i-start na nya ang kotse ng may maalala ako.

" Teka bhi wait, si Dindin nga pala susunduin pa natin."

" Okay na. Bago kita puntahan tumawag muna ako sa inyo at pinasundo ko na kay Mang Simon. Pinagpaalam na rin kita kay yaya Didang at ibinilin ko si Dindin sa kanya. Siya na muna ang bahala kay Dindin sakaling hindi ka makauwi."

" Bhi?!" nagulat ako sa sinabi nya. Anong hindi uuwi? Ano na naman kaya ang binabalak ng damuhong to?

" Hahaha..maka-react ka baby,wagas ah! Gusto lang naman kitang makasama bago ako maging busy sa mga susunod na araw. Bakit ayaw mo ba?"

" Gusto naman. Kaya lang, saan ba kasi tayo pupunta?"

" Relax ka lang dyan baby. You'll see later."

" Owwwkey baby boy. Inaantok ako, pwedeng matulog?"

" Yeah sure. I'll wake you up when we get there." sagot nya sabay haplos sa mukha ko. Kinuha ko naman ang kamay nya na humahaplos sa mukha ko at hinalikan yon. He smilled sweetly at me and mouthed i love you. I smiled back and mouthed the same words at him then I closed my eyes to take a nap.

Nagising ako ng maramdaman kong may humahalik sa labi ko. Hinampas ko nga ang pangahas kaya napatigil sya sa gulat.

" Uhm.magnanakaw ka ng halik!"

" Hindi ah! " kaila nya." tinatanggal ko lang itong seatbelt mo baby." may pilyong ngiti sa labi nya.

" Hay nako deny ka pa dyan eh gawain mo naman talaga yan kapag tinatanggal mo yang seat belt ko. Nanghahalik ka!"

" Hahaha.wala talaga akong lusot sayo baby. Tara na nga!" natatawang untag nya sa akin.

" Wait, wait nasaan ba tayo?" pigil ko ng hawakan nya ako para lumabas na ng kotse.

" Halika na para makita mo." hinila na nya ako palabas.

" Wow!" namangha ako sa ganda ng tanawin na bumungad sa akin.

Nasa loob kami ng isang bakuran na punong-puno ng ibat-ibang magagandang halaman at bulaklak. Napakaganda ng disenyo ng bahay at sa likod nito ay matatanaw ang pamosong taal volcano. Napaka gandang pagmasdan lalo na't nag-aagaw na ang liwanag at dilim.Dapit hapon na pala. Napahaba pala talaga ang tulog ko.

" You like it baby?" abot tengang ngiti nya ng magtanong.

" Ang ganda dito bhi. Kaninong bahay to?"

" Sa atin."

" Sa atin?" naguguluhang tanong ko.

" Yeah, sa atin nga." tinuro nya ako at ang sarili nya.

" W-why? How?"

Natawa sya at lumapit sa akin. Niyakap ako mula sa likuran at pinatong ang ulo nya sa balikat ko.

" Actually, matagal ko ng hinuhulugan to kay ninong Brix, kilala mo sya di ba? Yung boss ko at ninong ko na best friend naman ni daddy. Isa lang ito sa mga properties nya na hindi na naaasikaso kaya binebenta na nya. Nung may client kami na imi-meet malapit dito, dumaan kami dito then I fell in love with this place the first time I saw it. Nahalata yon ni ninong kaya inalok nya sa akin. Mura lang nya binigay sa akin tutal inaanak naman daw nya ako. Kung magkano ito nung nabili nya ganun lang din yung babayaran ko. In fact, hindi naman nya ito naasikaso na.Simula nun nagpapakaltas na ako sa sweldo ko para ihulog dito then kapag may client ako sa labas na nagbabayad ng malaki, hinuhulog ko na rin kay ninong. Tapos kanina nung mag file ako ng leave binayaran ko na sa kanya ng buo dahil kumita na ako ng malaki dun sa movie ko na ginawa sa US."

Humarap ako sa kanya at niyakap sya ng mahigpit.

" I'm so proud of you bhi,may invesment ka na. Nakakatuwa naman, may pinuntahan agad yung kinita mo sa unang out of the country movie mo."

" Baby this is ours. Lahat ng pagsisikap ko at magiging achievements ko, lahat yun para sayo. Kahit masaya ka sa nakikita mong magandang nangyayari sa buhay ko, alam kong deep inside may namumuong takot at pangamba sayo dahil pumasok na ulit ako sa mundong ginagalawan ng pamilya natin. Baby I promised you, hindi mangyayari sa atin ang kinatatakutan mo. Pero kung sakaling sa kalagitnaan nito ay may mangyari man na hindi inaasahan, I assure you, hindi ako makakapayag na hindi tayo ang magtagpo sa dulo. Kaya hindi masasayang ang lahat ng ipupundar ko para sa ating dalawa. Kaya kapit lang baby, at kung bumitaw ka man aabangan pa rin kita sa dulo." madamdaming turan nya.

" Oh Gelo, wag naman sanang mangyari sa atin ang lahat ng kinatatakutan ko. Ayokong mawala ka sa akin, hindi ko kakayanin." nangangambang turan ko at mas niyakap ko pa sya ng mahigpit.

" Baby, neither I, I don't know how I'm gonna live without you.Your love for me is my strength. So please whatever happens please stay. Alam natin pareho ang kalakaran sa showbiz, ito lang ang pakiusap ko sayo, sa akin ka lang maniniwala at sa pagmamahalan ka lang natin magtitiwala. Ha baby?"

" Yes bhi. Pangako."

Niyaya na nya akong pumasok sa loob ng bahay. Bungalow style ito with 3 bedrooms.Humanga ako sa Interior design nito. Kumpleto kasi ito sa appliances at furnitures, kasama na ito sa binayaran ni Gelo sa ninong Brix nya.

" Like it?"

" Yeah bhi, very much."

" Kapag hindi ako busy, dito tayo magba-bonding, isasama natin si Dindin."

" I'm so happy bhi. Hindi ako makapaniwala na may pundar ka na."

" Tayo baby. Atin to,nakapangalan ito sa ating dalawa."

" What?" namimilog ang mata ko sa gulat.

" Hahaha..ang epic ng reaction mo. Ayaw mong maniwala? Here." inabot nya sa akin yung titulo ng property. Pangalan nga naming dalawa ang nakasulat dun. Talaga tong si Gelo, hindi pa kami kasal naninigurado na.

" Bhi thank you." medyo mahina ang pagkakabigkas ko dahil parang may bikig sa lalamunan ko. Naiyak na ako.

" Hey! Why are you crying?" nag-aalalang sambit nya.

" Eh kasi naman ikaw, hindi pa tayo kasal meron na agad tayong conjugal property, una yung condo tapos ngayon heto naman, paano kung..."

" Hey, hey don't say that. I know what you are trying to say. Hindi mangyayari yang sinasabi mo,hiningi ko na kay Lord na ikaw ang end ko. Hindi ko nakikita ang sarili ko na iba ang kasama ko sa pagtanda ko. Di ba ang sabi ko sayo noon, si Ariel Angelo  Montero ay para kay Shanaia Aira Gallardo lang? Kung hindi rin lang ikaw baby sa huli, wag na lang. Always remember that."

" Oh bhi, lalo akong naiiyak sa mga sinasabi mo. Sana nga hindi tayo masira ng mundong ginagalawan mo.Oo, sayo lang ako magtitiwala at maniniwala. And promise, no matter what happens,I'll stay." umiiyak akong niyakap sya ng mahigpit.

" Hay ang baby ko nagiging iyakin na."

" Ikaw naman kasi simula nung umuwi ka from US puro surprises na ang dala mo. Kung dati isang architect lang ang boyfriend ko, ngayon architect na artista pa. Pwedeng magpa-fansign?"

" Hahaha..sira!" natatawang sabi nya sabay pisil sa ilong ko.

" Hindi pa ba tayo uuwi bhi? Maggagabi na."

" Uhmmm..na-miss kita baby." pilyong ngumiti sa akin ang mokong.

" Ako rin sobra. Mukha yatang hindi mapagkakatiwalaan yang ngiti mo Angelo."

" Bakit? Ano naman meron sa ngiti ko? Hinuhusgahan mo na naman ako.Grabe ka sa akin."

" Sus! Ikaw pa! Kilalang-kilala kita Montero."

" Hahaha..tara na kasi dun.Let's just cuddle." tumatawang hila-hila nya ako papunta sa kwarto.

" Whatever!"