Chapter 40 - Space

Shanaia Aira's Point of View

ILANG beses mo ba pwedeng hayaan ang isang tao na saktan ka hanggang sa hindi mo na makayanan ang pagkabigo? When things change, people change. Minsan darating ka na lang sa punto na mapapagod ka na at ayaw mo ng habulin ang taong pinahahalagahan mo at ayusin ang mga bagay-bagay sa pagitan nyo. Ngunit hindi nangangahulugan yon ng pagsuko, ginagawa mo lang ang nararapat para sayo kahit na alam mo na masasaktan ka.

In my case with Gelo, nagbago na talaga ang mga ilang bagay sa aming dalawa. Bihira na nga kaming magkita at magkausap, nasasaktan pa ako sa mga balita tungkol sa kanya.

Ang bilis lang dumating sa amin yung kinatatakutan namin pareho, ang maapektuhan ang relasyon namin dahil sa mundong pinasok nya.

Hanggang ngayon hindi pa sya nagtatangka man lang na makita at makausap ako simula nung mapanood ko sya sa GGV. Hindi ko alam kung ano ang dahilan nya.Ilang araw na ang nakalipas ,nung kamakalawa pa nag- showing yung movie nila at nag-guest pa nga sya sa isang morning show bago ang showing sa mga movie theater ng pelikula nila. And still, he didn't showed up.

Hinihintay ko pa rin naman sya na ipaliwanag sa akin ang lahat pero tapos na at lahat ang promotion ng movie nila na ngayon ay showing na nga, ni anino nya ay hindi ko pa rin nakikita.I'm somewhere between giving up and seeing how much more I can take. Dumarating na ako sa punto na gusto ko ng mag-give up kahit na alam ko na masasaktan ako.Bibigyan ko muna siguro sya ng space at time para maharap nya ng maayos ang nag-uumpisang pag-angat muli ng career nya. Para naman kahit paano wala akong dahilan para masaktan kung wala na syang panahon sa akin. Gayundin naman magiging pabor din sa kanya kung wala na muna syang iintindihing iba maliban na lang sa career nya.

Natapos ang isang linggo at wala pa ring Gelo na dumarating. Gustong-gusto ko ng sumuko at puntahan sya sa condo unit namin pero nauunahan ako palagi ng mga what-ifs ko. Kaya imbes na sya ang puntahan ko, kila tita Mindy ako pumunta, sa mommy nya.

Mabilis naman akong dinaluhan nung kasambahay nila ng makita akong nakatayo sa may gate nila. Pumasok na ako sa loob at eksaktong nagbe-breakfast sila tita nung dumating ako.

" Good morning po,tita,tito." bungad na pagbati ko kay tita Mindy at sa bagong asawa nyang si tito Darius.

" Oh Aira anak napadalaw ka?" tumayo sya at iginiya ako sa bakanteng upuan. Humalik muna ako sa pisngi nya at nagmano naman ako kay tito Darius bago ako umupo.

" Dumaan na po ako kasi galing po ako ng church, gusto ko lang po kayong kumustahin." turan ko.

" Bakit hindi mo yata kasama si Dindin?" tanong ni tita.

" Tulog pa po kasi nung umalis ako kaya ako na lang po mag-isa ang nag-church." sagot ko.

" Ah ganon ba. Balita ko uuwi na daw ang mga mommy mo next week."

" Opo. Paano nyo pong nalaman tita?" gulat kong tanong.

" Nagkita sila ng tito Archie mo nung bago sya umuwi dito last week nung ihatid nya ang tita Sylvia mo doon. Gusto kasi ni ate na doon muna pansamantala habang nagpapagaling sya,dun sa bahay sya nila Ariston tumutuloy para may kasama sya." paliwanag ni tita.

" Ah hindi ko po kasi alam na umalis ng bansa si tita Sylvia."

" Ay ganon ba. Hindi ba nabanggit ni Gelo sayo?"

" Hindi po. Halos one month na nga kaming hindi nagkikita ni Gelo tita."

" Ha? Bakit naman?" nagulat na tanong nya.

" Sobrang busy po siguro sa trabaho nya tita."

" Aba eh kahit na. Gaano na ba yung oras na gugulin nya para makita ka lang? Hindi naman siguro aabot ng maghapon yun.Kung hindi ka nya mapuntahan eh di sana tawagan ka man lang nya.Hayan na nga ba ang sinasabi ko kaya hindi rin ako gaanong pabor na bumalik sya ng showbiz. Dinanas na namin yan ng tito Archie mo, kaya nga ang ate Arienne mo ay nag lie -low na dyan nung mag-asawa dahil nga sa ganyang problema. Anak hindi ko gusto yang nangyayari sa inyo ngayon ni Gelo. Nag-uumpisa pa lang ulit sya ganyan na ang sitwasyon nyong dalawa. Paano pa kaya kung kabi-kabila na ang projects nya?" mahabang litanya ni tita Mindy.

" Hindi rin po ba sya dumadalaw dito sa inyo?" tanong ko pagkatapos kong sumimsim ng kape na idinulog ng kasambahay.

" Naku anak hindi pa nga simula nung pumunta kayo dito nung galing kayo ng Tagaytay.Paminsan-minsan naman eh tumatawag para mangumusta lang sa amin ng mga kapatid nya. Sa tv na nga lang namin sya madalas makita." turan ni tita.

Hindi na ako kumibo,tinuon ko na lang ang pansin ko sa pagkain. Ayaw ko na mabasa ni tita ang lungkot sa aking mga mata.

" Anak yung tungkol sa interview nya huwag mong masyadong intindihin yon, maaring publicity lang para sa movie nila. Ganyan ang kalakaran sa movie industry kanya-kanyang gimmicks para mapansin ng tao.Alam kong nasasaktan ka sa mga balita. Tsismis lang yon. Ang masasabi ko lang sa ngayon intindihin mo na lang muna si Gelo. Ako na ang humihingi ng pasensya sa mga pagkukulang nya. Siguradong nahihirapan din yun sa nangyayari sa inyo. Mahal na mahal ka ng anak ko Aira at wala syang ibang gugustuhing makasama sa buhay nya kundi ikaw lang. Lawakan mo na lang ang pang-unawa mo.Alam ko natatakot ka dahil sa nangyari sa ate at kuya mo, maaari namang maiwasan yun kung hindi nyo susukuan ang isat-isa. Magtiwala ka lang kay Gelo anak at sa kanya ka lang maniwala." pakiusap ni tita sa akin.

Napatingin ako sa kanya. Ganyan din ang sinabi ni Gelo sa akin, magtiwala lang at sa kanya lang maniwala.

I heaved a sigh. Maaring tama nga si tita Mindy pero makakaya ko pa ba ang mga susunod na pambabalewala ni Gelo sa akin? Sana man lang kahit konting oras lang tapunan naman nya ako. Ipaliwanag nya yung mga nangyayari para naman alam ko yung mga aasahan ko, alam ko kung saan ako lulugar. Hindi yung para akong nangangapa sa dilim kaya tuloy kung ano-ano na lang ang mga naiisip kong negatibo.

" Naiintindihan ko naman po sya tita. Tanggap ko naman po kung ano na ang estado nya ngayon sa lipunan. Ang sa akin lang po, sana naman ipaliwanag nya sa akin ang lahat. Kung kailangan nya na mag-adjust ako, gagawin ko. Hindi po yung ganito na iniwan nya akong nangangapa sa dilim tapos kung ano-ano pa po ang lumalabas sa mga balita. Naghihintay lang naman po ako sa isang sulok kung saan nya ako iniwan.Sana kahit konting oras lang po ang ibigay nya para pag-usapan namin ang mga dapat naming gawin kapag ganyan na sobrang busy sya. Hindi yung ganito tita, bina-balewala nya po ako,hindi ko na po alam kung saan ako lulugar." hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako dahil siguro sa kinikimkim kong sama ng loob sa nangyayari sa amin ngayon ni Gelo.

Natatarantang lumapit si tita Mindy sa akin ng makita nya ang luhang namamalisbis sa mukha ko.

" Shhh...tahan na anak. I'm sorry kung ganyan na pala ang naidulot sayo ng pagbabalik  ni Gelo sa showbiz. Hindi man nya sinasadya pero nasasaktan kana pala nya." panay ang hagod ni tita sa likod ko at si tito Darius naman ay inabutan ako ng isang basong tubig na maiinom.

" Tita gusto ko na po muna sanang bigyan si Gelo ng space para po mabigyan nya ng oras yung career nya ng wala na syang iniintindi na masasaktan nya. Sa ganong paraan po wala akong anumang aasahan sa kanya kasi alam ko kung saan ako nakalugar. Ipo-focus ko na lang muna ang sarili ko sa med school habang sya naman sa career nya."

" You mean, maghihiwalay muna kayo? Anak kung ako ang tatanungin mo,hindi ako pabor dyan sa space na sinasabi mo. It's like breaking up with him."

" That's the least I could do tita. Sa tingin ko po kasi hindi kayang pagsabayin ni Gelo ang career nya at ang relasyon namin. Andito lang naman po ako, maghihintay ako hanggang sa ma-established na nya ang sarili nya sa industriya.Ganoon po talaga hindi pwedeng pagsabayin, may isang magsu-suffer."

" Oh anak hindi man ako pabor dyan sa gusto mo pero nakikita ko ang punto mo. Pero sana lang in the end kayo pa rin ang magkakatuluyan. Alam mo naman kami ng tito Archie mo, halos kami na ang mag-plano ng future nyo ni Gelo."

" It's up to Gelo tita. As for me, mahal na mahal ko sya kaya kakayanin ko pong maghintay sa kanya."

Tita Mindy just nodded.Alam ko na napalungkot ko sya sa naging desisyon ko pero sa tingin ko yun ang makakabuti sa amin ni Gelo ngayon.Space. To do your own thing and pursue your own interest.It lets you have a sense of privacy, a need that doesn't go away just because you're in a relationship with someone.You get time off to relax without feeling as though you're neglecting the responsibilities of being part of a couple. And this is what exactly Gelo needed right now and I'm willing to give it to him kahit hindi nya hinihingi. Masakit sa akin pero alam ko na makakatulong to save our relationship.

_______________

KINABUKASAN pauwi na kami nila Venice ng mapansin naming nagkakagulo ang mga estudyante  malapit sa parking lot ng Med School.

" Uy mga besh ano kaya ang meron bakit nagkakagulo ang mga kababaihan dito?" tanong ni Charlotte na pilit hinahawi ang mga babae sa harapan na tila mga nagpapakuha pa ng picture sa kung sino mang herodes na pinagkakaguluhan nila.

" Baka naman nandito sa school natin si Justine Timberlake o si Bieber." sagot naman ni Venice.

" Halika dali tignan natin! Excuse me, excuse me po." sambit ni Charlotte habang hinahawi ang mga nagkakagulong kababaihan sa harapan. Hila-hila nya ako habang nakasunod naman sa amin si Venice.

" Ano ba naman miss natapakan mo na ako!"

" Ano ba yan kung makahawi naman!"

Panay ang reklamo ng mga babae kay Charlotte dahil sa walang pakundangan nyang paghawi sa mga taong madaanan.

Namangha ako ng makarating na kami sa harapan. Naumid ang dila ko at hindi ko na maihakbang ang aking mga paa. Parang pansumandaling tumigil ang takbo ng oras sa mga sandaling yon.

" Hi Aira!"