Chereads / The Actor that I Hate to Love / Chapter 44 - Closet Girlfriend

Chapter 44 - Closet Girlfriend

Shanaia Aira's Point of View

" Kung alam mo lang Isabel na sa tuwing makikita kita ay tumitibok ng mabilis ang puso ko.Marahil ito na nga ang tinatawag nilang pag-ibig. Kung gayon nga ay umiibig ako sayo Isabel,ngayon ko lang naramdaman ito at ikaw pa lang ang una."

" O Ramon gayun din ang nararamdaman ko sa tuwing tumitingin ako sa mga mata mo. Mahal kita at sayo ko lang din nadama ito."

" Cut!" sigaw ng direktor.

" Wow besh ang galing talagang umarte ni Gelo,natural na natural lang." turan ni Venice sa akin. Nakadama na naman ako ng pagmamalaki sa sinabi nya. Marami na nga ang nakakapansin sa galing ni Gelo sa pag-arte, tila ba ipinanganak sya para sa larangang ito.

Naririto kami ngayon sa tagong bahagi ng park kung saan nag-sshoot sila Gelo ng bago nilang teleserye. Kapareha nyang muli si Charmaine Gonzalo. Nasabi na nya sa akin ang tungkol dito nung huli kaming mag-usap sa phone tatlong araw na ang nakakaraan, hindi nga lang sya sigurado kung saan ang mga location nila kaya hindi ko alam na dito mag-sshoot ngayon.

Dito sa park na katabi ng school namin ang location nila. Nasa canteen ako kanina nang tawagin ako ng dalawang ito dahil may shooting nga daw. Nang malaman ko na sila Gelo yun, nagmamadali akong sumama sa kanila kahit na si sanitary napkin pa ang kapareha nya.

Miss na miss ko na kasi sya,two weeks na nung huli kaming magkasama at yun pa yung araw na dumating sila daddy from US. After that naging busy na ulit sya dahil nga sa teleseryeng ito.

" Besh wag ka nga maingay,ayokong makita nya ako kaya nga nagtatago tayo dito."

" Bakit naman besh?" tanong ni Charlotte.

" Eh kasi nga di ba? iwas intriga at pinag- usapan na namin yun." nakakaunawang tumango naman silang dalawa sa sinabi ko.

" Hindi ba tayo magpapa-autograph sa kanya besh?" tanong ni Venice. Ang kulit lang di ba?

" Heh! As if naman hindi tayo kilala nyan besh. Ganon kaya tayo besh kay Gelo,tight!" muestra pa ni Charlotte na pinagdikit ang dalawang daliri nya.

" Ah basta! ako magpapa-autograph ako sa crush kong si Enrique,magpapatulong ako kay Gelo at sasamahan nyo akong lumapit sa kanya mamaya." turan pa ni Venice. Ang kulit nya talaga,parang bata.

" Eh?"

" Kung ayaw mong makilala ka Aira ,isuot mo itong cap at shades ko." si Venice ulit.

" Oo na nga,matigil ka lang dyan! Para ka namang mamamatay dyan kung hindi ka makakapagpa-autograph kay Enrique. Sumbong kita dyan kay Clyde eh." singhal ko kay Venice.

" Grabe ka besh sa akin. Palibhasa kasi ikaw sikat na artista na yang jowa mo." akusa nya.

" Naku besh, mas mabuti nga na hindi na lang. Kita mo naman sitwasyon naming dalawa ngayon. Daig pa ang LDR." malungkot kong saad.

" Sabagay kung si Clyde ay magiging artista din,hindi rin ako papayag. Okay na rin yung ganitong humahanga na lang ako sa iba." wika nya pa.

Nang matapos ang shooting,isinuot ko na ang cap at shades ni Venice para hindi ako makilala sakali man na makalapit ako at makausap ko si Gelo. Namataan ko na maraming fans ang lumapit sa kanya para magpa-autograph. Naghintay kami na matapos yung karamihan kaya nung dalawa na lang yung natira sa pila pumwesto na  kami sa pinaka-huli sa pila.

Nakayuko si Gelo kasi nagpipirma sya sa mga inaabot sa kanya ng mga fans, kundi t-shirt at poster, mga picture naman nya mismo.

Nung turn ko na at kami na lang magkakaibigan ang natira, inabot ko na yung notebook ko para pirmahan nya, nakayuko sya habang tinatanong nya ako.

" Anong pangalan ang ilalagay ko?"

" Pakilagay na lang Shanaia Aira." awtomatikong umangat ang tingin nya ng marinig nya ako. Malapad ang ngiti nyang tumingin sa akin. Puno ng pagkasabik at kasiyahan ang nakikita ko sa mga mata nya. Tumanaw sya sa paligid bago nagsalita.

" My God baby I miss you. " pabulong na wika nya habang nagsusulat dun sa notebook ko.

" I miss you too bhi. How are you?" masayang tanong ko dahil alam kong nasasabik na sya sa akin at ako rin naman ay nasasabik na makasama sya.

" Hoy kayong dalawa baka may makahalata dyan sa bulungan nyo. Tapusin mo na yang pagpirma mo Gelo para makaalis na kami. Magkita na lang kayo ni besh kung saan kapag wala kanang shooting . Mahirap ng makahalata sa inyo ang mga nagkalat na reporter sa paligid." turan naman ni Charlotte na kinakabahan dahil maraming reporter na nanonood ng shooting nila Gelo.

" Okay , thanks Lot. May sinulat ako dyan sa notebook mo baby mamaya mo na basahin. See you guys." paalam ni Gelo.

" Wait lang Gelo, samahan mo naman akong magpa-autograph kay Enrique." kulit naman ni Venice.

" Sure. Halika samahan kita. Baby ingat ka ha?" pabulong nyang turan tapos lumakad na sila ni Venice para puntahan si Enrique. Nang madaanan nya ako ay pasimple syang bumulong sa akin ng i love you na hindi ko na nasagot dahil baka may makahalata na.

Bumalik na kami ni Charlotte sa school at ni-text na lang namin si Venice na sumunod na lang sa tambayan namin sa loob ng campus.

Habang hinihintay namin si Venice ay excited ko ng binasa yung sinulat ni Gelo sa notebook ko.

" I miss you so much baby. Punta ka sa condo, I'll be going home right after this.I love you..."

" Anong sabi ni Gelo sa sulat besh?" tanong ni Charlotte.

" Punta daw ako sa condo, uuwi daw sya right after their shooting." sagot ko.

" Alam mo besh mas maganda siguro kung magpakasal na kayo ni Gelo, yun na lang naman ang kulang sa inyo di ba?Tutal may bahay na kayo, may ipon so bakit kailangang patagalin pa? Mahirap kasi na ngayong nasa showbiz sya nagkalat ang tukso,wag naman sanang maagaw pa sya sayo ng iba." concerned na wika ni Charlotte. Sa kanilang dalawa ni Venice,ito ang seryoso sa buhay unlike Venice na may pagka-happy go lucky dahil only child sya.

" Gusto nya kasi na tapusin ko muna ang studies ko sa Med school.Ayaw nyang maging hadlang sa pangarap ko na maging doktor.Ayos lang naman sa akin yon besh, mahal na mahal ako ni Gelo at nagsisikap sya para sa future namin. Isa pa, ngayong bumubulusok pataas ang career nya ayaw ko naman na maging hadlang ako sa kanya. For the meantime lang naman itong sekretong relasyon namin hanggat nasa showbiz lang naman sya."

" You mean hindi sya magtatagal sa movie industry?"

" Oo. Siguro.Depende."

" Ang gulo naman ng sagot mo Aira."

" Besh kaya ganon kasi alam mo naman sa showbiz di ba? Walang kasiguruhan kung hanggang kailan magniningning ang bituin."

" Sabagay pero sa tingin ko kay Gelo magtatagal sya sa industriya, magaling at talented kasi sya, idagdag pa na maraming nagkakandarapa sa kanya dahil sa kagwapuhan nya. Paano ka besh, forever ka na lang ba na closet girlfriend?"

Hindi ko na lang sinagot ang tanong nya. Maging ako ay hindi rin alam kung hanggang kailan namin pwedeng itago sa publiko ang relasyon namin. Kung magpapakasal naman kami ni Gelo ngayong kasalukuyang bumubulusok pataas ang career nya hindi malayong mangyari na bumulusok din agad sya pababa. Alam naman natin ang kalakaran sa showbiz, kapag married na ang isang matinee idol nawawalan na ng kinang ang bituin nya.Lalo na kung non-showbiz ang pakakasalan nya. Kahit naman hindi ako pabor sa pagpasok ni Gelo sa showbiz, ayaw ko rin naman na masayang yung pinagpaguran nya. Ewan. Bahala na nga.

Que sera sera. Whatever will be, will be.

Sa condo na nga ako tumuloy nung uwian na namin sa school. Sinabay na lang ako nila Venice pauwi dahil hindi ko dala ang kotse ko. Pagdating ko sa unit ay tinawagan ko agad si mommy sa bahay at nagpaalam na nasa condo lang ako. Pinayagan naman ako ni mommy at sinabihan lang na kung hindi ako makakauwi ay agad lang ipaalam sa kanya.

Habang hinihintay ko si Gelo ay sinimulan ko ng maglinis. Isinalang ko sa washing machine ang marurumi nyang damit, hinugasan ang mga pinggan na nasa sink at pinalitan ang mga pillow cases at bed sheet.

Nang matapos ako sa mga gawain ko ay pagluluto naman ang hinarap ko. Wala ng gaanong laman ang ref nya kaya kung ano na lang yung available ay yun na lang ang niluto ko. Naisip ko na ipag-grocery na lang sya kinabukasan.

Eksaktong natapos ako sa pagluluto ng marinig kong bumukas ang front door. Awtomatikong napangiti ako ng makita ko syang pumasok.

Patakbo syang lumapit ng makita nya ako at ng makalapit sya ay agad nya akong niyakap ng mahigpit.

" God baby I miss you so much! How I long to hug you like this." turan nya habang panaka-nakang hinahalikan ako sa ulo.

" Bhi I miss you too. Kaya lang hindi na ako makahinga oh."

Natatawa naman syang kumalas sa akin. Umupo sya sa couch na kasama ako kaya napaupo na ako sa lap nya. He hug me tight like his life depended on it. He started to caress my face and look straight into my eyes. He pulled me closer to him and kiss me gently on the lips.

Yung gentle naging rough hanggang sa naging wild and I responded. We kissed like there was nothing more important in the world. I find solace in the moment that we were kissing as if trying to make up for the lost time.

This is what I've been longing for the past weeks that we're apart from each other. Nang tumigil kami dahil pareho na kaming pinangapusan ng hininga ay parang may kulang pa rin.I want more of him at nang titigan ko sya ay parang ganon din ang nakikita ko sa kanya. Longing.

Niyakap nya ako at isinubsob ang mukha nya sa leeg ko.

" Baby I want more of you. I want you. Can we do it now?"

Juscolored! Ready na ba ako sa gusto nya? Bakit imbes na matakot ako ay parang na-excite pa ako?