Chereads / The Actor that I Hate to Love / Chapter 49 - Lover's Quarrel

Chapter 49 - Lover's Quarrel

Shanaia Aira 's Point of View

NANG sumunod na araw, sunod naming pinuntahan ni Gelo ang Kyoto. Gaya ng Osaka, marami ring magagandang lugar dito. Ngunit karamihan sa mga tourist attractions nila ay yung mga naggagandahang temples. Kinkaku-ji, Kiyomizu-dera at Higashiyama-Jisho-ji ang ilan sa mga temple na pinuntahan namin. Nang mapagod kami ay doon kami sa Kyoto park nagpahinga. Nakaka-relax dito dahil sa mga puno ng cherry blossoms.

Panay ang selfie namin ni Gelo nang may dalawang matanda na umupo sa katabi ng bench na inuupuan namin. Siguro nasa late sixties na ang age nila at sa tantya ko ay mag-asawa sila. Kasi magka-holding hands sila at parang hindi nila alintana ang nasa paligid nila. Nakakatuwa lang na kahit matanda na sila ay sweet pa rin sila.

" Bhi tingnan mo sila oh. Ang sweet pa rin nila kahit matanda na sila." bulong ko kay Gelo kaya napatingin rin sya sa gawi nung dalawang matanda.

" Oo nga ano? Sana ganyan din tayo pagtanda natin baby." wika ni Gelo.

" Hahawakan mo pa rin ba ang mga kamay ko kapag kulubot na? " tanong ko.

" Oo naman baby. Mas lalo ko pang hihigpitan ang hawak ko kasi baka mabuwal ka dahil may rayuma ka na."

" Kainis ka talaga! Seryoso nga kasi. "

" Hahaha. just kidding. Syempre naman baby hindi ko ikakahiyang hawakan ang mga kamay mo kahit kulubot na. Ikaw ba kapag napapanot na ako, gusto mo pa rin ba akong kasama? " balik tanong nya.

" Hay bhi kahit makalbo ka pa, gusto pa rin kita. Kahit pa lumaki na yang tiyan mo at mawala na ang mga abs mo, para sa akin ikaw pa rin yung pinaka gorgeous na lalaki sa balat ng showbiz. " natatawang hinila nya ako saka niyakap.

" Sinabi mo yan baby. Tatandaan ko yan. Hmm bango mo pa rin kahit pahapon na ah. Tara balik na nga tayo sa Tokyo parang gusto kong mag jack en poy. " turan nya na may namimilyong ngiti sa labi.

" Sus, hayan na naman sya. Ano kaya ang reaction ng mga fans mo kapag nalaman nila na ganyan ka kapilyo Mr. Montero? "

" Huy grabe ka sa akin baby. Sayo lang ako ganito alam mo yan. "

" Joke lang naman bhi. Ang cute mo kaya kapag mukha kang pilyo."

" Ganon ha? Humanda ka sa akin mamaya pagbalik natin sa hotel. Pilyo pala ha? " saad nya tapos kiniliti nya ako sa tagiliran.

" Bhi tama na! Hindi na po. " saway ko sa kanya.Ang lakas kaya ng kiliti ko sa tagiliran at alam nya yon.

" Nakakatuwa naman kayong panoorin. Ganyan na ganyan kami nung kabataan pa namin. " nagulat kami ni Gelo nung magsalita yung matandang lalaki sa katabing bench namin.

" Pilipino po kayo?" hindi makapaniwalang tanong ko.

" Oo ineng. Matagal na nga lang kaming naninirahan dito sa Japan. " sagot nung lolo.

" Hindi ba ikaw yung artista sa pelikula ni Enrique at Raiza? Napanood ko kasi yon nung umuwi kami ng anak ko sa Pilipinas, kakabalik lang namin dito nung nakaraang linggo. " sabi nung lola kay Gelo.

" Ah opo lola. Gelo Montero po. " sagot ni Gelo tapos nakipagkamay sya sa lola tapos dun sa lolo.

" Ako naman po si Aira. " nagmano naman ako bilang paggalang din sa mga matatanda.

" Nobya mo ba ang magandang dalagang ito Gelo? " tanong nung lola kay Gelo.

" Opo lola at mahal na mahal ko po sya. " proud pa na sagot ni Gelo.

" Bagay na bagay kayong dalawa. Maswerte ka sa kanya hijo, bihira na ang mga babaeng katulad nya."

" Po? Paano nyo naman po nasabi yon lola? " singit ko sa usapan nila.

" Nakikita ko sa bukas ng mukha mo kung gaano ka kabuting tao. Hindi pa ako nagkamali sa ganyan. " sagot ni lola.

" Tama ineng marunong nga siyang kumilatis ng tao. Sa katunayan, sya ang pumili sa mga napangasawa ng mga anak namin. Walang nagmintis dun, lahat sila maligaya sa buhay nila dahil mabubuti ang mga naging katuwang nila sa buhay. Kaya nga kami nandito ngayon dahil dinala kami dito ng anak namin at nung asawa nya. Matagal na sila dito naninirahan kaya kinuha nila kami. " pagpapatunay ni lolo.

" Talaga po? Ang galing naman. " natutuwa kong sambit.

" Pero ineng maging matiisin ka pa lalo. Maraming pagsubok ang darating sa inyo. Kayo ang magkakatuluyan ngunit——"

" Mahal ayan ka na naman! " saway ni lolo kaya hindi natuloy ni lola yung sinasabi nya.

" Lolo bakit po? " nagtatakang tanong ni Gelo.

" Medyo may kakayahan din syang makita ang hinaharap ng isang tao. Basta bigla na lang dumarating sa kanya. Madalang lang mangyari pero kapag may nakita sya sa isang tao nagkakatotoo yon.Gaya nyan, may nakikita siguro sya kay Aira." wika pa ni lolo.

" Lola ano po ba ang nakikita ninyo sa akin? Ayos lang po na marinig namin para kung sakali alam na po namin ang gagawin. " udyok ko kay lola para ituloy nya yung sinasabi nya na naudlot kanina.

" Maging matatag ka, kayong dalawa. Magkakaroon ng pagsubok sa relasyon ninyo at hindi ninyo ito mareresolbahan dahil sa makasariling hangarin ng isang tao. Magkakalayo kayo ngunit gaya nga ng kasabihan, ang ibon ay babalik sa kanyang pugad pagdating ng dapit-hapon. "

" Lola nakakatakot naman po yang sinasabi ninyo. May posibilidad po ba talaga na mangyari yun? " tanong ni Gelo.

" Gelo yun lang ang pangitaing nakikita ko pagkakita ko dito kay Aira. Sana lang sumablay ako sa pagkakataong ito, pero ang nakikita ko babalik ka naman sa kanya ngunit lilipas pa ang ilang panahon. "

Natahimik kami pareho ni Gelo. Tila nagkaroon kami ng kanya-kanyang iniisip tungkol sa mga sinabi ni lola. Pero hindi rin naman sigurado kung mangyayari nga ba yung sinabi niya. Sana nga gaya nung sinabi nya, sana sumablay sya.

Matapos ang ilang minuto, nagpaalam na kami dun sa dalawang matanda. Pinag-pray pa kami ni lola bago kami umalis.

Pagdating namin ng aming hotel room ay pabagsak kaming nahiga sa kama. Maaga kaming nakauwi ngayon dahil nga pareho kaming nawalan na ng ganang mamasyal.

" Bhi?"

" Hmm?"

" What if mangyari yung sinasabi nung lola?"

" Hanggang ngayon ba naman iniisip mo yun?" tanong nya.

" Bakit ikaw ba hindi? Eh kanina ka pa rin hindi kumikibo dyan."

" Baby napapagod lang ako kaya hindi ako kumikibo. Hindi ko iniisip yon kasi alam ko naman na hindi yon mangyayari. Huwag mo ng isipin yon, hindi ko papayagan na mangyari sa atin yon."

" Bhi what if nga? Natatakot kasi ako. Paano kung isa sa mga magiging leading lady mo yung may makasariling hangarin gaya nung sinasabi ni lola?"

" Tsk! baby ano ba! Bakit ba ang nega mo ngayon? Huwag mong sabihin na naniniwala ka dun sa sinabi ni lola? Wala ka bang tiwala sa pagmamahalan natin? Wala ka bang tiwala sa akin? " medyo naiiritang turan nya. Ngayon ko lang nakita na parang nayamot sya sa akin.

" Bakit ba parang nagagalit ka? "

" Eh paano ang nega mo! Iniisip mo yung bagay na hindi ka naman sigurado kung mangyayari nga. Wala ka ng tiwala. "

" Bhi nag-aalala lang naman ako eh." sabi ko.

" Yun nga eh. Hindi ka naman dapat mag-alala pero kung ano-ano iniisip mo. Baby engaged na tayo. Wala ka bang tiwala sa mga pangako ko at natatakot ka ng ganyan? "

" Bhi hindi naman sa ganon. Natatakot lang ako, baka mangyari nga. "

" Baby ang kulit mo! " naiinis na bumangon sya sa kama at mabilis na tinungo ang pinto.

" O saan ka pupunta? "

" Kahit saan! Babalik na lang ako kapag wala ng sapot yang utak mo." yun lang at tuluyan na syang nag walk out.

Malalim akong napa-buntung-hininga. Sa kauna-unahang pagkakataon, nainis at nag walk out si Gelo sa akin. Natatakot lang naman kasi ako na baka magkatotoo yung sinabi nung lola kanina.

Bahala nga siya! Hindi nya naiintindihan ang pangamba ko. Siya nga yung malapit sa tukso dahil sa mundong ginagalawan nya. Natural lang sa akin ang mag-alala tapos nakulitan pa sya sa akin. What if lang naman. Paano naman ako kung magkatotoo nga?

Sumapit ang dinner na wala pa ring Gelo na bumabalik. Hindi ba sya nag-aalala na hindi pa ako kumakain? Ngayon lang nya ako natiis ng ganito. Saan kaya nagsuot yung kumag na yon?

Lumipas pa ang kalahating oras ng mapagpasyahan ko na bumaba na sa resto. Gutom na ako. Nag-aaway na ang mga intestines ko. Bahala nga si Gelo kung yamot pa rin sya, basta ako gutom na.

Nung malapit na ako sa resto, nakasalubong ko yung tatlong girls na kaibigan ni Keithlin.

" Aira, Gelo's best friend, right?" bungad nung Nica.

" Yeah." tipid kong sagot.

" Magdi-dinner ka?" tanong ni Trini.

" Uhm. Oo." sagot ko.

" Bakit hindi kayo magkasabay ni Gelo? Kasabay namin syang nag-dinner kanina." sabi naman ni Mariz.

" Uhm. lumabas kasi sya, hindi ko alam kung saan pumunta kaya mag-isa lang ako." tugon ko.

" Oh I see. Lumabas nga siya after ng dinner. He's with Keithlin now, nag bar yata sila. Hindi kami isinama ni Keithlin kasi gusto nyang masolo si Gelo. You know, patay na patay yun sa best friend mo kaya pinagbigyan na namin. I'm sure kilig na kilig na ngayon yung hitad na yun. Sige Aira akyat na kami. Enjoy your dinner. Hayaan mo na yun si Gelo, tiyak nag-eenjoy na rin ngayon yun. " sabi ni Nica tapos umalis na sila para umakyat na.

Naiwan akong nagpupuyos sa galit. Bwisit na Gelo yun, gutom na gutom na ako samantalang siya naman eh nakakain na pala. Hindi man lang ako naalala. Tapos ngayon nag-eenjoy na pala kasama nung dati nyang kalandian.

Lagot ka sa akin Gelo, wala kang ka jack en poy mamaya. Bwisit ka!