Chereads / The Actor that I Hate to Love / Chapter 36 - Back to Showbiz Industry

Chapter 36 - Back to Showbiz Industry

Shanaia Aira's Point of View

" I'm sorry baby.I'm so sorry." sambit ni Gelo habang nakaluhod sa harapan ko.

" Bhi? Ano ba ang nangyari sayo? Bakit parang kinakabahan ako dyan sa paghingi mo ng sorry? Tell me, what happened kasi hindi ko maintindihan kung bakit natiis mo akong hindi kumustahin man lang ng one month. Bhi one month yun at hindi ko mapigilang hindi mag-alala sayo." tanong ko sa kanya,sobrang kinakabahan ako sa maari nyang isagot. What if, tama si Venice na may nakilala nga syang ibang babae dun.

" Baby sorry. May nagawa ako na hindi mo talaga magugustuhan."

" Ano nga yun? May nakilala ka bang iba dun kaya nakalimutan mo akong tawagan man lang?"

" What? No!" biglang bulalas nya.

" Eh ano nga!"

" There's no one but you Shanaia Aira. You know that I love you from the roots of your hair to the tip of your toes. What makes you think na magagawa kitang kalimutan? You're on my mind from the moment I wake up till I close my eyes at night.I didn't cheat on you kung yun ang iniisip mo." medyo kinilig naman ako sa sinabi nya kaya nawala na ng konti yung mga agam-agam ko at yung konting inis ko sa kanya.

" Alright, hindi kung hindi.Eh kasi naman Gelo bigla ka na lang hindi nagparamdam. Wala akong idea kung ano na nangyari sayo dun. Tumayo ka na nga dyan ng makapag-usap tayo ng maayos." untag ko sa kanya.

Mabilis naman syang tumayo mula sa pagkakaluhod nya at umupo sa tabi ko sa couch. Nagulat na lang ako ng bigla nya akong siilin ng halik sa labi. Punong-puno ng pananabik ang mga halik nya kaya naman tinugunan ko na rin ng halik na may kaparehong intensidad. Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa ginagawa namin, ako na ang kusang huminto ng maramdaman kong naglalakbay na ang mga kamay nya sa katawan ko.

" Hep! Hep tigilan mo muna ako. Magpaliwanag ka muna kung bakit natiis mo ako ng isang buwan." pigil ko sa kanya, kakamot- kamot naman ang damuho dahil nabitin yata. Aba ang lagay eh ganun na lang yon?

He heaved a very deep sigh then look straight into my eyes.

" I hope baby na kapag narinig mo ang sasabihin ko sayo,ipangako mo na hindi ka magagalit sa akin at iwanan ako. Napilitan lang akong gawin yung nagawa ko dahil sa pakiusap ni tita Sylvia sa akin. Alam kong mahirap ang mga pinagdaanan natin nitong mga nakaraang taon pero wala akong magawa. Hindi ko kayang suwayin muli si tita Sylvia  dahil ayokong may pagsisihan ako kapag may nangyaring hindi maganda sa kanya." malungkot nyang turan. Parang may nahihimigan na ako sa mga sinasabi nya pero kailangan ko pa ng kompirmasyon mula sa kanya.

" Okay bhi,go straight to the point. Whatever it is, although may hint na ako kung ano yun. And promise, I won't get mad and I'll stay. Sobrang mahal kita kaya never akong magtatanim ng galit sayo. Isa lang naman ang mabigat na rason para iwanan kita, at alam mo na yon, yun ay kung mahuhuli kitang niloloko mo ako. I know that's not the case here, so just tell me now what happened and I'll listen."

He sigh then he met my gaze before he speak again.

" After nung operation ni tita Sylvia, may mga dumalaw sa kanya na taga movie production na kung saan may exclusive contract si tita. Nagkataong may ginagawa silang movie na doon ang location kaya nung mabalitaan nung producer nya na nandoon si tita , pumunta sila kasama ang buong staff nung movie. Ako ang bantay ni tita nung araw na yun kaya nakita ako nung producer nya. Eksaktong kailangan nila ng papalit dun sa second lead actor na hindi nakasama sa shooting dahil nagka-problema yung passport nito. To make the story short, ako ang nirekomenda ni tita bilang kapalit at nagustuhan naman ako nung producer dahil fit daw ako dun sa role. Then yun na nga baby, kahit ayaw ko wala na akong magagawa. Nag shoot na agad ako nung araw na yon at tuloy-tuloy na,halos madaling araw na kung matapos kami kaya hindi na kita matawagan. Isa pa natatakot ako na baka magalit ka,ayaw kong mag-away tayo na nasa malayo ako kaya tiniis ko na lang na hindi ka muna kausapin. Baby, I'm sorry. Bahagi na ulit ako ngayon ng industry na kinaaayawan mo. Nabigla rin ako sa bilis ng pangyayari. In an instant,may movie na agad ako. And they made me sign a five years contract with them. I just can't afford to give tita Sylvia another frustration. I don't want her to feel that she's not important to me. I love her so much like my mom. Ngayong alam mo na, please understand  baby, wag mo akong iwan. I don't wanna lose you. You're my life and my everything.Please stay."

Nagulat man ako sa mga sinabi nya,pinilit ko na lang na unawain sya. Nandyan na yan, wala na akong magagawa pa. Ayoko rin naman na ako ang maging dahilan upang magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ni tita Sylvia.

Totoong ayaw ko sa mundong ginagalawan ng pamilya ko dahil sa mga hindi magagandang pangyayari sa nakaraan, pero hindi ko naman pwedeng pigilan si Gelo sa naging desisyon nya. Nasa dugo nya ang pagiging artista. May talent sya sa pag-arte, sa pagkanta at pagsasayaw. Hindi ko pwedeng hadlangan kung gagamitin nya ang mga talento nya para mapasaya ang madla.Marami pa rin ang naghihintay sa pagbabalik showbiz nya. Marahil kailangan ko lang ihanda ang sarili ko dahil simula sa araw na ito hindi ko na solong pag-aari si Gelo, pag-aari na sya ngayon ng publiko.

I cupped his face and give him a peck on the lips.

" Bhi, iginagalang ko ang naging desisyon mo. Ayokong maging hadlang sa magandang future mo dyan sa larangang yan at lalong ayaw ko na ako ang maging dahilan ng pagsama ng loob ni tita Sylvia. She almost lost her life and it's just appropriate to give her what she really wanted. Kailangan ko lang na maging handa at magsanay na hindi na kita solong pag-aari, you're now a public property. "

" Oh baby I'm so sorry. Maaaring marami na ang mababago sa takbo ng buhay ko ngayon pero yung tayong dalawa,hindi yun mababago kahit kailan. Kainin man ng showbiz ang oras ko asahan mo mayroon akong oras palagi na ilalaan para sayo."

He hug me tight and kiss the side of my head. Alam ko maraming magiging pagbabago pero mag-aadjust ako para sa kanya. May mga intriga at tsismis na siguradong hindi maiiwasan pero kailangan kong tatagan ang sarili ko. Ipipikit ko ang aking mga mata at isasara ko ang aking mga tenga upang hindi maapektuhan ang relasyon naming dalawa. Ayokong matulad kay ate Shane at sa iba pa na nasira ang relasyon ng dahil sa intriga. I can't afford to have another heartache.

I don't want to be a victim of a broken relationship.