Shanaia Aira's Point of View
MEDYO humupa na rin ang pagkabigla ko sa sinabi ni Gelo na ours daw ang magandang unit na ito.
" What do you mean bhi?Graduation gift sayo ito ni tito Archie di ba?Hindi mo naman siguro ako papalipatin dito para magsama na tayo,right?"
" Yeah,gift nga ito ni daddy pero hindi sa akin kundi, sa atin.Nakapangalan na ito sa ating dalawa."
" But why? We're not even married yet.Sabi mo nga magtatapos pa ako sa Med School bago tayo magpakasal."
Lumapit sya sa akin at hinawakan ako sa dalawang kamay.Tumingin sya ng diretso sa mga mata ko.
" Baby, nung tanungin ako ni tito Adrian kung ano ang balak ko after graduation,sabi ko gusto kong mag-propose na sayo.Pero pinigilan muna nya ako kasi nga papasok ka pa daw sa Med School.Sabi nya mag-ipon muna raw ako para kung sakaling magpakasal na tayo, mayroon tayong mapag-uumpisahan.When dad heard about it, he decided to give me a condo unit as a graduation gift at sa ating dalawa nga nya ipinangalan.Sakali man maisipan na natin magpakasal, mayroon na tayong titirahan at konti na lang ang paglalaanan ng ipon ko.You see, my dad is really persistent to have you as their daughter in -law.At kita mo naman halos sila na ang magplano para sa atin."
" Mukha nga bhi.Pero siguro dapat tumulong din ako sayo sa pag-iipon para naman may share ako tutal sabi mo nga para sa future nating dalawa.
Natutuwa ako sa unit na ito na binigay ni tito Archie pero dapat yung iba sa atin na siguro.Mas maganda yung hindi na tayo hihingi ng tulong mula sa kanila."
" Baby, leave it to me.Sa ating dalawa,ako naman yung may trabaho at estudyante ka pa lang.Saka na lang kapag nagwo-work kana rin."
" Alam mo bhi,yung cousin ni mommy, si tita Laine nag-ipon din sila nung napangasawa nya, si tito Nhel.Pareho silang estudyante nung mag-start silang mag-ipon.Bago sila ikasal, may bahay na silang naipundar at wala silang hiningi kahit isang sentimo sa mga magulang nila nung magpakasal sila.Gusto ko bhi ganun din tayo, may naipon naman ako kaya pwede ko ng i-share yun kung mag-oopen tayo ng joint account sa bank." ngumiti sya sa akin at hinila na ako palabas ng unit.
" O saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong ko.
" Sa banko.Ngayon na tayo mag-umpisa para makarami."
" Hahaha...ang bilis ah.Nagmamadali, may lakad?"
Nagkatawanan na lang kami at dumiretso na sa parking lot para pumunta sa pinaka malapit na bank.
PAGKAGALING ng banko ay tinatahak na ni Gelo ang daan pauwi sa amin para ihatid ako.Habang daan ay nag-uusap lang kami ng biglang mag-ring ang phone nya.
Nung makita nyang si tita Mindy ang naka-rehistrong tumatawag ay sinenyasan nya ako na sagutin ko ang tawag ng mommy nya.
Hindi ko alam kung bakit parang may bumundol na kaba sa akin ng abutin ko mula kay Gelo ang cellphone at sagutin ang tawag ni tita.
" H-hello po tita, Gelo is driving, bakit po?" medyo nag stutter pa ako dahil sa kaba.
I heard her sob on the other line.Lalo akong kinabahan ng magsalita sya.
" Where are the two of you right now?"
" We are near Shaw blvd.station in Edsa.Why po tita?"
" Please proceed to Makati medical as fast as you could, ate Sylvia is in danger."
" What?" shock was written all over my face kaya naman napa-preno si Gelo.Itinabi nya ang sasakyan sa may isang building na malaki ang parking space.
" Baby what happened?" nung hindi ako sumasagot ay kinuha nya sa akin ang cellphone at kinausap ang mommy nya na nagsasalita pa at hindi ko na maintindihan ang sinasabi dahil na-shock nga ako.
Matapos nilang mag-usap na mag-ina ay mabilis na nagmaneho si Gelo,buti na lang at madalang ang mga sasakyan dahil hindi pa rush hour.
Nagmamadali kaming pumunta ng emergency room ng makarating kami ng hospital pero wala na si tita dun at nilipat na daw agad sa OR kaya humahangos kami ni Gelo na pumunta doon.
Dinatnan namin si tito Archie at tita Mindy sa labas ng OR.
Iyak ng iyak si tita Mindy na yumakap sa akin habang ang mag-ama naman ay nasa tabi namin na nag-uusap tungkol sa nangyari.
" Dad what happened?" dinig kong tanong nya sa dad nya.
" May shooting sya sa Sagada, nauna na yung mga crew and staff dun at ilang artista kaninang umaga pa, naiwan sya dahil tinapos nya yung taping nya sa tv station pagkatapos susunod sya kasama yung driver nya.
Nung bandang Pangasinan na sila, umulan ng malakas at naging madulas ang daan at biglang naging madilim kaya hindi nakita nung driver na may makakasalpukan na sila. Biglaan ang pangyayari, nasa critical condition sila nung driver nya at yung nakasalpukan nila, dead on arrival."
" Oh my God! Dad nakausap nyo na po ba yung doctor? Ano na raw po ba ang lagay nila tita?" nagpapanic na tanong ni Gelo.
" Hanggang ngayon wala pang lumalabas sa kanila mula dyan sa OR.
Maghintay na lang tayo at magdasal, anak. May awa ang Diyos." sagot ni tito Archie.
Tumawag ako sa bahay at ibinalita ko ang nangyari. Binilinan ko si yaya na asikasuhin muna si Dindin.
Paupo na sana ko ng hilahin naman ako ni Gelo papunta sa kung saan. Ilang lakad pa ang ginawa namin ng makarating kami sa chapel ng ospital. Pumasok kami dun at nagdasal para sa kaligtasan ni tita Sylvia at nung driver nya.
Pagbalik namin sa labas ng OR, sinamahan namin sila tita Mindy sa paghihintay. Nang mga ilang oras na ang lumipas at wala pa ring doktor na lumalabas ng OR, sinabihan kami ng daddy at mommy nya na umuwi muna, nag-aalala rin kasi sila kay Dindin. Sinabihan kami na tatawag na lang sila para balitaan kami sa ano man ang mangyari.
Hindi kumikibo si Gelo habang nagmamaneho pauwi sa amin. Nakahawak lang ang isang kamay nya sa kamay ko.Ramdam ko ang tensyon sa kanya, at alam ko na labis syang nag-aalala kay tita Sylvia. Para na rin kasi nya itong ina, lahat ng inuutos nito sa kanya ay sinusunod nya. Bata pa lang kasi sya, halos si tita Sylvia na ang nag-asikaso sa kanila ni ate Arienne dahil nga naghiwalay ang mga magulang nila at nagkaroon ng kanya-kanyang pamilya.
Pagdating namin sa bahay ay agad ko ng sinilip si Dindin sa room nya. Mahimbing na ang tulog nito. Hinalikan ko sya sa pisngi at lumabas na ako ng silid nya para puntahan si Gelo na iniwan ko sa sala.
" Bhi nagugutom ka ba? Tara kain muna tayo." hinila ko sya papuntang dining room.
Naghain ako at tahimik kaming kumain. Nang matapos kami ay nagtulong kaming maghugas ng mga kinainan namin.
Pagdating sa taas ay hinatid ko sya sa guest room pero tumanggi sya.
" I want to sleep beside you baby." nakikiusap ang tingin nya kaya naman hinila ko na uli sya papunta sa room ko.Naiintindihan ko na gusto nya ngayon ng may makakasama sa pinagdadaanan nila.
Pagpasok sa room ko ay agad na syang tumungo sa bathroom ko at naligo. Pumunta naman ako sa closet ko para ikuha sya ng damit pantulog.Pagkalabas nya ng bathroom ay inabot ko sa kanya ang bihisan nya at ako naman ang pumasok doon para maligo na rin.
Paglabas ko ng bathroom ay nakahiga na si Gelo, nakatihaya sya at yung braso nya ay nakatakip sa mga mata nya. Alam ko na nag-iisip sya kapag ganon ang posisyon nya. Tumabi ako sa kanya ng hindi man lang nabago ang posisyon nya. Binaklas ko ang braso na nakatakip sa mga mata nya at namangha ako ng makita ko na umiiyak pala sya. Sa tagal na naming magkasama ni Gelo, bihira ko syang makita na maglabas ng ganitong emosyon. Kapag may pinagdaraanan sya, hindi mo mahahalata sa kanya dahil palagi syang nakangiti at good vibes palagi. Ngayong umiiyak sya, alam ko na nasasaktan at nag-aalala siya.
" Oh hush now bhi,everything will be alright.Come on let's pray." pinunasan ko ng mga palad ko ang luha nya at hinila ko sya para makapagdasal kami.
Nang matapos kaming magdasal ay niyakap nya ako ng mahigpit at naramdaman ko na nawala na yung tensyon sa kanya at kumalma na sya nung makapag-pray na kami.
Sabay kaming nahiga na nakaharap sa isat-isa.Kumilos ang kamay nya at banayad na hinahaplos ang mukha ko.Awtomatikong kumilos din ang kamay ko at hinagod -hagod naman ang buhok nya.Lumapit pa syang lalo sa akin at inilagay ang dalawang kamay nya sa likod ko para itulak pa ako palapit sa kanya at inilapat ng husto ang katawan nya sa akin. Ramdam ko yung mabilis na tibok ng puso nya. Maya-maya ay humihimas na yung mga kamay nya sa likod ko at panay na ang halik nya sa ulunan ko.
I know Gelo when he is like this, he's freaking turned on.
At nararamdaman ko yung ebidensya dahil magkalapat ng husto yung katawan namin.
Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang itsura nyang parang lasing.
" Bhi I know that look." sambit ko.
" Please baby I'm lonely,pagbigyan mo na ako." parang batang turan nya.
Natawa na lang ako sa kanya at mabilis akong bumangon para pagbigyan sya sa hiling nya.
Oh who can resist this handsome guy with raging hormones?
Definitely not me.
Ako pa ba?