Chereads / The Actor that I Hate to Love / Chapter 27 - Victory

Chapter 27 - Victory

Shanaia Aira's POV

" Maraming salamat sa inyong dalawa, Aira at Gelo sa mga ibinigay nyo sa mga bata ngayon. Talagang napaligaya nyo sila ng husto.Pagpalain nawa kayo ng Diyos." sambit ni Sister Myra, ang mother superior sa orphanage na pinuntahan namin ni Gelo.

Pagkatapos naming magsimba ni Gelo kaninang umaga,napagkasunduan namin na pagkatapos ng klase namin, mamimili muna kami ng mga dadalhin namin sa orphanage.

Bumili kami ng maraming pagkain sa Jollibee at namili kami ng mga educational toys para sa mga bata.Naghati kami ni Gelo sa gastos. Regalo na rin daw nya sa sarili nya dahil birthday rin naman nya sa isang araw.Nagkaroon din kami ng parang mini concert ni Gelo at naging masaya kahit paano ang mga bata.

" Wala pong ano man sister.Simula po ngayon ay magiging parte nyo na kami dito sa tuwing birthday po namin para mapasaya ang mga bata." masayang turan ni Gelo kay sister.

" Opo sister naging masaya po kami na nakasama namin kayo, kaya every year asahan nyo po na nandito kami tuwing birthday namin." sang-ayon ko.

" Maraming salamat mga anak, nawa'y pagpalain ng Diyos ang relasyon nyong dalawa." pagtatapos ni sister Myra at nagpaalam na kami ni Gelo sa mga bata.

Masaya at magaan sa pakiramdam ang nararamdaman namin ni Gelo habang bumibyahe na kami pauwi.Hindi mapapantayan ang saya na naranasan namin sa piling ng mga bata kanina.At nangako kami na kada birthday namin ay maglalaan kami ng oras sa orphanage para mag celebrate kasama sila.

Halos mag-uumpisa na ang dinner ng dumating kami sa bahay, kumpleto na ang mga pamilya namin na agad kumanta ng birthday song para sa aming dalawa pagbungad pa lang namin ni Gelo sa dining room kung nasaan silang lahat.

" Saan kayo galing ha? Bakit ngayon lang kayo? Kanina pa tapos ang klase nyo pareho ah.." tila nang-iintriga pa si ate Arienne sa amin.

" Hay nako ate hayan kana naman.Galing po kami ni Aira sa orphanage at nag-celebrate ng birthday namin dun kasama ang mga bata." parang naasar na sagot ni Gelo sa pang-iintriga ni ate Arienne.

" Really? Dun kila sister Myra?" singit na tanong ni mommy.

" Opo mom, naisipan ko po na dun mag celebrate kasama si Gelo at nangako kami na every year dun kami kasama nila." sagot ko.

" That's nice.Bihira sa mga kabataan ngayon ang makaisip ng ganyan.We're very proud of you, maganda ang visions nyo at nagkakasundo kayo." seryosong sabi ni tita Mindy, ang mommy ni Gelo.

" Mom, si Aira po ang nakaisip nun. Sobra nga po akong na-amazed sa kanya.Lalo ko po syang minahal dahil dun. Napakaganda po ng kalooban nya." walang pag-aalinlangan na turan ni Gelo, proud na proud pa sya samantalang hiyang-hiya naman ako dahil nasabi nya yun sa harap pa mismo ng kapamilya namin.

" Kaya naman botong-boto kami sa kanya para sayo Gelo. Mukhang sa kanya ka titino ng husto anak." singit naman ng daddy ni Gelo na si tito Archie.

" Dad naman para nyo na rin sinabi na hindi ako matino nyan." kakamot-kamot na protesta ni Gelo, nagtatawanan naman yung mga kapamilya namin.

" Wala naman akong sinabi na hindi ka matino ah. Ang sabi ko titino ng husto,magiging mas matino ka pa ang ibig kong sabihin dun." halatang palusot ni tito sa pang-aasar nya kay Gelo.

" Hay nako kumain na nga tayo baka kung saan pa makarating yang usapan nyong mag-ama." sawata ni tita Mindy at tila hudyat naman yun para magsimula na ang lahat na kumain.

Our birthday dinner with our families went well.It's almost midnight when Gelo and his family bid goodbye.Maganda ang naging usapan nila dad at tito Archie tungkol sa kampanya, magiging magka-partido silang dalawa together with kuya Andrew and Kuya Gerald.Talagang desidido na si kuya Gerald na tumakbo sa eleksyon at wala ng nagawa si ate Shane kundi sumuporta na lang.

Kinabukasan, nag-celebrate naman kami ni Gelo ng birthday namin with our friends, Kevin, Clyde,Charlotte and Venice.Maghapon kami sa mall, nanood ng movie at kumain, na kami ni Gelo syempre ang taya.Nung gabi na, nanood naman kami ng live band sa may BGC at halos 12 midnight na kami naghiwa-hiwalay.Hinatid lang ako ni Gelo sa bahay then agad ko na sya pinauwi dahil babalikan din naman nya ako sa umaga para mag-celebrate naman kaming dalawa ng birthday nya sa Enchanted Kingdom.

Sobrang nag-enjoy kami ng husto ni Gelo sa EK. Para kaming bumalik sa pagiging bata.Lahat halos ng rides sinakyan namin, tumigil lang kami nung halos masuka na kami pareho.

Hawak kamay kaming naglibot sa buong park, kumain ng kumain at ng mapagod ay naupo na lang kami at pinanuod ang mga bata na nagtitilian sa sinakyan nilang rides. Hindi naman kami nag-aalala na may makakita sa amin dahil lagi namang naka-disguise si Gelo pag may date kami.

Sa kabuuan masaya kami ni Gelo na nag-celebrate ng birthday nya.Nung hapon na ay umuwi na kami para naman sa dinner with his family.Malalim na ang gabi ng hinatid nya ako sa amin.

Bago ako bumaba ay inabot ko muna yung gift ko sa kanya na nasa bag ko mula pa nung sunduin nya ako kaninang umaga. Hindi ko ibinibigay kasi gusto ko yung ganitong moment na kami lang talagang dalawa. I want to see his reaction.

Medyo nagulat nga sya nung iabot ko.

" Bakit nagulat ka? Hindi mo ba ine-expect na reregaluhan kita?" natatawang tanong ko,ang epic naman kasi ng reaction nya.

" Hindi naman. Sanay naman ako na may gift ka sa akin every year. Nagulat lang ako kasi akala ko wala kang gift dahil ilang oras na lang tapos na birthday ko."

" Haha.pwede ba naman yun bhi, kung kelan boyfriend na kita saka pa wala? Ito ang first birthday natin na tayong dalawa na di ba?" hinawakan ko sya sa pisngi and caressed his eyes and nose.

" Yeah,right! " hinuli nya ang kamay ko and kiss my knuckles.

" Sige na open mo na yang gift.Happy birthday baby boy ko." untag ko sa kanya.

Nung tumambad sa kanya ang laman ng kahon ay natawa sya ng husto.

" Gaya-gaya ka talaga baby.Pinag-isipan mo to ng husto noh?"

Tumatawa akong itinaas ang kamay ko na mayroong ID bracelet na nakasuot na regalo nya sa akin nung birthday ko.May naka- engraved na i love you sa harap at pangalan naming dalawa sa likod.

" Haha.gusto ko kasi pareho tayo. May couple ring tayo di ba? So dapat may couple bracelet din.Akina isusuot ko sayo." inabot nya sa akin at inilahad ang braso nya para mailagay ko sa kanya ang bracelet.

" Wow ang ganda! Thank you baby ko." sabi nya habang sinisipat ang bracelet sa wrist nya.

I smiled and cupped his handsome face.I pulled him closer to me and kiss him.When our lips met,awtomatikong kumilos sya at hinawakan ako sa likod at nagsimulang palalimin ang halik.He kissed me hungrily and it lasted for I don't know how long.We both stop nang pangapusan kami ng hininga.

" Whew! Best birthday kiss ever." sambit nya.

" Sus! Ganyan din sinabi mo nung birthday ko di ba?" asar ko sa kanya.

" Hahaha..alam mo baby, everytime we kissed sinisigurado ko na mas intense yun kesa dun sa huli para laging may bago.Sarap naman di ba?"

" Heh! Puro ka kalokohan. Tara na nga inaantok na ako."

Hinintay lang nya ako na makapasok sa loob ng bahay saka sya sumakay muli sa kotse nya at nagmaneho pauwi.Tumawag naman sya sa akin nung makarating na sya sa bahay nila.

____________________

LUMIPAS pa ang mga araw at mga buwan.Dumaan ang sem break, pasko at bagong taon na magkasama naming hinarap ni Gelo.Naging matibay pa ang aming relasyon sa paglipas ng mga araw.Hindi miminsan kaming nag-away at nagkatampuhan pero madalas naayos namin agad,hindi namin hinahayaang lubugan ng araw ika nga.

February 14, Valentine's day. First year anniversary namin ni Gelo as a couple.Maaga pa lang nasa bahay na sya to greet me and ask for dad's permission to take me out on a date. Of course pumayag si daddy, si Gelo pa ba eh malakas sya kay dad.

He took me to a fancy restaurant for a dinner.I wonder kung magkano na naman ang nagastos nya kasi hindi rin biro ang halaga ng pagkain dun.Knowing Gelo, never pa akong tinipid nun. He always says that he wants the best for me coz I'm his queen.

Samantala sa paglipas pa ng mga araw, naging abala naman ang mga kapamilya namin ni Gelo sa pangangampanya.Halos hindi na naman namin nakikita ang mga kapamilya namin sa bahay dahil busy sila sa kani-kanilang career.Syempre,kaming dalawa lang ni Gelo ang palaging magkasama dahil kami lang dalawa talaga ang walang hilig sa politics.

Sumapit ang bakasyon,dahil wala kaming pasok ni Gelo, wala na kaming nagawa nang isama nila kami sa pangangampanya.Kung saan-saang lugar kami nakakarating.Halos wala kaming pahinga hanggat hindi natatapos ang eleksyon.Nagkaroon lang kami ng quality time ni Gelo sa isat-isa nung huling araw na ng kampanya.

ELECTION DAY.Lahat sa bahay ay abala para sa paghahandang bumoto sa mga precincts.Magkakasama kaming mag-anak na bumoto. Nung tawagan ako ni Gelo kaninang paggising ko ay gumagayak na rin daw sila para pumunta na sa precincts na pagbobotohan nilang mag-anak.Natuwa naman ako kasi kahit paano sinusuportahan pa rin ni tita Mindy si tito Archie sa mga ginagawa nito bilang politiko kahit matagal na silang hiwalay at may pareho ng ibang pamilya.

Nang matapos ang itinakdang oras para sa pagboto, lahat sa bahay ay kinakabahan sa magiging resulta.Pinuntahan ako ni Gelo sa bahay dahil sobrang stressed din daw ang mga tao sa bahay nila.Niyaya nya akong mag-mall para makapag-relax kami kahit paano dahil napagod din kami dun sa ilang linggong pangangampanya.

Kinabukasan nabungaran ko ang pamilya ko na nagkakaingay sa dining room. Nanalo si dad bilang congressman uli sa district namin, then vice mayor si kuya Andrew at vice governor naman si kuya Gerald.

Hindi pa natatagalan ang kasiyahang nadarama ng lahat ng dumating naman ang buong pamilya ni Gelo na masayang-masaya din. May dala silang mga pagkain upang magdaos ng isang mini victory party dahil nanalo din ang daddy ni Gelo na si tito Archie bilang congressman din sa distrito nila.

Masaya ang lahat sa tagumpay na nakamit nila.Hindi namin inaasahan na ang sayang yon ay mapapalitan ng kalungkutan sa mga araw na darating.