Chereads / The Actor that I Hate to Love / Chapter 24 - Drunken Kiss

Chapter 24 - Drunken Kiss

Shanaia Aira's Point of View

MATAPOS magbitiw ng salita ni Gelo kay Keithlin ay hinila na nya ako papuntang gym.Bahagyang pa akong sumulyap kay Keithlin at nakita ko na tinignan nya ako ng masama at saka umismid.Grabe mukhang magkakaroon ng ibang kaganapan ang magiging buhay ko dito sa university, first day pa lang may gusto ng maki-epal sa love story namin ni Gelo.

Nandoon na si Venice at Charlotte ng dumating kami ni Gelo sa gym.Opo kasama ko pa rin yung dalawa sa school na ito.At hindi lang yon pareho rin ang course na kinuha namin dahil iisa lang ang pangarap naming tatlo, ang maging doktor.

" Ano kamo besh nasalubong nyo ni Gelo yung Keithlin na yon tapos tinignan ka ng masama at inismiran ka pa?" pabulong na tanong ni Venice sa akin nung nasa classroom na kami at kasalukuyang hinihintay ang prof namin.

" Oo kaninang papunta kami sa gym,umangkla nga agad kay Gelo nung makita kami at parang hindi naman nya ako gustong pansinin.Inismiran nya ako kasi sinabihan sya ni Gelo na don't mess with me raw.Di ba nga feeling nya nun may something sila ni Gelo kasi nga they kissed on the night of their acquiantance.I don't know what happens after that coz Gelo didn't bother to tell me about it and I didn't ask na rin naman."

" OMG they already kissed? " nahihindik na tanong ni Charlotte.

" Yeah, I saw them with my own two eyes.Nainis nga ako nun kasi Gelo responded with her kisses, medyo marupok pa naman yung isang yun eh. Hindi nila alam na nakikita ko sila nasa kotse ako nun hinihintay sya, kaya ang ginawa ko lumabas ako, binulabog ko sila kaya huminto sila." mahabang salaysay ko.

" What?" tinakpan nila pareho ang bibig nila dahil tawang-tawa sila sa narinig nila sa akin.Grabe mukhang hindi na makahinga itong dalawang to sa katatawa ah.

" Grabe ka besh,panira ka talaga ng moment noh.Nagselos ka siguro nun kaya ka nainis at binulabog mo sila." turan ni Venice habang medyo naluluha pa dahil sa pagtawa.

" Ang halay kaya nila nun,may pahawak-hawak pa yung hitad na yun sa mga abs ni Gelo.Siguro nga nagselos ako nun kasi yun yung time na na-realized ko na iba na yung feelings ko sa kanya."

" So hindi pala ikaw besh ang first kiss ni Gelo?" tanong ni Charlotte.

" Sabi nya ako raw pero hindi ko naman maalala na nag-kiss na kami before that.Oo nga hindi ko pa rin pala natatanong uli sa kanya yun."

" Uy kayo ha may pinagsaluhan na pala kayong kiss nung mag bestfriend pa lang kayo." tudyo pa ni Venice.

" Sira hindi ko nga maalala kung kelan yun eh."

" Besh itanong mo na kay Gelo mamaya, sige na kinikilig ako sa inyo."

" Tse tumigil ka nga dyan Charlotte Bernadette sa amin na lang ni Gelo yun noh! Tsaka wag ka nga maingay dyan! Alam mong tayo-tayo lang ang nakakaalam ng totoong relasyon namin baka mamaya may makarinig sayo dyan na reporter, patay tayo dyan! "

" Sus ang kj mo naman Aira hindi naman kami others ah. And don't worry walang nakakarinig sa pinag-uusapan natin, ang layo kaya nitong pwesto natin . " hirit pa nya.Nasa may bandang likod kami nakaupong tatlo.

Pinanlakihan ko sya ng mata,sakto naman na dumating na ang prof namin kaya hindi na sya nangulit pa.Mamaya nga tatanungin ko na si Gelo tungkol dun sa first kiss na yon,wala talaga akong maalala.

Our first day of school went well.Magkakasama pa rin kaming tatlo nung lumabas kami ng classroom at pumunta sa parking lot ng school.Naghiwalay lang kami ng makita na nila ang mga sundo nila.Nakita ko si Gelo na nakasandal sa kotse nya at naghihintay.Sinalubong nya ako at humalik sa pisngi ko.

" How's your day baby?" umakbay sya sa akin at ipinulupot ko naman ang mga kamay ko sa bewang nya.

" Very fine.What about you handsome?" lumawak ang ngiti nya.

" Not so fine beautiful kasi tatlong oras kitang hindi nakita."

" Grabe sya oh,magkasama lang tayong nag-lunch kanina ah." natatawa kong turan sa kanya.

Ngumiti sya ng malapad, kinabig pa akong lalo at hinalikan ako sa gilid ng ulo ko.

" Baby kahit isang oras lang katumbas na yon sa akin ng isang linggo."

" Oo sige na po ako na ang mahaba ang hair.Syanga pala may itatanong ako sayo mamaya pagdating natin sa bahay."

" Ok... let's go na." untag nya at inalalayan na akong sumakay sa kotse at kinabitan ng seatbelt.Sumimple pa ng mabilis na kiss sa lips ko habang inilalagay ang seatbelt ko.Hindi lang ako ang pilya noh,sinusumpong din yan paminsan-minsan kapag hindi nya makayanang i -resist ang alindog ko.

Pagdating namin sa bahay,ipinaghain kami ni yaya Didang ng meryenda.Nag-uusap lang kami tungkol sa mga kaganapan sa school habang kumakain.Nang matapos ay umupo lang kami sa couch sa sala para magpahinga.Nakasandal lang ako sa balikat nya habang nakayakap sya sa akin mula sa likuran.

" Bhi ang tagal kong hindi naitatanong sayo to.Di ba sabi mo ako ang first kiss mo at nangyari yon bago yung aksidenteng ma-smack mo ako? Hindi ko talaga matandaan yun bhi promise." tumingin ako sa kanya at nahuli kong may sumilay na pilyong ngiti sa kanyang labi.

" Ano kasi baby, ayoko na sanang sabihin yon sayo kasi nahihiya ako pero alam mo ba na yun ang pinaka-memorable moment sa buhay ko."

" Huh?" naguguluhan ko syang tinignan.." Ano ibig mong sabihin? Kailan nga kasi yun?" pilit ko sa kanya.

" Promise hindi ka magagalit?"

" What's the use eh tapos na yun?"

" Talaga lang ha?"

" Oo nga sabi,dali na."

" Ok..naalala mo nung 20'th birthday ni ate Arienne? Nung tinungga mo yung alak na akala mo juice?"

Inalala ko yung birthday ni ate Arienne 2 years ago,I was 15 back then and Gelo is 18.May sinerve yung waiter na akala ko juice,dire-diretso kong tinungga dahil nahirinan ako,huli na nung mapigilan nya ako.Tapos bigla na lang nag-init pakiramdam ko at nahihilo ako.Ang alam ko nun dinala ako ni Gelo sa room ni ate Arienne then I don't know what happens next.

" Ano ba nangyari nun bhi hindi malinaw sa akin eh? Ang alam ko lasing ako nun,first time ko yun."

" Dun nga nangyari yung first kiss natin baby." ngumiti na naman sya ng pilyo.

" Loko ka bhi nag take advantage ka sa akin nun?"

" No hindi ako ang nag-umpisa nun,ikaw ang pilit na humahalik sa akin, pinipigilan nga kita dahil ayokong halikan ka ng hindi mo alam eh mapilit ka at alam mo namang marupok ako lalo na pagdating sayo dahil in love na ako sayo nun.Hayun hindi ko na napigilan bumigay na rin ako."

" Yuck! bhi nagawa ko yun?" tinakpan ko pa yung mukha ko dahil namumula na ako sa kahihiyan.

Pilit nyang tinanggal yung kamay ko na nakatakip sa mukha ko.." Hey, I understand.You were drunk that time at first time mo yun."

" Mas naughty pala ako pag lasing.Nakakahiya talaga bhi.Ano pa ginawa ko nun?baka meron pa sabihin mo na para isang bagsakan na lang."

" Hahaha..wala na baby kasi napigilan naman kita."

" Napigilan? Bakit ano pa ba sana ang gagawin ko nun?" naku naman nakakahiya talaga ako hindi dapat ako uminom ng alak at malasing.

" Wag na hindi mo naman natuloy kasi nga napigilan kita."

" Ano nga kasi yun para maiwasan ko ng ulitin pa uli kung ano man yon?"

" Ok..you were.... ahm...you were trying to remove your clothes in front of me kasi naiinitan ka." atubiling sabi nya.

" What? Oh my Gosh! Just oh my gosh! Paano kung hindi pala ikaw yun bhi eh di na rape na ako pag nagkataon? God huwag mo na akong hahayaang uminom ng alak ha? May nakita ka ba sa akin?"

" Wala!" mabilis nyang tugon." At talagang hindi kita hahayaang uminom na hindi ako ang kasama mo baby."

" Grabe pala bhi sobrang nakakahiya ang first kiss natin.Nakakainis naman hindi ko na-experience yung first na yun na matino ako.Minsan lang ba nangyari yon nung araw na yon?"

" Actually twice baby kasi na-addict yata ako nung una kaya nung tulog ka na inulit ko."

Hinampas ko sya ng malakas sa braso.

" Bwisit ka bhi kaya pala parang pamilyar na yung halik mo sa akin kasi pinag-praktisan mo na pala ako habang tulog."

" Aray! Baby naman sorry na hindi ko napigilan eh." panay ang himas nya sa braso nya.

" Buti na lang boyfriend na kita ngayon kundi wala na pala akong ipagmamalaki sayo dahil nakuha mo na ang first kiss ko.At kaya pala bigay na bigay ka nun nung hinalikan ka ni Keithlin dahil hindi ka nag-aalala na makuha nya ang first kiss mo dahil naibigay mo na sa akin."

" O wag mo ng ipaalala sa akin yun kasi naiinis ako sa sarili ko na nagpadala ako sa kanya nun."

" Alam mo bang masama ang tingin nya sa akin kanina at inirapan pa ako nung sabihin mong special ako sayo?"

" Nag assumed nga kasi sya nun na kami na after that incident, pero pinilit kong iwasan sya kasi ikaw yung mahal ko.Kaya sinabihan ko sya kanina na don't mess up with you kasi kilala ko ang ugali nya at ang kaya nyang gawin.Nagawa na nyang i-bully yung mga fangirls ko sa school dati."

" Really bhi, may fangirls ka?"

" Ehem! Gwapo boyfriend mo eh." sabay nag-pogi sign pa.

" Yabang! Hindi ko alam na sikat ka pala sa school natin.Kawawa naman pala ako baka kuyugin ako ng mga fans mo pag nalaman nila na ako ang girlfriend mo."

" Subukan lang nila galawin kahit dulo ng daliri mo kundi makikita nila ang galit ng isang Ariel Angelo Montero."

" Sus tumigil ka na nga dyan, hindi naman ako papatinag kahit na sa Keithlin pa na yun.What's mine is mine at kahit kailan hindi ko hahayaang makuha ka nila sa akin.Ano sila sinuswerte! Akin lang ang baby boy ko."

Natawa sya ng husto sa sinabi ko kaya naman niyakap pa nya ako ng husto at pinuno ng maliliit na halik ang buong mukha ko.

" Hmm.napaka-possessive naman pala ng baby ko, ang swerte ko naman talaga.Hmm..bango mo baby amoy baby ka."

" Heh! Tumigil ka na nga dyan mamaya makita tayo ni yaya lagot ka dun."

" Wala sya lumabas kanina pa.Tara tulog muna tayo mamaya na ako uuwi." untag nya sa akin at hinila na ako papunta sa taas.

" Hoy bawal ka na matulog sa room ko di ba?" sabi ko nung nasa taas na kami.

" Oo nga." sabay hila sa akin dun sa guest room.

" O hayan dito tayo sa guest room,dun lang sa room mo bawal di ba?" sabay kindat pa sa akin at ngumiti ng pilyo.

Oo nga naman...