Chereads / The Actor that I Hate to Love / Chapter 22 - Baby Sitter

Chapter 22 - Baby Sitter

Shanaia Aira's Point of View

You're the one who never lets me sleep

To my mind down to my soul

You touched my lips

You're the one that I can't wait to see

With you here by my side I'm in ecstasy

I am alone without you

My days are dark without a glimpse of you

But now that you came into my life

I feel complete

The flowers bloom my morning shines

And I can see.

Your love is like the sun

That lights up my whole world

I feel the warmth inside

Your love is like the river

That flows down through my veins

I feel the chill inside.

Ibinaba ni Gelo ang gitara sa may gilid nya matapos kumanta.Nakaupo kami sa buhangin nakapaharap sa dagat.Unang gabi namin dito sa Boracay kasama sina Venice, Charlotte, Kevin at Clyde.Iniwan namin sila sa hotel room namin.Isang malaking kwarto lang ang kinuha namin para sama-sama na lang.Para maiwasan na rin yung, you know what I mean kung magkakasama kami.

Pagkatapos nga ng dinner ay niyaya ako dito ni Gelo.Nanghiram sya ng gitara sa isang crew ng hotel.Nagtaka nga ako kung bakit nanghiram sya eh never ko pa naman sya nakitang humawak nun. Sobrang na amazed ako sa galing nyang tumugtog.Sa tagal namin na magkakilala, ngayon ko lang sya nakitang nag play ng guitar.Ang galing pala nya at para syang pro.Bakit ngayon ko lang yun natuklasan.Madalas nya akong kantahan pero ngayon lang talaga may kasamang guitar.

Nagkatinginan kami, ngumiti ako sa kanya sabay pisil ko sa ilong nya.

" Ikaw ha, marunong ka pala mag guitar bakit ngayon mo lang ako pinakitaan ng talent mo na yan."

Gumanti muna sya ng pisil sa ilong ko bago nya sinagot ang tanong ko.

" Wala lang, ayoko lang na ipangalandakan na may alam ako sa ganyan baka kasi lalo lang ako kulitin nila tita Sylvia na mag full time sa showbiz at gamitin nila yang talent ko na yan.Alam mo naman na ayoko muna sa ngayon na tumanggap ng projects dahil pag-aaral ang priority ko."

Napaisip ako sa sinabi nya.Matagal na nga rin sya na hindi tumatanggap ng movie projects. Kahit endorsements nga tinatanggihan din nya.Talagang nag lie low sya sa showbiz dahil ayaw na nyang mahuli sa pag-aaral. Pero alam ko may usapan na sila ng family nya tungkol sa pagbabalik showbiz nya. Pero kasi sa angkan nila, si tita Sylvia ang sinusunod ng lahat. Maari nga na kulitin sya muli ni tita Sylvia na mag full time sa showbiz kapag nalaman nito na may talent din sya sa pagkanta at pagtugtog.Maaring sa pagiging singer naman sya isabak tapos unti-unti ng mauuwi sa pagiging singer-actor. Maraming ganon ngayon sa industriya na naging singer - actor o actress ang bentahe..Isa na roon sina ate Shane at tita Jellyn.

" Bhi sayang ang talent mo kung hindi mo ilalabas, sana kahit sa school o sa mga family gatherings man lang,ilabas mo rin.Hindi ka naman siguro pipilitin ni tita Sylvia na mag-full time na sa showbiz kung talagang ayaw mo.Nasa iyo pa rin ang desisyon sa huli."

" Baby hayaan mo na ikaw na lang ang makakita ng talent kong yan tutal sayo lang naman ako nagpapa-impress.Dagdag pogi points yun di ba?" malapad na ngiting sabi nya sabay kindat pa.Pa-cute pa ang damuho.

" Ewan sayo bhi.Pero in fairness ang ganda nung kinanta mo, tagos sa puso at ang galing mong mag-gitara."

" Pinili ko talaga yun para sayo. Ang bawat lyrics kasi nung kanta,yun ang eksaktong nararamdaman ko sayo.Yung pagmamahal mo ang kalakasan ko sa araw-araw.I love you so much baby, ikaw ang ngayon ko, ang bukas ko at sa kabila pa nun."

Hala ang cheesy na naman ng gwapong ito.Muli ko syang tinitigan sa mga mata.Yung titig na tila ba nanunuot hanggang sa kaluluwa nya.

" Alam mo bhi, hindi rin naman ako buo kung wala ka.Ikaw lang sapat na.Mahal kita.Walang tanong,walang dahilan basta mahal kita.And when you truly love someone,you don't look for reasons,you see beyond reasons."

Ngiting-ngiti sya ng tumingin sa akin.Yung ngiting parang kinikilig.

" O bakit ganyan ka makangiti?"nangingiti rin na tanong ko,nakakahawa yung ngiti nya eh.

" Halika nga dito,payakap nga!" sambit nya sabay hila sa akin at niyakap ako ng mahigpit.Isiniksik nya ang mukha nya sa leeg ko na naging dahilan para mapatili ako.

" Ayy bhi may kiliti ako dyan,ano ba!" pilit ko syang binabaklas sa akin pero sadyang mas malakas sya at mas lalo pa nyang hinigpitan ang yakap nya sa akin saka bumulong sa tenga ko.Putspa mas lalo akong kinilabutan sa pagdampi ng mainit na hininga nya sa tenga ko.

" Kinilig kasi ako dun sa sinabi mo baby.Wag ka ng magsasalita sa akin ng ganon baka hindi lang yakap ang abutin mo sa akin."

Kumalas ako sa yakap nya at hinampas sya sa braso.

" Sira ano naman ang gagawin mo bukod sa yakap?Bhi tigilan mo ko baka samain ka sa akin."

" Hala grabe sya oh.Bakit ano ba ang iniisip mong gagawin ko sayo? " nakangiti sya ng pilyo habang tinataas-taas pa ang mga kilay nya.

" O hayan yang ngiti mong ganyan,mukhang may gagawin kang di kanais-nais!"

Natawa na sya ng tuluyan sa akin.

" Hahaha...ano ka ba naman baby wala akong gagawin sayo na hindi mo magugustuhan, tulad nito." bigla nya akong hinalikan sa labi kaya nagulat ako na naging dahilan para ma out balance ako,maagap naman sya kaya nasalo nya ako ng hindi pinuputol ang halik sa akin at mas lalo nya pa akong niyakap ng mahigpit.Matapos ang ilang sandali pinutol din nya ang halik.Kinurot ko sya sa tagiliran.

" Ikaw bhi para-paraan ka.Huwag mo nga akong ginugulat ng ganon!"

" Hahaha..sorry na po hindi ko lang napigilan.Tara na nga baka hinahanap na tayo nung mga love birds dun sa room natin." untag nya sa akin.Inalalayan nya akong tumayo para bumalik na sa hotel na tinutuluyan namin.

Pagdating sa room tulog na yung apat,pagod siguro sa byahe kanina.Tatlo ang kama sa room, magkatabi si Kevin at Charlotte sa kama sa may left side, si Venice at Clyde sa right side naman at syempre yung kama sa gitna na lang ang natitirang bakante kaya siguradong dun kami ni Gelo.

Sinabihan ko si Gelo na sya na muna ang maunang gumamit ng bathroom at aasikasuhin ko naman yung damit na isusuot namin sa pagtulog.

Nang matapos sya ay ako naman ang sumunod at ilang sandali lang ay sabay na kaming nahiga para matulog.

ANG mga sumunod na araw namin sa Boracay ay talagang nag-enjoy kami ng husto.Mas lalong naging matibay ang friendship namin.Sa kaso naman ni Gelo, naging close na rin sya kila Kevin at Clyde.Dati kasi medyo nagkakailangan pa sila.

Matapos ang ilang araw, sakay na uli kami ng eroplano pauwi sa kanya-kanyang bahay.We had so much fun, medyo naging tan nga ang mga balat namin sa araw-araw na paliligo sa dagat at hindi maikakaila na talagang naging masaya kami dahil hindi matapos tapos ang kwentuhan namin sa naganap sa amin duon.

Pagkatapos ng ilang linggo ay inuwi naman ni ate Shane si Dindin sa bahay.Mag-uumpisa na kasi silang mag shooting ni kuya Gerald sa Vigan para sa bagong movie nila.

Si Gelo ang katulong ko sa pag-aalaga kay Dindin dahil pareho naman kaming bakasyon na sa school.Nasa bahay sya araw-araw pero umuuwi rin sya sa kanila sa gabi.Not that he doesn't want to sleep in our house pero kasi nangako sya kay dad na once na naging kami hindi na sya mag-ssleep over sa amin.

Nakikita ni dad na nahihirapan si Gelo na umuuwi palagi sa gabi sa kanila tapos maagang bumabalik sa bahay sa umaga para tulungan ako sa pag-aalaga kay Dindin.Kaya minabuti ni dad na i-suggest kay Gelo na sa guest room na lang namin matulog at magpaalam kay tita Mindy na sa amin muna sya hanggat hindi nakakabalik sila ate Shane.

Sa amin na nga muna si Gelo nag-stay pagkatapos nyang magpaalam at payagan ni tita Mindy.Kaya sa loob ng isang buwan kaming dalawa ang pansamantalang naging magulang ni Dindin.

Hindi namin inakala na yung pansamantalang pag-aalaga namin kay Dindin ay magiging bahagi na ng buhay naming dalawa ni Gelo.Dahil may mga pangyayari na kahit hindi namin gustong mangyari ay hindi naman namin kontrolado.