Chereads / I am a Rebound / Chapter 45 - Playing Safe

Chapter 45 - Playing Safe

Nawiwili si Jason sa payak na pamumuhay doon. Kung siya lang ang masusunod ay nais niya pang magtagal sa lugar ni Yen. Isa siyang batang lumaki sa siyudad. Marami siyang hindi naranasan na ngayon niya lang naranasan. Kahit nga ang pagsakay sa totoong kalabaw ay ngayon niya lang din nasubukan.

Libang na libang siya na kahit nga ang cellphone niya ay hindi na niya naalala.

Labas na ang litid ng kanyang ama sa inis dahil hindi siya nakokontak. Kahit si Trixie ay hindi na rin mapakali. Maghapon siya kaka-try tawagan si Jason pero cannot be reach ito. Napag alaman niya na wala daw ito sa trabaho at naka leave. Si Yen naman ay wala yatang FB or any social media account. Tao ba yon? Tanong ni Trixie sa sarili. Naisip niyang itanong kay Lester kung may number ito ni Yen pero wala daw itong contact kay Yen. Matagal na daw sila hindi nagkita at nakalimutan daw nitong kunin nong nagkasalubong sila sa mall. Isa pa wala naman na daw silang business na dalawa.

Lingid sa kaalaman ng lahat. Mula nang matunugan ni Yen ang pagmamanipula ni Trixie sa buhay ni Jason ay nagdeactivate siya ng social media account. Ramdam niya na kapag nagkabangga sila ni Trixie ay gamitin nito ang social media laban sa kanya. Di naman siya sikat. Pero mabuti na ang nag iingat.

Oo.. Yong araw na nakita siya nito sa kwarto ni Jason ay naunawaan niya ito. Bakit pupunta ang ex na may kinakasama na' ng taas noo sa bahay ng dating nobyo kung wala itong binabalak na hindi tama? At ang mga salita nito sa kanya na magaling daw siya mang agaw ng jowa? Siguro kung hindi alam ni Yen ang tungkol kay lester baka hindi na siya nagsalita. Kaso nagkita muna sila ni Lester sa mall at pinakilala si Trixie bago mangyari ang awkward na tagpo sa kwarto ni Jason. Marahil ay masyadong mabait lang si Jason at ang sobrang kabaitan nito, naaabuso.

Pero napapaisip din siya dahil hindi man lang ito nagreact sa nangyari. Hindi man lang nito tinaboy si Trixie. Nasigawan ng bahagya pero hindi niya pinaalis. Posible kayang lagi pa rin ito nandoon sa bahay ni Jason? Hindi kaya may susi din ito ng bahay ng lalaki? Hindi kaya siya yung panggulo sa kaligayahan ng dalawa?

Hinayaan ni Yen si Jason mag explore. Hindi niya ito pinigilan mag igib kahit awang-awa na siya dito. Pinanood niya lang din itong magsibak ng kahoy. Tinuruan niyang magluto gamit ang kahoy na pang gatong. Batid niya na hindi nito nadanas ang gayon.

Hinayaan niya din na sumama ito sa kanyang ama sa bukid para mag ani. Anihan ng palay nang sila ay dumating. Pinasama niya din sa koprahan ng niyog. Nais niyang makita ni Jason ang kabilang mukha ng mundo. At nakita naman niya na masaya ito. Huling gabi nila tumambay sila sa bubungan.

Nakahiga sila doon at nanonood ng magandang kalangitan.

" noon pagkatapos ng mahabang araw, pag lumabas na ang mga bituin ay dito kame tumatambay." kwento ni Yen.

" nagbibilang ng bituin? " tanong ni Jason

" oo..."

Tiningnan niya si Yen. Nakatutok lang sa kawalan ang kanyang tingin. Tila ba may malalim itong isipin.

" may problema ba?" tanong ni Jason.

" ikaw "

Tumingin si Jason kay Yen.

" bakit ako? "

" masyado na kitang mahal."

Sa kauna-unahang pagkakataon ay narinig niya iyon sa bibig ni Yen. Alam niya iyon pero iba pa rin ang nang galing mismo sa labi nito. Hindi siya makasagot. Di niya alam ang sasabihin. Natutuwa ba siya o hindi?

" hahaha mahal din kita. Sobra..." pinisil ni Jason ang kanyang kamay.

" sobra ba? abot ba sa punto na kakayanin mo akong ipaglaban kung sakali man? "

Napakunot si Jason hindi niya alam kung bakit ganon ang tono nito. Pakiramdam niya ay may nalaman ito pero ano? Hindi kaya yung kasal??

" susubukan ko. Hindi ko masasabi. Sabi mo nga, sa isang araw ay maraming pwedeng mangyari."

Nadismaya si Yen sa sagot nito. Ang nais niya sanang sagot ay oo lang. Yon lang. :( Namayani ang lungkot sa kanyang mga mata. Hindi iyon nakita ni Jason dahil nakatingin siya sa ulap.

Ang mga lalaki.. playing safe palagi.

Somewhere out there beneath the pale moonlight

Someone's thinking of me and loving me tonight

Somewhere out there someone's saying a prayer

That we'll find one another in that dream somewhere out there

Napakalamig ng tinig ni Yen na tila ba sinabayan pa ng pah ihip ng hangin....kumakanta ito. Tumagilid si Jason at mataman itong tinitigan. Pag umaawit ito ay tila ba tagos hanggang kaluluwa. Naninindig ang balahibo niya.

And even though I know how very far apart we are

It helps to think we might be wishin' on the same bright star

And when the night wind starts to sing a lonesome lullaby

It helps to think we're sleeping underneath the same big sky

Somewhere out there, if love can see us through

Then we'll be together somewhere out there

Out where dreams come true

" di ka ba sumasali sa contest? "

" sumasali..."

" anong nangyayari? "

" nananalo ako."

" bakit di ka nalang nag singer?"

Nagkibit ito ng balikat.

" kung naging singer ako, hindi kita nakita. At wala kang Yen ngayon."

Namayani muli ang katahimikan.

" noong bata pa ako, sinasabi ko sa tatay ko na mahal na mahal ko siya at wala akong ibang mamahaling iba. " panimula ni Yen.

Tahimik na nakinig si Jason.

" ang sagot niya saken ako daw ay sobrang mahal niya din. Pero dadating daw ang araw na makakatagpo ako ng taong kahit siya ay makakaya kong ipagpalit. Sabi ko, hindi ko siya ipagpapalit. Pero ngayon, nauunawaan ko na kung bakit."

Hindi ni Jason maintindihan ang punti ni Yen. Kaya hindi pa rin siya makapag salita.

" ikaw? nahanap mo na ba ang taong kahit ang magulang mo ay handa mong iwan para lang makasama ito?"

" Si Trixie ba? o ako??"

Bigla ay may dumagongdong sa dibdib ni Jason. Hindi niya alam kung papano sasagot. Bakit hindi niya masagot? Blangko siya. Wala siyang maapuhap na salita.

" Bibigyan kita ng pagkakataong suriin ang sarili mo. Tanungin mo ang sarili mo kung saan at kung kanino ka masaya. Ano man ang isagot mo, tatanggapin ko yan ng bukal sa kalooban."

Gumuhit ang sakit sa puso ni Yen. Naisip niya kung papano siya kung hindi siya ang piliin? Pero talagang kaakibat ng pagmamahal ang sakit. At ang sakit at di naman tatagal habang buhay. Kaya niya yon.

Mas mainam na masaktan siya ngayon, Kesa mamuhay siya nang nanghuhula kung ano ba talaga ang lugar niya kay Jason.

Pero hindi ito sumagot. Ginagap lang nito ang kanyang kamay, at bumulong....

" mahal kita.."