Chereads / I am a Rebound / Chapter 48 - The Truth Hurts.

Chapter 48 - The Truth Hurts.

Kumunot ang noo ni Yen sa mga sinabi ni Jason. Hindi siya sangayon. Hindi dahil ayaw niya itong makasama kundi sa paraan nito kung papano harapin ang problema. Tama si Rico. Mahina siya.

Walang mamamanipula, kung walang papayag mamanipula. Hindi ka mananakawan kung hindi ka papayag magpanakaw. Bakit ka matatakot magsabi ng katotohanan? Bakit ka matatakot maglabas ng saloobin mo? Hindi ka nga natakot manligaw, simpleng ayaw mo na, hindi mo mapangatawanan?

Huminga si Yen ng malalim bago muling nagsalita.

" hindi dapat tinatakasan ang problema Jason." sabi niya dito.

" hindi ka dapat matakot na magsabi ng totoo. kung ano ang nararamdaman mo, kung ano ang gusto mo. Masarap maging malaya. Masarap mamuhay nang wala kang kinikimkim sa dibdib. Mahal ka ng iyong ama. Marahil ay may rason siya kung bakit ayaw niya saken. Si Trixie ay may rason din kung bakit niya yon ginagawa.Yon ang kailangan mong alamin." sabi niya sa binata.

Nakatingin lamang ito sa kanya.

" Kapag kumakain ka at may dumapong langaw sa pagkain mo anong ginagawa mo? binubugaw mo diba? Kapag nakita mo na may lamok na nakadapo sa balat mo, tinatapik mo diba? Nasaktan ang langaw...nasaktan din ang lamok. Namatay pa nga. Pero ikaw? Malaya ka. Hindi ka nakagat ng lamok at hindi din nakadapo ang langaw sa pagkain mo. "

Kumunot nanaman ang noo ni Jason. Ang gara talaga ni Yen magbigay ng example.

" ang ibig kong sabihin, pag alam mo na masasaktan ka, alam mo na ma-agrabyado ka, alam mong naaabuso ka, pwede ka naman umalma. Maaring makasakit ka oo. May masasaktan totoo. Pero minsan kailangan mong masaktan para magising ka sa katotohanan. And the truth,hurts. Maraming paraan Jason. Hindi ang paglayo at pagtakas sa problema mo." paliwanag ni Yen.

Classic talaga mag-isip ang babaeng ito. Parang pag sinabi niya ay ganoon lamang kadali. Pero papano? Saan siya magsisimula? Naiisip niya na baka idamay ng mga ito si Yen. Nag aalala siya dito. Sa klase ni Trixie ay hindi ito basta basta papatalo.

" ikaw?" tanong ni Jason.

" sabihin mo lang sa akin ang totoo. Nakahanda ako sa magiging desisyon mo."

Anu daw? iniisip ba ni Yen na papayag siyang magpakasal? Nakatingin lamang siya sa babae na kasalukyang nagtitimpla ng kape. Inabot nito sa kanya ang tasa ng mainit na kape at humigop naman ito sa tasa niya. Napakasimple talaga nito. Maganda naman pero wala talagang kaarte-arte sa katawan. Kanina ay oarang ibang tao ito sa harap niya. Ngayon naman ay para itong ina na naninermon sa anak. Natawa si Jason sa naisip.

" mahal mo ba ako?" tahasang tanong ni Yen dito.

" oo naman. " sagot ni Jason.

" kung gayon, hindi ako sasama sayo." napatanga si Jason sa tinuran nito.

" pero hindi ibig sabihin na hindi kita tutulungan sa problema mo."

" pero..."

" laban mo, laban ko." ani Yen.

Hindi alam ni Jason ang mararamdaman. Pakiramdam niya ay napaka hina niya. Nakaramdam siya ng konting insecurity sa sarili. Ganoon ba siya kaduwag?

Nakita niya si Yen na nagdial sa telepono. Lumayo ito nang bahagya sa kanya. Nagtataka siya kung sino ang kausap nito. Pinilit niyang marinig ang usapan

" Friday night? ok po Tito Rico. thank you." iyon lamang ang narinig ni Jason.

Sino si Rico??

" Rico Villaflor." narinig niyang sabi ni Yen.

Tumingin si Jason kay Yen at lumunok. Si Rico na major stockholder ng kompanya nila? Yung CEO??Bakit kilala ito ni Yen? Anong balak niya?

" kilala mo siya. diba? " tanong ni Yen.

" CEO ng kompanya nila papa." sagot ni Jason.

Ama ni Jason ang vice president kaya mataas ang tingin nito sa sarili. Gayunpaman ay malaki ang respeto nito kay Rico, at dahil si Rico ang nagbanggit kay Miguel, tatay ni Jason na naging katulong at yaya si Yen ng anak niya, ay naisip nito na kahiya-hiya ang anak niya kung papatol ito sa dating katulong lamang.

Mababa ang tingin nito kay Yen. Dahil napag alaman nito na dati itong nakatira sa squatters area. At pag galing sa squatter, ugaling squatter.

Si Trixie na anak ng investor nila na si William ay walang issue at talaga namang maganda, ang sa tingin niya na pwede at karapat dapat sa anak. Alam ni Yen na si Jason ay pinipisil ng ama para doon na lamang magtrabaho ngunit ayaw naman ng huli. Pero alam niya din na doon din ito babagsak.

" si Tito Rico, ang tatay ko."

Nagimbal si Jason sa narinig.

Naguluhan siya. Sino yung tatay ni Yen sa probinsiya?

" step father ko yung nasa probinsiya."

" papano?"

" once upon a time, may babaeng taga squatter na umibig sa lalaking taga subdibisyon. Ang lalaking taga subdibisyon ay gwapo, matipuno.. at magaling magbasketball. Dumadayo sila sa iba't ibang liga ng baranggay. Isang araw, napansin ng taga subdibisyon ang aking inay na taga squatter.

Nagkakilala sila. Nagmahalan, nagsama at nabuntis ang aking ina. Sa kasamaang palad ay hindi ito tinanggap ng lola kong mayaman kaya pilit silang pinaghiwalay. Dahil mahal ng basketbolista ang taga squatter ay pinili niya ito. Dahil doon ay itinakwil siya ng lola kong mayaman.

Isinilang ang batang Yen-yen sa squatters area. Subalit ang batang Yen-yen ay nagkasakit ng malubha. Walang ibang matatakbuhan ang basketbolista kundi ang lola kong mayaman. Para maisalba ang buhay ng batang Yen-yen ay pumayag ang basketbolista na iwanan ang taga squatter.

Kapalit ng suporta ng pamilya ng basketbolista sa pagpapagamot sa batang Yen-yen, ay ang pag ibig nito sa babaeng squatter..

Tiniis iyon ng babaeng squatter. Para lang sa batang Yen-yen. Ang hindi lang kaya ng babaeng squatter ay yong sapilitang kunin ang batang Yen-yen sa kanya. Kaya naman ipinaglaban niya ito at dahil doon ay itinigil ng lola kong mayaman ang natatanggap na sustento namen ng ina ko.

Ngunit lahat nang iyon ay hindi alam ng basketbolista. Namuhay siya sa pagmamanipula ng kanyang ina.

Ipinakasal siya nito sa babaeng gusto nito para sa kanya. Ang kapalit ay ang suporta pa rin sa batang Yen-yen na wala naman nang natatanggap. Umayon lamang siya sa ina alang alang sa mahal niyang anak.

" eh kanino ang apelyidong gamit mo?"

" Yen Reyes Villaflor, Jason. " inilabas ni Yen ang government I.D sa wallet at inabot ito sa binata.

Napatitig siya maliit na card. Kaya pala kanina ay hindi niya pinansin ang emcee na tumawag dito dahil Yen Reyes Villaflor ang pangalang binanggit nito. Kaya siya nag alangan na si Yen iyon, dahil sa Yen Reyes Villaflor.

Kaya pala pakiramdam niya ay marami oa siyang hindi nalalaman tungkol kay Yen. Kaya pala parang alangan siya at gusto niya pa itong mas makilala ay dahil ultimo buong pangalan nito ay ngayon niya nga lang nalaman. Pero yung pamilya niya sa probinsiya? ang gulo...nalilito siya talaga.

" teka yung tatay mo sa probinsiya?"

" siya ang kinagisnan kong ama. bata palang ako alam ko na na hindi siya ang tatay ko. Subalit minahal ko siya. Sila ng mga kapatid ko sa ama."

" ibig sabihin step brother at sister mo yon? " tanong ni Jason.

" oo."

" eh yung pangangatulong mo? "

" paraan ng ni Tito Rico para makasama ako nang hindi nalalaman ng kanyang asawa."

" eh? pero siya ang nagsabi nong pangangatulong mo sa papa ko."

" siguro...oo pero maaring meron siyang rason. Hindi lang naman siya ang naging amo ko noon. At totoong nangatulong ako."

" bakit Tito Rico?" .

" hindi pa ko handa na tawagin siyang tatay." sagot ni Yen.

" pinatawad ko siya pero ang pader sa pagitan namen ay hindi pa tuluyang natitibag. The truth hurts."