Walang tigil si Jason sa pag mamaneho. Walang siyang alam na puntahan. Madiin ang pagkakatapak niya sa selinyador. Mabuti na lamang at walang mga sasakyan. Halos tatlong oras siyang namamaneho. hanggang sa nakadama siya ng pagod.
Natagpuan niya ang sarili sa tabi ng baybayin.
Kung anong lugar iyon ay hindi niya alam. Wala siyang pakealam kung nasaan siya. Bumato siya ng bato sa dagat. Ubod lakas!
Pagkatapos ay tumitig lamang sa kawalan.
Tahimik siyang naglakad lakad..... Hanggang mapapunta siya malapit sa mga taong nag uumpukan. Natanaw niya ang isang maliit na entablado doon. Tila merong bandang napeperform. Lumapit siya doon para maghanap ng mabibiling tubig kung meron man. May nakita siyang maliit na tindahan. Nagsindi siya ng sigarilyo at naghanap ng mauupuan. Nakahanap siya ng pwesto di kalayuan sa maliit na entablado.
Dinig ni Jason ang tugtugan at naaaliw siya doon. Pumailanlang ang isang pamilyar na tugtugin at nakinig lamang siya habang naglalaro ng usok na kanyang ibinubuga.
Narinig niya magsalita ang emcee. Pinakilala nito ang special guess nila ngayong gabi. Bigla ay natigilan siya dahil parang nirinig niya ang pangalan ni Yen.
Yen Reyes ba ang sinabi ng emcee? o baka nagkamali lamang siya ng dinig. Imposible. Pagod yon at malamang tulog na dahil may trabaho na ito kinabukasan. Dumako ang kanyang tingin sa stage. Madilim ito at nang magliwanag ay nakita niya isang lalaki sa drum set, isa pang lalaki na may dalang base guitar. Hinanap niya ang lead marahil ay yong lalaking nakatalikod. Muli niyang inalis ang tingin sa stage...
Nagsimula ang awitin.
CRAZY FOR YOU
Swaying room as the music starts
Strangers making the most of the dark
Two by two their bodies become one
Tuluyan siyang natigila hindi dahil sa pamilyar na awitin kundi dahil sa pamilyar na tinig na pumapailanlang. Yong tinig na tagos sa kaluluwa kung kumanta. Napatayo siya at lumapit sa mga taong nag uumpukan. Gusto niya masilip kung si Yen nga iyon.
Nakita niya ang mga taong puno ng paghanga. Ang mga kabataan ay kinikilig na sumasabay sa awitin. Nakipag siksikan siya hanggang makarating siya sa harapan ng stage.
I see you through the smokey air
Can't you feel the weight of my stare
You're so close but still a world away
What I'm dying to say, is that
Tumingala siya.
Nakita niya ang babaeng naka boots ng itim. Na lalong nagbigay ng ganda sa mabibilog at makinis nitong legs. Kumakabog ang puso niya. konting parte lamang ng hita nito ang nakalitaw. Tenernohan nito ng itim na mini skirt. Makintab iyon at lalong lumitaw ang nangingintab din nitong balat. Puting damit ang suot nito na pinaibabawan ng Jacket. Kahit ganoon ang damit nito ay litaw pa rin ang magandang hubog ng katawan nito. Ang buhok niya ay malinis na nakapusod. Na bumagay sa maliit nitong mukha. Ang ganda....
Tila Taylor Swift ang porma.
Ang bihasa nitong pagsipra sa gitara niya ay lalong nagdagdag sa angkin nitong karisma. Malakas pa rin ang kabog ng puso niya.
I'm crazy for you
Touch me once and you'll know it's true
I never wanted anyone like this
It's all brand new
You'll feel it in my kiss
I'm crazy for you, crazy for you
Matagal niyang tinitigan ang mukha nito.
Napakaamo. Sa kanuna unahang pagkakataon ay nakita niya Yen mag perform. Nakita niya na naka make up ito. At sa totoo lang.... walang panama si Trixie dito.
Trying hard to control my heart
I walk over to where you are
Eye to eye we need no words at all
Slowly now we begin to move
Every breath I'm deeper into you
Soon we two are standing still in time
If you read my mind, you'll see
Sa wakas ay nagtama ang kanilang paningin. Nabakas sa mukha ni Yen ang pagkagulat ngunit agad naman itong napalitan ng ngiti. Nagpatuloy ito sa pag awit habang ang mga tao sa paligid ay tila nabato balani sa ganda ng kanyang tinig.
Hangang hanga siya dito. Naramdaman niya ang pagkaproud at gustong gusto niya isagaw na
" girlfriend ko yan!!"
Lahat ng isipin niya ay nabura at tanging gusto na lamang niyang gawin ay matapos ang awitin at iuwi si Yen. Nagsiselos siya sa mga humahangang tingin ng mga lalaki sa paligid nito. Parang gusto niyang yakapin ito st isigaw sa buong mundo na " akin ito!! "
I'm crazy for you
Touch me once and you'll know it's true
I never wanted anyone like this
It's all brand new
You'll feel it in my kiss
You'll feel it in my kiss
Because I'm crazy for you
Touch me once and you'll know it's true
I never wanted anyone like this
It's all brand new
You'll feel it in my kiss
I'm crazy for you
Crazy for you
Crazy for you
Crazy for you
It's all brand new, I'm crazy for you
And you know it's true
I'm crazy, crazy for you
It's all brand new, I'm crazy for you
And you know it's true
Yeah, I'm crazy for you
Crazy for you, baby
Nagpalakpakan ang lahat. May mga sumisigaw ng MORE! MORE! MOOOOOOOOREEE!!!
Subalit magalang na nagpaalam ang dalaga.
Bago ito tumalikod patungong backstage ay pasimpleng itinaas nito ang cellphone niya.
Agad na dinukot ni Jason ang cellphone sa bulsa.
[ starbucks.]
Iginala ni Jason ang paningin at nakita niya ang statbucks sa di kalayuan. Nilakad niya iyon. Sandali lamang ay narating niya ito kaagad. Nakita niya si Yen sa loob na tila nagpapaalam na sa mga kasama. Palabas na ito kaya tahimik siyang naghintay sa sulok.
Nakangiti itong yumakap sa kanya.
Hinalikan naman niya ito nang mabilis sa labi. Pakiramdam niya ay napakatagal na panahon na hindi niya ito nakita. Samantalang kakahiwalay lang nila kanina.
Nagkasundo silang humanap ng lugar na matatambayan. Napili nila ang malapit sa dalampasigan.
" hindi ko inaasahan na makikita kita sa crowd. Pero nararamdaman ko na makikita kita." sabi ni Yen.
Yumakap siya dito
" Nakabook ako sa isang hotel. Doon nalang tayo magpalipas ng gabi" wika ni Yen.
Ramdam ni Yen na mabigat ang loob ni Jason. Pakiramdam niya ay may dinadala itong problema ngunit wala itong mapag sabihan at mahingahan. Maiksi ang suot niyang mini skirt at hindi maganda tingnan na tumambay siya sa labas. Kanina pa siya ilang sa mga taong napapadaan at napapatingin sa kanya. Makapal ang make up niya at nag-aalala siyang mapagkamalang babaeng kabaret.
Hindi talaga si Yen komportable sa mga damit na kapansin pansin. Sanay siya magsuot ng pantalon at shorts at t-shirts. Ginagawa lamang niya ganoong get up tuwing magpeperform.
Hindi niya binanggit kay Jason iyon. Dahil hindi naman siya sigurado na matutuloy. Laking gulat niya nga nang makita ito sa baba ng stage.
Sa loob ng hotel room panhinamad na sumalampak si Jason sa kama. Pinagmasdan si Yen habang abala itong magkalkal ng mga gamit niya.
" ang ganda ganda mo mahal." sabi ni Jason na may ibang kislap sa mga mata nito.
" alam ko." bahagyang namumula ang pisngi ni Yen nang sumagot dito.
" mabuti ka pa, alam mo kung ano ang gusto mo. mula sa baba ay nagawa mong umakyat sa kinalalagyan mo"
Naupo si Yen sa harap ng dresser habang nagtatanggal ng make up.
" sabihin mo na, makikinig ako."
Sandaling tumahimik si Jason.
" si Papa.... ayaw niya sayo."
" alam ko." sagot ni Yen
" pinipilit niya akong pakasalan si Trixie."
Tumigil si Yen. At humarap kay Jason.
" pumayag ka?"
" syempre hindi."
Bumuntong hininga si Yen.
" anong plano mo?"
" hindi ko alam...baka saktan ka nila. O baka kung ano nanamang kademonyohan ang gawin ni Trixie." sagot ni Jason.
" sumusobra na ang babaeng yon. Pagkatapos na hindi masiyahan kay Lester ay babalikan ako para ano?"
" anong gusto mong gawin? " tanong ni Yen na ngayon ay nasa tabi na ni Jason.
" Hindi ko siya sisiputin. Ginusto niya yon ee. Lalayo ako Yen." Humarap ito kay Yen.
" lalayo ako Yen... Aalis ako. sumama ka saken Magsama na tayo. Doon tayo sa malayo sa walang nakakakilala sa atin." sabi ni Jason.
Mataman lamang itong tinitigan ng dalaga.