Napanganga si Jason sa mga sinabi ni Yen.
Tumingin ito sa dalaga at humalakhak naman si Yen ng malakas. Hanggang sa ang tawa nito ay halos di na mapatid. Nanatili si Jason na nakatanga dito maya maya ay tumigil ito.
" joke lang"
" anu?" nakakunot pa rin ang noo ni Jason.
" lahat ng naikwento ko, ay gawa gawa ko lang."
Hindi malaman ni Jason ang magiging reaksiyon. Pakiramdam niya ay pinaglalaruan siya ng dalaga. Medyo nakaramdam siya ng inis sa bagay na iyon.
May kakaiba talaga sa babaeng ito pag nagbibiro. Totoo...talagang naniwala siya sa kwento nito. Parang totoo ang bawat nitong sinasabi hindi na nga niya nagawang tingnan nang mabuti ang ibinigay nito I.D. na wala naman talagang mali. Tinitigan niya ito pero hindi talaga doon nakatuon ang kanyang atensiyon kundi sa mga susunod na sasabihin nito. Ganoon siya kadaling maloko?
" gusto ko makita mo kung gaano ka kadaling imanipula. Mabilis kang magtiwala at maniwala kahit wala namang ebidensiya. Yan mismo ang problema mo sa sarili mo. Masyado kang mabait at ang sobrang bait ay palaging naaabuso. Hindi ka maingat sa mga taong nakapaligid sayo. Tandaan mo na lahat ng tao ay mabait. Pero hindi lahat ng mabait, MAPAGKAKATIWALAAN. Mabuti nalang at lalaki ka. kung babae ka siguro ay palagi kang luhaan. Isa pa, may bibig ka, pero takot kang magsalita. " Litanya ni Yen.
Naalala nanaman ni Yen ang pagiging tameme nigo nong naabutan sila ni Trixie sa kwarto nito. Wala itong ginawa, at wala itong sinabi. Kahit kitang kita na ni Yen na namumula ito sa inis. Hindi siya marunong mag voice out baka sabrang kakakimkim nito ng sama ng loob ay bigla nalang ito mag collapse isang araw.
" hindi mo nga napansin na wala namang Villaflor sa I.D card na inabot ko sayo. " seryosong turan nito.
" doon palang sana ay tapos na ang kwento ko pero aminin mo, magaling ako gumawa ng kwento." nakatawa naman ito.
" iniisip kong subukang maging author baka kumita ako. " may himig na pagbibiro ang tono ni Yen.Pero hindi iyon magawang sakyan ni Jason.
Muling tiningnan ni Jason ang card na inabot ni Yen. Government I.D iyon. Malinaw na nakasulat doon ang pangalan ni Yen.
YEN MORALES REYES
Dahil sa pagkalito ay hindi naman talaga niya nabasa ng mabuti ang nakasulat doon. Nakatuon ang atensiyon niya sa sinasabi ni Yen kanina. At doon sa emcee na kanina pa niya inaalala kung ano yung sinabi nito noong nagpakilala sa kanya bago siya magperform. Nakaramdam nanaman siya ng pagkalito. Sabagay hindi niya talaga iyon masyadong narinig. Bumaling ulit siya sa dalaga na nakangiti pa rin. Pakiramdam tuloy ni Jason ay pinaglalaruan siya nito. Pero ang tanga niya. Bahagya siyang natawa sa sarili.
"Yung emcee kanina, hindi ko masyadong narinig ang pagpapakilala sayo. Kaya di ko agad napagtanto na ikaw yon basta Yen Reyes tapos may kadugtong di ko naintindihan. Naiisip ko yon habang nagkukwento ka kaya dalang dala ako."
Tahimik si Yen at nagpipindot sa kanyang cellphone. Maya maya ay naka-play na ang recoded video ng performance nito.
" and now lets welcome our special guest for tonight," tinig ng emcee na matamang pinakinggan ni Jason.
" the girl you love, miss Yen Reyes!! fresh from Bicol" yon dahil kakabalik lang ni Yen galing Bicol.
Napatawa si Jason sa narinig. Sounds like ba? Talagang wala siya sa sarili. Nabulagan siya ng galit at inis. Medyo nahiya siya nang marealize ang nais sabihin ni Yen. Tama ito. Mahina siya at mabilis mapaikot. Dahil siguro sa mahal niya ang mga tao sa paligid niya, at buo ang tiwala niya sa mga ito.
Naisip niya si Trixie. Ilang beses itong nagsinungaling sa kanya pero hindi niya man lang nahalata. Huli na nang marealize niya na niloloko siya nito. Ganoon siya katanga. Mahal niya din si Yen at iniisip niya na lahat ng sinsabi nito ay totoo. Tama... tama si Yen. Masyado siyang mabilis magtiwala at maniwala. Iyon ang malaki niyang problema. Bukod sa takot siyang makasakit ng iba. Kahit sa salita lamang.
Muli nanaman siyang na-amaze sa dalaga. Ibang klase talaga ito. Wala siyang masabi. Kung ganito ito sa mga taong mahal niya, papano ba ito sa mga nakaka away niya? Napakarami niyang natutuklasan kay Yen. Totoong naniwala na siya na anak nga ito ni Rico. Magaling!! Ngayon lang siya nakatagpo ng ganoong klaseng babae.
Totoong gawa gawa ni Yen ang kwento. Minsan ay tunay na naisip niyang baka tatay niya si Rico. Dahil sa sobrang buti nito sa kanya. Naging amo niya ito noon at ni minsan ay hindi niya naramdaman na itinuring siya nitong katulong. Ibinilang siya nito sa kanyang pamilya, maging ang asawa at mga anak nito ay talagang malapit sa kanya. Minsan nga bumibisita siya dito ang pamilya nito ang itinuturing niyang pamilya dito sa siyudad.
Palaging rason ni Rico ay dahil daw nakikita niya ang sarili ka Yen. Kaya malapit ang loob nito sa kanya. Marami siyang itinuro kay Yen tungkol sa pagnenegosyo na naging dahilan para maging maganda ang takbo ng sinumulang business ni Yen na hindi pa rin alam ni Jason.
Ngayon ay nakatakda naman bumili si Yen ng shares sa kumpanya ng tatay ni Jason. Hindi lang para sa investment for the future kundi investment na din para sa pag ibig. Marami na siyang nasayang na emosyon sa lalaking ito kaya hindi na siya papayag na may umagaw pa dito. Sinunod niya si Rico na mag invest sa kompanyang iyon with his guidance, Ang ipon niya at ang profit galing sa sinimulan niyang negosyo ay inilagay niya doon. Isinugal niya yon dahil alam niya na magagamit niya yon in the future sa laban para sa mga taong masyado siyang minamaliit.
Hindi niya maintindihan ang plano ni Rico. Nag aalala siya dahil baka mali din na pagkatiwalaan niya ito. Pero bakit ito magsasayang ng panahon na turuan siya? Isa lamang siyang katulong. Parang langgam na pilit nagbubuhat ng pagkain na maiimbak para may madukot sa araw ng tag ulan.
Sa tingin niya ay meron itong balak. Yong paraan nito para manotice siya ng ama ni Jason bilang isang atchay at gold digger na naghahanap ng lalaking aahon sa kahirapan, ay labis niyang pinagdudahan. Yung papagiging updated nito sa mga kaganapan sa buhay niya mula nang umalis siya sa tahanan nito. Yung pakiramdam niya sa pagsasabi nitong tsismoso siya at ang duda niya na may tao itong nakasunod sa kanya para alamin ang pangyayari sa buhay niya. Sa kabila noon, hindi naman siya nito pinakealaman sa bawat niyang desisyon.
Madalas lang itong mag advice sa kanya na kailangan niyang sanayin ang sarili sa negosyo. Dahil hindi daw habang buhay ay pwede siyang magtrabaho. Hanggat maaga daw isipin na niya ang kanyang pagtanda. Paghandaan ang future dahil hindi daw tayo sigurado sa mga bagay na maaaring maganap. Nag umpisa siya mag ipon ng emergency fund. Kasunod noon ay nag ipon na siya ng ipupuhunan sa maliit na negosyo niya.
Sandali lang sa kanya ang mag ipon.
Dahil wala siyang luho sa katawan. Hindi siya mahilig mag shopping. At wala na siyang time masyado para doon. Sapat na ang gumastos siya sa paminsan minsang "me time" pero hindi naman iyon kalakihan, at hindi din ganoon kadalas.
Ang pera niya ay sapat para ibili ng shares na sinasabi ni Rico. At yon ang pinag uusapan nila kanina.
Kinakabahan siya, pero kung hindi niya susubukan ay hindi niya malalaman. Kung hindi niya madadanas na magkamali ay wala siyang matututohan. Inisip nalang niya na para iyon sa kanyang mahal. Baliw na siya. Baliw na siya ka Jason.
Kung lalaki nga lang si Yen ay baka nagpropose na siya dito ng kasal. Pero malaki talaga ang respeto niya sa moral. Ngunit konting konti nalang talaga ay aayain na niya si Jason pakasal. Hindi naman siguro masama na siya na lamang ang magpropose dito.
Naiiling si Yen sa mga naiisip. Minabuti na lamang niyang iwanan si Jason at maligo na para makapag pahinga. Bukas ay magkikita sila ni Rico. At ang kanyang plano ay nakadepende sa gagawin nito.
Isa lang ang alam niya. Hindi siya papayag na maagaw pa ito sa kanya.