Alam ni Yen
At ramdam niya na may malaking bahagi na siya sa puso ni Jason.
Mahal siya nito. Alam niya yon.
Pakiramdam niya lang napakalaking balakid ng hindi nito pagkakaroon ng sariling disposisyon. Tila ba hindi nito kayang ilaban ang sariling prinsipyo sa buhay niya. O baka hindi pa malinaw dito kung ano ang relasyon nila. O naguguluhan pa ito dahil kakagaling lang sa hiwalayan. Pero tatlong taon na ang lumipas?? Ganoon katagal ay sapat na para marealize niya kung sino ang gusto niya. O baka... Hindi pa niya naiisip ang future na kasama siya.
Tatlong taon pero nagkita sila ulit. Naisip ni Yen. Hindi yon coincednece....may rason kung bakit nagkita sila ulit. Di ba? Di ba? Hindi pa rin panahon para bumitaw siya. Napalingon si Yen kay Jason. Kasalukuyan silang nasa sasakyan at bumibyahe pauwi.
Pagdating sa bahay ni Yen ay hindi na din nagtagal si Jason. Grabe na ang pagod nila sa mahabang biyahe kaya naman hindi na din siya pinigilan ni Yen. Hinatid niya ito palabas sa gate at humalik ito sa kanya bago ito umalis.
" pagkatapos ba nito ay magkikita pa ba tayo ulit?" tanong ni Yen bago sila maghiwalay. Medyo malamig ang tono nito.
" oo naman. Bakit naman hindi. Text kita."
" aasahan ko."
Nilingon siya ni Jason at halata ang pagtataka sa mga mata nito. Hindi naman iyon pinansin ni Yen at tiningnan lamang ito habang sumasampa sa kanyang motor. Ipinarada nito ang motor sa bahay ni Yen kaya sa bahay ni Yen pa din sila dumirecho pag uwi. Kahit na medyo lito si Jason ah hindi na din ito nagtanong nagpaalam na lang ito kay Yen saka humarurot. Tinanaw na lamang ito ni Yen hanggang sa mabura sa kanyang paningin.
Pakiramdam ni Yen ay napapagod siya. Tila ba nagso-solve siya ng puzzle at sa tuwinang matatapos niya na ay magkakamali siya at muli siyang magbabalik sa umpisa. Hindi niya mahulaan ang nasa isip ni Jason. Ang nais lang naman niyang mabatid ay kung ano ba talaga ang lugar niya dito. Kung mamahalin ba siya ng pangmatagalan, o dadaanan lang.
Kaya niyang lumaban kahit di pa siya ipaglaban nito. Ang gusto niya lang ay ang siguradong sagot para magkaroon siya ng rason para lumaban. Nang sa gayon ay alam niya kung saan siya tatayo at kung saan siya mag uumpisa. Dahil kahit paulit-ulit nitong sabihin na si Trixie ay wala na, iba pa rin yong maririnig niya na sigurado itong siya nga ang gusto niyang makasama. Habang buhay.
Hindi nga kaya?
Napaisip si Jason sa mga sinabi ni Yen. Sigurado na siya na hindi si Trixie ang gusto niyang makasama. Naiisip niya pa lamang ito ay kinakain na siya ng inis. Naiisip niya palang na makakasama ito ay sumasakit na ulo niya.
You could never have the same love twice. Mahal niya Yen pero hindi ito katulad ng pagmamahal niya kay Trixie noon. Mahal niya si Trixie pero hindi na din ito katulad ng dati. Hindi niya gusto makasal kay Trixie, pero hindi niya pa din nakikita si Yen bilang kabiyak ng dibdib. Nais niya itong makasama subalit parang gusto niya muna sana na ma-enjoy muna nila ang buhay bilang mag nobyo. Saka na yung paglagay sa tahimik kung alam na niya at sigurado na siya na handa na siyang harapin ang pagiging padre de pamilya.
Isa pa, siya mismo sa sarili niya ay wala pa napapatunayan. Ang pagkatao ni Yen ay hindi niya pa matapatan. Mas maraming experience, mas maraming alam. Mas malaki pa nga ito kumita kesa sa kanya. Maganda na ang posisyon nito pero siya ay isa lamang simpleng empleyado. Ewan ba sa tatay niya kung bakit tila minamaliit ito.
Hindi siya makasagot kay Yen dahil hindi niya mailapat ang tamang salita. Ayaw niya itong mag alala pero takot siya na magbitaw ng pangako dito. Ayaw niyang bigyan ito ng maling pag asa. Ngayon palang niya nikikita ang ibang side ni Yen at nais niya pa sana na lubos na makilala ang dalaga.
Ngunit sadyang mapanubok ang tadhana. Pagbalik ni Jason sa siyudad ang kapayaapan ng isip ay agad na nasira.
" He's back..." dinig ni Jason ang tinig ng kanyang Ama. Waring my kausap ito.
" Really? thank you tito. Alam na alam ko na ako talaga ang gusto mo"
Nagsalubong ang kilay ni Jason nang mapag sino ang kausap ng ama. Napi-peste na siya sa inaasal ni Trixie. Ayaw niya itong hiyain at saktan subalit sa tingin niya ay kailangan niya nang ipaglaban ang kanyang kapayapaan.
Handa na siyang tapusin ang lahat ng pag asang natitira kay Trixie. Di na niya kaya pang tiisin ang ginagawa nito.
Lumabas siya sa kanyang kwarto at walang ka-abog abog na umakla si Trixie sa kanyang leeg.
" I missed you babe....nakakainis ka! hindi ka man lang nagpaalam. I'm so worried! all of us.." malandi ang tono nito. Kasabay niyon ay humalik ito sa kanyang labi.
Kinalas ni Jason ang kamay nito ngunit hindi ito natinag.
"Pwede ba? "
" Palagay ko ay hindi dapat ganyan ang salubong sa iyong mapapangasawa, Jason."
" Who told you that I will marry her? "
" Ayos na ang lahat. At nakatakda na ang araw ng kasal niyo. next month."
" Kung gusto mo siyang pakasalan, pakasalan mo! Magsama kayo. Wala akong pakealam!! Wag mong sirain ang buhay ko!! "
" Jason! "
" Bakit Pa? Alam mo ba?? may alam ka ba??!!"
" Babe...please..." tila linta na nangangapit si Trixie sa braso ni Jason. Winasiwas niya ito at bahagyang napaatras si Trixie.
" Hindi ko alam na ganyan pala kasama ang impluwensiya ng Yen na yon saiyo. Sinasagot mo na ako. Wala ka nang modo!!" turan ng kanyang ama.
" Ano pa ba ang aasahan ko sa isang squatter??!! natural ugaling squatter!!" dugtong pa nito.
" Hindi ganon si Yen!!" sagot ni Jason
" Anak, ang gusto ko lamang ay yung babaeng galing sa pamilyang marangal at hindi tayo bibigyan ng kahihiyan." muling turan ng kanyang ama.
This girl is a slut!! gustong gusto nang isagaw ni Jason sa ama ngunit nagpipigil siya. Gustong gusto na niyang sabihin na nakikipag siping ito sa iba habang magkasintahan sila. At noong hindi ito nasiyahan ay gusto siyang balikan. Gusto na niya ihayag ang basurang ugali ng babaeng nasa harap... Gusto niyang murahin ang babaeng ito subalit hindi niya magawa. Hindi siya makapagsalita.
Nanahimik na lamang siya.... Pero ipinangako niya na sa araw na yon, walang mangyayaring kasal.
Lumabas siya ng bahay at sumakay sa kotse niya. Pinaharurot niya iyon palabas. Kung saan siya pupunta ay hindi niya alam. Nagagalit siya... oo nagagalit siya. Gusto niya magwala. gusto niya sumigaw. Gusto niya pumunta sa ibang lugar. Sa lugar na walang nakakakilala sa kanya.