Chereads / I am a Rebound / Chapter 43 - Bakasyon

Chapter 43 - Bakasyon

Nagmulat si Yen na nakakulong pa rin sa bisig ni Jason. Lalo siyang nagsumiksik doon. Humigpit naman ang pagkakayakap ng huli. Kasabay ng malilit na halik sa kanyang mukha.

" good morning"

"good morning.."

Napakaganda ng umaga.

Noon ay nasa panaginip lang ni Yen ang mga bagay na iyon. Pinapangarap niya lamang iyon ngunit ngayon ay abot na niya ang katotohanan. Totoong si Jason ang nakikita niya sa pagmulat ng mga mata niya. Nakakulong siya sa mga bisig nito na kung saan ay nadarama niya ang security. Pakiramdam niya ay safe na safe siya. Subalit nandoon pa rin ang pangamba na balang araw ang lahat ng ito maglalaho lamang at sa huli ay luhaan siyang maiiwan.

Inisip niya kung bakit ganito. Mabait naman siya at walang inagrabyadong tao. Wala nga siyang nakaaway kahit kailan at kung magkakaroon man, si Trixie palang. At yon ay dahil sa lalaking kanyang minahal. Deserve naman siguro niyang sumaya. Pero bakit tila napakaraming humaharang doon. Hindi kaya nagkamali nanaman siya?

Sabagay hindi mo makakamit ang tagumpay kung wala kang pagsubok na dadaanan. Talagang pagbubuhusan mo ng panahon, luha, pawis at pagod ang bawat bagay na nais mong makamit. Mas masarap akapin ang reward at namnamin ang tagumpay kung alam mo na totoong lumaban ka ng patas at wala kang tinapakang iba.

Gayunpaman ang buhay ay hindi patas. :(

Naisip ni Yen na hahayaan na lamang niya ang Maylikha na gumuhit ng kanyang kapalaran. Ipinaubaya na lamang niya sa Diyos ang mga susunod na araw. Idinalangin na lamang niya sana ay makuha niya kung ano ang nararapat para sa kanya. At kung sakaling masasaktan siya, sana lang ay kayanin niya pa ring bumangon muli.

Minsan naisip niya kung tama ba na minahal niya si Jason? Tama ba naging magkasintahan sila? Marahil ay dumating si Jason sa buhay niya hindi para maging kasama sa buhay. Baka isa lang din ito sa mga dadaan lamang sa kanyang buhay. Baka hindi dapat sila nagkaroon ng relasyon. Baka kailangan niya nang hayaan ito.

Subalit alam niya sa sarili niya na sobra sobra ang pagmamahal niya kay Jason. Maraming beses niyang dinasal na sana ay ibigay na lamang ito sa kanya. Umaasa siya....at naniniwala na sa dulo ng labang ito, mananalo siya. At pinangako niya sa sarili niya na mananalo siya.

Bumangon si Jason at nagtanong kung ano ang gusto niyang kainin. Bago sila mag gala ay kailangan daw nilang kumain. Sinabi ni Yen na gusto niya ng mais. Kumunot si Jason. Ngunit nagpatuloy lang itong nakinig. Nagpresinta ito na siya na lamang ang hahanap ng pagkain sa labas. Nagbilin ito na mauna na siyang gumayak.

Pag alis ni Jason ay naiwan nito ang cellphone sa ibabaw ng lamesa. Pinagmasdan iyon ni Yen at di siya nakapagpigil ay binuksan ito. Bago na ang cellphone niya at wala nang password katulad nung nauna. Kaya malaya na niyang makikita ang mga messages doon.

Binisita niya ang inbox nito. Convo nila ang nangunguna. Saglit niyang pinasadahan ng basa iyon at nangiti siya sa usapan nila.

Sumunod ang mga text ng tatay ni Jason.

[ saang lupalop ka ba nagpunta? hindi kita makontak.]

[ kung paiiralin mo ang tigas ng ulo mo, hindi yan u-obra sa akin.]

[ inaayos ko na ang papel mo para sa kasal mo.]

Lahat ng text nito ay walang sagot. Kasal?? papakasal siya kay Trixie?? Ganoon ba kadominante ang tatay nito? Sa kanyang palagay ay mahihirapan siya dito. Unang kita palang ni Yen dito ay nagpakita na ito agad ng pagkadisgusto.

Nagpatuloy siya sa pagkalkal ng inbox nito.

Nakita niya ang convo nila ni Trixie. Naintriga siya dito kaya binasa niya iyon

[ ma, nasaan ka? ] text ni Jason

[ andito kame sa outing ng tropa.]

[ kasama mo siya?] dama ni Yen ang sakit ng loob ni Jason sa mga messages nito.

[ oo ]

[ hinawakan ka ba niya? hinalikan ka ba niya?? katabi mo ba siya matulog? T.T ] Text ulit ni Jason.

Meron palang ganoon? Napaisip siya kung gaano kamahal ni Jason si Trixie. Baliw ito... baliw ito kay Trixie. Pakiramdam niya ay ibang Jason ang kasama niya ngayon kesa sa Jason na nagsend ng text na iyon.

Wala nang sumunod na sagot. Tiningnan niya ang petsa ng text na iyon. 3 years ago. September 27...

Nag-isip....

August 28 nila dineklara na mag boyfriend na sila. August 28 sila nagsimula. Ibig sabihin, totoong panakip butas siya. Rebound?

Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman. Hindi niya alam kung ano ang dapat na reaksiyon. Halo-halo ang kanyamg emosyon.Inasahan na niya iyon. Hindi na siya nagulat. Pero kahit pala inaasahan mo na, masakit pa rin pala. Pakiramdam niya ay nadudurog ang puso niya.

Binasa niya ang mga kasunod...

[ Trixie...magluto ka ng kanin. on the way na ko may ulam akong dala.]

[ sino kasama mo diyan? ]

[ wala ako lang mag isa.]

Date: Dec. 19.

Yon yong panahon na wala siyang trabaho at si Jason ay hindi niya masyadong nakakatext at nakakasama. Yon yung mga araw na namimiss niya ito ng sobra pero inunawa niya dahil may trabaho nga. Nagkikita sila?? T.T Tanga ba siya?? Niyurakan na ng babaeng iyon ang pagkalalaki niya. Kung noon ay kinukumbinse ni Yen na ayusin ni Jason ang relasyon kay Trixie, iba na ngayon. Bukod sa gusto na niya ito ay hindi na siya pabor na mapunta pa ito sa babaeng iyon.

Para sa kanya ay matatanggap niya na hindi sa kanya mapunta si Jason. Basta ang babaeng pipiliin nito ay higit sa kanya at hindi katulad ni Trxie na may ugaling basura. Napapaisip siya talaga

Pero kasama niya si Jason ngayon. Masaya sila. At ang mga nangyaring iyon ay tatlong taon na. Maaring totoong rebound siya...pero iba na ngayon. Pinipilit niyang kumbinsihin ang sarili. Pinipili niyang maniwala na mahal nga siya nito kesa kay Trixie.

Pero yong kasal??

Naramdaman niyang parating si Jason kaya dali-dali niyang ibinalik ang cellphone nito sa table. Sinuguro niya na i-optimize ito nang hindi nito mahalata na nakialam siya non.

Hindi niya ugaling makealam ng cellphone ng iba. Pero siya lang ba ang girlfriend na nagkakalkal at nag iimbestiga??

Natahimik siya at tila nawala ang excitement niya. Ngunit pinilit niya pa ring pasiglahin ang sarili para hindi ni Jason mahalata.

Pinagmasdan niya ang binata. Sobrang mahal niya na ito. Kaya naman nag desisyon siya na ilaban kung ano ang para sa kanya. Kung papaano niya gagawin, bahala na ang Maylikha.