Golden Horizon Village
Maganda ang ngiti ni Yen habang minamasdan at iniikot ang kanyang paningin sa bago niyang bahay. Hindi ito kalakihan pero masaya siya dahil unti-unti ay nakakapagpundar na siya.
Kahit papaano ay hindi na siya mangungupahan o makikitira. Malaya siyang matulog nang matulog kung gugustuhin niya. Tahimik at payapa...masarap sa pakiramdam.
Ang kanyang kwarto ay buo na at konting kembot pa ay makokompleto na niya ang mga gamit sa bago niyang bahay.
Naisip niya na pwede na siyang madalaw ng kanyang mga magulang at pwede itong magbakasyon doon sa kanya. Pwede na din siya magpa sleep over ng mga tropa kung kelan niya gusto. At pwede din siya mag emote mag-isa nang walang nang iistorbo.
Ang saya.
Ngayon ay sarili niya na ang kanyang teretoryo.
Maari niyang gawin anuman ang naisin dito.
Malungkot nga lang mag isa. Wala siyang room mate. Wala siyang kasama at kausap pero kumuha siya ng katiwala. Iba pa rin talaga ang pakiramdam ng may sarili kang bahay.
Nahiga siya sa kanyang kama.
Nagpagulong gulong siya doon. Bumangon at binuksan ang mga malalaking cabinet. Isinara iyon. Tumingin sa salamin, nagpaikot-ikot. Pumunta sa banyo at bumaba sa sala, naupo sa nakabalot pang sofa. Pumunta sa kusina at tila sinisipat ang bawat anggulo doon kung saan ilalagay ang ref, ang mga gamit na hindi niya pa nabibili.
Konting banat pa ng buto at maisasangkap niya na ang pangarap niya.
Ang saya-saya!!
Bumalik siya sa kanyang silid. Muling nahiga sa kama. Nag-isip kung ano ang mga unang dapat bilhin. Kurtina ba? gamit sa kusina? Ay! talaga namang parang napakarami niyang kailangang gawin. Binubuo niya sa isip ang magiging itsura ng kanyang munting tahanan. Nangingiti siya habang naiisip na bawat payday ay magiging abala siya sa pag iipon ng sarili niyang mga gamit. Sign of aging na ba ito?
Ilang oras ang lumipas ay nakatulog si Yen. Yon ang unang araw na doon na siya mamamalagi. Buong araw siyang walang pasok at gugugulin niya ang oras na iyon para bumawi sa mga araw na hindi nakokompleto ang kanyang tulog. Pang gabi ang kanyang pasok at mahaba haba pa ang kanyang itutulog.
Nangingislap ang mga ilaw
Kumukuti-kutitap ang bawat liwanag sa daan.
Masigla ang bawat tahanan.
Nagsasaya ang lahat.
Ang mesa ay sagana sa pagkain.
Tila mayroong isang pagtitipon.
Naulinigan niya ang mga batang kumakanta sa tapat ng bahay.
Pasko??
May nangangaroling...
Masaya niyang pinanood ang mga ito.
Maya maya pa ay may sumigaw.
Picture! picture!
Saka lamang niya napansin ang mga kasama niya.
Pamilya ni Jason??
Ang tatay at nanay niya. At mga kapatid.
Nasaan si Jason?
Nagtabi-tabi sila bago nagbilang ang katiwala.
1...2...3....click.
Nakita niya ang litrato nila. Pamilya ni Jason kasama siya? Pero wala si Jason. Nagsimula siyang kabahan. Bakit wala ito??
" I-post mo na yan para mainggit yung isa. Baka sakaling umuwi." wika ng ama ni Jason.
" Paskong pasko wala si Jason." sabi ng kapatid nito.
" Eh yan ang pinili niyang trabaho ee " sagot ng nanay ni Jason.
Nagpalipat-lipat ang kanyang tingin sa mga tao sa kanyang paligid.
Takang taka siya. Pero hindi naman siya makapag salita.
Biglang bumukas ang pinto.
Iniluwa nito si Jason na may masayang ngiti.
Maaliwalas ang mukha nito at tila papalapit sa kanya?
Nakatingin lamang siya dito. At bago pa man ito makalapit ay naramdaman niya na ang mahihinang tapik ni Manang Doray.
" Iha alas sais na. Ang bilin mo sa akin ay gisingin kita." wika nito.
Si manang Doray ay kanyang kasambahay. Dati itong nagtitinda ng sigarilyo sa bangketa. Kinuha niya ito para may kasama siya sa bahay at may maiiwan dito kapag siya ay wala at nasa trabaho. Kapiranggot lamang ang kinikita nito sa pagtitinda sa bangketa. Kaya nong inalok niya itong magtrabaho para sa kanya ay agad itong pumayag. Mas mainam daw iyon kesa doon siya sa tabi ng kalsada. Umulan man at umaraw. Wala itong natitirang pamilya at nakikitulog lang din sa kung sino ang tatanggap sa kanya. Madalas ay sa kalye na din ito nagpapalipas ng gabi. Mabait ito at laging nakakausap ni Yen tuwinang siya ay papasok sa trabaho. Madalas ay ito ang nahihingahan niya ng kanyang mga isipin lalo pa noong kasagsagan ng mga araw niyang madidilim dahil sa pagkasawi sa pag-ibig. Naging kaibigan niya ito. Kaya naman noong bago siya lumipat ay agad niya itong inalok.
Umuuwi lang naman siya para matulog. Eto ang kanyang taga silbi, tagalinis, taga laba at taga luto. Ano pa at donyang donya na siya ngayon. Eto ang unang araw na magkasama sila. Unang araw niya bilang amo at unang araw ni Manang Doray bilang katiwala ni Yen. At palagay ang loob ni Yen dito.
May tatlong kwarto sa bahay ni Yen. Dalawa sa taas, Master's bedroom at guess room. Sa ibaba naman ay may isang kwarto din at yon naman ang ibinigay niya kay Manang.
Masayang masaya ito at paulit-ulit na napapasalamat sa kanya. Nginitian lamang ito ni Yen at inaya na kumain na sila. Kahit sa pagkain ay magkasalo sila. Pasalamat pa rin ito nang pasalamat kay Yen. Marahil ay inakala nito na ituturing niya talaga itong taga silbi.
" Anu ka ba nang ok lang" wika ni Yen
At muli niyang naalala ang kanyang panaginip.
Sa tuwinang magiging abala siya at pagod ay mapapanaginipan niya si Jason. Kahit hindi niya naman na naiisip ito. Hindi kaya malapit nanaman silang magkita ulit?
Noong bago siya masambot nito nung naglasing siya ay napaginipan niya ito. Tapos ngayon ulit. Nasa kanya pa rin nga ang susi ng bahay nito. Hindi na niya ito naibalik. Hinihintay niya sana na mauna ito mag text o tumawag pero wala siyang natanggap. Hanggang nakalimutan niya na ito.At di na na-aalala nang madalas.
Ngayon naman ay muli nanaman itong sumali sa kanyang panaginip. Ang wirdo lang dahil andoon kasama ang pamilya nito.
Sabagay baka magkita nga sila ulit. Dahil nasa kanya ang duplicate key nito at may naiwan pa siya doong gamit.
Pero matagal na iyon. Lumipas na ang tatlong taon. Baka nga nagpalit na ito ng Lock.
Inubos niya na ang kanyang pagkain at nagmadaling gumayak para pumasok sa trabaho.
Ngayon ay hindi na siya takot maiwan.
May sarili na siyang sasakyan. Gayunpaman ay komportable pa rin siyang mag service dahil pagkalabas ng trabaho at uwian ay sasakay lamang siya at matutulog. Ayaw na niyang magpagod pa dahil ang pagod sa trabaho ay sapat na sapat na. Ginagamit niya lamang ito tuwinang may personal siyang lakad.
Muli niyang naisip ang susi ni Jason. Sana susi nalang ito ng puso niya. ( joke yon ah) Natawa si Yen sa naisip.
Hindi naman niya balak pagnakawan si Jason.
Kaya ayos lang siguro na sa kanya muna ang susi nito. Saka matagal nang panahon. Nakalipas na ang tatlong taon. Kapag nagkita nalang sila ay saka na lamang niya ibabalik iyon. Pero tatlong taon na ang lumipas, pero ni minsan ay hindi niya ito nakasalubong.
Anu na kayang ginagawa nito ngayon?
Nagka-ayos kaya ito at si Trixie? Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na makibalita pa dito. Siguro ay may asawa at anak na ito. Wala talaga siyang balita. Sinadya din niya na hindi na makibalita. Alam niya na mas mabuti ang gayon kesa pasakitin niya pa ang ulo ni Jason kakaisip. At baka kainin pa ito ng kanyang konsensiya kapag nakita nitong mesirable siya. Ang gusto lang naman niya para dito ay sumaya. Martir ba siya?
Hindi naman kase bawal na magdesisyon ka para sumaya. Minsan nga lang kailangan may masaktan para marealize mo kung saan, ano, paano at kung alin ang magpapa-saya sayo. Minsan kase nasa harap mo lang pero ikaw bulag bulagan at hanap pa nang hanap sa kung saan. May iba naman na pinipili nalang kung ano ang nadiyan kahit na ang para sa kanila ay naroon lang din sa hindi kalayuan. Sa totoo lang, habang kase naghahanap ka ay lalo lang itong mahirap makita. Parang nailcutter pag nawala...pag hinanap mo hindi mo makita. Pero lumalabas naman ito ng kusa. ( joke yon dapat tumawa ka.)
Tanggap na ni Yen.
Tanggap na tanggap na niya na tatanda siyang mag-isa. Wala na siyang balak maghanap ng bagong pag ibig. Pero hindi naman niya isinasara ang pinto para dito. Kung may dumating ay mabuti, pero kung wala ay pinaghahandaan na niya ang kanyang pagtanda. At seryoso siya doon. Magpupundar siya nang marami at mag iipon para pag tumanda siya ay meron siyang baon. Kahit na mag-isa siya ay may pambayad siya sa mga mag aalaga sa kanya. Kahit nga ang kamatayan ay pinaghahandaan niya na.
Aminado si Yen.
Minsan niya ding idinalangin sa may Likha na sana ay si Jason na. Hiningi niya ito. Dahil yon sa sobrang pagmamahal niya dito. Nag wish siya na sana kung bibigyan siya ng Maykapal ng makakasama habang buhay, sana si Jason na. Si Jason lang talaga ang gusto niya. Wala nang iba.
Ngunit pag-aari na ito ng iba.
At kahit na ano pang gawin niya, ang puso nito ay hindi mapapasakanya. :( May pamilyar na kirot nanamang gumuhit sa kanyang dibdib.