Chereads / I am a Rebound / Chapter 30 - Yen Yen's Day

Chapter 30 - Yen Yen's Day

NOTE: UNEDITED

Nakapwesto si Yen sa isang upuan sa loob ng isang Salon. Tuwing siya ay nakakaramdam ng stress ay doon niya ginugugol ang oras tuwing araw ng day off. Minsan naiisipan niya manood ng sine mag-isa, kumain sa labas nang mag-isa at manood sa mga tao sa paligid niya. Pero paborito niya sa spa.

Kapag masyadong toxic ang buong linggo, nag papa spa siya, nagpapa ayos ng buhok. Pagkatapos ay pa-whole body massage, anupa't inuubos niya doon ang buong araw niya. Ang tawag niya don ay Yen yen's day.

Sa sobrang stressfull ng buhay, sa sobrang hirap kumita ng pera, kailangan daw magkaroon ka din ng time para i-pamper ang sarili mo. Pwede ka mag gala, mag shopping, hindi naman masyadong hilig ni Yen sa shopping dahil bukod sa magastos ay napapagod siya sa kakaikot sa mall. Nakakarating lang siya doon kung kailangang kailangan. O meron lang talaga siyang kailangang bilhin..

Mas gusto niya sa spa. Doon kase siya nakakapag relax at gumaganda pa. Paglabas niya ng salon ay magaan ang pakiramdam niya. Burado ang stress ng buong linggo. Para sa kanya ay malaking bagay na maayos ang iyong itsura, kahit mahirap ka basta maganda ka, pak na pak na! Hindi na halatang wala kang pera.

Ang talino naman ay given na iyon. Sa school lang madalas nano-notice yon. Hindi naman ginagamit ang calculus sa tunay na buhay. Hindi rin naibibili o nakakakuha ng VIP pass ang medalya. Kahit matalino ka kung pangit ka, doon ka sa likod at huwag kang makulit ang eksena. ( joke yon tumawa ka.) Diskarte pa rin at sipag.

Habang inaayos ang kanyang buhok ng suki niyang beki, ang manikurista naman ay naglilinis ng kanyang mga kuko sa paa. Palaging paa lang ang pinalilinis niya. Hindi niya pinagagalaw ang kamay niya. Ayaw niya dahil abot niya naman ito. Kaya naman niyang linisin. At mabilis lang mabura ang nail polish sa kamay. Sayang ang bayad.

Naisipan ni Yen maglaro sa kanyang cellphone. At dahil may wifi sa salon, binuksan niya din ang kanyang FB na napakatagal nang panahon na hindi niya nasisilip. Pantanggal lang ng inip.

Andami niyang messages. Taon na ang tinagal noon at hindi niya pa rin nababasa.Yung karamihan ay mga holiday greetings pa. Hindi talaga siya nagbubukas ng FB. Dahil bukod sa nakakapuyat ito ay tamad siyang magload dahil wala naman siyang boyfriend. At wala naman siyang ibang kinokontak kundi ang parents na kinsenas katapusan niya lang natatawagan. Andami din ng friend request. Inuna niya itong tingnan at inisa-isa. Karamihan sa mga ito ay mga kaklase niya. Mga katrabaho, mga bagong kakilala.... lahat ng kilala niya accept niya.

Nangunot lang ang noo niya sa huli.

Jason de Chaves sent you a friend request.

Dali dali niya itong pinindot. Ayon sa date ay kanina lang ito. Bigla siyang na-curious. Bakit naisipan nitong isearch siya. Tiningnan niya ang account nito. Binusisi kung anong bago. Hinanap ang picture nila ni Trixie. Wala na ito doon. Nakaramdam nanaman siya ng kaba? Hindi ba sila nagka-ayos ni Trixie? Tiningnan ang mga status ni Jason. Mga tagged pictures lang. Kasama ang mga katrabaho, mga kaibigan at kapatid. Walang picture ni Trixie.

Tiningnan ang status.

Single.

Nakadama naman siya ng konting tuwa.

Scroll up..

Scroll up...

DARATING DIN ANG ARAW NA MAKIKITA DIN KITA. 😎😎😎

Eh? Sino hinahanap nito??

Scroll up...

Scroll up...

PAG PARA SAYO, PARA SAYO..

???

Kinakabahan si Yen.

Hindi niya alam kung bakit.

Posible ba na magkita sila ulit? Hindi kaya siya yong tinutukoy nitong makikita nito ulit? Siya kaya yon??

Echoserang frog ka Yen. Masyado kang assuming. Wag ka ngang mag isip nang kung anu-ano. Pinapaasa mo nanaman ang sarili mo. Tapos anu?Lalo kang mababaliw?? Ang sabi ng kanyang konsensiya.Oo...madalas niya nang kinakausap ang kanyang konsensiya ngayon.

Si Jason ang pangarap niya. Kaya talagang palagi siyang uma-asam na sana ay bumalik ito. Si Jason ang gusto niya. Kaya nga hanggang ngayon ay wala pa rin siyang jowa dahil pag baka bumalik ito. Baliw na kung baliw! Totoo naman.

Umaasa siya.

Iniisip niya na baka pagkakamali lang ang lahat 3 years ago.

Iniisip niya na baka hindi naman si Jason ang katext niya noon.

Alam niyang imposible pero naiisip niya pa rin.

Baka may nangyari lang dito na hindi maganda nong araw na iyon.

Duda din kase siya na hindi magsasabi si Jason ng personal.

Gayunpaman, nagsabi kase siya dito.

Na kung ayaw niya na ay magsabi. At kung hindi masabi ay kahit itext nalang. Kaya pinaniwalaan niya nalang.

Isa pa, tuluyan itong hindi nagparamdam pagkatapos non. Wala na siyang balita dito maliban nong araw na nalasing siya at inuwi nito sa bahay nito.

Hindi naman niya nakausap dahil wala na ito nang magising siya. Hindi kaya sinubukan din siyang kontakin nito???

Dahil sa mga isiping iyon, agad niya nalang inaccept ang friend request. Tanda niya noon na inunfriend niya si Jason dahil ayaw niya na makikita pa ito. Ayaw niya makakita ng mga bagay na magpapa-alala dito. Ngunit kahit ganon, hindi pa rin naman ito nawala sa isip niya.

Ngayon heto siya, aasa nanaman.

Mag a-abang siya kung mag me-message ito. Mangu-ngumusta kaya? At least kahit papano ay may source na siya para makasagap ng kahit konting balita lang.

Naisip niya...Hindi naman siya nagpapalit ng contact number. Kung talagang gusto siya nitong kontakin, tatawag ito.

Pano ka tatawagan eh yung phone mo lagi naman nakapatay? Minsan mo nga lang mahawakan yan. Sabi ulit ng kanyang konsensiya.

Naisip niya, posible kayang tinawagan siya ni Jason? Hindi lang siya nakontak dahil patay ang phone??

Walang silbi ang phone kay Yen. Madalas ay nasa bag niya lang ito. Minsan nga ilang araw ito sa bag niya at nakakalimutan niyang icharge. Naaalala lamang niya ito kapag meron siyang inaasahang tawag. O kailangan niyang tumawag sa kanila.

Matagal na siyang ganon.

Sa sobrang subsob din sa trabaho ay halos umuuwi nalang siya sa bahay niya para lang matulog. Pag gising ay magtatrabaho ulit. Paulit-ulit. Wala na nga halos social life si Yen.

Pero pinili niya yon. Dahil sa trabaho ay hindi sumasagi sa isip niya si Jason.

Talagang sinanay niya ang sarili niya noon na huwag masyadong gumamit ng phone. Dahil sa tuwinang hawak niya ito ay nati-tempt lang siya na kontakin si Jason.

Oo, maraming beses niyang iniwasan na tawagan at itext ito. Sinupil niya ang sarili sa pag gawa ng paraan para magkaroon sila ng komonikasyon. Ang rason, ayaw na niyang abalahin pa ito. At nais na lamang niya na makita itong masaya. Para lang matorture sa sakit.