Chereads / I am a Rebound / Chapter 31 - Emergency Contact Person

Chapter 31 - Emergency Contact Person

Kakapalit ni Yen ng kanyang pantulog.

Humarap siya sa salamin at umikot ikot.

Siyang-siya siya sa suot niyang spongebob na pajama.

Bakit ba maraming nahuhumaling kay spongebob?

Umupo siya sa harap ng salamin at sinuklay ang bagong kulay niyang buhok.

Tuwang tuwa naman siya at gandang ganda dito. Nangingiti siya sa kanyang emahe sa kanyang salamin. Magaling talaga ang baklang yon sa isip ni Yen.

Pagkatapos sipatin ang sarili ay inayos niya ang kanyang higaan at pumwesto na para mahiga at matulog. Bago humiga ay umusal muna ng maiksing dasal at pagkatapos ay biglang tumunog ang kanyang cellphone.

Kumunot ang noo niya sa number na nakarehistro sa screen. Sa wari niya ay landline ito. Gayunpaman sinagot niya pa rin.

" hello?"

" good evening ma'am, Ms. Yen Reyes?"

" Yes? "

" inform ko lang po kayo, si De Chavez po ay sinugod namen sa hospital."

Kumunot ang noo ni Yen.

" De Chavez??"

Gumuhit nanaman ang ang kaba sa kanyang dibdib.

" Ay ma'am kase po ay kayo ang emergency contact person sa details ni Sir. Kaya po kayo yung tinawagan namen. " sagot ng nasa kabilang linya.

Gulong gulo ang isip ni Yen? Hindi niya maintindihan kung bakit? Anong nangyayari? May magulang naman ito at hindi naman siya asawa. Pwede ba yon? Lalong nagusot ang kilay niya.

" BAKIIIIT??"

" Ah ma'am baka meron nalang po kayong contact ng kaanak niya po pwede po pakisend nalang po or paki-paabot po. Kawawa naman."

" Jason ba?" sa wakas ay naitanong niya din. Nais niya pa rin masigurong si Jason nga ito.

" Yes po. Jason De Chavez po."

" Saang ospital po? Papunta na po ako."

" St. Cabrini Med po. Dito sa Batanggas."

" Ok copy." sagot ni Yen.

" Thank you" habol niya pa.

Matapos ibaba ang phone ay agad siyang nagbihis at gumayak.

Nagpaalam siya kay Manang Doray pagkatapos ay inilabas ang kanyang sasakyan. Matagal tagal na din siya di nakakalabas na gamit ito.

Bago makarating sa ospital ay nag drive tru muna siya sa isang fastfood na paborito ni Jason. Ewan niya lang kung paborito niya pa rin ngayon. Nag take out siya ng paborito niyang kainin. May nadaanan din siyang nagtitinda ng prutas sa daan. Bumili siya ng ilan para makakain ito.

Pag pasok niya sa ospital dahil gabi na ay sinita siya ng gwardiya doon.

" wala pong kasama si Jason De Chavez. Kaka-admit lang po niya at kakatawag lang saken ng nurse nila sa clinic." wika ni Yen dito.

Tumango naman sa kanya ang guard at itinuro ang daan. Sa nurse station ay itinanong niya kung saan ang kwarto ni Jason.

" Room 203 5th floor po." sagot ng nurse.

Habang sakay ng elevator ay sumigid nanaman ang kaba sa dibdib niya. Sa tagal ng panahon ay muli silang magkikita. Napapa-iling siya sa ginawa nito. Bakit siya ang ginawang emergency contact person?

Naloloka siya talaga kakaisip. Anong kabaliwan ba ang pumasok sa isip ni Jason. Ang alam niya kase ay legal wife o parents ang nilalagay doon.

Ting!

Bumukas ang elevator nasa 5th floor na siya. Private rooms? Sa lawak nito ay hindi niya alam kung aling dereksiyon ang kanyang pupuntahan. Kaya naman nagtanong siyang muli sa nurse station sa palapag na iyon.

Pagkatapos siya nitong ituro ay nakita naman niya ito kaagad. Nasa harap siya ng pinto nito.

Nakatayo lang.

Mga limang minuto siguro siyang nakikipag talo sa kanyang konsensiya kung tutuloy ba siya o uuwi nalang?

Loka ka pagkatapos mong mag drive ng ilang oras? Eto na't bubuksan mo nalang ang pinto, naduduwag ka pa? Sabi nanaman ng kanyang konsensiya.

Dahil hindi din biro magdrive ng ganon kalayo, marahan siyang kumatok. Walang sumagot kaya dahan dahang pinihit ni Yen ang siradura ng pinto. Palakas nang palakas ang kabog ng dibdib niya. Pero nandoon na siya. Magkikita na sila. Bahala na.

Dahan dahan ay itinulak niya ang pinto at sumilip. Bumulaga ang namumutlang mukha ni Jason na nakaupo sa kama nito. May swero na nakakabit sa kanyang kaliwang kamay. Kasalukuyan itong may salpak na nebulizer sa bibig.

Gulat na nakatingin lamang ito sa kanya.

Hindi malaman ni Yen ang gagawin. Naibagsak niya ang mga bitbit sa lamesang malapit sa kama nito. Wala siyang masabi. Natameme siya.

Pagkalapag ng mga dala-dala ay tumayo siya sa harapan ni Jason.

" Upo ka." itinuro nito ang kanyang kama.

Walang sali-salitang sumunod si Yen. Naupo siya sa tabi nito. Sa gawing kanan. Inilipat nito ang pagkakahawak sa nebulizer niya sa kamay niyang may nakakabit na dextrose. Pagkatapos ay kinuha nito ang kanyang kamay.

Walang salita.

Hinayaan lamang ito ni Yen. Ang dibdib niya ay tila napuno ng init. Ang lahat ng lungkot at biglang nawala at tila ba isang ligaw na batang nakauwi sa tahanan niya sa wakas.

Pinipisil pisil ni Jason ang kanyang kamay. Inilagay ito sa tapat ng dibdib na animo'y niyayakap. Ramdam ni Yen ang pintig ng puso nito. Nanatili itong ganon ng ilang sandali.

Nang maubos ang gamot sa nebulizer ay agad na inayos ito ni Jason at itinabi. At muli itong bumaling sa kanya.

Mataman lamang itong nakatitig kay Yen. May maliit na ngiting napagkit sa labi nito. Hinalikan nito ang kamay niya. Pagkatapos ay maluha luha itong yumakap.

" I miss you" sa wakas ay nabasag ang katahimikan nang magsalita ito.

Yumakap din si Yen pabalik. Hindi na niya pipigilin pa ang sarili niya. Nandito na si Jason. Hindi na ito panaginip. Pero pinigil niya ang kanyang mga luha.

" kailangan ko lang pala magkasakit para tayo magkita ulit." nakatawang sabi ni Jason.

Nagulat talaga siya nang makita si Yen. Pero nong naalala niya na contacts ni Yen ang inilagay niya sa I.D niya, natawa nalang siya. Na-hire siya sa kumpanyang iyon habang mag nobyo sila ni Yen. Kaya si Yen ang inilagay niya doon. Hindi niya din naisip na mangyayari ito. Marahil ay si Yen ang tinawagan ng clinic nila. Hindi na din kase siya makausap kanina nang isugod siya sa ospital. Pero ang ikinatuwa niya talaga ay pumunta ito at hindi nagtawag ng iba.

" ako din nagulat kung bakit ako ang tinawagan ng clinic niyo." wika ni Yen.

Ngumiti na lamang si Jason. Hinapit siya at niyakap at binigyan ng magaang halik sa may malapit sa sintido. Magkatabi kasi sila.

Hawak pa rin ni Jason ang kamay ni Yen.

May kislap ang mga mata nito. Kahit na hindi ito magsalita ay makikita at madadama mo ang saya nito.

" thank you..." sabi ni Jason.

" kumain ka na ba?" tanong ni Yen kay Jason. Alam niyang hindi pa dahil ang rasyon na nasa lamesa ay hindi pa nito nakukuha.

Inilapit ni Yen ang lamesa dito. Pinapili kung ano ang gusto.

" rasyon o yung dala ko? "

" ikaw" sagot nito.

" siraulo! alin nga??" natatawang sabi ni Yen.

" susubuan mo ako?" inarte naman ni Jason.

" mukhang hindi naman grabe ang sakit mo."

Sumimangot naman ang lalaki.

" oo na! alin ba gusto mo?" natatawang sabi ni Yen.

Pinili nito ang dala ni Yen. Di hamak na mas masarap naman talaga kase iyon kaysa sa rasyon. Sinubuan nga ni Yen ni Jason. Namiss niya ito nang sobra. Ilang taon na hindi niya nakasama. Bawi nalang niya yung alagaan niya ito ngayon. Kaya nga lang ay nilubos lubos naman nito ang pagpapa bebe.

Nagpabalat ng mansanas.

Nagpasubo ulit.

Magdamag silang nagkukulitan na tila ba walang nangyaring paghihiwalay.