Nakita ni Jason ang dahan-dahang pagpatak ng luha ni Trixie? Kumunot ang kanyang noo. Ayaw niyang makakita ng babaeng lumuluha. Lumalambot ang puso niya. Ginawa niya ay tumagilid at humarap sa kabilang direksiyon para di nito makita ang kanyang reaksiyon.
Naaawa siya kay Trixie. Hindi niya maintindihan kung bakit nagpupumilit pa itong magsumiksik? Kung sana ay hindi na niya ito nakikita ay matagal na sana niyang nakalimutan ito. Ang mga masasayang ala-ala nila na tila isang magandang panaginip na nauwi sa bangungot. Ang gusto niya sana ay tuluyan na itong kalimutan. Subalit simula nong gabing iyon na tinext nito si Yen ay hindi na siya nito tinantanan.
Kahit noong nasa ospital pa ang kanyang ina ay araw-araw pa rin itong pumupunta. Tila ito anino na sunod nang sunod kung nasaan man siya. Sa kabilang banda, kung hindi nga lang sila nagkasira ay baka ito talaga ang nagsilbing karamay niya sa mga panahong hirap siya. Kahit noon pa namang mga estudyante palang sila. Si Trixie palagi ang karamay niya. Kay Trixie siya nagsusumbong ng mga sama ng loob sa kanyang ama. At ito naman ang nagpapagaan ng pakiramdam niya. Kadalasan ay mauuwi sila sa kama.
Ang sabi ni Trixie ay mainam daw na pantanggal ng stress at lungkot iyon. Hindi katulad ni Yen, si Trixie ay hindi na birhen nung unang may mangyari sila. Marunong ito. Ito pa nga ang nagturo sa kanya humalik. At kahit gaano kadalas ang kanilang pagtatalik, ay hindi ito nabubuntis.
Binalak na nila noon magkaroon ng anak. Subalit hindi ito nangyari. Naipundar na niya ang bahay niya, pinaganda niya iyon. Nangarap siya ng masayang pamilya. Tapos malalaman niyang yung babaeng pinakamamahal niya ay nakikipag talik sa iba.
Parang napompiyang ang kanyang ulo nang nalaman niya ito. Nayurakan ang kanyang pagkalalaki. Mabuti na lamang at hindi pa sila nakakasal. Kaya karapatan niya din naman siguro na magalit. Subalit sa halip na magalit ay nagmaka-awa siya dito. Hinabol niya ito. Pinilit niyang bumalik. Inaraw-araw niyang suyuin pero hindi man lang siya pinansin. Hanggang sa napagod siya. At dumating si Yen.
Ang gusto niya ay huwag na itong makita. Tanggap na niya ang nagawa nito. Pero kung napatawad na ba ay hindi niya pa rin matukoy kung oo o hindi. Dahil sa tuwinang nakikita niya ito ay naaalala niya ang sakit na dinulot nito sa kanya.
Nainsulto ang kanyang pagkalalaki sa ginawa nito. Pagkatapos siyang talikuran at ipagpalit sa iba ay babalik sa kanya na parang maamong tupa. Ngayong hindi siya naging masaya sa lalaking sinamahan niya ay babalikan siya para ano? Para pag hindi siya ulit maging masaya ay lalayasan niya ulit at sasaamang muli sa kung sino ang magbibigay ng ikaliligaya niya? Ano ba ang tingin nito sa kanya? Anong klasemg babae ba siya?
Minahal niya ito ng sobra. Higit pa sa buhay niya. Ginawa niya itong mundo niya. Pero hindi ito naging masaya. Anong rason para humanap ng iba? Dahil lang abala siya sa paghahanda para kinabukasan nila? Napaka-unfair niya.
Hindi naman siguro masamang piliin niya naman ngayon ang kanyang sarili. Hindi naman siguro masama na piliin niya din na maging masaya. Pero hindi din madali para sa kanya na itaboy ito. Una sa lahat ay minahal niya din naman ito talaga. Pangalawa, hindi niya alam kung papano ito itataboy.
Hindi niya alam kung napatawad na niya ito. At hindi niya rin alam kung kaya niya itong patawarin. Pero ayon kay Yen, pagpapatawad lamang daw ang susi para daw maging masaya siya ulit. Pag nagpatawad daw siya ay baka maaaring maging mas masaya sila. Pero pano si Yen?
Alam ni Jason na malaki na ang puwang ni Yen sa puso niya. Yung tatlong taon na hindi niya ito nakita ay hindi ito nawala sa isip niya. At noong nakita niya ito muli ay nandoon ang pananabik na mayakap itong muli. Si Yen na walang ginawa kundi unawain siya at mahalin.
Sabi nito, pinahihintulutan daw ng Maylikha na mawala ang mga taong mahalaga saiyo para subukin ang iyong katatagan. Subalit ang bawat nawawala daw ay napapalitan ng mas mainam.
Nawala si Trixie...
Dumating si Yen.
Hindi niya maiwasang ipagkumpara ang dalawa. Subalit sa dulo ay Yen pa rin ang nangunguna. Hindi niya kailangang malito. Dahil malinaw na dapat sa kanya na si Trixie ay hindi karapat dapat. Pag pinatawad niya ito at binigyan niya ng pagkakataon ay baka ulitin lang nitong muli ang ginawa nito. Hindi naman siya ganoon katanga para magpaloko.
Nalilito siya??
Bakit??
Kunwari ay ipinikit ni Jason ang kanyang mga mata.
Naputol ang pagmumuni muni niya nang dumating ang nurse at sinabing maari na siyang madischarge.
Habang nasa biyahe pauwi ay naalala niya si Trixie. Hindi na niya namalayan ang pag alis nito. Hindi na siya nagtanong tungkol dito dahil iyon naman talaga ang kanyang gusto. Mawala ito sa paningin niya. Kung pwede nga lang niyang sigawan ito at palayasin ng hayagan ay ginawa niya na. Pero hindi naman siya ganoon kasama.
MAHAL KO O MAHAL AKO
KZ Tandingan
Dalawa kayo sa buhay ko
At ako ngayon ay kailangan nang mamili
Isa lang ang maaari
Alam mong narito ako
Lagi para sa iyo
Mahal kita nang labis
Ngunit iba ang iyong nais
At siya'y narito
Alay sa 'ki'y wagas na pag-ibig
Dahil nalilito
Litong-litong-lito
Sino ang iibigin ko?
Ikaw ba na pangarap ko?
O siya bang kumakatok sa puso ko?
Oh, ano'ng paiiralin ko
Isip ba o ang puso ko?
Nalilito-litong-litong-lito
Sino'ng pipiliin ko?
Mahal ko o mahal ako
Kahit 'di ako ang mahal mo
Kung mananatili ako sa'yo
Ay baka matutunan mo rin
Na ako'y iyong ibigin
At kung sadyang s'ya'y tapat
Baka sakaling pagdaan ng araw
Matutunan ko rin ang ibigin s'ya
Sino ang iibigin ko?
Ikaw ba na pangarap ko?
O siya bang kumakatok sa puso ko?
Oh, ano'ng paiiralin ko
Isip ba o ang puso ko?
Nalilito litong-litong-lito
Sino'ng pipiliin ko?
Ang nais ko ay maranasan
Ang umibig at masuklian din ng pag-ibig
Sino ang iibigin ko?
Ikaw ba na pangarap ko?
O siya ba?
Oh, ano'ng paiiralin ko
Isip ba o ang puso ko?
Nalilito-litong-litong-lito
Litong-litong-lito
Sino'ng pipiliin ko?
Mahal ko o mahal ako
Natigilan si Jason sa kantang pumapailanlang sa kotse. Bahagya siyang nangiti nang marealize ang kanyang sitwasyon. Naisip niya na hindi lang naman siya ang dumanas ng ganon.
Muli niyang naalala si Yen.
" ang lahat ng dinanas mo ay naranasan na rin ng iba. Kaya hindi mo dapat dinidibdib. May likod ka pa."
Tuluyan siyang napangiti sa naalalang punchline ni Yen.
Si Yen ay seryoso magsalita. Kahit nagbibiro ito ay seryoso pa rin ang mukha. Pag naunawaan mo ang sinabi niya, saka mo lang maiisip na nagbibiro siya. Pag si Yen ang nagbiro mag iisip ka muna kung tatawa ka ba.
May pagkakataon na nagbibiro ito. Tumatawa...pero pag pinakinggan mo ang biro niya ay may laman pala.
Kakaiba siya talaga.